You are on page 1of 6

FILIPINO 1: AKADEMIKO SA WIKANG FILIPINO

MODYUL 3 Leksiyon 2: Sitwasyong Pangwika sa Anyong Kulturang Popular

Nilalaman:
• Paunang Salita
• Sitwasyong Pangwika sa Fliptop
• Sitwasyong Pangwika sa Pick-up Lines
• Sitwasyong Pangwika sa Hugot Lines
• Sitwasyong Pangwika sa Text

Ika-apat na pangkat:

Mga Miyembro:
Gabredo, Joseph Roy I.
Jangas, Jhon Paul E.
Caralde, Mariel R.
Tutor, Ellissa P.
Carlos, Rodelin Niña M.
Epis, Jeremy P.
Butalid, Rosalinda E.
Duhaylungsod, Khea
Paunang Salita

Isa sa mga katangian ng wika, ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay paggamit
dito umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga
pagbabagong pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong paraan ng
malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng Wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad
ng fliptop, pick-up-lines, hugot lines, text at iba pa. Kumusta naman kaya ang paggamit ng wika sa mga
larangang ito?

Sitwasyong Pangwika sa Fliptop

Ano nga ba ang kahulugan ng Fliptop? Ang Fliptop ang makabagong balagtasan. Ito ay tinatawag
ring rap battle. Ito ang tagisan ng mga tawong mahusay makipagpalitan ng pahayag sa pamamagitan ng
rap. Kadalasang layunin into ay makapang-asar. Ang puhunan ng mga kalahok ay mga original na bars o
pambanat na pahayag. Kailangan na mabilis ang isip at dila. Bawal din ang pikon dito. Ang Fliptop ay
pinamumunuan ni Arik, mas kilala bilang si Anygma. Ay ang mga MC dito ay sina Sinio, Loonie, Smugglaz,
Basilyo, Apekz, Abra, Zaito, Flict-G at iba pang mga sikat na MC sa Liga.

Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang
mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na
paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng
kanyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtalo, sa fliptop ay
walang nakasulat na skrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at mabibilang sa iba’t
ibang wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban.

Laganap ang fliptop sa kabataan. Katunayan, may malalaking samahan na silang nagsagawa ng mga
kompetisyon na tinatawag na Battle League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang
kalahok ay may tigatlong round at ang panalo ay dinedisyonan ng mga hurado. May mga fliptop na
isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa Wikang Filipino lalo na sa tinatawag nilang
Filipino Conference Battle. Ang karaniwang paglaganap ng fliptop ay sa pamamagitan ng Youtube.
Milyon-milyon ang mga views ng mga Kompetisyong ito. Sa ngayon ay maraming paaralan na rin ang
nagsasagawa ng fliptop lalo na sa Buwan ng Wika.

Halimbawa ng Fliptop lines:

Loonie: Nagfri-freestyle ka? Kilala mo bang kalaban mo ngayon? Hindi ka ba nag praktis? Bakit?
Kasalanan ko yun?

Loonie: Kasi yung iniigib mo, iniigib mo pa sa balon. At sa sobrang hirap mo nagtitipid ka sa sabton, kaya
yung balay mo mas madalas pa sa presko, na nito kasi! Mas madalas ka pa mag birthday kesa maligo.

Sinio: Kasi si Aklas masyadong malandi, natikman n’ya na daw lahat, tao na lang yung hindi.
Sinio: Ano ba yan baks di na yun tatalab sayo! No offense bro, akala ko nga namatayan kayo, sobrang itim
sa profile pic nag condolence ako.

Sitwasyong Pangwika sa Pick-up Lines

May mga nagsasabing ang pick-up-lines ay makabagong bugtong na kung saan may tanong na
sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing
nagmula ito sa boladas ng mga binatang manliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti
at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up-
line, masasabing ito’y nkatutuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, chessy, at masasabi ring corny.
Madalas itong marinig sa usapang ng mga kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa
mga facebook wall, sa twitter at sa iba pang social media network.

