You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
RODOLFO V. FELICIANO MEMORIAL HIGH SCHOOL
SAN PEDRO II MAGALANG, PAMPANGA
PAGTATAYA SA FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN

Pangalan: Petsa:
Antas at Seksyon: Marka:

BASAHIN NANG MAY PANG-UNAWA ANG BAWAT TANONG. PILIIN ANG TAMANG SAGOT.
1. Mula sa Matrilinear ay mabilis na nagbago ang pamamahala at pagsasalin ng trono patungo sa Patrilinear.
Dahil dito, ang trono ng Pate sa Kenya ay pinamahalaan ng ________________.
A. Matatanda sa lipunan B. dugong maharlika C. kalalakihan D. kababaihan
2. Ito ang katangian ni Liongo na nagpapatunay na siya ay tauhan sa isang akdang mitolohiya.
A. sikat na makata C. mataas tulad ng higante
B. mhusay umana D. matipuno ang katawan
3. Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, “Health is wealth”.
A. Mas mahalaga ang yaman kaysa kalusugan. C. Daig ng malusog ang mayaman.
B. Ang kalusugan ay kayamanan. D. Ang malusog ay mayaman
4. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal
magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang
paggawa. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo sa mga pahayag na ito? *
A. Pagkatuwa B. pagkainis C. pagkaawa D. pagkagalit
5. Piliin ang pahayag na hindi naglalarawan sa mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
A. Tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.
B. Nagsasaad ng saloobin o pananaw ng may-akda tungkol sa mga bagay-bagay.
C. Tumatalakay sa kultura at sa mga diyos o bathala.
D. Kuwento ng mga tao at ng mga mahiwagang nilikha.
6. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa akdang tinalakay na nagpapatunay na ito ay halimbawa ng
mitolohiya maliban sa isa.
A. Hindi siya nasusugatan ng ano mang armas.
B. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante.
C. Kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya.
D. Si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
7. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit
kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Anong kaisipan ang nilalaman
ng mga pahayag na ito?
A. Nasa pusod ang kahinaan ni Liongo.
B. Karayom lamang ang makapapatay kay Liongo.
C. Si Liongo ay may kakayahang mabuhay magpakailanman.
D. Lahat ng nilalang, gaano man ang taglay na lakas at kapangyarihan, ay may sariling kahinaan.
8. Sa binasang mitolohiya, paano nakatakas si Liongo sa kulungan?
A. Pinatawad na siya ni Haring Ahmad.
B. Nalinlang niya ang bantay sa bilangguan.
C. Nakawala siya sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay habang inaawit ang isang pagpupuri.
D. Tinulungan siya ng mga tao sa labas ng kulungan.
9. Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagini Liongo sa digmaan laban sa mga
Gala (Wagala). Kaya naibigay nghari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay
mapabilang sa kaniyang pamilya. Anong kultura ng bansang Kenya ang masasalamin sa mga
pangungusap na ito?
A. Pantay-pantay ang katayuan ng mga tao sa lipunan ng Kenya.
B. Binibigyang-parangal sa Kenya ang mga taong sikat sa lipunan.
C. Malaki ang pagpapahalaga ng lipunan sa Kenya sa mga bayaning may angking lakas at kapangyarihan.
D. Tanging ang ama lamang ang may karapatang mamili ng mapapangasawa ng kaniyang anak.
10. Piliin ang pinakaangkop na salin ng salawikain sa Filipino na,“Kung ano ang itinanim ay siya rin ang
aanihin”.
A. If you plant a tomato, you will harvest a tomato. C. If you plant a seed, it will grow to a tree.
B. Plant today and you will harvest later. D. What you sow is what you reap.
11. Ano ang damdaming nangingibabaw sa Mongheng Mohametano nang kaniyang ipahayag ang ganito,
“Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang sultan.”
A. Kabaitan B. kasiyahan C. kapighatian D. kalungkutan
12. “Bakit hindi mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”, tanong ng vizier sa Mongheng Mohametano. Ano
ang damdaming nakapaloob sa pahayag?
A. natutuwa sapagkat mayroong naglakas ng loob na sumuway sa sultan
B. nagdadalamhati sapagkat matatanggal na siya bilang ministro
C. nagdududa sapagkat tila may kakaiba sa Mongheng Mohametano
D. nababahala sapagkat nagalit ang sultan sa ikinilos ng Mongheng Mohametano
13. Paulit-ulit na nililisan ni Mullah Nassreddin ang mga tao ngunit paulit-ulit din siyang iniimbitahan upang
mapakinggan ang kaniyang talumpati. Ito ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay ____.
