You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Butuan City
East Butuan District II
TAGKILING TRIBAL INTEGRATED SECONDARY SCHOOL
Tagkiling, Anticala, Butuan City

FILIPINO 10
Unang Markahan

Pangalan:___________________________________________________Iskor:________________
I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan lamang ang titik.
1. Bakit pinarusahan ni Zeus si Prometheus?
a. Dahil pinakain niya ang mga tao.
b. Dahil tinuruan niya ang mga tao kung paano magnakaw.
c. Dahil ninakaw niya ang apoy upang ihandog sa mga tao.
d. Dahil nakiisa siya sa mga tao.
2. Sino ang may-akda ng “Ang Prinsipe”?
a. Niccolo Machiavelli c. Nicholas Tesla
b. Pierre Bourdieu d. Lester De Laza
3. Ano ang dalawang paraan ng pakikipagtunggali ayon sa sanaysay na “Ang Prinsepe”?
a. Batay sa lakas at batas c. Batay sa puso at isip
b. Batay sa panloob at panlabas d. Batay sa porma at nilalaman
4. Sa parabola ni Aesop, ano ang ginawa ng Athenian upang makaligtas sa masamng panahon sa
gitna ng karagatan?
a. Lumanagoy hanggang sa baybayin c. Humingi ng tulong sa mga kasama sa barko
b. Nagdasal kay Athena at nangakong sasamba rito d. Nagsayaw at kumanta
5. Paano mo gagamitin ang iba’t ibang panandang diskurso?
a. Upang maging sistematiko ang pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng ideya.
b. Upang magkaroon ng hubog ang akda.
c. Upang medaling maunawaan
d. Upang maging maganda ang sulatin
6. Paano makakamitang sosyolohikal na imahinasyon ayon kay C.W. Mills?
a. Kapag inisip ng tao ang kasaysayan
b. Kapag nagkaroon ang tao ng kamalayang iugnay ang sariling karanasan sa kasaysayan ng daigdig.
c. Kapag tumutlong sa lipunan.
d. Kapag minahal na ang bayan.
7. Ano ang maaring manyari kung hindi isasaalang-alang ng mag-aaral ang halaga sa kapwa ng
gagawing blog?
a. Magiging maganda ang blog. C. mas malalalim ang kahulugan ng blog
b. Magiging napapanahon dahil personal d. mawawalan ng saysay ang blog
8. Paano isasagawa ang proseso ng pamimili ng paksa para sa blog?
a. Isaalang-alang ang personal na mga interes.
b. Isaalang-alang ang magiging kabuluhan nito sa ibang tao
c. Dapat kapana-panabik ang paksa.
d. Dapat medaling sulatin ang paksa.
9. Bakit diskorsal ang katangian ng komunikasyon sa online workshop?
a. Dahil nakapaglalahad ka ng mga bagong ideya mula rito.
b. Dahil interaktibo ito at pinapatas ang kritikal na pag-iisip sa pagbibigay-puna sa nababasa.
c. Dahil sa internet ito
d. Dahil napapanahon ang mga paksa at nakaktulong ka sa klase
10. Bakit naging simbolo ng paglaya ng kaisipan at pagtukla ng kaalaman si Prometheus?
a. Dahil ang alay niyang apoy ang naging daan upang makatuklas ng iba’t ibang pamaraan sa
pamumuhay ang tao.
b. Dahil tinuruan niya ang tao kung paano ipaglaban ang kanilang karapatan
c. Dahil nagsakripisyo siya para sa tao.
d. Dahil nagnakaw siya kay Zeus na alam niyang makapangyarihan
11. Ito ay isang naratibong komposisyon na may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga
pangyayari.
a. Pagbasa b. pagsasalaysay c. pagkukuwento d. pakikinig
12. Ito ay tradisyunal na pantasya at kababalaghan na karaniwang tumatalakay sa diyos at diyosa/
a. Mitolohiya b. Epiko ` c. maikling kuwento d. nobela
13. Si Jessa ay naghatid ng impormasyon kay Joey gamit lamang ang body language ito ay?
a. Chronemics b. Proxemics c. Oculesics d. Kinesics
14. Palaging tumitingin sa orasan si Pharsa ito ay?
a. Chronemics b. Proxemics c. Oculesics d. Kinesics
15. Habang nagtuturo si Lesley ay malaki ang espayo sa pagitan ng mga mag-aaral.
a. Chronemics b. Proxemics c. Oculesics d. Kinesics
16. Tumutukoy sa samo’t saring galaw ng mata at ang kahulugan nito.
a. Chronemics b. Proxemics c. Oculesics d. Kinesics
17. Ito ay tumutukoy sa mga pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan?
a. Argument b. proposisyon c. lohikal d. diskurso
18. Hindi nababagay ang isang alipin tulad ni Rhodopis sa Pharoah.
a. Nararapat b. natutulad c. nakakaramay d. naayon
19. Ito ay nagsisimula sa pook ng pinagmulan ng bayani patungo sa iba’t ibang lugar.
a. Bayani b. diyos at diyosa c. tagpuan d. lugar
20. Noong unang panahon aytalamak ang bentahan ng mga alipin sa Ehipto.
a. Laganap b. natural c. madalas d. maisalba
II. Tukuyin kung anong teorya sa kritisismong pampanitikan ang gumagabay sa sumusunod na
halimbawang bahagi ng kritisismo. Isulat ang letra sa patlang.
a. Marxismo b. Pormalismo c. Estrukturalismo d. Post Structuralism
e. Post-Colonialism d. Feminismo

