You are on page 1of 6

Mga Sitwasyong Pangwika

Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomuniksyon/Pangwika sa:

Malayo na ang nalalakbay ng wikang Filipino. Ang kasaysayan ng wika sa panahon ng ating
ninuno,Espanyol,Rebolusyong Pilipino,Amerikano,Hapones at hanggang kasalukuyan. Ang pagbabago ay
dala ng panahon ng teknolohiya at komunikasyon sa sitwasyon/kalagayan ng ating wika.

Telebisyon:

Pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan sanhi na naaabot ang mamamayan na kahit sa mga pulo at
mga Pilipino sa ibang bansa sa dahilan sa paggamit ng cable/satellite connection.Ang midyum ng wikang
ginamit sa telebisyon ay wikang Filipino o barayti sa teleserye,tanghaliang palabas,magazine show,news
and public affairs,dokumentaryo atb pa.Ang istasyon ng telebisyon gaya ng GMA-7,ABS-CBN at TV5 ay
malaking impluwensiya sa pakikipagkomunikasyon.

Telenobela= Ang akda nobela ay sinetelebisyon.

Pantanghaliang programa/noontime show kagaya ng Eat Bulaga (Joey de Leon kung papaano magbiro) at
Its Showtime (Vice Ganda kung papaano bumanat) na sanhi na ang mga mamamayan ay nakakaunawa at
nakapagsasalita ng Filipino,Kaya sinabing 99% ng Pilipino ay nakakapagsalita ng wikang Filipino at
maraming kabataang manunulat sa wikang Filipino na kahit hindi kabilang sa katagalugan.

Radyo:

Nangungunang sa paggamit ng wikang Filipino ang radyo.Sa estasyon ng AM at FM ay gumagamit ng


wikang Filipino at barayti . Ang estasyon panradyong panlalawigan ay gumagamit ng rehiyonal na wika
ngunit ginagamit sa interbyu at pakikipag-usap ang wikang Filipino.

Diyaryo:

a.Broadsheet (Pahayagan/Newspaper)=Tumutukoy sa pinakaraniwang pormat ng pahayagan/newspaper


na gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ng balita.Binibigyang-diin ang malalim na sakop at
mahinahong pagtalakay sa mga artikulo at editoryal.Pinakamalaking pormat ng pahayagan na may bertikal
na mga pahina.Karaniwang Ingles ang gamit ng wika.

Hal: Manila Bulletin,Inquirer

b.Tabloid=Tumutukoy sa isang maliit at makitid na paraan ng pagpapahayag na mga kuwento na maikli at


may posibilidad na maging lapastangan sa estilo ng pagsulat.Maliit ang espasyo ng pangkonteksto sa mga
balita.
Hal: Abante,Ngayon,Remate

Pelikula:

Ang mga lokal na pelikula ay gumagamit ng midyum na wikang Filipino at barayti ng

wika.

a.Komersiyal Films=Ang pelikula ay gawa ng mga major films studios.Ang mga

mayayamang producer/negosyante ng pelikula upang kumita ng malaki. Ang mga artista ay tanyag at kilala
ng mga followers/fans ng pelikulang na nakakakilig,nakakatuwa at nakakaiyak.Gawa ng mga direktor na
gustong makilala sa pelikulang Pilipino na pan-masa.

b.Indie Films=Kilalang isang klase ng pelikula sa Pilipinas.Buhat sa salitang independent na gawa ng mga
mahusay na tunay na direktor at filmmakers na walang kumpanyang pampelikulang na nag-aasikaso sa
produksiyon.Ang pelikulang indie ay hindi magastos na produksyon.Dito nagsisimula ang ilang artistang na
nakilala sa pelikula.May ilang kilalang artista na tumatanggap ng papel sa pelikula ng pelikulang indie sanhi
ng pagmamahal sa sining ng pag-arte na halimbawa na si Nora Aunor,Assunta de Rossi at Vilma Santos. Si
Coco Martin ay nagsimula bilang aktor ng Indie Films.