A. tunay na palaban C. may taglay na tikas at tapang
B. hindi napapagod mapahiya nang paulit-ulit D. interesado sa karunugang ibabahagi sa kanila
14. Piliin ang tauhang kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa Persia.
A. Mullah Nassreddin C. Ministro
B. Sultan D. Mongheng Mohametano
15. Kilala si Mullah sa kanilang lugar bilang________.
A. pinakamahusay sa pagsusulat ng kuwento
B. pinakamahusay sa pagkukuwento ng kababalaghan
C. pinakamagaling na hari
D. pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan
16. Ano ang binigyang-tuon sa anekdotang Mongheng Mohametano?
A. ang kalupitan ng may kapangyarihan sa kaniyang nasasakupan
B. ang kaligayahan ng Mongheng Mohametano na makapamanata sa disyerto
C. ang pananampalataya ng Monghe at kinaugaliang pagbibigay pugay sa sultan sa tuwing siya ay dadaa
D. ang paghihirap ng mga karaniwang tao upang makapanampalataya
17. Ano ang pokus ng Sufism?
A. Pag-aaral ng ibat ibang relihiyon B. pag-aaral ng mga bagong kaalaman para mabuhay
C. pagpapaunlad ng indibidwal sa pamamagitan ng pandama D. pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao sa
pamumuhay.
18. Ano ang kahulugan ng salitang “ikinabahala”, na mula sa salitang ugat na “bahala”?
A. nag-alala B. nag-aalala C. ipinag-alala D. mag-aalala
19. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Ano
ang kahulugan ng salitang naimbitahan?
A. nabilinan B. naanyayahan C. napili D. naatasan
20. Ang pamamanata ay nangangahulugang pagpapakita ng _________.
A. katapatan sa sultan B. paniniwala sa Diyos C. masidhing pagdarasal D. kabaitan
21. Ito ay isang morpema na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita.
A. pantig B. sugnay C. panlapi D. pang-ugnay
22. Ito ay isang kuwento nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Dula B. maikling kuwento C. Talambuhay D. anekdota
23. Saan ang tagpuan sa anekdotang "Astel, san ka galing?"
A. police station B. bahay C. kuwarto D.lansangan
24. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang tagapagsalin MALIBAN SA ISA.
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
B. Sapat na kaalaman sa kulturan ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
C. Sapat na gamit sa pagsasalin.
D. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
25. Ito ay isang uri ng makabagong tulang may malaya at walang sinusunod na istruktura sa pagsusulat nito.
A. spoken word poetry B. tradisyonal na tula C.rap D. tiktok
26. Ang akdang, “Akasya o Kalabasa” ay isang halimbawa ng anong uri ng panitikan?
A. mitolohiya B. pagsasalaysay C. Anekdota D. sariling karanasan
27. “Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo angkapalaran.” Ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito?
A. Mag-aral nang mabuti.
B. May naghihintay na magandang kinabukasan sa taong nakapagtapos ng pag-aaral.
C. Huwag tumigil sa pag-aaral.
D. Mas maganda ang kapalaran ng taong nag-aral nang matagal na panahon.
28. Batay sa huling naging pahayag ni Mang Simon na, “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa
hayskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.” Ang pahayag
na nasa itaas ay nangangahulugang ?
A. Nais ni Mang Simon na isali ang kaniyang anak na si Iloy sa karera.
B. Pinili pa rin ni Mang Simon na maging katulad ng kalabasa ang kaniyang anak.
C. Bubunuin ni Iloy ang mahabang panahon ng pag-aaral.
D. Nais ipatapos ni Mang Simon kay Iloy ang pag-aaral sa hayskul bago niya ito katulungin sa linang.
29. Batay sa huling naging pahayag ni Mang Simon na, “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa
hayskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.” Anong aral
ang makukuha mula sa pahayag na nasa itaas?
A. Maging masipag sa pag-aaral.
B. Kailangang maghanda para sa kinabukasan.
C. Tiyak ang magandang kinabukasan kung ikaw ay mag-aaral.
D. Kailangang magtiyaga sa pag-abot ng pangarap, higit na maganda kung ito ay pinaghihirapan.
30. Ito ay tumutukoy sa isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
A. Komiks B. pagsasalaysay C. Kuwadro D. sariling karanasan
31. Isa sa mga mapagkukunan ng paksa ay batay sa narinig o napakinggan mula sa iba ngunit bilang
manunulat, kinakailangang ________.
