You are on page 1of 3

Malinaw (Clear) Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa liham.

Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang
pagkakapahayag ng bawat idea. Ito ay di dapat maging mahaba o maligoy. Higit na epektibo ang
maiikling pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan ng madaling pagunawa. 2. Wasto (Correct)
Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng
angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito
nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad. Tiyaking wasto ang bawat pahayag o sasabihin lalo na ang
mga impormasyon bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag, pagbaybay, at balarila ay
napakapundamental sa kapuri-puring pagsulat ng liham o ano mang uri ng akda. Mahalaga ring isaalang-
alang ang tamang pagbabantas. 3. Buo (Complete) Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang
impormasyon sapagkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na
kapos o depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan,
dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumulat. 3 4. Magalang (Courteous)
Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla,
pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t
agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham. 5. Maikli (Concise) Sikapin na ang bawat isusulat ay
makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng
walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pagaaksaya ng panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman. 6.
Kumbersasyonal (Conversational) Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang
bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais
iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Gumamit ng sariling
pananalita at iwasan ang pagkamaligoy. Ilahad nang makatotohanan ang mga idea at paniniwala. Iwasan
ang pagkamonotono sa paggamit ng panghalip na “Ako” na karaniwang ipinoposisyon sa simula ng
pangungusap. 7. Mapagsaalang-alang (Considerate) Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng
sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging
mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.
Magalang 4 Mga Bahagi ng Liham (Parts of a Letter) 3 S inasabi ng mga awtoridad na ang isang
magandang liham ay maaaring itulad sa isang magandang larawang nakakuwadro. Ang magandang
larawan ay ang liham, at ang kuwadro naman ay ang mga palugit (margin) sa apat na gilid: sa itaas, sa
ibaba, sa kaliwa, at sa kanan. Republika ng Pilipinas Tanggapan ng Pangulo Komisyon sa Wikang Filipino
26 Pebrero 2013 G. LAKANGITING C. GARCIA, PhD Associate Professor, Departamento ng Filipino De La
Salle University, 2401 Taft Avenue Malate, Manila Mahal na Ginoong Garcia: Pagbati! Ang Komisyon sa
Wikang Filipino ay magdaraos ng tatlong araw na Konsultatibong Forum sa Ortograpiyang Filipino.
Gaganapin po ito sa Benitez Auditorium, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod
Quezon sa 11-13 Marso 2013, 8:00 nu–5:00 nh. Layunin ng konsultatibong forum na muling suriin at
pag-aralan ang mga luma at kasalukuyang gabay sa ortograpiyang Filipino upang makabuo ng
napapanahon at episyenteng sistema na magagamit sa lahat ng katutubong wika sa bansa. Kaugnay nito,
malugod namin kayong inaanyayahang maging bahagi ng talakayang ito. Batid naming malaki ang
maiaambag ninyo sa gawaing ito dahil sa inyong kakayahan, kaalaman, at karanasan sa larang na ito.
Hinihiling din namin na mapadalhan kami ng kopya ng inyong curriculum vitae na may larawan ninyo sa
pamamagitan ng sumusunod na email address: trinidadmyrn@yahoo.com.ph /
pinkyjanetenmatay@yahoo.com . Dahil dito, kailangan namin ang inyong sagot sa aming paanyaya sa
lalong madaling panahon. Maaari ninyong ipabatid ang inyong sagot sa pamamagitan ng naturang email
address o sa pamamagitan ng pagtawag sa landline nos. 7362525 loc. 107 at 7362519 at mobile phone
nos. 09227877810 at 09173567670 at hanapin si Minda Limbo o si Elvira Estravo. Pauna po ang
pasasalamat at umaasang pauunlakan ninyo ang aming paanyaya. Matapat na sumasainyo, VIRGILIO S.
ALMARIO Tagapangulo  2/F Watson Building, 1610 JP Laurel Street, Malacañan Palace Complex, San
Miguel, 1005 Maynila  (02) 736.2525/24,; 736.2519; 736.3830; 733.7260; 516.0326  www.kwf.gov.ph
komil.gov@gmail.com Logo at Ulong Sulat/ Letterhead Petsa Patunguhan Bating Pambungad Katawan
ng Liham Pamitagang Pangwakas Lagda/ Pangalan ng Sumulat Adres ng Pamuhatan 5 May anim na
bahagi ang liham na gaya ng: 1. PAMUHATAN (Heading) Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng
tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon).
May dalawang uri ng pamuhatan: a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead) Ang nakalimbag na
pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa kaliwang itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng
tanggapan o kompanya ay karaniwang inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan. Halimbawa na ang
logo ay nasa itaas ng pamuhatan. Sa modelong ito ang logo ay nasa kaliwa ng pamuhatan.

Magsaliksik:
A.Pagtuklas at Paglinang ng mga kaalaman batay sa Lokal na Kaalaman at/o
Katutubong Kaalaman (Metaporisasyon, Problematisasyon, Pangangatwiran at
iba pa)

Kalusugan - Tungo sa pag-aambag sa mga larangan ng kasaysayang etniko,


etnokasaysayan, at Araling Pangkapaligiran, Ang tatlong uri ng kasanayan sa
katutubong medisina at pamamaraan ng panggagamot. Ang tatlong
pamamaraan ng panggagamot ay ang tawar, baklat, at parimanes. ang mga
hakbang kaugnay ng mga natukoy na uri ng panggagamot ayon sa nakaugaliang
gawi at pamamaraan ng mga Pala’wan kasabay na rin ng pinagmulan o
pinanggalingan ng kanilang kalinangan. Bibigyang-pansin din ang pilosopiyang
isinasabuhay ng may direktang epekto sa kanilang kaalaman sa katutubong
panggagamot; ang mga paniniwalang nakakabit sa pamamaraan ng
panggagamot batay sa kanilang kapaligiran o mga kaalamang naipasa ng
kanilang mga ninuno; Paano kinakabaka ang pagpasok at impluwensya ng
modernong medisina kasabay ng pagpapanatili ng kanilang tradisyon sa
katutubong panggagamot sa kanilang komunidad.

Pagkain - Hindi gaanong may panimpla o pampalasa ang talagang mga


katutubong lutuing Pilipino bagaman maraming makukuhang mga pampalasa o
panimpla sa Pilipinas. Pinakapayak na pagkain sa bansa ang kanin o nilutong
bigas. Pangunahing napagkukunan ng protina ang isda, ngunit karaniwan din
ang pagkain ng karne ng baboy at manok. Mayroon ding kumakain ng bibe.
Mayroon din karne ng baka sa bansa subalit mas mataas ang halaga ng karneng
sapagkat hindi gaanong napapaunlad ang industriya nito. Hindi bantog ang
pagkain ng karne ng tupa, bulo o guya. Sa ilang mga lugar, kinakain ang karne
ng kambing, palaka, kuneho, at usa. [1] Bagaman bantog sa Luzon ang pagkain
ng kanin o bigas, mas tanyag ang pagkain ng pananim na may nakakaing ugat o
mga lamang-ugat sa Kabisayaan, katulad ng kamote, mga yam sa Ingles tulad
ng mga ubi, nami, tugi, kamiging; habang sa Mindanao ay pangunahing pagkain
ang panggi o kasaba. Bukod sa bangus, mahilig ang mga Tagalog, Pampanggo,
Ilokano, at Panggasinense sa mga dalag, bulig, hito, kanduli, bongoan, arahan,
karpa, at tilapia. Karaniwang ginagamit ang patis bilang panimpla o sawsawan

You might also like