Text: (SMS-short messaging system)

Kilala bilang text messaging na mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.(4 bilyong text ang
natatanggap at pinadadala na text sa araw-araw.Ang Pilipinas ang tinawag Texting Capital of the
World.Pagbubuo ng mensahe na code switching o pagpalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag na
pinaikli ang salita,gumagamit ng daglat/akronim bilang shortcut.Binubuo ng 160 characters(titik,numero at
simbolo).Madalas binabago o pinaiikli ang baybay ng salita para mabilis/madali itong mabuo.

Hal: Dito na ako=D2 na me,Saan ka na ba?=Sn k n b? Are going to see me today=r u goin 2 c me
2day!. . .Okay!=Ok..,XOXO=Hugs and Kisses,G2G=Got to Go, BOD= End of Discussion

Social Media:

Pangunahing daluyan ng pangmadlang komunikasyon na may integratibong layuning makipag-ugnayan sa


tao o pangkat ngmga taong nabibilang sa isang kultura o lipunan.

Tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Uri:

Print o nakalathala sa papel[pahayagan]

Broadcast[telebisyon at radyo]

Digital Media [internet, mobile,phone,tablet at laptop] Tipo ng Social Media

1.Social Networking [Facebook,Linkedin at Google] 2.Microblogging {Twitter,Tumblr]

Photo Sharing [Instagram,Snapchat at Pinterest]


Video Sharing [Youtube,Eacebook Live,Periscope at vimeo]

Internet:

Social Networking Capital of the world ang Pilipinas.Ang Pilipino ang pinakamaraming gumagamit ng
internet (social media)

Dahil sa Social Media ang social life ng tao ay umaarangkada na napapadali ang komunikasyon sa kaibigan,
kapamilya sa malayong lugar at taong matagal hindi nakikita.Karaniwang gamit code switching o pagpapalit
ng Ingles at Filipino o barayti.Sa Pilipinas nasa 39,470 milyong katao ang konektado sa internet sa taong
2015.Maraming babasahin sa Filipno nasa internet ngunit Ingles pa rin ang gamit.

a.Google=Isa sa kauna-unahang browser sa internet na unti-unting kumuha ng atensyon ng merkado na


dati sinosolo ng internet explorer.Pagbibigay ng mahahalagang impormasyon/kaalaman.Google search ang
pangunahing takbuhang ng kabataan ngayon.

b.Twitter=Isang social networking at microblogging sa serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito


na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.Ito’y text-based na mga post ng
hanggang 140 mga karakter na ipinapakita sa pahina ng profile ng may-akda na inihahatid sa tagatangkilik
sa may akda nakilala bilang followers (tagasunod)

c.Facebook=(Aklat ng mga mukha) Isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo ng
Facebook Inc. ng isang pampublikong kompanya.Ito’y nakakonekta at nakahalubilo sa ibang tao.

d.Instagram=Isang online mobile ng photo-sharing at video sharing at social networking na nagbibigay


pahintulot na gumagamit na kumuha ng mga larawan at video.

e.Youtube=Isang sikat na website na nagbabahagi ng video at nagbibigay-daan sa user/mangagamit na


mag-upload,makita at ibahagi ang mga video clips.

g.Skype = Isang pang- telekomunikasyon na produktong application software para sa pagbibigay ng


serbisyong video chat at pagtatawag galing sa kompyuter,tablet at kagamitang hinahawak sa pamamagitan
ng internet.

Sa kakayahan Sosyal:

1.Twitter 2.Facebook (Social networking site)

Flip Top:(hawig sa Balagtasan)

Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.Ang bersong nira-rap ay magkatugma at hindi


nakalahad/walang malinaw na paksang pagtatalunan.Kung anong paksa ang sisimulan at ito ang sasagutin
ng katunggali.Walang iskrip,salitang binabato ay di-pormal

a. Battle League:

Binubuo ng dalawang kalahok at may tigatlong round na may hurado. b.Filipino Conference Battle:

Ginagamit ang wikang Filipino. c.Youtube

Pick-up-Lines:
Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na nauugnay sa pag-ibig /ibang
aspekto ng buhay.Nagsimula sa boladas ng binatang manliligaw na ibig
magpapansin,magpakilig,magpangiti,atb pa.Ang pick-up-lines ay nakatutuwa,corny,nakakainis o
nakakikilig.Impluwensiya ni Boy Pick-up ni Ogie Alcasid sa programang Bubble Gang.Ang karaniwang
wikang ginagamit ay Filipino ilan dito ay barayti,Ingles o Taglish.

