You are on page 1of 14

FILIPINO

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang pahayag na isinasaad. Piliin at isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa bawat pangungusap.

1. Sa balitang narinig sa radyo, ano kaya ang layunin ng nagbabalita?

A. Magbigay ng babala.

B. Magbigay ng impormasyon.

C. Magpapaalala sa dapat gawin.

D. Magbigay ng balita tungkol sa pagkansela ng klase dala ng sama ng panahon.

2. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na “ kapag umabot na sa Orange Rainfall Warning Signal ng
PAGASA ay awtomatikong walang klase ang mga mag- aaral”?

A. Nagbabadya ng malakas na pag- ulan.

B. Tataas ang tubig sa baybay- dagat

C. May pagbaha at pagguho ng lupa

D. Nagbabala sa pagtaas ng tubig baha.


FILIPINO

3. Mula sa sinipi, paano mo subukin kumonekta sa mundo para sa mabuting dahilan sa pinakamadaling
paraan?

A. Gamitin ang wikang Ingles upang maghanap sa Google ng mga samahan o organisasyon
Pandaigdig na malapit sa iyong puso na maaari mong salihan.

B. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa mga kaibigan, kakilala at kamag- anak sa ibang


bansa.

C. Paggamit sa wikang Ingles sa mga kaibigang dayuhan.

D. Gamitin ang wikang Ingles sa paaralan.

4. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula pagsilang.

A. Unang wika

B. Ikalawang wika

C. Ikatlong wika

D. Ikaapat na wika

5. Tukuyin ang gamit ng wika mula sa pahayag ng pelikulang One More Chance “Minsan gusto ko nang
ipagsigawan, kaya lang ako lang naman ang magmumukhang tanga. Bakit ba naman kasi ang complicated
magmahahal?”

A. Conative

B. Emotive

C. Poetic

D. Phatic

6. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mga mag- aaral kung hindi mahusay na
mahusay ang modelo – ang mga guro.” Ito ang opinion ni Ruth Elynia- Mabanglo noong Agosto 2015.
Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika. Ano ang kahulugan ng komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
ng pahayag na ito?

A. Ito ay gamit sa lumilinaw na suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa pahayag.

B. Ipinapakita nito ang paggamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan
ng kaalaman.

C. Ito ay gamit sa pagpapahayag sa masining na paraan.

D. Isinasaad nito ang gamit ng wika sa pagbibigay impormasyon.


FILIPINO

7. Base sa nabasang sipi, sang-ayon ka ba sa naging pagpapasya ng Surian ng Wikang Pambansa sa


pagpili sa Tagalog bilang pambansang wika?

A. Oo, sapagkat pumasok naman ito sa pamantayan na itinatag ng institusyon.

B. Oo, sapagkat ang mga taong bumubuo sa institusyong ito ay pawang mga eksperto.

C. Hindi, sapagkat may ilang mga tao ang hindi marunong magsalita nito.

D. Hindi, sapagkat sampung buwan lamang ang kanilang inilaan sa pagpili.

8. “Akala ko ba ay okay na? Nagdadrama ka na naman. ‘Di ba nga pagdating sa kapakanan ng pamilya,
walang panga-panganay, walang ate-ate. Walang bunso-bunso? Ang meron lang……kapit-bisig!” Wika ni
Maya sa palabas na Be Careful with my Heart. Ano ang tinutukoy na gamit ng wika sa lipunan sa pahayag
na ito?

A. Heuristik

B. Impormatibo

C. Personal

D. Instrumental

Basahin ang halimbawang sitwasyon na nasa ibaba at tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ito.

9. Isang Doctor na nagbibigya ng tagubilin sa kanyang pasyente sa mga dapat at hindi dapat na gawin
upang hindi lumala ang kanyang kondisyon at tuluyan ng gumaling.

a. Instrumental

b. Heuristik

c. Regulatori
FILIPINO

d. Interaksyunal

10. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo sa ating bansa.

A. Heuristik

B. Impormatibo

C. Personal

D. Instrumental

11. Nahirapan si Kelly sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang
magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.

