You are on page 1of 14

MGA

SANAYSAY

AKLAT O INTERNET?
Maraming pagtatalo na ang
natunghayan natin sa kung ano nga ba
ang pinakamabisang mapagkukunan ng
impormasyon. Libro o ang Internet? Ano
nga ba ang mayroon sa aklat o libro bakit
sinasabing ang mga ito ang
pinakamabisang mapagkukunan ng
kaalaman at impormasyon? Ano naman
ang bentahe at disbentahe ng pagkuha ng
impormasyon sa internet?

Ang libro ay mga pinagsama-samang


salita at impormasyon na inilimbag sa
papel. Sinasabing ito ay kayamanan na
hindi matutumbasan ng kahit anong
halaga. Ito'y nagbibigay pag-asa at daan
tungo sa magandang kaparoroonan ng
buhay ng isang tao. Ayon kay Carl
Woodward, ang aklat ay isang lunsaran
para maabot ang makabagong kaalaman
at karunungang bumabalot sa
kahiwagaan ng sangkatauhan simula sa
mga nakalipas na panahon hanggang sa
kasalukuyang panahon. Masasabi na
nakatala sa aklat ang impormasyong
natuklasan sa nakaraan at patuloy na
pinag-aaralan sa kasalukuyan. Sa
kabuuan ang aklat ay tunay na mabisang
mapagkukunan ng kaalaman at
impormasyon mula noon hanggang sa
kasalukuyan. Sa kabilang banda, sa
modernong panahon kung saan ang
teknolohiya ay patuloy na umuusbong at
nagkalat ang makabagong pamamaraan
sa pagtuklas ng kaalaman. Isa na rito ang
paggamit ng Internet.

Ano ng ba ang Internet?


Gunigunihin ang isang silid na puno ng
maraming gagamba, bawat isa’y
naghahabi ng kaniyang sariling sapot.
Ang mga sapot ay lubhang
magkakarugtong anupat ang mga
gagamba ay malayang makapaglalakbay
sa nakalilitong mga sapot na ito.
Mayroon ka na ngayong pinasimpleng
ideya tungkol sa Internet. Ang
pangglobong kalipunan ng iba’t ibang uri
ng mga computer at mga network ng
computer na magkakaugnay. Kung
paanong nagagawa ng telepono na
makausap mo ang isa sa kabilang panig
ng mundo na mayroon ding telepono,
nagagawa ng Internet ang isang tao na
maupo sa harap ng kaniyang computer at
makipagpalitan ng impormasyon sa iba
pang computer at mga gumagamit ng
computer saanmang dako sa daigdig.
Ang internet sa modernong panahon
kung saan ang tao ay may kakayahan
nang makakuha ng impormasyon sa
isang kisapmata lamang. Nagagamit rin
sa ibang aspeto ng pamumuhay ang
internet. Nariyan ang pakikinig mga
musika, panood ng pelikula, gamit rin
ang internet sa pagnenegosyo, higi’t lalo
ring napadadali ang pagkalap ng mga
akademikong impormasyon gamit ang
internet. Langit ang hangganan sa
paggamit ng internet. Bagamat
napadadali nito ang pamumuhay ng
bawat indibidwal ay may masama pa rin
itong naidudulot. Lingid sa kaalaman ng
lahat, nagagamit ang internet sa mga
maling gawi ng tao. Dahil nga sa bukas
ang internet para sa lahat. Madaling
makakuha ng impormasyon ang bawat
tao na maaari nilang ikapahamak.
Nagkalat rin ang mga tinatawag na cyber
con, sila ay nagnanakaw ng identitdad ng
isang tao at gamitin ito sa panlilinlang
para makapagnakaw. Ilan lang yan sa
mga maaaring maganap kung hindi
gagamitin sa tama ang internet.

Tunay ngang kakabit na ng pang


araw-araw na pamumuhay natin ang
internet. Naging bahagi na ito ng ating
buhay kung saan malaki ang magiging
epekto kung mawawala ito sa atin. Dahil
na rin sa angking talento ng mga tao
kaya napauunlad pa ang mga ganitong
bagay. Ang internet ay isang mabuting
kaibigan ngunit masamang kaaway kung
hindi pagkakaingatan ang paggamit dito.
Mahalaga na maging mausisa bago
maglathala ng impormasyon sa internet.
Tignan rin kung tama ba ang
impormasyon at balitang nakukuha rito
bago ipalaganap sa iba. Ang wasto at
tamang paggamit ng internet ay susi sa
mas progresbong pag unlad hindi lang ng
kaalaman kundi pati na rin ng ekonomiya
ng bansa.

Pinuno
Sa likod ng mauunlad na bansa ay
nariyan ang isan g magaling na
pinuno. Siyang namuno upang
mapanaatili ang kapayapaan ng bansa,
mabigyan ng hanapbuhay ang kaniyang
nasasakupan, at higit sa lahat nagawang
dinggin at matugunan ang
pangagailangan ng isang bansa. Iyan
marahil ang nararapat magawa ng isang
namumuno upang mapanatiling maunlad
ang bansa ngunit ano nga ba ang
nararapat na maging katangian ng isang
namumuno? Ano ang basehan natin para
masabing magaling ang isang pinuno?
Sino ang dapat na ituring nating
namumuno?

