Professional Documents
Culture Documents
KPWKP
KPWKP
• Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nagungunahang wika sa radio. Ang halos lahat ng mga estasyon
ng radio sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito. May mga programa rin
sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa
rin angt gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radio sa probinsyang may mga programang
gumagamit ng rehiyon na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap.
• Sa mga diyaryo naman ay wikang ingles ang ginagamit ng mga broadsheet at wikang Filipino sa mga
tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang ingles. Subalit tabloid ang mas
binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke,
mga ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang
naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak and impluwensya ng mga babasahing ito
sanakakaraming Pilipino. Iyon nga lang, and lebel ng Filipinong ginagamit sa tabloid ay hindi ang pormal
ng wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na
headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding sensasyonal
at litaw sa mga ito and mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Pilipino
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Bagama't mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas ating bansa taon-taon, ang
mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik
ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014,
batay sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang,
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over
Again, It Takes A Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, You're Still the One, at iba pa. Ang
wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika.
Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo,
diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming
manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang
palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nano mas malaki. Subalit, kundi rin
mapasusubalian ang katotohanang dahil sa malawak na impluwensiya wikang
ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang
nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit ng wikang Filipino. isang mabuting
senyaleS para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa. Bagama't
laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino a madalas na
ginagamit sa mga prograrna sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan
ano nananaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong e r trikto ang pamantayan
ng propesyonal isn10. Sa maraming babasahin at palabas sa F lipino, ang tila
nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at lumikha n ugong o ingay ng
kasayahan (Tiongson, 2012). Isang pag-asam at håmon para sa mga taong nasa likod
ng mass media at mga taong tumatangkilik sa mga ito na hindi lang basta lumaganap
ang Filipino kundi magamit din ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang
antas ng ating wika.
SITWASYON PANGWIKA SA IBA PANG ANYO
NG KULTURANG POPULAR
• Ang hugot lines, kaiba Pick-up Lines, ay tinatawag ding love lines o love
quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang
tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakaiinis. Karaniwang nagmula
ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon nagmarka sa puso't isipan
ng mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang "hugot
lines" ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaanan niya sa
kasalukuyan. Minsan ang mga ito'y nakasulat sa Filipino subalit madalas,
Taglish ang gamit na salita sa mga ito. Makikita sa kabilang pahina ang ilang
halimbawa ng hugot lines.
"SIGURO KAYA TAYO INIIWANAN NG MGA MAHAL NATIN DAHIL MAY
DARATING PANG "SHE LOVED ME AT MY WORST. YOU HAD ME AT MY
BEST, BUT BINALEWALA MO LANG ANG LAHAT... AND YOU CHOSE TO
BREAK MY HEART."
-JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007)
"ANG MUNDO AY ISANG MALAKING QUIAPO. MARAMING SNATCHER,
MAAAGAWAN KA. LUMABAN KA!" -ANGELICA PANGANIBAN BILANG
MACE, THAT THING CALLED TADHANA. "HINDI. NA. KITA. MAHAL.
MAKAKAALIS. KA. NA. 7 WORDS. YUNG 8 YEARS NAMIN NAGAWA NIYANG
TAPUSIN IN 7 WORDS."
IBANG MAS MAGMAMAHAL SA 'TIN 'YUNG HINDI TAYO SASAKTAN AT
PAAASAHIN 'YUNG MAGTATAMA NG LAHAT NG MALI SA BUHAY NATIN."
-JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007)
"MAHAL MO BA AKO DAHIL KAILANGAN MO AKO, O KAILANGAN MO AKO
KAYA MAHAL MO AKO?"
-CLAUDINE BARETTO BILANG JENNY, MILAN (2004)
"ANG MUNDO AY ISANG MALAKING QUIAPO. MARAMING
SNATCHER, MAAAGAWAN KA.
-CARMI MARTIN BILANG BABYGIRL DELA COSTA, NO
OTHER WOMAN (2011)
"WALA NAMAN PALA 'YUN SA TAGAL NG RELASYON.
KUNG HINDI KA NA N'YA MAHAL, HINDI KA NA N'YA
MAHAL."
-ANGELICA PANGANIBAN BILANG MACE, THAT THING
CALLED TADHANA
"KUNG ASUKAL KA, AKO NAMAN AY SAGO. WALA AKONG
KUWENTA KUNG WALA ANG TAMIS MO."
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
• Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging
system) na lalong kilala bilang text message o text ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan,
humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at
natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian
tayong "Texting Capital of the World." Higit na itong popular
kaysa pagtawag sa telepono o cell phone dahil bukod sa mas
murang mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga
pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng
maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o
sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Sa text nga naman ay
hindi mo nakikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng
taong tumatanggap ng mensahe.
