You are on page 1of 4

Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa Filipino Grade 8

Pangalan: ___________ Petsa: ___________


Pangkat : ___________ Guro: ___________

I.A Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ilalim nito.
Ofelia:
Nanghihinayang ang kuripot na katalo ko
Sa nagawang paglilingkod na katumbas niya’y suweldo.
Alam mo ba yaong bagay na ginawa noong tao
Ay siyang higit na matibay kaysa yari ng tekniko?
Ang isa pang mahalaga na dapat na malaman mo,
Ang daigdig ay iingay sa pag- unlad ng panig mo.
Pablo:
Ngayon ako nagsisisi bakit ako nakapatol
Sa makatang si Ofeliang naiiwan ng panahon.
Di ka pala nararapat na lumakad ng pasulong,
Pagkat habang nagtatagal, tumatanda nang paurong.
Umurong ka hanggang doon sa una pang panahon
Na bato ang ginagawa’t ginagamit na palakol.
Ofelia:
Kung dumami ang makina’y mapupuno iyang hangin
Ng usok na ibibiga ng lason sa buhay natin
Pati tubig ay maaaring madamay nang hindi pansin
Nang dahilan sa pabrikang itatayo rin.

Piliin ang tamang hinuha para sa mga sumusunod na taludtod batay sa akdang binasa. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Alam mo ba yaong bagay na ginawa ng tao,
Ay siya ring higit na matibay kaysa yari ng tekniko?
a. Ang magagawa ng teknolohiya’y maaari ring gawin ng tao.
b. Higit na mahusay pa rin ang gawa ng tao kaysa sa mga imbensyon.
c. Pawang kabutihan ang idinudulot ng modernisasyon.
d. Mabuti pang puro teknolohiya na lang ang asahan ng tao.
2. Sa ikatlong saknong, masasabing
a. Dahil sa makabagong teknolohiya, maaari ring lumikha ang tao ng hangin at usok.
b. Makabagong teknolohiya ang kailangan upang matugunan ang pangangailangan sa hangin at
tubig.
c. Dahil sa pagsulong ng teknolohiya at modernissyon ay patuloy na lumalaganap ang polusyon sa
ating kapaligiran.
d. Lahat ng nabanggit.
B.
Ako’y Makabago
Ako’y makabago, samakatuwid ako’y mapag- alinlangan. Ayoko ng dogma, maliban sa dogma
ng palatimbangan at palasukatan kung ako ang kinauukulan. Ayokong ako’y magapos ng batas o
anumang tuntunin. Ang ibig ko’y kalayaan. Ayokong ako’y alipin, maliban kung ako’y alipin ng sarili
kong kapritso at pagkabantilaw. Sa akin ang anumang paniniwala ay tanikala, maliban sa paniniwala
kong ito lamang ang tanikalang magpapalaya.
Ako’y makabago, samakatuwid ako’y isa sa mga tagasuob ng kamanyang sa dambana ng
siyensya. Siyensya ang tanging pag- asa ng daigdig, wala ng iba pa. Siyensya lamang ang tanging
makapangyarihan. Ano mang bagay na walang basbas ng siyensya ay walang halaga, walang bisa.
Ako’y makabago, samakatuwid ako’y progresibo. Ang progreso ay batay lamang sa pagmalas
ko. Bawat “kahapon” ay masama, bawat “ngayon” ay mabuti. Ang martes ay nakahihigit sa Lunes; Ang
Miyerkues sa Martes; Ang Huwebes sa Miyerkules.
Rufino Alejandro
3. Ang unang talata ay nagpapahiwatig ng:
a. Mahilig sa mga bagon gamit
b. Makabago at malaya
c. Matigas ang ulo
d. Walang pakialam
4. Siyensya ang tanging pag- asa ng daigdig, wala ng iba pa. Siyensya lamang ang tanging
makapangyarihan. Ano mang bagay na walang basbas ng siyensya ay walang halaga, walang bisa.
Mahihinuhang ang nagsasalita ay:
a. Matagumpy na siyentista
b. Siyensya ang daigdig na ginagalawan niya
c. Lubos na naniniwala sa kahalagahan ng siyensya sa daigdig
d. Ang daigdig ay para sa siyensya
5. Ang binasang teksto ay halimbawa ng sanaysay na:
a. Naglalarawan
b. Nangangatwiran
c. Nagsasalaysay
d. Nang- eengganyo

