You are on page 1of 4

A. Bakit mas ginugusto ng mga tagapakinig ng balita ang telebisyon kumpara sa radyo?

A. Nakikita ang mga larawan na kuha ng mga tagapag-ulat.


B. Nakikita ang mga sikat na artista sa mga balita.
C. Naririnig ang boses ng mga paboritong mang-aawit.
D. Naririnig at nakikita nang maayos ang ekspresyon at salita ng mga tagapagbalita.
B. Ano ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating
lipunan?
A. Digital Media B. Mass Media C. Print Media D. Social Media
A. Madalas gamitin ni Suga ang mga nauusong pagpapaikli ng mga salita sa kanyang mga post sa
Facebook. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. brb B. chorva C. eyhow phoz D. hello
D. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media?
A. Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika
B. Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika
C. Laganap ang pagpapaikli at pamamaraan sa paggamit ng mga salita
D. Laganap ang paggamit ng sariling konsepto at istilo sa usaping pang wika
D. Ano ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng lahat ng uri ng tao sa lipunan?
A. Bungee jumping C. Panonood ng concert
B. Island hopping D. Panonood ng pelikula
D. Mahilig manood ng mga seryeng tulad ng Be Careful with My Heart, Maria Clara at Ibarra,
Sahaya si Renoir. Ano ang tawag sa mga programang pangtelebisyong ito?
A. Dula C. News and Public Affairs
B. Magazine Show D. Telenovela
A. Isang may-ari ng malalaking negosyo si G.Namjoon. Upang mahikayat ang mga mamimili na
tangkilikin ang kanilang produkto, alin sa mga sumusunod na salita ang dapat niyang
gamitin?
A. Bagsak-presyo! B. Bawal utang! C. Low interest! D. No downpayment!

B. Ano ang pamamaraan sa wikang ginamit ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State
of the Nation Address (SONA)?
Magandang hapon po sa inyong lahat.
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo, “Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po
siguro tayong magbalik-tanaw.
Noon, sa sitwasyon natin. Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang
saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong
“Sick Man of Asia”. Ang ekonomiya natin, matamlay, ang industriya, manipis. Walang
kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong
nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang
sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa. Napayuko na lamang nating tinanggap:
Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.
- State of the Nation Address ni Pangulong Benigno S. Aquino II
www.officialgazette.gov.ph
A. Pabalbal at salitang kanto ang kanyang mga ginamit sa paghahatid ng mensahe.
B. Pormal at wikang Filipino, dahil nais niyang maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang
kanyang inihahatid na mensahe.
C. Iba’t ibang diyalekto, dahil nais niyang patunayan na mahusay siya sa pagsasalita nito.
D. Ingles, dahil wala siyang kakayahang magsalita ng wikang Filipino.
A. Ang wika ay sinasabing nagbabago, ito ay dulot ng pag-usbong ng mga salitang ginagamit sa social media sa
kasalukuyan. Ano ang pinatutunayan ng pahayag na ito?
A. Malikhain ang mga Pilipino sa paglikha ng mga salita.
B. Masayahin ang mga Pilipino.
C. Nakabubuo ng salita na sila lamang ang nagkakaunawaan.
D. Nakabubuo subalit hindi sila nakauunawa.
C. Ang pagsulat sa ganitong uri ng pahayag “At tumigil ang mundo! Behind the Scenes with
#MissUniverseMyBaby”ay karaniwan nating nakikita sa ______________.
A. e-mail B. radyo C. social media D. telebisyon
C. Anong barayti ng wika ang ginamit dito?
“Kapit Lang guysh, kapamilya, kapuso, kapatid – mamaya pakikita ko sa vlog ko ang pag kapit ko ditto sa
America! Go go golden Gate San Francisco…USA us!!! Yass, my life in a day… today, in the bay, everyday,
all the way, by the way in anyway, highway – come what May… hooray! –
Rufa mae
Hep help hooray!
- https://instragram.com/rufamaequinto?igshid=YmMyMTA2M2Y
A. Dayalek B. Etnolek C. Idyolek D. Sosyolek

D. Ano ang tawag sa paraan ng paggamit ng salita tulad ng “Where na u, Dito na me” sa pagte-text
upang maipadala sa kinauukulan ang mensahe?