A. Heuristik

B. Impormatibo

C. Personal

D. Instrumental

12. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta
sa Silid-aklatan upang magsaliksik.

a. Instrumental

b. Heuristik

c. Imahinatibo

d. Interaksyunal

Batay sa naging pahayag noon ni Norberto Romualdez kay Pangulong Quezon, Tagapangulo ng
Komite sa Pambansang Wika ng Unang Pambansang Asamblea, ng Memorandum Sobre la Lengua
Nacional "Sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas, ang Tagalog ang may pinakamaunlad na katangiang
panloob: estruktura, mekanismo, at panitikan at bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo
at pinakatanggap-tanggap sa nakararaming mamamayan. Ayon kay Pamela Constantino (sinipi ni Vega,
2010), dalawang konsiderasyon ang naging batayan sa pagpili ng Tagalog: sentimentalismo o paghahanap
ng pambansang identidad at instrumental o batay sa gamit sa wika sa lipunan. Noong Disyembre 30,
1937, iprinoklama ni Quezon ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas. [Sinipi sa
tekstong Tagalog bilang Batayan ng Pambansang Wika, Rex Book Store (2016)

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na naging ambag ni Pangulong Manuel L. Quezon sa
pag unlad ng ating wikang pambansa?

A. Paglagda ni Pangulong Quezon sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa.

B. Pakikinig ni Pangulong Quezon sa paliwanag ni Norberto Romualdez hinggil sa katangian ng wikang


Tagalog.
FILIPINO

C. Paghirang ni Pangulong Quezon kay Jaime de Veyra bilang pangulo ng Surian ng Wikang Pambansa.

D. Pagproklama ni Pangulong Quezon sa Tagalog bilang basehan ng Pambansang Wika ng Pilipinas

14. Alin sa mga sumusunod ay HINDI katangiang binanggit ni Romualdez hinggil sa rason ng pagpili sa
Tagalog bilang pambansang wika?

A. Sentementalismo

B. Maunlad ang panitikan

C. Tinatanggap ng maraming tao

D. Bukas sa pagpapayaman ng bokabularyo

Basahin ang Sanaysay.

Pinagtibay na National Assembly noong Nobyembre 1936 ang Batas Komonwelt 184. Ito ang
pumili sa Tagalog na maging batayan ng wikang pambansa gaya ng ipinroklama ni Pangulong Quezon
noong ika-30 ng Disyembre 1937. Ang Tagalog ang wikang rekomendado agad kahit ng Komiteng
Pangwika ng Kumbensiyong Konstitusyonal. Tiyak ding ibinatay ito sa mungkahi ng mga ekspertong
nkakahigit ang Tagalog sa ibang wikang katutubo sa bansa. Ang totoo, naging mahigpit ang debate higgil
sa wikang pambansa. Nagkaisa ang mga delegado na dapat itong wikang katutubo ngunit sinalungat ng
mga delegadong mula sa mga rehiyon ang dagliang paghirang ng Tagalog. Sa botohan, natalo ang mga
maka- Tagalog kaya ang pangwakas na tadhanang pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng 1935
Konstitusyon ay gagawa ng hakbang ang Kongreso upang magkaroon ng wikang pambansa.

15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa mga dahilan kung bakit hinirang ang Tagalog
na maging batayan ng wikang pambansa ayon sa binasang sipi?

I. Rekomendasyon ito ng komiteng pangwika

II. Iminungkahi ito ng mga eksperto

III. Pinili ito ng Surian ng Wikang Pambansa.

IV. Gusto ito ng mamamayan.

A. I, II, at IV B. I, III at IV C. II, III, at IV D. I, II, at III

16. Alin sa sumusunod ang maaaring nangyari kung noon pa lamang na Konstitusyon ng 1935 ay naisama
na ang konsiderasyon ng ibang mga wika sa Pilipinas sa pagtatanghal ng Wikang Pambansa?