II. A. Kilalanin ang mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Natuklasan niya ang tinatawag na pag- ibig sa tinubuang lupa.
a. Asyas b. Danding c.Lolo Tasyo D. Tiya Juana
7. Ito ang tauhang gumagalaw sa akda na tinatawag na bida.
a. Antagonista b. Bilog c. Lapad d. Protagonista
8. Ito ang tauhang nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait.
a. Antagonista b. Bilog c. Lapad d. Protagonista
9. Ang kasintahan ni Julia na naghimagsik laban sa mga kastila upang ipaghiganti ang kanya ama.
a. Danding b. Tasyo c. Tenyong d. Tony
10. Ang paring nagsilbing sinag sa karimlan sa buhay ni Tony habang siya ay nasa bilangguan.
a. Padre Abena b. Padre Damaso c. Padre Fausto d. Padre Salbi

B. Tukuyin ang hinihinging impormasyon. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. Lupang Tinubuan: ___________
a. Balagtasan b. Maikling kuwento c. Sanaysay d. Talumpati
12. Kilala rin bilang Lola Basyang
a. Genoveva Edroza- Matute b. Manuel L. Quezon c. Narciso G. Reyes d. Severino Reyes
13. Ito ay salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan at panghalip
a. Pangatnig b. Pangngalan c. Pang- ukol d. Pang- uri
14. ___________: Dionisio Slazar
a. Lupang Tinubuan b. Sinag sa Karimlan c. Walang Sugat d. Wikang Pambansa
15. Piliin ang tama:
a. Panahon ng Amerikano: Wikang Pambansa
b. Panahon ng Ksarinlan: Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan
c. Panahon ng Kasarinlan: Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
d. Panahon ng Komonwelt: Walang Sugat

III. A. Pagtapat- tapatin. Suriin sa Hanay A ang ilang anyo ng panitikan, hanapin sa Hanay B ang
kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____16. Balagtasan a. Isang anyo ng dulang musical na unang umunlad sa


Espanya noong ika- 7 siglo
_____17. Sarsuwela b. Akda na nagtataglay ng isang kakintalan ng isang
Pangunahing tauhan.
_____18. Sanaysay c. Sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay
Naglalarawan ng 1 kawil na pangyayari sa tao.
_____19. Maikling kuwento d. Pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
_____20. Dula e. Nasa anyong tuluyan, nagpapahayag ng sariling saloobin,
Kuro- kuro at damdamin na kapupulutan ng aral ng
Mambabasa.
B. Naiaangkop ang wastong gamit ng aspekto ng pandiwa. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____21. (alis) lang si Steven sa Twin Tower nang bigla itong gumuho.
a. Aalis b. Kaaalis c. Umalis d. Umaalis
_____22. Ipinangako ko sa aking ina na (aral) akong mabuti.
a. Kaaaral b. Mag- aaral c. Nag- aral d. Nag- aaral
_____23. Sa ngayon, (unlad) na ang Pilipinas.
a. Kauunlad b. Umundlad c. Umuunlad d. Uunlad
_____24. (inom) muna ako ng tubig dahil nauuhaw ako.
a. Iinom b. Kaiinom c. Uminom d. Umiinom
_____25. Nakikinig ka ba sa (sabi) ng iyong guro?
a. Kasasabi b. Sinabi c. Sinasabi d. Sasabihin

C. Kilalanin ang mga pahayag kung Katotohanan o Opinyon. Isulat sa patlang ang K kung katotohanan
at O kung opinyon.

_____26. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang lahat ng Senior Citizen ay may 20% diskuwento sa
lahat ng Pampublikong sasakyan.
_____27. Sa tingin ko mas uunlad tay sa susunod na taon.
_____28. Maganda ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa sarbey ng SWS.
_____29. Mas maganda si Angel Locsin kaysa kay Bea Alonzo.
_____30. Sa aking palagay, dapat dumaan sa tamang proseso ng batas ang mga naakusahan sa
paggawa ng krimen.