____1. Ang pelikulang “Magnifico,” bagaman nagpapakita ng kahirapan, ay hindi malinaw na tumutukoy
sa tunggalian ng mga uri ng lipunan.
____2. Sa maikling kuwentong “Pina, Pina, Saan ka Pupunta?” ni Fanny Garcia, ginamit ang katawan ng
babae bilang representasyon sa pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
____3. Malinaw na ipinapakita ang tunggalian sa pagitan ng uring magsasaka at panginoong maylupa sa
maikling kuwentong “Tata Selo” ni Rogelio Sicat.
____4. Si Impen sa maikling kuwento “Impeng Negro” ni Rogelio Sicat ay labing mahabang kasaysayan
ng kolonyalismo sa Pilipinas.
____5. Ipinakita sa tulang “Ang Maging Babae” ni Ruth Elynia Mabanglo ang pansamantalang posisyon
ng babae sa loob ng tahanan at sa kabuuan ng lipunang Pilipino.
____6. Ang mga tula ni Amado Henandez hinggil sa kalagayan ng manggagawa sa Pilipinas ay mahusay
na sumasalamin sa paghihirap ng mga mangggagawa sa isang kapitalistang lipunana.
____7. Sa antolohiya ng mga panitikang bakla na “Cubao:Ang Unang Sigaw” ni Tony Perez, binabaklas
ang konstruksiyon ng lipunan sa negatibong persepsyon sa mga bakla at iginigiit ang paggalang sa
kanilang karapatan.
____8. Masasalamain sa maikling kwentong” Lugmok na ang Nayon” ni edgardo Reyes ang tunay na
mapagsamantalang kalagayan ng mga magsasaka sa kanayunan, malayo sa ipinakikita ng mga larawang
guhit ni Fernando Amorsolo.
____9. Ang mga nauusong panitikan ngayon na tumatalakay sa karanasan ng indibidwal ng tao at walang
kinalaman sa realismong panlipunan ay hindi maituturing na lehitimong panitikan.
____10. Ang awiting “Tatsulok” na orihinal na isinulat at itinanghal ng isang organisasyon ng pambansa-
demokratikong kilusan ay naglalayong ipakita ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga uri ng lipunan at
ang pangangailangang baguhin ito.
III. Bilugan ang mga salitang pantransisyon na makikita sa loob ng talata.
Nagsimula ang labanan ng mga bayani sa Mobile of Legends noon sa paghahanap ng mga
mahiwagang kristal. Mula ng pinatalsik ni Martis si Odette sa kaniyang trono, ay pumnta siya sa
kaharian ni Reyna Aurora upang humingi ng tulong. Habnag papunta sila doon ay nakahar5ap nila si
Leomord, isa sa mga kawal ni martis upang sila ay pigilan sa kanilang nais. Kasunod nito bilang isang
tagapanggol ni Odette nilabanan ni Zilong si Leomard at sahuli ay nagapi niya ito. Hindi nagtagal ay
narrating na nila ang kaharian ni Reyna Aurora. Samantala habang nilalabanan ni Alucard si Martis
ay dumating si Hayabusa upang tulungan silang magapi ang kasamaan. Sumunod nito sina Kagura,
Sun at Gatot upang wakasan ang kasmaan ni Martis. Makalipas ang maraming oras ng labanan ay
tuluyan na nilang nagapi ang hukbo ni Martis. Sa kasalukuyan ay masyang nagtitipon tipon ang mga
bayani dahil nakamit na nila ang kapayapaan.

IV. Gamit ang diyagram. Punan ang mga kahon ng mga impormasyon batay sa kritisismong
pagsusuri ng akdang pampanitikan na “Ang Handog na Poy ni Prometheus sa Sangkatauhan”

Esruktura Estilo ng Awtor

Tema

Layunin Uri ng Kritisimong Pagsusuri

V. Pagsulat ng Sanaysay
1. Sa kabila ng mga pangyayaring nganap sa nobelang madame bovary, paano mo lulutasin ang
problema ng pagkakaroon ng kalaguyo sa ating lipunan? Patunayan ang iyong sagot.

Inihanda ni: G. Alexis Joshua D. Honrejas Batid ni: G. Charito M. Lazaga


Guro Punong Guro

You might also like