You are on page 1of 37

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Kwarter- Ikalawa at Ikatlong
Linggo(2-3)

GLENDA C. FERMAN
Ano ang makikita niyo sa mga larawan?
Sitwasyong Pangwika sa
Pelikula
Layunin:

• Natutukoy ang sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino sa


Pelikula at sa iba pang anyo ng Kulturang Popular
• Nakapagpagbibigay ng ilan sa mga paraan kung paano
maitataas ang antas ng paggamit ng wika sa pelikula at iba
pang Kulturang Popular
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

• Ingles ang kadalasang pamagatng mga pelikulang Pilipino.


• Filipino ang lingua franca opangunahing wika ang ginagamit.
• Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming
manunuod na malilibang sa kanilangmga palabas at programa
upang kumita ng malaki.
•Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami
ng ng mamayan ngbansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng
wikang Filipino.
Ano ang Pelikula?

• Ay isang sining na gumagamit ng optikal na ilusyon


para sa mga manonood.
• Ang mga sangkap nito ay ang mga larawan,actor,
kuwento, tunog,musika, iskrip, sinematograpiya,
disenyong pamproduksyon, visual effects at direksyon.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

• Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng


midyum na Filipino ay tinatangkilik pa rin ng mga
manonood.
• Madalas ginagamit ang Ingles sa mga pamagat ng
pelikulang Pilipino.
Hal. The How’s of us, Bride for Rent, You’re my boss
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

• Filipino ang lingua franca ang pangunahing wika ang


ginagamit.
• Gumagamit ito ng wikang Filipino dahil isa sa pangunahing
layunin ay makaakit ng mas maraming manonoood na
malilibang sa kanilangmga palabas at programa upang kumita
ng malaki.
• Mas marami ng mga mamayan ng bansa ang nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino dahil sa ipinapalabas na
pelikulang Pilipino.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

• Nanaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong istrikto


ang pamantayan ng propesyonalismo.
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng
Kulturang Popular

Flip Top

Pick up Lines

Hugot Lines
Tukuyin kung anong kulturang Popular ang
mga sumusunod:

1. Boy: Google Ka ba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko.

Pick up Lines
Tukuyin kung anong kulturang Popular ang mga
sumusunod: Pick up Lines o Hugot Lines

2. “ Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher,


maagawan ka. Lumaban ka!”

Carmi Martin bilang Babygirl Dela Costa, No Other Woman (2011)

Hugot Lines
Tukuyin kung anong kulturang Popular ang mga
sumusunod: Pick up Lines o Hugot Lines

3. Utak natin parang COKE. Akin SAKTO sayo ZERO.

Flip Top
Tukuyin kung anong kulturang Popular ang mga
sumusunod: Pick up Lines o Hugot Lines

4. “ Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta


kung wala ang tamis mo.”

Meriam Defensor Santiago, Stupid is Forever

Hugot Lines
Tukuyin kung anong kulturang Popular ang
mga sumusunod:

5. Boy: Kapuso Ka ba?


Girl: Bakit?
Boy: Pinatatanong kasi ni Mama kung kelan ka pwedeng
maging kapamilya.

Pick up Lines
Flip Top

• Pagtatalong oral na isinasagawang pa-rap.


• Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay
magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw ang paksang tinatalakay.
• Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya
naman kadalasan ang mga ginagamit na salita ay balbal at impormal at
mga salitang nanlalait.
• Ang kompetisyon ay tinatawag na“BattleLeague”. Karamihan sa
kompetisyon ay nasa wikang Filipino at ito ay tinatawag na “Filipino
Conference Battle”.
Pick-up Lines

• Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang


bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto sa buhay.
• Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon
ring nasa wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.
Halimbawa:
Boy: Centrum ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi you make my life complete
Hugot Lines

• Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding loveliness o love quotes.


• Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon
na nanagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood.
• Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.
Halimbawa:
“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako?...O kailangan mo
ako kaya mahl mo ako?”
Claudine Barreto, bilang Jenny, Milan (2014)
Ikalawang Araw
Layunin:

• Natutukoy ang sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino sa


Text,Social Media at Internet,Kalakalan at Edukasyon
• Nakapagpagbibigay ng ilan sa mga paraan kung paano
maitataas ang antas ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan.
• Nakapagbibigay ng sariling register ng wika sa iba’t ibang
larangan.
Sitwasyong Pangwika sa Text

• Ang pagpapadala ng sms (shortmessaging system) ay isang


mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.
• Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatangap
ng ating bansa kaya ito ay kinilala bilang“Text Capital of the World”.
• Madalas ang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang
baybay ng mga salita.
• Walang sinusunod na tuntunin o rule.
• Usong-uso rin ang paggamit ng mga daglat bilang shortcut sa mga
parirala lalo na sa Ingles.
Halimbawa ng pagpapaikli o daglat

Daglat/Pagpapaikli Kahulugan
AAP Always A Pressure
B4N Bye For Now
GBU God Bless You
BTW By The Way
XOXO Hugs and Kisses
WTG Way To Go
G2G Got To Go
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet

• Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba


pa ay halimbawa ng social media account.
• Ang tawag sa mga gumagamit nito ay netizen.
• Napapadali ang komunikasyon sa ibang tao at mahal
natin sa buhay lalo na iyong nasa malalayong lugar.
• Gumagamit ng “code switching” gayundin ng
pagpapaikli ng mga salita sa mga post at komento.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet

• Kailangang pag-isipan ang mga salita o pahayag bago I


post dahil mas maraming tao ang makakabasa nito.
• Sa internet, bagamat may mga website na gumagamit
na ng wikang Filipino ay nananatiling Ingles pa rin ang
pangunahing wika nito.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet

• Ang mga babasahin at impormasyong nasusulat sa


wikang Filipino sa Internet ay ang mga sumusunod:
Saligang batas, Kautusang pampamahalaan,Akdang
pampanitikan, Awitin at lumang awiting-bayan, resipe,
rebuy ng mga pelikulang Tagalog, balita, diksyunaryong
Filipino at iba pa.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

• Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking


kompanya at korapsyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng
mga dayuhan at tinatawag na multinational companies.
• Wikang Ingles din ang ginagamit sa mga memo, kautusan at kontrata.
• Ingles din nakasulat ang kanilang mga press release lalo na kung ito
ay mga broadsheet o magazine na nalathala.
• Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga
mamayang Pilipino.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

• Sa bisa Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1998 na “ nag-


aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina,
ahensiya, at instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa
ng mga hakbang na kakailanganin para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya,” naging mas malawak ang paggamit ng wika
sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.
• Gumamit si PNOY ng wikang Filipino sa kanyang SONA bilang
pagpapahalaga sa paggamit nito.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

• Hindi pa rin naiiwasan ang codeswitching lalo na sa mga


teknikal na hindi agad nahahanapan ng katumbas sa wikang
Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

• DepEd Order No. 74 of 2009, Kinder hanggang grade 3 ay


unang wika ang gagamitin bilang panturo. At sa mataas na antas ay
nanatiling bilinggwal ang wikang panturo(Filipino at Ingles)
Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa
Iba’t Ibang Sitwasyon

• Ang mga barayti ay nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon


pangwikang ating tinalakay. Isa sa mga uri ng sosyolek ang
nais bigyan-diin dito, ang paggamit ng mga jargon o mga
terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay
o larangan. Kapag naririnig ang mga terminong ito ay
matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyon ng
karaniwang ginagamitan ng mga ito.
Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa
Iba’t Ibang Sitwasyon

Halimbawa:
• Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay
maipakikilala ng mga sumusunod na jargon:
complainant, court, justice, appeal, at iba pa.
• Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay
maipakikilala ng sumusunod:
lesson plan, test, assessment, curriculum, at iba pa.
Konklusyon

• Batay sa nailatag na sitwasyong pangwika sa iba’t ibang


larangan, maliwanag na makikita ang kapangyarihan at lawak
ng paggamit ng wikang Filipino, ang itinuturing na wika ng
masa sa kasalukuyang panahon.
• Makikita sa mga ito ang lubos na pagtanggap ng karamihan sa
mga mamamayan sa sarili nating wika.
• Nasa atin nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at
pagpapalawig sa sarili nating wika upang ito ay maisulong at
higit na maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas
nito ay sasalamin din sa katatagan ng ating pagka-Pilipino.
Pagsubok (Isulat ang sagot sa 1 buong Papel)

I. Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. Wikang Filipino ang nangungunang wika na ginagamit sa pelikula.
2. Karamihan sa mga pamagat ng pelikulang Pilipino ay nakasulat sa
wikang Filipino.
3. Sa kasalukuyang panahon ay laganap na ang pagpalaganap ng
social media.
4. Ang tawag sa mga tao na gumagamit ng social media ay netizen.
Pagsubok

I. Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung


ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay hindi
wasto.
5. Sa internet wikang Filipino ang nangungunang wika na
ginagamit dahil marami na ang mga website ang
mapagkukunan ng mga impormasyon gamit ang Filipino.
6. Ang mga local na pelikulang gumagamit ng midyum na
Filipino ay tinatangkilik din ng mga Pilipino.
7. Sa Kinder hanggang Grade 4 ay unang wika ang ginagamit.
Pagsubok

I. Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung


ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay hindi
wasto.
8. Wikang Filipino ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng
malalaking kompanya at korporasyon.
9. Gumamit si Pnoy ng wikang Filipino sa kanyang SONA bilang
pagpapahalaga sa ating wika.
10. Ang Pilipinas ay tinawag na “Texting Capital of the World”.
Pagsubok

II. Magbigay ng limang halimbawa ng fliptop, pick-up lines at


hugot lines.
III. Magbigay ng talong salita o register na wika na may
kaugnayan sa mga sumusunod na larangan.
A. Doktor
B. Enhinyero
C. Guro
D. Bisnes
Maraming Salamat sa Pakikinig!

You might also like