Hal: Tea k ba?.......Bakit? TEAnamaan na kasi ako sa iyo.

Hindi k ba napapagod ?........Bakit? Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko.

Centrum ka ba? Kasi you make my life complete.

Hugot Lines:(Love lines/Love quotes)

Tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig,nakakatuwa,cute minsan nakakainis.Nagmula sa linya ng


ilang tauhan sa pelikula/telebisyon na nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood.

Hal: Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako?.........O kailangan mo ako kaya mahal mo ako?Claudine
Barreto-Milan.

Wala naman pala yun sa tagal ng relasyon kung hindi ka na niya mahal,hindi ka na n’ya mahal”.Angelica
Panganiban-That Thing Called Tadhana.

“Kapag namatay na ako,huwag na,huwag kang pupunta sa libingan ko,baka tumibok ulit ang puso
ko”;Miriam Defensor Santiago.

Spoken Word Poetry=Sining sa pagbigkas na pokus sa malikhaing at paglalaro ng mga salita, pagbabagong
intonasyon at pagkatig ng tinig.Pagbasa o pagbigkas ng malakas na ginagamit ang salitang may
damdamin.Paggamit sa matalinghaga salita sa ilang tula.

KILALANG KILALA NA KITA

Kilalang kilala na kita

Lalo na ang hugis ng iyong mga mata Kung anong hitsura kapag nakatitig sa akin Na hindi mo ako iwanan
talaga

Kilalang kilala na kita

Mula sa amoy ng iyong buhok Sa lasa ng iyong tinga

Ang tunog kapag ikaw’y natatawa Kabisado na kasi kita

Kabisado ko na lahat

Pati kung papaano mong sabihing mahal ako Na kahit hindi totoo

Kunwari lang masarap pakinggan Kilalang kilala kita

Mga balita sa akin,di tinanggap ang katotohanan Paulit-ulit mo sa aking sinampal

Habang nasasaktan lalong naman kitang minahal Kilalang kilala kita

Umiyak man ang puso ko

Alam di kong mo ako kayang mahalin

Basta mahal kita,huwag ka lang mawala sa paningin ko…….

Kilalang kilala kita,ako kilala mo ba ang puso ko…….


Tiktok

Isang social platform ng maikling video na pinaaandar ng musika na maaring isang sayaw, estilo/galaw,lip-
sync,komedi at talentong video.

Elektronikong Komunikasyon

Isang pagpapalaganap ng impormasyon (www) world wide web na umusbong ang media ecology na sangay
ng agham na nakatuon sa pag-aaral sa epekto ng elektronikong midya.

Pangunahing gamit:

Pamamahayag

Negosyo sa mga komersiyal (negosyo at kalakal) 3.Edukasyon (computer literacy)

4.Libangan (panonod ng pelikula,pakikinig sa musika,dota,farmvile,clash of clans.

Ibang kagamitan:

Fax Machine=Isang makinang gumagana dahil sa teknolohiyang pangtelekomunikasyon na ginagamit


upang maglipat o magpadala ng mga siping katulad o kamukha ng mga dokumento.Sinasalin ang teksto at
grapikong mensahe patungo sa electronic signal na sanhi na natatanggap ito.

Cellphone (teleponong selular) = Teleponong selular walang kawad na gumagamit ng mga sityong selular
(cell site) para sa pakikipagtalastasan at pinakagamiting uri ng elektronikong kagamitan na mula sa
kamera,text,e-mails,video,games,gallery,contacts at atbp.

Personal Computer= Isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaring iprograma upang


magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong lohikal at pinakagamiting elektronikong
pangkomunikasyon.
Tablet= Isang computer sa anyo ng isang pad/board na madalas nasa 7 inch o 10 inch pahilis ang laki.Ito
ay ginagamit sa pamamagitan ng iba-ibang ng pag-press o swipe sa screen

You might also like