Sa pagpindot din sa keypad nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit ang sarili
niya at piliin ang mas angkop na pahayag o salita kaysa sa kung aktuwal niya
itong sinasabi sa harapan ay mas man o sa telepono. Subalit ano ba ang
katangian ng wika sa SMS o text? Ikaw mismo kapag
nag-te-text ay malamang na gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles at
pinaikling mga salita, hindi ba? Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas
ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag. Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para
mas madali o mas mabilis itong mabuo. 160 characters (titik, numero, at
simbolo) lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng mensahe kaya
nangyayari ito para makatipid sa espasyo at para mapabilis ang pagpindot sa
maliliit na keypad ng cell phone.
Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, Ingles o Filipino man
ang gamit basta't maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali, at kahit
paano'y naiintindihang paraan. Halimbawa, ang okay ay nagiging ok o k na lang. Ang
dito ay nagiging d2. Pinaghahalo ang Ingles at Filipino at sakâ dinadaglat para
masabing "d2 na me. Wr u na?" mula sa mahabang "Nandito na ako. Where are you
na?" Madalas ding tinatanggal ang mga patinig para mapaikli salita tulad ng puwede
na nagiging pwd; saan ka na ba? na nagiging sn k n b?. Sa mga salitang Ingles naman
ay ginagamit na lang ang titik at numerong katunog ng salita. Halimbawa, ang are
na nagiging r; you nagiging u; see na nagiging c; be na nagiging b; the na nagiging d;
to na nagiging 2; for na nagiging 4. Kaya naman, "Are you going to see me today?"
na binubuo ng 23 titik ay nagiging "r u goin 2 c me 2day?" na binubuo na lang ng
labing-apat na titik. ang ang
Usong-uso rin sa text ang paggamit ng mga daglat bilang sa mga parirala lalo na sa
Ingles.
HALIMBAWA:
AAP – Always a pleasure
AML – All my Love
B4N – Bye for now
BFF – Best Friend Forever
BTW - By the way
CUL8R – See you later
HBD – Happy Birthday
EOD – End of Discussion
JK - Just Kidding
GTG – Got to go
GBU - God bless you
IDC – I don’t care
ILY – I love you
LOL – Laugh out loud
OIC – Oh, I see
OMG – Oh my God/Gosh
WTG - Way to go
XOXO – Hugs and Kisses
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA
AT SA INTERNET
• Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang
kabataang wala ni isang social media account tulad ng Facebook, Instagram,
Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba pa. Maging mga nakatatanda tulad ng mga
lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life
sa pamamagitan ng social media. Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya
dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng
magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa't isa o
matagal nang hindi nagkikita. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa
buhay sa pamamagitan ng mga naka post na impormasyon, larawan, at
pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.
Kumusta naman kaya ang paggamit ng wika sa mga social media? Tulad din ng sa text, karaniwan
ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang
pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Gayumpaman, dahil
di tulad ng text o SMS na pribado o iisang tao lang ang inaasahang makababasa, sa social media
ay mapapansing mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao
ang maaaring makabasa nito. Sa post o komento ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin, may
binago o inayos ang nag-post o nagkomento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat.
Sa Internet, bagama't marami nang web site ang mapagkukunan ng mga impormasyon o
kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing
wika nito. Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa Internet na umaabot sa
mahigit 3 bilyon sa buong mundo. Sa Pilipinas, nasa 39.470 milyong katao ang konektado sa
Internet sa taong 2015 at ito'y dumarami pa nang 10% taon-taon. Bagama't nasa 39.43% na ito
ng buong populasyon ng Pilipinas ay nasa 1.35% lamang ito ng kabuoang bilang ng mga taong
konektado sa Internet sa buong mundo. Ang pangunahing wika sa mga web
Ang pangunahing wika sa mga web site at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig, at
mapanonood sa Internet ay nananatiling Ingles.
wikang Ano-ano nga ba ang mga babasahin at impormasyong nasusulat sa Filipino sa Internet?
Mababasa rito ang mga dokumentong pampamahalaan tulad ng ating saligang batas, mga
kautusang pampamahalaan mula sa iba't ibang kagawaran, mga impormasyon mula sa iba't
ibang sangay ng pamahalaan, gayundin ang maraming akdang pampanitikan, mga awiting
nasusulat sa wikang Filipino maging ang mga lumang awiting-bayan na karaniwang laganap
lamang dati sa paraang pasalita, mga resipi, rebyu ng mga pelikulang Tagalog, mga balita mula sa
iba't ibang pahayagang online, diksiyonaryong Filipino, mga impormasyong pangwika, video ng
mga broadcast, at samo't saring sulatin sa wikang Filipino tulad ng mga blog, komento, at
marami pang iba.
Masasabing ang mga babasahing nasusulat sa wikang Filipino ay hindi kasindami ng mga
babasahing nasusulat sa wikang Ingles at maaaring hindi pa ito nakasasapat sa pangangailangan
ng mga mamamayan lalo na ng mga mag-aaral na naghahanap ng mga impormasyon at
babasahing nasusulat sa ating sariling wika. Isang hamon ito para sa hinaharap, ikaw na
nagbabasa nito ay maaaring makatulong sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mundo ng
Internet. Bagama't di pa sapat ay mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang kung anuman
ang mayroon tayo sa kasalukuyan ay lalong madagdagan o maparami pa upang sa hinaharap ay
lalo pang mapayaman o mapalaganap ang paggamit ng wikang Filipino sa mundong tinatawag na
virtual.
SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN
• Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na "nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya," naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba't ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang
Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga
inisyatibo sa paggamit ng wika. Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng
malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito
sa mahahalagang panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the Nation
Address. Sa buong panahon ng kanyang panunungkulan ay sa Filipino niya ipinararating ang kanyang
SONA. Makabubuti ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito
rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa
mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan
ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang
Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON
• Sa mga naunang aralin ay ating nalaman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa mga
silid-aralan ayon sa itinatadhana ng K to 12 Basic Education Curriculum. Sa mababang paaralan
(K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na
asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay
na asignaturang pangwika. Sa mas matataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan
ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo. Bagama't marami pa ring edukador
ang hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at pamantayang
sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang malaki upang
higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang
Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit
nilang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-aaralan.
REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA
IBA'T IBANG SITWASYON
• Napag-aralan natin sa mga nagdaang aralin ang tungkol sa iba't ibang barayti ng wika. Ang mga barayting
ito ay nagagamit sa iba't ibang sitwasyong pangwikang ating natalakay rito. Isa sa mga uri ng sosyolek ang
nais bigyang-diin dito, ang paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba't
ibang hanapbuhay o larangan. Kapag narinig ang mga terminong ito ay matutukoy o masasabi ang
larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito.
• Halimbawa:
• Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng sumusunod na mga jargon:
• exhibit, appeal, complainant, suspect, court, justice, at iba pa Ang mga guro o mga taong konektado sa
edukasyon ay maipakikilala ng
• sumusunod:
• 20
• lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook
• Ang mga doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa medisina ay maipakikilala ng sumusunod:
• ■symptoms, x-ray, check-up, prognosis, diagnosis, therapy
KONGKLUSYON
• Batay sa mga nailatag na sitwasyong pangwika sa iba't ibang larang, maliwanag na makikita ang
kapangyarihan at lawak ng paggamit ng wikang Filipino, ang itinuturing na wika ng masa sa kasalukuyang
panahon. Makikita sa mga ito ang lubos na pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa sarili nating
wika. Nasa atin nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapalawig sa sarili nating wika upang
ito'y lalong maisulong at higit na maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas nito ay sasalamin din
sa katatagan ng ating pagka-Pilipino. Wala namang masama kung matututo tayong magsalita ng mga
wikang banyaga at maging multilingguwal subalit higit sa lahat, kailangan nating patatagin ang ating
sariling wika para sa sarili na rin nating kapakinabangan. Ang pagkakaisang ito ay makapagdudulot ng pag-
unlad. Walang makututulong sa Pilipino kundi ang kapwa rin Pilipino at mangyayari iyan kung magkakaisa
tayong iwaksi ang kaisipang kolonyal, makipag-ugnayan sa isa't isa, magtulungan, magtalastasan gamit ang
wikang nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino dahil sabi nga ni Jose Rizal:
• "Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda;
• Laya ang marapat pagyamaning kusa
• Na tulad sa inang tunay na nagpala.“
• "Sa Aking Kabata" ni
• Dr. Jose P. Rizal (1861-1896)
IPAKITA NATIN ANG PAGMAMAHAL SA SARILING WIKA SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT
DITO. "NAGIGING PLASTIK ANG MGA TAO: NAGBIBIHIS NG BARONG, NAGSASAYAW NG
TINIKLING, KUMAKAIN NG PAGKAING PINOY, PERO AFTER NUN WALA NA. EH DAPAT
ARAW ARAW 'YAN." (NAVAL: 2014) TOTOO ANG OBSERBASYONG ITO. NARARAPAT NGA
NAMAN SA ARAW-ARAW AY GAMITIN NATIN AT PAGYAMANIN ANG ATING SARILING
WIKA AT HINDI LANG SA BUWAN NG AGOSTO KUNG KAILAN GINUGUNITA ANG BUWAN
NG WIKA. "SA PANAHON NG AT SA PAPARATING NA ASEAN INTEGRATION, NARARAPAT
LANG NA LALO PANG GLOBALISASYON PAIGTINGIN NG MGA PILIPINO ANG SARILING
WIKA, PANITIKAN, AT KULTURA UPANG MAGING BAHAGI NG ATING KONTRIBUSYON SA
INTEGRASYONG SOSYO-KULTURAL NA GLOBAL AT REHIYONAL ANO ANG IBABAHAGI
NATIN SA MGA PROYEKTONG INTEGRASYONG GLOBAL AT REHIYONAL KUNG WALA
NAMAN TAYONG WIKA O KULTURANG IBABAHAGI SA MUNDO AT SA ASEAN?" (SAN
JUAN: 2014) MAGSAMA-SAMA TAYONG ITAGUYOD ANG LAKAS AT KAPANGYARIHAN NG
BAWAT PILIPINO GAMIT ANG SARILING WIKANG NAUUNAWAAN AT GINAGAMIT NG
BAWAT ISA, ANG WIKANG FILIPINO.