You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10


S.Y. 2019-2020

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng pinakamalapit at
tamang sagot.

Makinig sa babasahin ng guro, sagutin ang mga tanong pagkatapos mapakinggan ang teksto.

I. Pakikinig
1. Ano ang pangunahing paksa mula sa binasa?
A. Ang mga aralin ay mula sa ibang bansa.
B. Ang mga akdang pampanitikan na pinag-aralan.
C. Ang mga genrang pampanitikan na kaakibat ang mga kasanayan.
D. Ang mga kasanayang ibinigay ng DepEd na mula sa ibang panig ng mundo.
2. Saang bahagi lahat nagmula ang mga araling tinalakay sa Ikalawang Markahan?
A. Silangan B. Kanluran C. Timog D.Hilaga
3. “Napakahirap pong balansehen ang mabibigat na banga sa aking ulo” Ano ang tawag natin
sa pahayag na ito?
A. Aside B. Dialogo C. Monologo D. Soligoque
4. Anong uri ng pakikipagtunggali ang naranasan ng matanda sa dagat ng lusubin siya ng
Mako?
A. tao vs hayop B. tao vs kalikasan C. tao vs sarili D. tao vs tao
5. Nagkaroon nang pagsisisi sa pagkakahuli sa isda, anong tunggalian ito?
A. tao vs hayop B. tao vs kalikasan C. tao vs sarili D. tao vs tao
6. Anong genra ng panitikan ang napakinggan?
A. Editoryal B. Lathalain C. Sanaysay D.Talumpati
7. Anong pamaraan o estilo ang ginamit sa paraan ng pagkakasulat?
A. pagbabalita B. pagngangatwiran C.paglalarawan D. pagsasalaysay

II. Talasalitaan
8. Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa punong salitang SISTEMA. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
A. bahagi B. estratehiya C. paraan D. pulitika
9. Isaayos ang mga salita batay pormalidad ng mga ito.
Ang mga pinagdaanan ni Amelia sa murang edad ay masasabing
1. kahabag-habag 2. mahirap 3. kalunos-lunos 4. kaawa-awa
A. 1-2-3-4 B. 4-2-1-3 C. 3-4-1-2 D. 2-4-3-1
10. Sige, galamos, dumausdos ka nang isang milya ang lalim. Sumige ka at katagpuin mo ang
iyong kaibigan o baka ang iyong ina. Ano ang kahulugan ng nakaguhit batay sa
pagkakagamit?
A. lumubog B. maglaro C. magpababa D. magpadulas
11. Anong pinagsamang salita o collocation ang tugmang gamitin sa pangungusap?
Ang _______________ ay maaring pampaligo, maraming porsiyento nito ang napupunta sa
dagat at mayroon ding nasa kanal.
A. tubig-batis B. tubig-gripo C. tubig-pampaligo D. tubig-ulan

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal
Tuturan kong lahat ang mga paraan
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang
12. Anong salita ang hindi nauugnay sa salitang tuturan?
A. banggitin B.sabihin C.tukuyin D. tularan
13. Ang tunay na pag-ibig ay maaaring makamtan ng bawat indibidwal dahil pag-ibig ang dahilan
kung bakit tayo nilikha. Mula sa salitang nakaguhit, ano ang pinagmulan nitong salita?
A. kamit B. kamtan C.makamit D. makam
14. Si Essi ay nakabili ng pangarap niyang DSLR, sa sobrang tuwa niya, siya ay nagsabing,
A. iyayahoo ko ito B. magtetext ako C. mag-PM ako D. Flex ko lang

III. WIKA at GRAMATIKA

15-18 Pagsusuri: Tukuyin ang pokus ng pandiwa batay sa pagkakagamit. Piliin ang mga sagot
sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

A. KAGAMITAN B. KALAANAN C. LAYON D.TAGAGANAP

15. Nagpunyagi si Gina Lopez na isalba ang namamatay na kalikasan ng Pilipinas.


16. Layunin niyang ihanda ang bagay na ito para sa henerasyong darating.
17. Ipinanlaban niya ang kanyang sariling prinsipyo at paninindigan para sa lahat.
18.Nawala man siya, ang kanyang mga ginawa ay mananatili sa puso ng sambayanang Pilipino.

A. hirap B. mapapasaya C. mapipigil D. nanghihinayang E. nalulungkot

Piliin mula sa kahon ang kahulugan ng mga nakasalungguhit.

19. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin


Tulad ng lumbay kong ‘di kayang bathin
Noong ako’y musmos pa ang turing
Na ang pananalig ay di pa (masusupil)
(mula sa Ang Aking Pag-ibig)

20. Kaya aking mahal sa iyong pagpanaw


Tayo’y nagtagumpay sa (dupok) ng buhay
Ang aking pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan
(mula sa Babang-Luksa)

21. Isang araw ang ina ko’y nakita kong (namamanglaw)


Naglilinis nang marumi’t lumang kasangkapan
Sa pilak ng kanyang buhok na hiblang katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan
(mula sa Ang Pamana)
IV. Pangnilalaman
22-26
Gamiting batayan ang tsart, piliin sa mga elemento o katangiang nakatala sa ibaba ang
gagawing pagpapares. Magkatambal na titik ang ilalagay sa sagutang papel.
22.Mitolohiya 23.Tula 24.Dula 25. Sanaysay 26.Talumpati
____ at _____ _____ at ____ _____at_____ _____at _____ _____ at _____

A. Kariktan F. may dialogo


B. naitatanghal sa entablado G. tungkol sa mga diyos at diyosa
C. paraang pasalita ang pagsasagawa H. nakabubuo ng imahe

D. may mga tauhan at tagpuan I. may simula, gitna at wakas


27-30 Ipares ang mga gaya
E. pormal makatotohanang
ng SONA pangyayari mula sa mga
J.nakatuon hindi
sa isang makatotohanang
paksa
pangyayari mula sa mitolohiya.
27.” Mabilis na kinain ni Loki ang hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya
kay Logi na tulad ng isang mapaminsalang apoy”
A. Mahusay na mag-ihaw ng karne si Logi.
. B. Mga tindera ng baboy kontra sa African Swine Flu
C.Magaling at may mga puhunang negosyante laban sa makapangyarihan at
maimpluwensyang kapitalista.
D. Matador sa palengke laban sa mga kapitalista o may mga pwestong babuyan sa
palengke o pamilihan.

28. “Anong himala ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan
mo ang dagat halos masaid ang tubig nito.”
A. Ang isang malakas uminom ay kayang makaubos nang maraming tubig kahit alat pa ito.
B. Ang taong may dedikasyon sa ginagawa ay makakayanan ang maraming pagsubok.
C. Ang tambuli ay pweding gamitin para masayad ang tubig ng dagat
D. Kahit makapangyarihan ka, mahirap ubusin ang tubig sa dagat.
29. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kanyang maso, itinaas ito at binentidahan ang
kambing. Tumayo ang kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod.
A. Maraming mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa buhay ngayon, maaaring ang isang
tao ay manggagamot at makapagpapabuhay ng patay.
B. Ang kakayahan ng isang indibidwal ay umaabot sa tinatawag na kapangyarihan o
paghaharian, maaaring hindi lahat ay nagtatagumpay.
C. Nakasalalay sa maso ni Thor ang kapangyarihan kung ang kambing ay tatayo at
mabubuhay muli.
D.Tulad ng isang magician, kaya nitong patayuin ang isang hayop gaya ng kambing, pero
maaring bali na rin ang paa.
30. Sa kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa Silangang bahagi ng lupain ng mga
higante.
A. Sa pagtahak sa landas ng kahirapan
B. Sa pakikipagtagpo sa mga malalaking tao.
C. Ang paghihimasok sa buhay ng mga taong may kapangyarihan.
D. Ang pagkapadpad sa mga lugar ng mga rebelde o kalaban ng lipunan.

31.“Hindi ako titigil hangga’t may Brazillian na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa at habang may mahihirap na
batang tuluyan ng inabandona”(…mula sa talumpati ni Dilma Rousseff)
Saan maaaring maiugnay ang bahaging ito ng talumpati sa buhay ng mga Pilipino?
A. Ang patuloy na pakikipaglaban ni Pangulong Duterte sa droga at kriminalidad.
B. Ang patuloy na pagtulong at pagbibigay-tuon ni VP Leni sa mga Pilipinong nasa
laylayan.
C. Ang labanan at diskusyon ng mga mambabatas sa mga isyung kinasasangkutan ng
mga taliwas ang ginagawa sa gobyerno.
D. Ang laban ni Yorme Isko Moreno sa kalinisan ng Kamaynilaan partikular ang mga daan,
palengke at pati kasulok-sulokan ng lugar.
32. Batay pa rin sa siniping pahayag, kanino higit nakatuon ang nilalaman?
A. Sa hindi pagtigil ni Dilma Rousseff sa kanyang laban.
B. Sa mga Brazillians na naniniwalang darating ang panahong uunlad sila.
C. Sa mga dukhang salat sa buhay at hindi natatamo ang magandang buhay.
D. Sa mga batang lansangan, pakalat-kalat sa daan

Makatotohanan
Piliin ang pinakamahusay at makatwirang relasyon sa mga sumusunod na sitwasyon:
33. “Isang 15-anyos na bata ang namatay, matapos magpaputok ng baril ang mga pulis para
gibain ang mga bahay ng maralita sa naturang probinsya” (para sa kagalingan at karapatan ng
mga bata - Ma…Macaspac)
A. Sapilitang pagpapaalis sa mga naninirahan doon
B. Dahas ang gamit na sandata para mapaalis ang mga nakatira sa mga bahay
C. Kawalang ingat at pagka-aroganteng ugali sa marahas na hakbang ng mga pulis
D. Laging talunan ang mga bata lalo na ang mga mahihirap na mamamayang Pilipino
pagdating sa karapatan