1
A. code switching B. haloletra C. puzzle D. shortcut
A. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon naipapakita ng mga kabataan ang iba’t ibang paggamit nila
sa paraan ng wika katulad ng pagpapaikli, pagpapalit-palit at paggamit ng makabagong
salita?
A. Kapag nagpopost sa mga social media.
B. Kapag nagpapasa ng mga gawain sa paaralan.
C. Kapag nakikipag-usap sa mga nakatatandang kamag-anak
D. Kapag nakikipag-usap sa mga kamiyembro sa isang samahan katulad ng simbahan.
D. Paano maipapakita ang pagiging mapanuri sa mga salitang ginagamit sa mga balita sa radyo at
telebisyon?
A. Kapag nagkakaroon ng kalituhan dahil sa napakinggang balita
B. Kapag sumasang-ayon kaagad sa mga napakinggan mula sa mga tagapag-ulat.
C. Kapag binibigayang pansin ang mga kamaliang gramatikal ng mga tagapag-ulat.
D. Kapag bukas ang isipan sa pagsusuri sa nilalaman ng mga balita bago humusga sa isyung
pinag-uusapan at maiwasan ang kumakalat na fake news.
D. “Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang anak.” (Odrey –
Miss Granny). Anong kultura ng Pilipino ang masasalamin sa pahayag?
A. Paghihigpit ng magulang C. Pagpapahalaga sa magulang
B. Pagpapahalaga sa anak D. Pagtitiis ng hirap
A. Ano ang mga naitulong sa wikang Filipino ng mga teleserye tulad ng Ang Probinsiyano, Kara Mia,
at Kadenang Ginto?
A. Maraming Pilipino ang nakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
B. Maraming dayuhan ang natutong magsalita ng ating wika.
C. Maraming Plipino ang gumamit ng rehiyonal na wika.
D. Maraming Pilipino ang nahirati sa wikang dayuhan.
B. Alin sa mga sumusunod na sawikain o idyoma ang may kahulugang “hindi mangyayari”?
A. Alog na ang baba C. Nagbibilang ng poste
B. Di mahulugang karayom D. Pagsuweldo ng tulisan
B/D. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Aling pangungusap ang gumamit ng sawikain o
idyoma
I. Si inay ang ilaw ng aming tahanan.
II. Si kuya ay naniningalang pugad sa kabilang barangay.
III. Si ate ay nagbibingi-bingihan sa mga paliwanag ni nanay.
IV. Si tatay ay mahilig makinig sa mga balitang kutsero.
A. I,II,III B. I,II,IV C. II,III,IV D. I,II,IV
D. Ano ang tawag sa makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng
pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema?
A. Anatomika B. Gramatika C. Lingguwistika D. Morpolohiya

B. Ano ang kakayahang nauukol sa kasanayan o kahusayan sa paggamit ng wika na ipinahihiwatig


ng wastong gamit ng mga salita na angkop sa mensaheng ibig iparating?
A. akademiko B. lingguwistika C. matematika l D. siyentipiko

