You are on page 1of 6

2nd QUARTER

SITWASYONG PANGWIKA

1.FLIPTOP
- Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
- Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi
nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
- Kung ano ang paksang sisimulan ng unang kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali.
- Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang
binabato ay balbal at impormal.
- Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
- Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga malalaking samahan na nagsasagawa ng kompetisyon na
tinatawag na “Battle League”.
- Bawat kompetisyon ay kinatatampukan ng dalawang kalahok sa tatlong round at ang panalo ay
dinedesisyunan ng mga hurado.
- Ito ay isinasagawa din sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Ingles lalo na sa tinatawag
nilang Filipino Conference Battle.
- Sa ngayon maraming paaralan na ang nagsasagawa ng fliptop lalo na sa paggunita sa Buwan ng Wika.

2.PICK-UP LINES/BANAT

Halimbawa:
1. “Kung bola Ka at ako ang Player mashoo-shoot ba kita? Hindi, kasi lagi kitang “MAMIMISS”
2.“ Dear Crush, Kung Camera lang itong mata ko, memory full na’to dahil sa dami ng stolen shots ko sa’yo”
3.“Di ko man kayang isigaw sa buong mundo na kung sino ang Mahal Ko, sapat nang alam natin pareho na
ikaw ang tinutukoy Ko.”
3.HUGOT
Tanong: SAAN BA SA TINGIN MO NAG-UGAT ANG PAGBIBITIW NATIN NG MGA GANITONG URI NG MGA LINYA?
Ang HUGOT AY:
-TAGALOG
- PARAAN NG PAGLALABAS
- PAGPILI SA MGA BAGA
-CEBUANO
- MASIKIP
A. HUGUTIN MO.
HINUGOT NG PULIS ANG KANYANG BARIL.
B. ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG.
HINUGOT SA LANGIT.
C. MAY PINAGHUHUGUTAN AKO NG LAKAS.

HUGOT LINES
- TAWAG SA MGA LINYANG PAG-IBIG NA NAKAKAKILIG, NAKATUTUWA, CHEESY, O MINSAN NAMA'Y
NAKAKAINIS.
- TINATAWAG DIN ITONG LOVE LINES O LOVE QOUTES
-KARANIWANG NAGMULA SA LINYA NG ILANG TAUHAN SA MGA PELIKULA O TELEBISYON NA NAGMAMARKA AT
TUMAGOS SA PUSO'T ISIPAN NG MGA MANONOD.
-MAY PAGKAKATAON NA NAKAGAGAWA RIN ANG ISANG TAO NG HUGOT LINES DEPENDE SA DAMDAMIN O
KARANASANG PINAGDADAANAN NILA SA KASALUKUYAN.
- MINSAN AY NAKASULAT SA FILIPINO NGUNIT MADALAS AY INGFIL O IYONG PINAGHALONG INGLES AT FILIPINO
ANG GAMIT NG MGA SALITANG ITO.
“ ANG “HUGOT” KAPAG PINAGRAMBOL ANG MGA TITIK AY PWEDENG MAGING “TUHOG”. IBIGSABIHIN,
KAPAG NATUHOG KA NG PAG-IBIG NAKAKAPAGHUGOT KA.”

Halimbawa: 1. “Ano ba ang kasalanan ko, bakit mo ako iniwang duguan?”- NAPKIN
2.“Mas mabuting di ka na lang dumating kung mang-iiwan ka rin lang naman”.
3. “Bakit kita iiyakan? Kaya naman kitang palitan!”
4. “Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!”

4. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT


Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilalang text message o text ay
isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa sa araw araw
na dahilan upang tayong ay kilalanin bilang “Text Capital of the World”
Higit na popular sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mura ang mag-text mas
komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sa sabihin ito ng harapan
o gamit ang telepono.
Hindi makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses na tumatanggap ng mensahe.
Nabibigyan ng pagkakataon na ma-edit ang mensahe at mas piliin ang angkop na pahayag o salita
kaysa sa aktwal itong sabihin ng harapan o sa telepono.
Mas madalas ang paggamit ng code switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
Madalas din na binabago o pinapaikli ang baybay ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo.
Walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung Ingles o Filipino ang
agagmitinbasta maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindihang
paraan.
Halimbawa:
5.Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest,
Tumblr atbp.
Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga netizen.
Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay.
Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon,
larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito.
Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng Ingles at Filipino
sa pagpapahayag.
May pagpapaikli o pagdadaglat sa mga post o komento dito.
Mas pinag-iisipan mabuti ang mga salita at pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring
makabasa at makapagbigay reaksyon.
Sa post o komento ay madalas makita ang edited na ang ibig sabihin ay may binago o inayos ang post o
nagkomento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat.
Sa intenet Ingles pa rin ang pangunahing wika ng mga impormasyong nababasa, naririnig at
mapapanood.
Ang nilalaman ng internet ay ang mga sumusunod na nakasulat sa Filipino: impormasyon sa iba’t ibang
sangay ng pamahalaan, mga akdang pampanitikan, mga awitin, mga resipe, rebyu ng pelikulang
Filipino, mga impormasyong pangwika, video at iba’t ibang artikulo at sulatin sa mga blog.
Halimbawa:
1. mga post sa social media
blog na may hugot

