You are on page 1of 3

Wika ang isa sa pinakamagandang ipinagkaloob ng poong maykapal sa kaniyang mga

nilikha. Ito ang natatanging kasangkapan ng tao upang makipag-ugnayan sa kaniyang


kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Diyos. Malaking tulong ang
naiaambag nito sa pagkakaroon ng magandang relasyon, ugnayan at pagsasamahan ng
mga tao. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mga mamamayan sa
isang bansa? Paano kaya mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran?

Sa bawat isang tanong at sa susunod pang mga katanungan ay hindi sapat ang senyas,
drowing, ang pagkulay, ang ingay o kahit anumang paraang maaring gamitin o likhain ng
tao upang masagot ang lahat ng katanungan dahil tanging ang wika lamang ang
kinakailangan upang masagot ang mga tanong. Kahit na anumang anyo, pasulat o
sinasalita, hiram o sariling gawa, banyaga o katutubo, ang wika ang pinakamabisang
instrumento upang maihatid ang isang diwa o kaisipan at sa pagpapanatili sa mahabang
panahon ng mga naitala, pangkasaysayan, pampanitikan, pampolitika at panlipunan.
Maging ang kultura natin ay kinakailangan ang wika upang ito ay mapalaganap at
maipamana.

Ngunit sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa ating bansa ay nalalagay diumano sa


peligro ang pinakaiingatan nating wika at kultura. Kaakibat daw ng patuloy na pagsibol ng
teknolohiya at modernong paraan ng komunikasyon ay ang hinay-hinay namang
pagkawasak ng wika at kulturang Filipino. Unti-unti nang nababago ang bokabularyong
ating nakagisnan, ang ilan sa mga nakaugaliang gawi at kulturang Pilipino ay naibabaon na
sa limot at may mga nagsisilabasang mga salita na di na nauunawaan ng karamihan.

“Technology era”, iyan ang tawag sa panahong kinabibilangan natin ngayon. Tayo ay
nabubuhay sa isang makabagong panahon na kung saan kasing halaga ng mga pangunahin
nating pangangailangan tulad ng pagkain at tubig ang smart phones, kompyuter, wireless
fidelity, internet at ibang pang mga gadgets. Ito ay mapapansin natin lalong-lalo na sa mga
kabataan ngayon. Mas nais pa nilang gamitin ang kanilang oras sa paggamit ng kanilang
mga gadgets sa halip na gamiton ito sa produktibong paraan.

Hindi natin maikakaila na nakakalimutan na ng nakakarami ang kani-kanlang unang wika at


ang ating wikang pambansa maging ang kani-kanilang kinagisnang kultura. Ang simpleng
kultura na tulad ng pagmamano sa mga matatanda ngayon ay hindi na ginagawa. Dahil sa
mga makabagong teknolohiya imbes magmano muna pagdating ng bahay ay mas inuuna pa
nila nag pagpansin sa kanilang mga gadgets. Sabi naman ng ibang mga nakakatanda ay
hindi na raw ito marapat gawin sapagkat napaglipasan na ito ng panahon at ang kilos na ito
ay sampal sa mukha na sila ay may edad na. Nakakalimutan na rin ang paggalang sa mga
nakakatanda, sa halip na gamitin ang mga salitang nagpapakita ng paggalang sa mga
nakakatanda gaya ng po at opo ay sinisigawan na lamang ng mga kabataan ang mga
nakakatanda sa tuwing sila ay tinatawag dahil abala nga sa kakalaro ng online games at
pagopapakalunod sa mundo ng social media.