C. “Hayaan mong paghilumin ng panahon ang sakit na iyong mararamdaman”. Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
A. Matutong magpatawad
B. Ang sakit ay lumalaganap tuwing masama ang panahon.
C. Kusang nawawala ang galit o poot sa paglipas ng panahon.
D. May malaking kaugnayan ang lagay ng panahon sa iyong nararamdaman.
B. Batay sa mga pangungusap sa ibaba, ano ang katangian ng isang kritikal na sanaysay?
I. Bunga ito ng isang malalimang pag-aaral na dumaan sa proseso at nangangailangan ng
istatistikal na pag-aanalisa ng mga datos.
II. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan malayang maipahayag ng may-akda
ang kanyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon at repleksyon tungkol
sa isang paksa
III. May layunin itong magbigay kabatiran, impormasyon, mang-aliw o magpatawa.
IV. Kasama sa katangian ng isang kritikal na sanaysay: magaan ang tono, malaya at
personal na pagtalakay ng awtor ng anumang paksang nais niyang talakayin na parang,
ang kanyang kausap o kaharap ay ang mga mambabasa.
A. I,II,III B. II,III,IV C. III,IV,I D. IV,I,II
2
D. Bigyang pagsusuri ang pahayag mula sa literatura ng isang pananaliksik. Ano ang layunin ng may
akda kung kaya’t isinagawa niya ang pananaliksik na ito?
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-
tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High School ang
pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New Testament. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga
katanungang: (1) Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT? (2)
Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito? (3)
Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo na sa pananampalataya
nito?
A. Malaman kung epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT.
B. Malaman kung nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang
mambabasa nito.
C. Malaman kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino lalo
na sa pananampalataya nito.
D. Malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga magaaral sa baitang 11
ng Don Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy New
Testament.
C. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng mga Salita na
Ginagamit sa Social Media?
A. paggamit ng salita sa isang lugar C. paggamit ng salita mula sa social media
B. paggamit ng kalipunan ng mga salita D. pag-iipon ng mga salita mula sa social
media
C. Si Allan ay naghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang masuportahan ang
kanyang paksa. Nasa anong hakbang na kaya si Allan?
A. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksang Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagsusuri ng Datos
A. Si Joeryel ay nagsimulang bumuo ng isang pananaliksik, ano ang dapat niyang isaalang-
alang o bigyan ng konsiderasyon sa pagsulat?
A. Kinakailangan sa pananaliksik ang angkop na paksa na kailangang hanapan ng
rekomendasyon at interbensyon
B. Kinakailangang ang layunin ng pag-aaral ay nakabatay sa paksa.
C. Kinakakilangang ang sarbey-kwestyoneyr ay basehan upang matugunan ang mgda datos
na kailangan.
D. Kinakailangang ang mga awtor o websites ng pinagkunan o sors ay bigyan ng pagkilala.
D. Saang bahagi ng pananaliksik matatagpuan ang nilalaman ng plano at proseso sa pagkuha
ng datos?
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
D. Paraan sa Paglikom ng Datos
C. Alin sa hanay ng mga salita ang magkakaugnay para sa isang paksa?
A. kape, asukal, pandesal, face mask at face shield
B. doctor, nurse, oxygen, reseta, ambulance, lugaw at itlog
C. ECQ, GCQ, MECQ, Quarantine, at walang lalabas
D. bakuna, register, pulis, kumpanya, face mask, checkpoint
B. Hindi makatarungan at patas ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo_____________________pinapatay nito ang Panitikang Pilipino. Alin ang angkop pang-
ugnay para sa pahayag?
A. Marahil B. sapagkat C. ayon dito D. samakatuwid
C. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay na pahayag ukol sa paksa?
A. Ang panalo ni Hidilyn Diaz ay panalo ng buong sambayanang Pilipino.
B. Ang pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pilipino ay higit na makatutulong sa pagkamit
ng maraming medalya ng ating bansa.
C. Panahon na naman ng pangangampanya para sa nalalapit na halalan kung kaya nauuso
na naman ang siraan at bangayan.
D. Ang pagbibigay ng tulong sa mga atleta ay dapat isinasagawa bago pa siya lumaban at
hindi lamang kapag nanalo na.
D. Si Bb. Y ay sumulat ng isang pananaliksik at ito ay kanyang ibabahagi para pagkunan ng mga
bagong impormasyon sa larangan ng riserts. Anong hakbang ang kanyang gagawin upang
maisakatuparan ito?
A. Ang pananaliksik na isinulat ni Bb. Y ay pinaaprubahan sa punongguro at ibinahagi sa
mga kasamang guro sa knilang SLAC.

3
B. Ang pananaliksik na isinulat ni Bb. Y ay pinaaprubahan sa punongguro at ibinahagi sa
isang internasyunal na kumperensiya
C. Ang pananaliksik na isinulat ni Bb. Y ay pinaaprubahan sa punongguro at ipinasa sa
kanilang Dibisyon para sa isang presentasyon.
D. Ang pananaliksik na isinulat ni Bb. Y ay pinaaprubahan sa punongguro at isinumite sa
isang kumprensiya upang ibahagi ito sa mga partisipant at upang ipresenta mailathala
sa isang kilalang refereed journal.
D. Mula sa layunin ng pag-aaral, anong angkop na pamagat ng pananaliksik
ang maaari ninyong mabuo mula rito?
Layunin ng Pag-aaral
1. Ano-anong mga polisiya ng paaralan ang ipinatutupad para sa mga mag-aaral ng FABINHS?
2. Mula sa mga polisiyang ito, alin ang kaimitang nasusunod ng mga mag-aaral?
3. Ano-anong polisiya ang karaniwang di-nasusunod ng mga mag-aaral?
4. Anong hakbang ang maaring maipanukala sa pagpapaigting ng mga polisiyang pampaaralan?
A. Epekto ng Polisiya sa mga mag-aaral ng FABINHS
B. Mga Kalimitang Nilababag na Polisiya ng mga Mag-aaral sa FABINHS
C.Mga Polisiyang Ipinatutupad sa mga Mag-aaral ng FABINHS: Isang Pagsusuri
D.Mga Polisiyang Ipinatutupad sa mga Mag-aaral ng FABINHS: Basehan sa Revisyon
ng Manwal ng Disiplina

You might also like