You are on page 1of 35

Kabanata II

Aralin 1:
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas
(Mga Sitwasyong Pangwika)
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ay itinuturing na makapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito.

Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong


dumadami ang manonood ng telebisyon saanmang sulok ng
bansa.

wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa


ating bansa.
Ang pagdami ng palabas pantelebisyon
particular ang mga teleserye o telenobela at mga
pantanghaling programa o noontime show tulad
ng Eat Bulaga at It’s Showtime na
sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood
ang isa sa malalaking dahilan kung bakit ang
halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapgsasalita wikang Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo
Katulad sa telebisyon Filipino rin ang nangungunang wika sa
radio.

Ang halos lahat ng mga estasyon ng radio AM man o FM ay


gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito

May programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na


gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit
nakararami pa rin ang paggamit ng Filipino.
may mga estasyon ng radio sa probinsiyang may mga
programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag
kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-
usap.

Sa mga Diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga


broadsheet at wikang Filipino sa mga Tabloid maliban sa People’s
Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles.

Tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng


mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga
ordinaryong mangagawa, at iba pa dahil sa mas mura at
nakasulat sa wikang higit nilang maintindihan.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Bagama’t mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang
naipalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga local na pelikulang
gumagamit ng midyum na Filipino at barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood.

Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang


ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang local
na tinatampukan din ng mga local na artista. ONE MORE
CHANCE, STARTING OVER AGAIN, IT TAKES A MAN AND A
WOMAN, BRIDE FOR RENT, YOU’RE MY BOSS, TOU’RE
STILL THE ONE at iba pa.
Sa maraming babasahin at palabas na Filipino, ang
tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw,
manlibang, at lumikha ng ugong o ingay ng
kasayahan (Tiongson 2012).

Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa


likod ng mass media at mga taong tumatangkilik sa
mga ito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino
kundi magamit din ito ng mga nasabing midyum
upang higit na maitaas ang antas ng wika.
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng
Kulturang Popular
Isa sa katangian ng wika ay ang pagiging malikhain. Sa
patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang
paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng
impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media.

Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong paraan ng


malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino
at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod:
FlipTop
Isang pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.

Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-


rap ay makatugma bagama’t sa FlipTop ay hindi nakalahad
o walang malinaw na paksang pagtatalunan.

Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang


kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali.
Pick-up Lines
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong
bugtong kung saan ay tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.

Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw


na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-
ibig sa dalagang nililigawan.

Nakikita rin ito sa mga Facebook wall, sa Twitter, at sa iba pang


social media network.
Ang ilang halimbawa ng pick-up line ay ang mga
sumusunod:
BOY: Google ka ba? BOY: Centrum ka ba?
GIRL: bakit? GIRL: Bakit?
BOY: Kasi… nasa ito ang lahat BOY: kasi… you’re my A to Z.
ng hinahanap ko.
BOY: Sana ako ang Sabado at
BOY: Oatmeal ka ba? ikaw ang araw ng Linggo.
GIRL: Bakit? GIRL: Ha? Bakit?
BOY: Kasi… your good to my BOY: Para ikaw ang kinabukasan
heart. ko.
Hugot Lines
Ang hugot lines ay kaiba sa Pick-up lines, ay
tinatawag ding love lines o love quotes.

Ito ay isang patunay na ang wika nga ay malikhain.

Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na


nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y
nakaiinis.
Makikita ang ilang halimbawa ng mga hugot lines:

“She loved me at my worst. You had me at my best, but


binalewala mo lang ang lahat… and you choose to break my
heart.”
-John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo


ako kaya mahal mo ako?”
-Claudine Barreto bilang Jenny, Milan (2004)
“Wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka
na n’ya mahal, hindi ka n’ya mahal.”
-Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Love

“Kapag namatay na ako, huwag na huwag kang pumunta sa


libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.”
-Miriam Defensor Santiago, Srupis is Forever
Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short
messaging system) na lalong kilala bilang text message o
text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa
ating bansa.

Katunayan, humigit-kumulang apat na bilyong text ang


ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw
kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of the
World”
Sa pagpindot ng keypad ay mas nabibigyan ng
pagkakataon ang taong i-edit ang sarili niya at piliin
ang mas angkop na pahayag o salita kaysa sa kung
aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o
telepono.

Subalit ano nga ba ang katangian ng wika sa SMS o


text? Ikaw mismo na nag-te-text ay malamang na
gumagamit ng magkahalong Filipino o Ingles at
pinaikling mga salit.
Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas
ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit
ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.