IV. A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Punan ang kahon ng tamang sagot ayon sa
hinihingi ng bawat aytem.
31. Tanda pa niya ang sabi ng kanilang kapitbahay na medyo nakaangat sa buhay.
32. Mula noon natiim na sa kanyang isipin na kailangan niyang matutong magtrabaho upang hindi
maging Kapos- palad habambuhay.
33. Masasabing ang lanzonesan ang naging silid- aralan ni Mang Teryo upang siya’ y matuto.
34. Taos- puso niyang ipinamamahagi ang mga teknolohiyang ito sa ibang kapwa magbubukid.
35. At kahit makamit ang tagumpay at kaunlaran, marunong pa rin siyang magtipid hindi ubos- biyaya.

Tambalang Salita Uri ng Tambalan Kahulugan ng Salita


31    
32    
33    
34    
35    

B. Basahin ang teksto at tukuyin ang mga pang-uri sa loob nito. Itala ang mga ito sa ilalim ng angkop na
kayarian ng pang- uri. (36- 40)
“Hay, hirap talagang maging gwuapo! Eh kasi naman wala na ata akong privacy, kahit saan ako
pumunta hinahabol ako ng maraming chicks. Sabi nila ang mapungay kong mga mata ay gaya kay Coco
Martin. Ang kutis- porsela kong balat at parang kay Dingdong Dantes galing, sa biglang tingin naman
daw ay sintaas ko si Zanjoe Marudo. Kung sabagay, poging- pogi din ang pakiramdam ko sa tuwing
titingin ako sa salamin, para kasing nakikita ko si Daniel Pdilla. Naks naman oh! Mag- artista kaya ako!”
...oh...oh... “Sino kaya itong kanina pa tapik nang tapik?”
“Hoy, Kulas!..... Gumising ka na!... Tanghali na ! ... Linisin mo na ang babuyan at kanina pa
nangangamoy!”
“Ay si nanag pala... Sayang ... ginising na agad ako... ahuh!!!”

Payak Maylapi Inuulit Tambalan


       
       
       
       
       

V. Paglinang ng Talasalitaan
A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga may salungguhit na salita sa bawat pangungusap. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
41. Maging si Solomong kilabot sa dunong, dito’y masisira sa gawang paghatol.
a. kaalaman b. Kamangmangan c. Katatakutan d. Katatawanan
42. Dito natunayan yaong kawikaan, na ang paglililo’y nasa kagandahan.
a. pagdamay b. Paghanga c. Pagmamahal d. Pagtataksil
43. Huwag mangamba... ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama.
a. pagdamay b. Pagkasiphayo c. Pangako d. Pananagutan
44. Nagtungo siya sa tindahan upang bilhin ang aking minindal.
a. almusal b hapunan c. Miryenda d. Tanghalian
45. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon.
a. maalala b. Maikuwento c. Masabi d. Maunawaan

B. Ibigay ang kasalungat ng mga salita.


46. kabigatan: ___________
a. Kagaanan b. Kaalwanan c. Kaaliwalasan d. Kasukalan
47. pabayaan: ___________
a.Ipagtabuyan b. Patuluyin c. Alagaan d. Patulugin
48. panganib: ___________
a. Peligro b. Kaligtasan c. Risko d. Dahas
49. nakasisira: ___________
a. Nakasasama b. Nakapipinsala c. Nakabubuti d. Nakabubuo
50. ipinagtapat: __________
a. Ipinagsabi b. Ipinatalastas c. Ibinulgar d. Inilihim

You might also like