You are on page 1of 3

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

Maraming mga banyaga kaysa mga lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon
ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood.
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting
Over Again, It Takes a Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, You’re Still the One at iba pa.
Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish at iba pang barayti ng wika.

Pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang
mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasa na makauunawa at malilibang sa kanilang palabas,
programa at babasahin upang kumita sila nang mas malaki.

Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw,


manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012).

Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng kulturang popular


Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit
dito dala na rin ng impluwensya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media.

Fliptop
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga
bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na
paksang pagtatalunan.
Laganap ang fliptop sa kabataan. May malalaking samahan na silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok
ay may tigtatlong round at ang panalo ay dinedesisyonan ng mga hurado. Ang karaniwang paraan ng
paglaganap ng fliptop ay sa pamamagitan ng YouTube.

Pick-Up Lines
Ang pick-up lines ay sinasabing makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa
boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa
dalagang nililigawan.
Ang karaniwang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit
din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
“BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa.
Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble
Gang na may ganitong segment.
Halimbawa:
“TEA ka ba?” – TEAnamaan na kasi ako sa’yo eh….
“Ampalaya ka ba? Kasi kahit anong pait ang nararanasan ko, ikaw parin kasi ang SUSTANSYA ng buhay
ko!

Hugot Lines
Ang hugot lines na tinatawag dng love lines o love quotes ay isa pang patunay na ang wika nga
ay malikhain. Hugot Lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o
minsa’y nakaiinis.
Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng
mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa
damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.
Halimbawa:
Ang crush ay parang math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo nalang. (Sen. Miriam
Defensor Santiago)
Handa akong takbuhin ang mundo… Basta ang finish line ay sa puso mo…

Sitwasyong pangwika sa Text


Ang pagpapadal at pagtanggap ng SMS (short message system) na lalong kilala bilang text
message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Tinaguriang “Texting
Capital of the World” ang Pilipinas dahil humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinapadala at
natatanggap sa ating bansa araw-araw.
Halimbawa:
Okay- ok o k
Dito- d2
D2 na me. Wr u na?- nandito na ako. Where are you na?
Puwede- pwd
Saan ka na ba?- sn k n b?
Are- r
You- u
See- c
Be- b
The- d
To- 2
For- 4
Are you going to see me today?- r u goin 2 c me 2day?
AAP Always A Pleasure G2G Got to go
AML All my Love GBU God bless you
B4N Bye for now IDC I don’t care
BFF Best friends forever ILY I love you
BTW By the way LOL Laughing out loud
CUL8R See you later OIC Oh, I see
HBD Happy birthday OMG Oh my gosh o Oh my
God
EOD End of discussion WTG Way to go
J/K Just kidding XOXO Hugs and kisses

Sitwasyong pangwika sa Social media at Internet


Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni
isang social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr at iba pa. Marami
ang nagtuturing dito na isang biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan
ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa’t isa o matagal nang hindi
nagkikita.
Sa Internet bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o
kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika
nito. Ang pangunahing wika sa mga website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig at
mapapanood sa Internet ay nananatiling Ingles.

Sitwasyong pangwika sa kalakalan


Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo
nasa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang
mga wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang
nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay ang mga dayuhang customer.
Nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line,
mga mall, mga restoran,mga pamilihan, mga palengke at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang
ginagamit sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang
bilhin ang mga produkto o tangkilikinn ang mga serbisyo ng mga mangangalakal.

Sitwasyong pangwika sa pamahalaan


Sa bisa ng Atas Tagapagpagganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga
hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon at korespondensiya”, naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas ng
sangay ng pamahalaan.
Si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino
sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga talumpating
ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the Nation Address.

You might also like