You are on page 1of 4

AP M4Q4

John Carlo P. Dela Cruz


10-Baltazar

Pagyamanin: Gawain 10: “Decision-Making”

Kolum A: Isyu Kolum B: Mungkahing Solusyon

Itinatakwil si ArBen ng inyong kaklase Bilang isang marangal at mapanagutan na


dahil siya lang ang may ibang relihiyon sa mamamayan, kinakailangan kong
inyong lahat. magpakumbaba at ipaliwanag ng mahinahon
kung bakit mali ang kanilang ginagawa. Tulad
natin, si ArBen ay isa ring mamamayan sa
ating bansa, maging ano man ang kanyang
relihiyon, kasarian, itsura o kulay ng balat,
siya ay Pilipino at hindi ito magbabago
(maliban kung ipabago ito mismo ni ArBen).
At bilang kapwa mamamayan, mayroon
tayong tungkuling irespeto ang iba. Sa
katotohanan, maging ano man ang
nasyonalidad ni ArBen, may karapatan pa rin
siyang sambahin ang kahit na sinong diyos at
may tungkulin pa rin tayong respetuhin ang
kanyang desisyon sapagkat pare-pareho lang
naman tayong kapwa tao. Ang pagrespeto sa
iba sa ganitong paraan ay tinatawag na basic
human decency.

Halos araw-araw sinasaktan ang Ayon sa Republic Act 9262 o The Anti-
kapitbahay ninyong bata ng kanyang Violence against Women and their Children
amain nang walang sapat na dahilan. Act of 2004, anumang pananakit o gawain na
maituturing na domestic violence ay maaaring
parusahan ng batas. Bilang isang nag-
aalalang mamamayan, nararapat na iulat ko
sa awtoridad ang nangyayari matapos
kumuha ng sapat na ebidensya. Ngunit bago
ko ito iulat, aalamin ko muna ang buong
sitwasyon. Kung sinasaktan rin pati ang
nanay ng bata, tatanungin ko siya kung
gugustuhin ba niya ang aking tulong. Iba’t iba
ang sitwasyon ng bawat tao. Marahil ang
natatanging dahilan kung bakit hindi pa ito
inuulat ng ina sa awtoridad ay dahil ang lalaki
ang padre de pamilya at ang nag-iisang may
trabaho sa kanila. Sa gayon, magugutom at
maghihirap lamang sila kung makukulong ito.
Samakatuwid, bago iulat ang ama sa
awtoridad, kinakailangan ko munang
tumulong makahanap ng trabaho ang ina.

Subalit, kung ang bata lamang ang inaabuso,


marahil ay dapat nang iulat agad sa
awtoridad ang nangyayari sapagkat sa huli,
ang bata lamang ang magdudusa.

Malawakan na ang illegal na pagputol ng Bilang isang responsableng mamamayan,


mga punong kahoy sa kabundukan may tungkulin akong protektahan at
malapit sa tahanan ninyo. pangalagaan ang inang kalikasan. Dahil dito,
agad-agad kong iuulat ko sa awtoridad ang
ilegal na gawain.

Niyayaya ka ng iyong kaklase na sumama Nakadepende ang aking sagot sa kung ano
sa isasagawang marahas na welga laban ang ipinaglalaban ng mga tao. Subalit, kung
sa gobyerno. ang mga mamamayan ay nagwewelga kahit
na alam nila ang mga kahihinatnan nito,
maliwanag na may problema sa
pamamahala. Ganunpaman, magsisiyasat
ako ng sarili kong research at aalamin ang
lahat ng mayroon tungkol sa isyu.
Pagkatapos ay huhusgahan ko kung sino ang
nasa tama o mali. Natural lamang na ako’y
papanig sa tama ngunit hindi lagi ganon
kasimple ang mga bagay. Maaring sadyang
nakatali lamang ang kamay ng gobyerno
kaya hindi nila magawa ang hinihiling ng
mamamayan. Kaya naman, maaaring
maghain rin ako ng solusyon sapagkat hindi
lamang dapat magreklamo ang mga
mamamayan, kinakailangan ay maghain rin
sila ng solusyon na makakapagpasaya sa
parehong panig.