PAGSULAT NG KRITIKAL NA PAPEL:


PAGSULAT NG KRITIKAL NA PAPEL SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO: MGA HAMON AT PROSESO SA PAG-UNLAD NG
HARAYA

Ayon kay fred kerlinger ( 1973)--ANG PANANALIKSIK AY ISANG SISTEMATIKO, KONTROLADO, EMPIRIKAL, AT KRITIKAL
NA IMBISTIGASYON NG MGA PROPOSISYONG HAYPOTETIKAL TUNGKOL SA MGA NATURAL NA PANGYAYARI.

*ANG PANANALIKSIK AY ISANG SINING


*PAGTUKLAS SA MGA TEORYA NA GAMIT SA KOMPREHENSIBONG PAG-AARAL
• PAGTUKLAS SA SANHI NG SULIRANIN
• PAG TUKLAS NG SULIRANIN
• KRITIKAL NA PAGSUSURI AT EBALWASYON NG SULIRANIN
• PAGKUHA NG DATOS
• PAGHANAP NG IMPORMASYON
• SAGOT SA TANONG
• SISTIMATEKONG PAG-AARAL
• PAGPAPATUNAY SA HINUHA
• PAGSUBOK SA TEORYA
• PAGTATANONG

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
• OBHETIBO
• MAYAMAN SA MGA GINAGAMIT NA DATOS
• MAY ANGKOP NA PAMAMARAAN O METODOLOHIYA
• MAAYOS ANG DOKUMENTASYON
• MAY SINUSUNOD NA TAMANG PROSESO SA PAGSULAT
• KRITIKAL

LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK
1. MAKATUKLAS NG MGA BAGONG IMPORMASYON, IDEYA AT KONSEPTO
2. MAKAPAG BIGAY NG BAGONG PAGPAPAKAHULUGAN O INTERPRETASYON SA DATI NG IDEYA
3. MABIGYANG –LINAW ANG ISANG MAHAHALAGANG DATOS
4. MAKAPAGBIGAY NG MUNGKAHING SOLUSYON SA SULIRANIN
5. MAKAPAGPATOTOO O MAKAPANGATWIRAN SA TULONG NG MGA MAPANANALIGANG MATERYALES O
DOKUMENTO TUNGKOL SA PAKSANG NANGANGAILANGAN NG PAGLILINAW
6. MAKAPAGBIBIGAY NG MGA IDEYA O MUNGKAHI BATAY SA PANGKASAYSAYANG PERPEKTIBO PARA SA ISANG
PANGYAYARI O SENARYO

REPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK
• 1. PAGKAMATIYAGA
• 2. PAGKAMAPAMARAAN
• 3. PAGKAMASISTEMA SA GAWAIN
• 4. PAGKAMAINGAT
• 5. PAGKAMAPANURI O KRITIKAL
• 6. PAGKAMATAPAT
• 7. PAGIGING RESPONSABLE

BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT


“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao,tumitigil na rin sya sa pag-iisip.”

Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng karununungan at kaalaman,mula sa mga pansariling karanasan hanggang
sa mga kaalamang pang-edukasyon.

Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika,inaasahang masusunod ng isang
manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito.

Matuturing na isang mataas na uri ng kominukasyon sapagkat esensyal dito ang napakaraming elemento atc
rekwayrment ng gramatika at bokuabularyo.

Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa
atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.
Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.
Subalit mayroon tayong magagawa....napag- aaralanang wasto at epektib na pagsulat.

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat:


“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.


Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat.

Ang mga tanong na ito ang panimulang batayan sa paglikha ng temang nais gawin, ngunit dahil ang pagsulat sa Filipino
ay nakatuon lamang sa wika, kultura at penomenang panlipunan sa Pilipinas, isa itong malaking hamon kung paano
magiging kaakit-akit ang iyong papel gayong ang tema ay nakatuon lamang sa mga nabanggit.

PAANO ISUSULAT ANG KRITIKAL NA PAPEL?