34. Noong bata pa ako, nasaksihan ko po kung paano binugbog ng mga tauhan ni Hen.Jovito
Palparan ang aking papa. Nakita ko nung pinasubo nila ng silencer ng baril si papa. (Kaibigan sa
Kubol)
A. Katotohanang nagagamit ang posisyon o kapangyarihan sa mga karumal-dumal na krimen.
B. Kaparusahang ibinibigay ng mga Heneral sa mga sumusuway sa kanilang mga palakad o gusto.
C. Isang karanasang kailan man ay hindi namawawala sa isip ng bata dahil saksi siya sa
kamatayan ng ama.
D. Dapat ay pinaalis muna ang bata bago sinaktan o pinatay ang ama, naging saksi siya tuloy sa
krimen.

35. Ipinakain po sa akin ang kanilang natitirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa giniling
na mais na kinain ko po kahapon. (Ako Po’y Pitong Taong Gulang)
A. May mga taong hindi likas na makatao
B. Mainam ding pamalit sa bigas ang giniling na mais
C. Kung walang tirang pagkain, mayroong giniling na mais na pamalit sa pagkain
D. Mainam na ang may tira para may pagkain, mainam na rin ang mais kesa sa walang
makain

36. Suriin mula sa mga pangyayari sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ang matapat na
pagsasalamin ng realidad
A. Ang pagnanasa ng matandang mangingisda na makahuli ng mga isdang maibebenta ng mas
mahal.
B. Ang makipaghabulan at makilaban sa pating para hindi makain ang nahuling isda.1
C. Ang pagmumuni-muni ng matanda at pag-iisip na ang nangyari ay isang panaginip lamang.
D. Ang pagsisisi ng mangingisda na napatay niya ang isda.

37-41 Piliin mula sa mga elemento ng Nobela ang tugma sa mga pangyayaring nakatala sa ibaba
ng talaan. Titik lamang ang isulat
A. Simula B. Suliranin C. Pataas na Aksyon D.Tunggalian
E. Kasalukuyan F. Pababang Aksyon G. Wakas

37. Naghanda si Santiago ng mga pananggalang para maproteksyunan ang isda at ang
sarili laban sa Mako.
38. Dumating ang dalawang pating, pumihit ang isa at nahulog ang bangka, sinagpang
ang merlin subalit inulos ng matanda ng lanseta nang biglang gumewang-gewang ang
bangka dahil sa isa pang pating.
39. Sinugod ng mga pating ang bangka ni Santiago para makuha ang merlin.
40. Matapos magapi ang dalawang pating, sumandig siya sa gilid at pumilos ng kapirasong karne
ng isda sa pinagkagatan ng pating.
41. Nakalaban ni Santiago ang mga Mako gamit ang kanyang salapang.

Tula (42-43)
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Na kailangan mong kaliit-liitan
Laging nakahandang pag-utus-utusan
Maging sa liwanag, maging sa karimlan

Ginamitan ang tula ng matatalinghagang salita, anong elemento ang mayroon ito?
A. Tugma B Kariktan C.Saknong D. Imehe

Batay sa binasang tula, suriin ang pinakakumpletong deskripsyon dito.


A. May 4 na saknong at isang taludtod
B. May 4 na taludtod at isang saknong
C. May tamang sukat at tugma ang apat na taludtod
D. May sukat, tugma, kariktan ang saknong

Paghahambing (44-46)

44. Ang Dulang Moses ay nagwakas sa pagpatay ni Regina sa sariling anak, ano ang
pagkakatulad nito sa Sintahang Romeo at Juliet?
A. Pinagbentahan ng Butikaryo si Romeo para magpakamatay
B. Inutusan ni Juliet si Romeo na magpakamatay dahil siya ay nagpapakamatay.
C. Uminom ng lason si Romeo para wakasan na ang sariling buhay kung wala rin lang si Juliet.
D. Pinatay siya ng pamilya ni Juliet dahil kailanman ay hindi nila tanggap si Romeo para sa anak.