Malapit na ang eleksiyon at laganap ang Bilang isang marangal na mamamayan,


vote-buying sa inyong barangay. nararapat na iulat ko ang nangyayari sa
pulisya sapagkat ipinagbabawal ng Omnibus
Election Code Artikulo XXII ang vote buying
sa Pilipinas. Marahil ay walang maging
epekto ang aking ginawang pag-ulat
sapagkat ano nga bang silbi ng batas kung
korap rin naman ang mga namamahala dito?
Ganunpaman, hindi ako titigil. Hahanap ako
ng mga ebidensya at hihikayatin ang aking
mga taga-barangay na huwag tangkilikin ang
vote buying. Ipaliliwanag ko sa kanila na
mataas ang kahihinatnan ng pagboto sa
taong hindi karapat-dapat mamuno sa bansa
para lamang sa pera. Kung wala pa ring
epekto ang lahat ng aking ginawa, lalapit ako
sa isang politikong alam ko at natitiyak ako na
taos-pusong gustong paglingkuran ang
bansa. Ibibigay ko sa kanya ang mga
ebidensyang nakalap ko hinggil sa vote
buying na naganap. Marahil wala akong
magagawa kung ako ay mag-isa kaya
naman, hihingi ako ng tulong sa iba.

Isaisip Gawain 11: Summary Chart

Katangian ng Isang Mabuting Mamamayang Pilipino


1. Mapanagutan
2. Magalang/May respeto para sa iba
3. Matulungin
4. Katapangang ipaglaban ang tama
5. May pagmamahal para sa bayan
6. Tapat at patas sa lahat

12 Little Things Every Filipino Can Do


1. Sumunod sa batas trapiko
2. Humingi ng resibo kapag bumibili
3. Tangkilikin ang sariling produkto
4. Maging positibo sa pagpapahayag sa sariling bansa
5. Igalang ang mga lingkod bayan
6. Itapon nang wasto ang basura
7. Suportahan ang simbahan
8. Gampanan ang tungkilin tuwing eleksyon
9. Maayos na maglingkod sa pinaglilingkuran
10. Magbayad ng tamang buwis
11. Tulungan ang mga batang kabilang sa maralitang angkan
12. Maging mabuting magulang sa mga anak

Mga Hamon ng Pagkamamamayan


1. Pagbabayad ng buwis
- Unti lamang ang natitirang panggastos dahil sa buwis.
2. Paghahanap ng magandang trabaho dulot ng job mismatch
- Hindi tugma ang nakuhang trabaho at antas ng edukasyon at kakayahan ng
manggagawa.
3. Unemployment
- Mahirap maghanap ng trabaho dahil limitado lamang ang mga ito.
4. Pagharap sa mga hindi pagkakapantay-pantay at diskriminasyon sa trabaho at
pampublikong lugar.
5. Pagboto ng mga politikong walang bahid ng korapsyon.
- Mahirap makahanap ng mga taong gusto lamang paglingkuran ang bansa sa
panahon ngayon.

Isagawa Gawain 12: Hagdan ng Pagsasakatuparan

Ano ang Aking Magagawa?


- Bukod sa labindalawang maliliit na gawain upang makatulong sa bansa, bilang isang
mamamayang Pilipino, may tungkulin din akong hasain ang aking sarili sa lahat ng
aspeto at gawin ang lahat ng aking makakaya upang sa hinaharap ay makapagbigay
ako sa lipunan at mabayaran kahit papaano ang utang ko sa kanila sa pagpapalaki sa
akin. Samakatuwid, ang tanging magagawa ko ngayon ay ang magsikap at mag-aral ng
mabuti para sa inang bayan.

Inaasahang Gagawin ng Gobyerno


- Bilang isang gobyernong may tungkulin sa kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino,
tungkulin din nilang pagyamanin ang talento ng kabataan. Kasama na rito ang
pagpapataas ng antas ng edukasyon at pagpapababa ng bilang ng mga walang trabaho
sa bansa. Bukod dito, may tungkulin din silang makipagtulungan at makipag-usap sa
komunidad upang masolusyonan ang mga isyu sa lipunan.

Inaasahang Mangyayari sa Lipunan


- Kung pagbubuklurin ang mga mamamayan at gobyerno sa ilalim ng iisang hangarin na
paunlarin ang bansa, tiyak na aangat ang ekonomiya at antas ng pamumuhay ng mga
tao. Dulot din nito, mas tatatag ang pagkakaisa ng bawat isa na mag uudyok sa kanila
upang magtulungan sa oras ng krisis at kahirapan.

You might also like