You are on page 1of 14

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA

PANG ANYO NG KULTURANG


POPULAR
1. FLIPTOP
• Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nina-
rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi
nakalahad o malinaw na paksang pagtalunan.
• Kung ano ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di tulad ng
balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtalo,
sa fliptop ay walang nakasulat na skrip kaya karaniwang
ang mga salitang binabato ay di pormal at maibibilang sa
iba’t-ibang wika. Pangkaraniwang din ang paggamit ng
mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban.
1. FLIPTOP
• Laganap ang fliptop sa kabataan. Katunayan, may
malalaking samahan na silang nagsasagwa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League.
• Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang
kalahok ay mag tigtatlong round at ang panalo ay
dinedesisiyon ng mga hurado.
• May mga fliptop na isinasagawa sa Ingles subalit ang
karamihan ay s wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang
Filipino Conference Battle.
• Karaniwang paglaganap ng fliptop ay sa pamamagitan ng
Youtube.
2. PICK-UP LINES
• Sinasabi na ito ang makabagong bugtong kung saan
may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas
maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
• Sinasabi rin na ito ay nagmula sa boladas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin,
magpakilig, magpangiti, at magpa- ibig sa dalagang
nilliligawan.
2. PICK-UP LINES
• Kung may mga salitang angkop na makapaglarawan
sa pick-up line, masasabing ito’y nakakatuwa,
nakapagpangiti, nakakikilig, cute, chessy, at masasabi
ring corny.
• Madalas itong marinig sa usapan ng kabataang
magkakaibigan o nagkakaibigan.
• Nakikita ito sa sa mga Facebook wall, Twitter, at sa
iba pang social media network.
2. PICK-UP LINES
• Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay
karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit
nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil sa mga
kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
• Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay
mabilis mag- isip at malikhain para sa ilang sandal
lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong
sa isang nakapagpapakilig na sagot.
2. PICK-UP LINES
• “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na
maliwanag ang koneksiyon ng dalawa.
• Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni
“Boy Pic-up” o Ogie Alcasid sa programa nilang
Bubble Gang na may ganitong segment.
• Naging matunog din ito lalo na nang gamitin ni
Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga
talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is
Forever.
HALIMABAWA PICK-UP LINES
3. HUGOT LINES
• Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love
quotes ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain.
• Hugot lines ang tawag sa linya ng pag-ibig na nakakikilig,
nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis.
• Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa
pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng
manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sariling
nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin
o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.
3. HUGOT LINES
• Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit
madalas, Taglish o pinaghalong Tagalog at Ingles ang
gamit na salita sa mga ito.
• Halimbawa:
“Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil
may darating pang mas magmamahal sa’tin- yung hindi
tayo sasaktan at paasahin… yung magtatama ng lahat na
mali sa buhay natin.”
-John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2017)-
3. HUGOT LINES
“She loved me at worst. You had me at my best,
but binalewala mo lng lahat… And you choose to
break my heart.”
-John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2017)-
“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako?... O
kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”
-Claudine Baretto bilang Jenny, Milan (2004)
HALIMBAWA NG HUGOT LINES
“She loved me at worst. You had me at my best, but
binalewala mo lng lahat… And you choose to break my
heart.”
-John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2017)-
“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako?... O
kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”
-Claudine Baretto bilang Jenny, Milan (2004)
HALIMBAWA NG HUGOT LINES
“Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming Snatcher,
maagawan ka. Lumaban ka.”
-Carmin Martin bilang Babygirl Dela Costa, No Other Women (2011)
“Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta
kung wala ang tamis mo.”
-Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever-
“Kapag namatay na ako, huwag na huwag kang pupunta sa
libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.”
-Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever-
HALIMBAWA NG HUGOT LINES
“Hindi . Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. 7 words. Yung
8 years naming nagawa niyang tapusin in 7 words.”
-Angelica Panginiban Bilang Mace, That Thing Called
Tadhana.”
“Wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka
na n’ya mahal, hindi ka na n’ya mahal.”
-Angelica Panginiban Bilang Mace, That Thing Called
Tadhana.”

You might also like