Ang pagkakaroon ng namumuno


sa isang pangkat, bayan o imperyo ay
napakahalaga. Kung walang pinuno na
mangunguna at mangangasiwa marahil
walang ring patutunguhan ang bansang
ito. Bagamat iba-iba ang uri ng
pamamahala ng mga bansa ay mayroon
lang isang namumuno sa isang dito.
Pangulo, hari, reyna, diktador, punong
ministro at iba pa. Ilan lang yan sa mga
tawag sa namumuno sa isang bansa. May
mga bansang binibigyan ng Kalayaan
ang bawat mamamayan na mamili ng
kanilang ninanais na pangulo. May mga
maharlikang bansa na pinamumunuan ng
reyna o hari. May mga bansa namang
nakakapanindig balahibo ang paraan ng
pamumuno sapagkat ang mga
mamamayan nito ay halos maging alila
ngunit nasabi pa ring maunlad at payapa
ang kanilang bansa dahil sa patuloy na
pagpapalakas nila ng kanilang hukbong
sandatahan. Iba-iba ang kanilang
pamamaraan ngunit may iisang hangarin,
ang mapanatili ang kapayapaan at
kaayusan ng kanilang nasasakupan. Ang
isang mahusay na pinuno ay dapat
marunong rumespeto sa iba't ibang
paniniwalang panrelihiyon ng mga
mamamayan na kanyang nasasakupan.
Mapapansin sa kasaluyang panahon na
bukod sa agawan ng teritoryo ay
nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan
ang isang bansa dahil sa hindi
nabibigyang halaga ang pagkakaiba-iba
ng relihiyon sa isang bansa. Ang isang
pinuno rin ay nararapat na maging
matapat sa kanyang nasasakupan. Isa sa
napapanahong isyu ng lipunan ay ang
mga pinunong hindi naging tapat sa
kanilang tungkulin. Mga inabuso ang
ipinagkatiwala sa kanilang
kapangyarihan at hindi ginamit sa tama.
Malaki ang epekto nito sa kaniyang
sinasakupan. Ito ay hindi mabuting
halimbawa para sa lahat. Higit sa lahat,
ang pinuno ay kailangang maging
responsable sa kanyang tungkulin. Ang
isang responsableng pinuno ay mabilis
na natutugunan ang pangangailangan ng
kaniyang nasasakupan. Mabilis ang
akyon at hindi puro salita lamang. Ang
bawat salitang binibitawan ay may
kaakibat na kilos upang masolusyunan
ang problema ng kaniyang nasasakupan.

Ang bawat bansa ay may batayan


sa kung paano at sino ang pipiliin nilang
pinuno ngunit ang tunay na batayan sa
pagkakaroon ng isang pinuno ay wala sa
eded at kasarian. Ang magaling na
pinuno ay nagsisilbi mula sa puso at may
pagmamahal sa kaniyang sinasakupan.
Pagmamahal sa mga mamamayan at
nagbibigay ng nararapat na hustisya para
sa mga nangangailangan. Sila ang dapat
na maging magandang halimbawa at
nagsusulong ng kabutihan para sa lahat.

WIKA
Naisip ma na ba ang maaaring
mangyari kung walang wika ang isang
bansa? Paano na lamang kaya
magkakaunawaan ang bawat tao kung
walang wika? Paaano naging mahalaga
ang wika sa bawat indibidwal?

Sinasabi na ang kaluluwa ng isang


bansa ay ang wika. Ang salitang wikaay
nagmula sa salitang Latin sa lengua, na
ang literal na kahulugan ay “dila”, kaya’t
ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito
raw ay simbolong salita ng mga kaisipan,
saloobin, behikulo oparaan ng
paghahatid ng ideya, opinion, pananaw,
lohika o mga kabatirang ginagawa sa
proseso na maaring pagsulat o pasalita.
Wika ang gamit natin sa pagpapahayag
ng saloobin. Ayon sa pagpapahayag ni
Constantino, isang dalubwika, ang wika
ay maituturing na behikulo ng
pagpapahayag ng damdamin, isang
insrumento rin sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika
ay sadyang napakahalaga. Ito ang
nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang
dito sa Pilipinas kundi maging sa mga
ibang bansa rin. Sa pamamagitan ng
wika kaya nagkakaunawaan at
nagkakaroon ng madaling komunikasyon
ang bawat tao. Ang wika ay may iba’t
ibang katangian. Ayon kay Henry
Gleason, ang wika ay isang masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa
iisang kultura. Gamit natin sa pang araw-
araw na pamumuhay ang wika. Kahit
saan tayo magpunta ay may mga taong
gumagamit ng wika.
Tunay nga na makapangyarihan ang
wika. Anumang sabihin natin ay may
epekto kung hindi agad maiintindihan ng
ating kausap. Ang susi sa isang maayos
na daloy na komunikasyon ay ang
paggamit ng wikang parehong
naiintindihan ng parehong panig.
Mahalaga ang wika at nararapat na ito’y
mapaunlad hindi lamang sa ating bansa
bagkus pati na rin sa buong mundo.
Wika ang susi natin tungo sa kaayusan at
kapayapaan.

You might also like