You are on page 1of 1

“HULOG NG LANGIT ANG KAMAY NA BAKAL”

ni: LEONARDO D. QUITO JR.

“Ang mabuting lider ay marunong din sumunod sa kanyang nasasakupan.”


Ganyan ang aking lider na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte o mas kilala sa tawag na
Tatay Digong. Siya ay diyamante kung ituring ng nakararami. Nagbibigay kinang sa
buhay ng bawat tao at hulog ng langit sa mga Pilipino.

Taglay ni Tatay Digong ang mga katangiang hinahanap ko sa isang lider kaya
niya nabihag ang aking pusong matagal ng sawi sa mga politiko. Isa na rito ang
pagiging matapang niya na animo’y parang tigre na walang inaatrasan at kinatatakutan
ngunit may busilak na puso. Laging nakabukas ang kaniyang palad sa mga
nangangailangan. Bagama’t lumaki siyang may gintong kutsara, siya pa rin ay may
kabana ng loob. Hindi niya ipararamdam sa iyo na isa siyang pangulo ng Pilipinas lalo
na sa mga anak dalita. Kaya siya mahal na mahal ng masa kasi isa siyang maamong
kordero.

Isa pa sa mga nagustuhan ko kay Tatay Digong ay matalas ang kanyang ulo at
malawak ang kanyang isip. Marami siyang nalalaman pagdating sa pamamahala sa
gobyerno. Para ba siyang isang kompyuter na nakaprograma ang kanyang isipan.

Wika nga, “Daig ng masipag ang matalino,” pero si Tatay Digong ay taglay niya
ang dalang pang-uri na ito. Bukod sa katalinuhan, kayod-kalabaw din kung magtrabaho,
magampanan lamang ang nakaatang na responsibilidad sa kanyang balikat. Hindi
mahangin ang kanyang ulo na puro salita lang, sa katunayan, siya ay parang kidlat
kung kumilos sa trabaho. Wala rin siyang kinikilingan at pinoprotektahan pagdating sa
trabaho. Kapag may mga maitim na tupa sa kanyang gabinete hindi siya mag-
aalinlangan na aalisin ang tinik sa kanyang lalamunan.

Walang duda kung bakit di-makahulugang karayom ang nagmamahal kay Tatay
Digong. Taglay niya ang isang mabuti, maaasahan, at mapagmahal na lider. Siya ang
aking lider, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may kamal na bakal pero hindi
pusong-bakal.

You might also like