160 characters (titik, numero at simbolo) lang


kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng
mensahe kaya nangyayari ito para makatipid sa
espasyo at para mapabilis ang pagpindot sa
maliliit na keypad ng cell phone.
Halimbawa ng pinaikling salita sa
pagpapadala ng mensahe.
Okay OK
Dito D2
Nandito na ako. D2 na me. Wr u na?
Where are you na?
Are you going to “r u goin 2 c me 2day”
see me today?
Usong-uso rin sa text ang paggamit ng mga daglat bilang
shortcut o pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa ingles.
Hal:
AAP Always A Pleasure G2G Got To Go
AML All My Love GBU God Bless You
B4N Bye For Now IDC I Don’t Care
BFF Best Friend Forever ILY I Love You
BTW By the Way LOL Laugh Out Loud
CUL8R See You Later OIC Oh, I See
HBD Happy Birthday OMG Oh My Gosh or Oh
My God
EOD End of Discussion WTG Way To Go
J/K Just Kidding XOXO Hugs and Kisses
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at
Internet
Sa panahong ito mabibilang na lang marahil sa daliri ang
tao lalo na ang kabataang wala ni isang social media
account tulad ng Facebook, Instagram, twitter, Pinterest,
Tumblr, at iba pa.

Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil


nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa
pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na
iyong malalayo sa isa’t isa o matagal nang hindi nagkikita.
Gayunpaman, dahil di tulad ng text o SMS na
pribado o iisang tao lang ang inaasahang
makakabasa, sa social media ay mapapansing
mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago
i-post dahil mas maraming tao ang maaaring
makabasa nito.

Sa post o komento madalas makita ang edited.


Ibig-sabihin, may binago o inayos ang nag-post o
nagkomento pagkatapos niyang Mabasa ang
kanyang isinulat.
Napakarami at napakalawak kasi ng mgataong
konektado sa Internet na umaabot sa mahigit 3
bilyon sa buong bansa. Sa bansa, nasa 39,470
milyong katao ang konektado sa internet sa taong
2015 at ito’y dumarami pa taon-taon.

Bagama’t nasa 39.43% na ito ng buong


populasyon ng Pilipinas ay nasa 1.35% lamang ito
ng kabuoang bilang ng mga taong konektado sa
internet sa buong mundo.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng
malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o
pinamumunuhan ng mga dayuhan at tinatawag na
multinational companies.

Ito rin ang mga wika sa mga Business Process Outsourcing


(BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang
nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga
dayuhang customer.
Ang web site ng malalaking mangangalakal na ito ay
sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang press
release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o
magazine nalalathala.

Gayunpaman, mananatiling Filipino at iba’t ibang


barayti ang wika sa mga pagawaan o production line,
mga mall,mga restoran, mga pamilihan, mga palengke,
at maging sa direct selling.
Sitwasyong Pangwika sa
Pamahalaan
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng
1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya,”
naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t
ibang antas at sangay ng pamahalaan.
Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pang. Cory
Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan
dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga
pinasimulan niyang inisyatibo sa paggamit ng wika.

Tulad ng kanyang ina, si Pang. Benigno Aquino III ay


nagbigay rin ng malaking suporta at pagpapahalaga sa
wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya ng
wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga
talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of
the Nation Address.
Sitwasyong Pangwika
sa Edukasyon
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa mga unang aralin ay ating nalaman ang kasalukuyang
kalagayan ng wikang Filipino sa mga silid-aralan ayon sa
itinakda ng K to 12 Basic Education Curriculum.

Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang


wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na
asignatura samantalang Filipino at Ingles naman ay
itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika.
Register o Barayti ng Wikang
Ginagamit sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Isa sa mga uri ng Sosyolek ang nais bigyang-
diin dito, ang paggamit ng mga Jargon o mga
terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang
hanapbuhay o larangan.

Kapag narinig ang mga terminong ito ay


matutukoy o masasabi ang larangan o
sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito.
Halimbawa:
Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng
sumusunod na mga jargon:
Exhibit, appeal, complainant, suspect, court, justice at iba pa.
Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala
ng sumusunod:
lesson plan, test, assessment, curriculum at textbook.

Ang mga doctor, nars, o mga taong may kinalaman sa medisina ay


maipakikilala ng sumusunod:
symptoms, x-ray, check-up, prognosis, diagnosis, therapy.
k a s! !
Wa

You might also like