“Mudrabels’, “Pak Ganern!”’ at “Pabebe”. Samu’t-saring mga salita na ang naiimbento sa


ating panahon at nagdudulot ito ng kalituhan dahil hindi naman lahat any naiintindiahan ang
mga ito. Sa kagustuhan naman nating makisabay sa uso ay ang mga umuusbong na
makabagong lenggwahe na ito ng mga iba’t-ibang grupo gaya ng bekimon, jejemon, wikang
fliptop ay pinag-aaralan nating gamitin. Sa kasamaang palad mas nais pa itong gamitin ng
karamihan bagkus naibabaon na sa limot an gating kinagisnang wika. Papagayo, alimpuyok,
salakat at anlowage, ay mga salitang matatagpuan sa epiko ni Francisco Balagtras
na”Florante at Laura”. May nakakaintidi pa ba sa mga salitang ito? May nagbabasa pa ba sa
mga akda ni Francisco Balagtas? Kahit na ginagamit pa rin ang mga salitang ito ay tiyak na
ang nakakarami ay hindi na ito maintindihan at marahil binabasa na lamang ang mga akda
ng mga kilalalang manunulat na Pilipino gaya ni Balagtas at Dr. Jose Rizal dahil kailangan
itong basahin para sa paaralan at hindi sa ating sariling pagnanais. Mas nangingibabaw pa
nga ang pagkahilig natin sa pagbasa ng mga istoryang banyaga sa internet gaya ng wattpad
o di kaya sa electronic books o eBook.

Dahil sa sobra nating pagbababad sa mundo ng teknolohiya at sa social media ay


naapektuhan na rin an gating pag-iisip. “Bes, ano nga yung tagalog ng Bird?”. Pati mga
simpleng salitang Filipino ay ibinabaon na. “Eowh Poew mxtah kayo3” PAti pagbaybay ng
mga salita ay iniba na rin. Nasaan na yung itinuro sa kanila sa Elementarya? Minsan nga
kung tatanungin kung ano ang pambasang wika ay TAGALOG pa ang isasagot. Tila mas
nagigiliw na sa pagsasalita mg Ingles ang nakakarami. Kung bibisita ka sa iba’t-ibang mga
social networking sites ay mapapansin mong mas ginagamit pa ng mga Pinoy ang wika ng
mga banyaga kaysa sa sarili nilang wika. Kung tatanungin sa anong rason nila ito ginagawa
ay dahil daw sa mas sosyal daw at nagpapakita raw na matalino sila pag bihasa sila sa wika
ng mga banyaga. Ang kinalabasan ay nagiging banyaga sila sa sarili nilang wika. Mga
impokritong isinanng-tabi ang kinagisnang wika upang magmukhang kaaya-aya sa pananaw
ng iba.

Ngunit dapat nga ba nating ibuntong ang lahat ni sisi sa modernong teknolohiya? Hindi ba
ginawa ito upang makatulong at maiangat ang pamumuhay ng tao? Hindi ba tayo ang utak
sa likod ng lahat at tayo rin may kontrol sa wika na ating ginagamit? Tila naghahanap lang
tayo ng rason sa ating mga maling gawain. Hindi ang makabagong teknolohiya an gating
sisihin kundi an gating mga sarili. Nilikha ang teknolohiya sa napakamabuting rason at
ngayong binbahiran natin to ng kasamaan. Unti-unti nang namamatay ang wikang
pinaghirapang pangalagaan ng ating mga ninuno dahil sa sarili nating mga kilos. Tayo at
tanging tayo ang may sala at teknolohiya ay tanging instrument lamang.

Wag natin sisihin ang modernong teknolohiya. Wag na tayong magsisihan at magtulong-
tulong na lamang upang maisalba pa ang ang ating wika at kultura. Kasi kapag ang mga
ganitong gawain ay magpapatuloy pa sa susunod na henrasyon malamang wala na tayong
maririnig na kumakanta ng kundiman dahil musika na ng mga banyaga ang kanilang
pinakikingan at kinakant . Wala nang makiitang nagbabasa ng El Filibusterismo o Noli Mi
Tangere dahil mga akdang banyaga na ang laman ng ating silid aklatan. MAaring umabot
din sap unto na wala na tayong sariling wika at kultura dahil nawasak na ito dahil sa ating
mga gawi. MAwawalan na ng pagkakakilanlan an gating bansa. Kung kaya’t imbes na
gamitin sa maling pamamaraan ay gawin nating instrumento ang makabagong teknolohiya
upang payabungin ang Wika at Kulturang Filipino. Wag nating ilibing ang kaluluwa ng ating
bansa.

You might also like