Kailangan ang taong nagbibigay ng pick-up-line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang
sandali lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.
“BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. Nauso ang
pick-up-lines dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na
may ganitong segment. Naging matunog din ito lalo na nang gamitin ni Senadora Miriam Defensor
Santiago ang kanyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever. Dito pinagsama-
sama niya ang iba’t ibang pick-up-lines, orihinal man niya o hindi. Naging best seller ang aklat niyang ito
kaya’t ngayo’y mas maraming tao na ang nagpapalitan ng mga pick-up-line. Ang ilang halimbawa ng mga
pick-up-line ay mababasa sa ibaba:
Halimbawa ng Pick-up Lines:

BOY: Google ka ba?

GIRL: bakit?

BOY: Kasi nasa iyo na lahat ng hinahanap ko

BOY: Pagod ka siguro?

GIRL: Bakit?

BOY: Kasi buong araw, tumatakbo ka sa isip ko.

BOY: Anong panulat ang gamit mo?

GIRL: Bakit?

BOY: di kasi kita mabura sa isip ko eh.

BOY: Sana ako ang Sabado at ikaw ang araw ng Linggo.

GIRL: Ha? Bakit?

BOY: Para ikaw ang kinabukasan ko.

Sitwasyong Pangwika sa Hugot Lines

Ito ay ang ekpresyon sa kasalukuyan na nagpapahayag ng mga nararamdaman gamit ang retorika,
paghahambing o paghahalintulad. Ang paksa ng hugot ay kadalasang tao, bagay o pangyayari na kanilang
hinahambing sa karanasan. Tinatawag ding love lines o love quotes. Hugot lines ang tawag sa mga linya
ng pagibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis. Karaniwang nagmula ang hugot
lines sa mga linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood
subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin o
karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit
madalas Taglish o pinaghalong Ingles at Tagalog ang gamit na salita sa mga ito.

Halimbawa ng Hugot Lines:

“Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin---
‘yung hindi tayo sasaktan at paaasahin….’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” – John Lloyd
Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat… and you chose to
break my heart.” – John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)

“Wala naman pala yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na niya mahal, hindi kana niya mahal.” –
Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Tadhana

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O kailangan mo ako kaya mahal mo ako? –Claudine Baretto
bilang Jenny, Milan (2004)

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!” –Carmi
Martin bilang Babygirl Dela Costa, No Other Woman (2011)

“Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta kung wala ang tamis mo.” –Meriam Defensor
Santiago, Stupid is Forever

Iba pang halimbawa:

▪ Mahirap intindihin, minsan Math madalas ikaw.


▪ Kahit hindi mo na tuparin yung peksman, yung mamatay na lang.
▪ Kasali ka daw sa Gang? Gang tingin lang.
▪ Sana deadline na lang din ako para habulin mo rin ako.
▪ Hindi ka nya niloko. Ikaw mismo ang nanloko sa sarili mo. Alam mo na ngang hindi seryoso. Go
ka pa rin ng Go.

Sitwasyong Pangwika sa Text

Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text
message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-
kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman
tinagurian tayong “Texting Capital of the World”. Higit na itong popular kaysa pagtawag sa telepono o
cell phone dahil bukod sa mas murang mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong
mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang
harapan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Sa text nga naman ay hindi mo nakikita ang
ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe. Sa pagpindot din sa keypad
ay mas mabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas angkop na pahayag o
salita kaysa sa kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o sa telepono.
Subalit ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text? Ikaw mismo kapag nagte-text ay malamang ay
gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga salita, hindi ba? Sa pagbuo ng mensahe
sa text, madalas ginagmit ang code switching o pagpapaplit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
Madalas din binabago o pinapaikli ang baybay ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo.

Walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung sa Ingles o Filipino ba
ang gamit basta’t maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindahang
paraan. Halimbawa ang okay ay nagiging ok o k na lang. Ang dito ay nagiging d2.

Usong-uso rin sa text ang paggamit ng mga daglat sa pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa Ingles.

Halimbawa:

Minsa’y nakapagulot ng kalituhan ang ganitong mga pagpapahayag sa text o SMS subalit ito’y
tinanggap ng lipunan bilang isa sa mga katangian ng wika. Ang wika ay buhay at dinamiko. Patuloy itong
nagbabago at yumayabong at sumasabay sa pagababago ng panahon.

You might also like