1. Matapos mong mahanap ang iyong pinakagustong tema o paksa hinggil sa wika, kultura at lipunang Filipino ay
gumawa ka ng isang natatanging pamagat na magiging gabay mo sa iyong kritikal na papel. Ang pamagat ay kailangang
nakatatawag sa sariling imahinasyon o nakapag-iisip sa isang tao. Naririto ang ilang halimbawa sa paglikha at pagsulat ng
pamagat.

2. Kailangang may mahalagang “panimula” ang kritikal na papel. Nagiging malikhain ang panimula kung hindi lamang
nito isinusulat ang salitang panimula kundi gumagawa ng isang sub-title ang manunulat upang pagputol-putulin ang
ideya sa isang paksa. Ginagawa ito upang mas maintindihan ng mambabasa ang isinusulat ng mananaliksik.

3.Maglagay ng mahahalagang detalye o impormasyon sa pamamaraang direct quotation o indirect mula sa mga pahayag
ng taong pinagkunan mo ng impormasyon. Maaari itong ilagay sa panimula o alinmang bahagi ng isang kritikal na papel.
Sa pagsulat ng kritikal na papel ay iminumungkahi kong hindi bababa sa limang sanggunian ang gagamitin.

4. May katawan ang kritikal na papel- naglalaman ito ng mga mabibigat na ideya ng manunulat, ang kaniyang
pamumuna at kuro-kuro hinggil sa paksang napili. Nakaangkla ito sa datos na kinuha ng mananaliksik na siya ngayong
ipaliliwanag sa bahaging ito. Lalagyan pa rin ng subtitle ang katawan upang matukoy ng mambabasa ang paksang
kaniyang binabasa.

5. Nilalagyan ng Konklusiyon ang Kritikal na Papel- upang magsilbing hudyat sa pagwawakas ng papel kailangang ibigay
ng manunulat ang kaniyang naging haka-haka o natutunang bagong ideya. Magkakaroon siya ng konklusiyon upang
ipakita ang bigat ng kaniyang mga napulot na kaalaman.

PARA SAAN ANG BALANGKAS?


-*isang maayos na planong nakasulat na nagpapakita ng dibisyon ng mga ideya at ng kanilang pagkakaayos
ayon sa kanilang kaugnayan sa iba pang mga ideya.
-*ipakita kung aling mga ideya ang mahalaga at pangunahin at alin ang mga pantulong.
-*pinananatili nito ang mga ideya sa isip ng mananaliksik kahit na ang pagsulat ng papel ay matagal pang gawi
gawin
*pinahihintulutan nitong ayusin at muling ayusin ang mga ideya nang walang kahirapan;
-*biswal na ipinapakita nito kung paano aayusin ang mga bahagi;
-*ipinapakita nito ang lakas at kahinaan ng papel pananaliksik sa tamang panahon upang makagawa ng pag-
aayos bago o kahit sa panahon ng pagsulat.

Iba pang mga salitang may kaugnayan sa 2nd quarter exam.

1. Pre-writing, rewriting, composing


Pre-writing-is to prepare students for writing by allowing them to discover what they know and what
else they need to know.
Rewriting is the process of revising and improving a written work. It involves making changes to
the content, structure, and style of a piece of writing to improve its quality and effectiveness 1. The writing
process is never-ending because any piece can be improved every time it’s read again
Composing-be composed of something

2. Code switching, conyo, siyokoy, balbal


Code switching ay ang pagbiglang iba ng lenggwahe na gamit ng isang tao. Halimbawa na lamang na
siya ay nagsasalita ng tagalog, ngunit bigla niya hahaluan ng ingles ang kaniyang pangungusap o pahayag.
Conyo meaning in the Philippines' context, is simply an urban slang language. Filipino also call it
Coño or Pinoy slang. It means talking in Taglish (mixing words from Tagalog and English in sentences).
Filipino youth from the upper class (the rich) and those in expensive schools also call themselves Conyo
Ang mga tinatawag na “salitâng siyókoy” ni Virgilio S. Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), ay mga salitâng hindi hiram sa Español at hindi rin Ingles, at kadalasang bunga ng kakulangan
sa kaalaman sa wastong anyong Español ng mga iskolar at edukadong nagnanais magtunog Español

3. Introduksyon, katawan, konklusyon

1. Pagsisimula o Panimula: Ito ang unang bahagi ng sanaysay na naglalaman ng pampukaw-siklab na


mga talata o pangungusap na naglalayong kumuha ng pansin ng mga mambabasa. Dito ipinakikilala ang
pangunahing paksa at maaaring isama ang mga kaugnay na konteksto o pangkasalukuyang isyu.
2. Katawan o Gitna: Ito ang bahaging naglalaman ng malawak na pagtalakay sa pangunahing paksa ng
sanaysay. Binubuo ito ng mga talata na naglalahad ng mga argumento, mga ebidensya, mga halimbawa,
at iba pang suportang impormasyon. Ang bawat talata ay dapat nag-uugnay at nagpapakita ng malinaw
na pag-unlad ng mga ideya.
3. Konklusyon: Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagbibigay ng kasaraan o wakas sa mga argumento
at punto na inilatag sa katawan ng sanaysay. Ang konklusyon ay naglalaman ng isang buod ng mga
pangunahing puntos at maaaring maglaman ng huling pagpapahayag, rekomendasyon, o hamon sa mga
mambabasa.
4. Citation,
Citation in research papers: A citation appears in the main text of the paper. It is a way of giving
credit to the information that you have specifically mentioned in your research paper by leading the reader
to the original source of information.