45. Kanino kultura sa mga sumakop sa ating bansa ang pamimili ng mapapangasawa para sa mga
anak?
A. Kastila B. Hapon C. Intsik D. Amerikano

46. Mula sa Ikapitong Tagpo, maghinula bakit ibinigay ni Padre ang garapa ng alak na
nagpapatulog kay Juliet subalit aakalaing patay na ang dalaga dahil sa mga mangyayari sa kanya?
Bakit ito ginawa ng pari?
A. Kapag hindi niya ito ginawa, tuluyang magpapakamatay si Juliet.
B. Dahil ito ang mabisang solusyon para masubukan ang bisa ng alak na ibinigay sa kanya.
C. Para mapaniwala niya si Juliet na tunay siyang kakampi nito at laging pagtiwalaan.
D. Hindi siya magkakasala ng Sin of Omission dahil gumawa siya ng aksyon kahit may
halong paglilinlang.

47. Batay sa mga nasa ibabang mga pangyayari mula sa Aguinaldo ng mga Mago, Tukuyin ang
tunay na kahulugan ng yaman.
A. Ang gintong relo ni Jim na namana pa niya sa kanyang mga ninuno.
B. Ang buhok ni Delia na tunay na likas na ganda, makinang, maitim at nakapagpaganda.
C. Ang kahirapan ng buhay na kinakaharap ng mag-asawa suballit napaglalabanan dahil sa
tapat na pagsinta.
D. Ang mga regalong ibinigay sa isa’t-isa sa araw ng pasko para iparamdam ang kanilang
pagpapahalaga.

Pumasok si Jim ng walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della at ang
tingin niya’y nakapangingilabot sa babae. Hindi naman galit, ni nagtataka, ni nagpipintas, ni
hilakbot, ni ang alinman sa mga simbuyong pinaghahandaan ni Della. Basta nakatitig si Jim sa
kaniya na ang mga mata ay nagpapahayag ng damdaming hindi mahulaan.

48. Ano ang pinakamahusay na pananaw sa saloobin ni Jim mula sa binasa?


A. Lito si Jim sa tunay na nararamdam ukol sa pagkakaputol ng buhok ni Della.
B. Nag-iisip na mas makakatipid sa oras ng paliligo si Della dahil mas maikli na ang buhok.
C. Nakokonsensya sa narararanasang kahirapan ni Della sa kanyang buhay, kung naging
mayaman na lamang sana siya.
D. Marami pa siyang dapat gawin kaya hindi pa niya masuri ang kanyang personal na
nararamdaman o damdamin.
49. Suriin ang pinakamakatotohanang paglalarawan sa katangian ni Jim batay sa binasa.
A. Siya ay likas na maginoo.
B.Tuliro at hindi maintindihan ang sarili.
C.Nagsisikap pero hindi pa nagkakaroon ng magandang swerte sa buhay.
D.Siya ay likas na maunawain at handang tanggapin ang mga pagsubok at naniniwala na
mayroon pang pag-asa.
50. Paano maaaring itulad sina Jim at Della sa mga Mago?
A. Kapwa taglay ang wagas na pag-ibig.
B.Inuuna ang iba bago sa sarili, tulad ng pagbibigay ng relago.
C.Marunong magpahalaga sa kapakanan ng isa’t isa.
D. Lahat ng nabanggit.

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


PT 2019-2020
Pagbasa:
Sa Ikalawang Markahan ay tinalakay ang mga Akdang Pampanitikan ng mga bansa sa
Kanluran.
Ang mga elemento ng bawat genra, ang pagkamakatotohanan o hindi man, ang pananaw
realismo, paghahambing sa ibang genra, mga pokus ng pandiwa at marami pang ibang aralin na
kaakibat ang mga teksto sa panitikan at wika.
Sa Talumpati ni Dilma Rousseff mula sa Brazil, siya bilang kauna-unahang Pangulong
babae ng bansa.
Si Amelia na naglahad ng kanyang buhay sa “Ako’y Pitong Taong Gulang”…sadyang
nakakaawa ang naging kalagayan niya. Hindi biro ang kapalarang sinapit ng “Matanda at ang
Dagat”, mula sa pagkakahuli sa isda hanggang sa pakikipaglaban sa mga pating.
Isama pa ang mga mahikang ginawa ni Utgaro Loki sa paglalaban nila ng pangkat ni Thor.
Naging malungkot man ang katapusan ng Sintahan nina Romeo at Juliet gayong naging tunay
naman ang pag-iibigan nila, para bang “Ang Aking Pag-ibig” lang kung gagawan ng tula. Na sana
ay maging dakila kapares ng Aguinaldo ng mga Mago.

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


PT 2019-2020

Susing Sagot FILIPINO 10

1. C 31.B
2. B 32.B
3. B 33.B
4. A 34.A
5. C 35. A
6. C 36.C
7. D 37. C
8. B&C 38.E
9. D 39.B
10. A 40. F
11. D 41. D
12. D 42. B
13. A 43. D
14. D 44. C
15. D 45. C
16. C 46. A
17. A 47. C
18. B 48. A
19. C 49. D
20. A 50. D
21. E
22. D&C
23. A&H
24. F&B
25. I&J
26. C&E
27. C
28. B
29. B
30. D

You might also like