A. maging maagap sa lahat ng balita C. kunin ang lahat ng narinig buhat sa iba
B. piliin ang mga impormasyong nais ilahad D. tiyakin muna ang katotohanan nito bago isulat
32. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng maikling salaysay.
A. pamagat ng kuwento B. lobo ng usapan C. kuwadro D. kahon ng
salaysay
33. Ang thought bubble, whisper bubble, speech bubble, at scream bubble ay mga halimbawa ng anong
bahagi ng komiks?
A. kahon ng salaysay B. Kuwadro C. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento
34. Ang Pagong at Matsing na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ay isang halimbawa ng ____.
A. kuwento B. anekdota C. komiks D. pagsasalaysay
35. Ito ang bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.
A. sariling karanasan B. kahon ng salaysay C.komiks D. lobo ng usapan
36. Ang mga sumusunod ay mga maaring mapagkukunan ng paksa MALIBAN SA ISA.
A. napanaginipan B. napanood C. sariling karanasan D. tsismis
37. Ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang kuwento.
A. kasukdulan B. kakalasan C. simula D. tunggalian
38. Ito ay sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang kanyang mensahe upang
mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita, mas maunawaan ang mga salita, at maipahayag ang mas
malalim na kahulugan nito.
A. sariling karanasan B. anekdota C. pagsasalaysay D. diskorsal
39. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhingdamdamin?
A. kaluwalhatian B. kagalakan C. kaligayahan D. kasiyahan
40. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin?
A. sakim B. ganid C. imbot D. damot
41. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy sa pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat
sa tula?
A. tugma B. simbolismo C. tayutay D. kariktan
42. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga salitang may malalalim o hindi lantad na kahulugan?
A. pasalaysay na pahayag C. eupemistikong pahayag
B. matatalinghagang pahayag D. malarawang pahayag
43. “Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, ako’y malulunod sa luha sa paggunita.” Anong damdamin
ang mahihinuha sa pahayag na nabanggit?
A. Pagkamuhi B. pagmamahal C. pag-asam D. pagmamalasakit
44. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang pinakapuso ng tula sapagkat ito
ang ipinahihiwatig ng may-akda?
A. kariktan B. talinghaga C. simbolismo D. tugma
45. Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nanahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib
dumadantay?” Batay sa pahayag, saan inihahalintulad ng ina ang kaniyang supling?
A. sa isang bisiro B. sa isang poon C. sa isang kayamanan D. sa kanyang ama
46. Paano nakakatulong ang mga tula sa pagpapanatili ng pagkakakilanlan ng kultura mula sa lugar na
pinanggalingan nito?
A. Naipakikita nito ang imahinasyon ng may-akda.
B. Nasusukat nito ang katalinuhan ng may-akda.
C. Nagiging midyum ito upang maipakita ang kulturang inihabi sa pagiging malikhain ng may-akda.
D. Tumutulong itong buksan ang isip ng mga mambabasa.
47. Alin sa mga salitang may salungguhit sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakamasidhi
o pinakamatinding damdamin sa kahulugan nito?
A. Ang NGUYNGOY ni Janna ay kakikitaan ng sakit sapagkat siya ay nahiwa ng kutsilyo.
B. Ang IYAK ng aking ina nang mawala ang aming aso ay tunay nanakalulungkot.
C. Dinig ko ang HIKBI ng bata sa harap nang hindi siya bilhan ng laruang gusto niya.
D. Hindi mapigilan ng pamilya ang PAGHAGULGOL nang pumanaw ang haligi ng kanilang tahanan.
48. “Ang poo’y di marapat pagnakawan, sa iyo’y wala siyang masamang panagimpan. Ika’y pinaliguan at
dinamitan ng kagandahan.” Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. huwag magnanakaw kahit kanino
B. alagaan ang mga taong nagbibigay ng pagmamalasakit sa kaniya
C. magpasalamat sa Maykapal sapagkat siya’y pinagpala
D. magpasalamat sa ina sapagkat siya ang nagluwal sa kaniya sa mundong ito
49. Ano ang simbolismo ng pusang itim?
A. kaligayahan B. kayamanan C. kamalasan D. kamatayan
50. Ano ang simbolismo ng ahas?
A. kataksilan B. kamatayan C. kasamaan D. kalungkutan

You might also like