5. Modern Language Association- MLA


Modern Language Association of America, often referred to as the Modern Language
Association (MLA), is widely considered the principal professional association in the United States for
scholars of language and literature.[1] The MLA aims to "strengthen the study and teaching of language
and literature".[2] The organization includes over 25,000 members in 100 countries, primarily academic
scholars, professors, and graduate students who study or teach language and literature, including
English, other modern
languages, and comparative literature.[2][3] Although founded in the United States, with offices in New
York City, the MLA's membership, concerns, reputation, and influence are international in scope.
for nearly a century it has been the driving principle behind MLA style, a set of standards for writing and
documentation used by writers to find and evaluate information, alert their audience to the
trustworthiness of their findings through citation, and shape the expression of their ideas in
conversation with others.

6. APA
Ang istilo ng APA (American Psychological Association) ay isang gabay sa estilo na ginagamit
ng malawak para sa akademikong pagsulat sa mga agham panlipunan at sikolohiya.
Ang gabay sa istilo ng APA ay tumutugon sa iba't ibang mga isyu sa pag-format sa
akademikong pagsulat patungkol sa mga pagsipi sa loob ng teksto ng trabaho at mga sanggunian kasama ang
abstract at pahina ng pamagat. Alamin ang mga sulos ng istilo ng pagsulat ng APA sa pamamagitan ng mga
halimbawa ng format na APA.
Halimbawa:

Sa panahon ng pagsiklab, naisip ng mga doktor na ang mga sintomas ng sikolohikal ay walang kaugnayan
(Juarez, 1993) .
Kung ang may-akda ay pinangalanan sa teksto, ilagay lamang ang petsa sa panaklong.

7. CMS- Chicago Manual of Styles


The Chicago Manual of Style (CMS) is the preferred formatting and style guidelines used by the
disciplines of history, philosophy, religion, and the arts. This quick reference guide focuses on how to format
the title page, the notes, and bibliography citations in Chicago Manual Style 17 edition.

8. Jargon
Ang Jargon ay isang espesyal na uri ng wika na ginamit sa isang partikular na konteksto at
maaaring hindi maunawaan sa labas ng konteksto na iyon . Ang mga ito ay mga espesyal na salita o
pagpapahayag na kabilang sa isang tiyak na propesyon o aktibidad. Ito ang terminolohiya ng agham,
teknolohiya, kalakalan, sining, atbp. Ang mga tao sa labas ng partikular na larangan ay hindi maiintindihan
ang mga kahulugan ng mga salitang ito.

9. Kontemporanyo
Ang kontemporaryo ay galing sa salitang Medieval Latin na "comtemporarius", na ibig sabihin
ng "con" ay "together with" (pinagsama) at ang "tempus, tempor" ay "time" (oras). Ang kontemporaryo ay
"kasalukuyan, o nabubuhay". Maaari ding nangangahulugang "moderno, uso, o napapanahon".

10. Imahe
Ang isang imahe ay isang representasyon sa mga salita ng isang madaling makaramdam na
karanasan o ng isang tao, lugar, o bagay na maaaring kilala ng isa o higit pa sa mga pandama.

11. Direct quotation


A direct quotation reproduces words verbatim from another work or from your own
previously published work.

12. Pamanahong Papel


Ang isang pamanahong papel ay isang papel na pananaliksik na isinulat ng mga mag-aaral isang
term na pang-akademiko, na nagkakaloob ng malaking bahagi ng isang grado. Tinukoy ito ng Merriam-
Webster bilang "isang pangunahing nakasulat na takdang aralin sa isang kinatawan ng kurso ng paaralan
o kolehiyo ng nakamit ng mag-aaral sa isang term". Ang mga pamanahong papel ay karaniwang inilaan
upang ilarawan ang isang kaganapan, isang konsepto, o magtaltalan ng isang punto. Ito ay isang orihinal
na sulatin na pinag-uusapan nang detalyado ang isang paksa, kadalasan maraming mga pahina, at
madalas dahil sa pagtatapos ng isang semester.

You might also like