A. Maaaring mas maunlad at mas laganap pa ang Wikang Filipino sa kasalukuyan.

B. Maaaring sa puntong iyon pa lamang ay naging intelekwalisado na ang Wikang Filipino.

C. May posibilidad na hindi tayo nasakop ng mga dayuhan dahil may isang wikang nagbubuklod na sa
atin.

D. Maaaring sa kasalukuyan ay bihasa tayo sa tatlong wika kabilang ang Filipino, Ingles, at Espanyol.
FILIPINO

17. Bakit sinasabing malaki ang naitutulong ng telebisyon sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at
maituturing itong pinakamakapangyarihang uri ng medya sa kasalukuyan?

A. Higit na epektibong gamitin sa pagkatuto ng wika ang mga programa sa telebisyon kaysa pormal na
pagtuturo nito sa paaralan.

B. Mas pinaniniwalaan ng mga manonood na Pilipino ang mga impormasyon sa telebisyon kaysa sa ibang
uri ng mass media.

C. Ang telebisyon ang siyang nagmumulat sa lahat ng mga kabataang Pilipino upang sila ay matuto ng
ating pambansang wika.

D. Ang mga programa sa telebisyon ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Pilipino sa iba't ibang
bahagi ng bansa ang nakakagamit at nakakapagsalita ng wikang ito.

Para sa aytem 18- Basahin ang teksto sa ibaba.

Disiplina sa Bangketa Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) a


kailangan ang Urbanidad upang magkaroon ng disiplina sa bangketa. Ano nga ba ang urbanidad?
Urbanidad ang tamang pag-uugali sa paninirahan sa mataong lugar. Kung wala nito, hindi raw hadlang
manirahan sa lungsod kung saan masalimuot ang pamumuhay. Urbanidad din ang pagsunod sa batas at
kautusan ng komunidad. Nangangahulugan ito ng ibayong pag-lingat upang anuman ang gawin ay hindi
makakasakit o makakapinsala sa kapuwa Ibig sabihin nito'y paggalang sa damdamin at karapatan ng
ibang tao. Kung walang urbanidad, tapon kahit saan ang basura, walang bigayan ang mga motorista, una-
han at tulakan sa abangan ng sasakyan, tumatawid kahit saan ang mga tao, walang pakialam kung
marumi ang kani-kaniyang bakuran. Kung walang urbanidad, nawawala ang ating hiya sa sasabihin ng
ating kapuwa sa maling gawa natin. Sa urbanidad nagmumula ang dangal ng bayan, kung paano ang
bawat isang mamamayan, kasama ang kanilang pamahalaan, ay pawang magkakaibigan. Naging
masigasig ang MMDA sa pagbibigay ng nasabing mga impormasyon sa kalunsuran sa pamamagitan ng
balita. - Balitang MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), 2005

18. Batay sa binasa, tungkol saan ang balita?

A. Ang balita ay tungkol sa ipinapahayag ng MMDA kung gaano kahalaga ang bangketa na binibigyang
pansin.

B. Ang balita ay tungkol sa ipinapahayag ng MMDA kung gaano kahalaga ang sinasabing orbanidad upang
magkaroon ng disiplina sa bangketa.

C. Tungkol sa mga batas na dapat sundin ng mga tao at mga gampanin nila sa lipunan.

D. Dapat tamang pag-uugali ang isaalang-alang ng mga nasa urbanidad ng magkaroon ng matiwasay na
pamumuhay.

Para sa aytem – 19 Basahin ang teksto sa ibaba.

Isa sa mga maiinit na paksang pinag-usapan sa social media ang tungkol sa pagpapataw ng tax at
pagbubukas ng Bureau of Customs sa ilang balikbayan boxes na ipinapadala ng mga OFW. Basahing
mabuti ang mga tanong tungkol sa pagkakagamit ng wika sa mga nabasang pahayag pagkatapos
FILIPINO

19. Anong damdamin ang namayani sa mga Facebook post at komentong binasa mo?

A. Takot

B. Pagkawalang gana

C. Pagkadismaya

D. Paghihinayang

Para sa aytem 20-23, basahin ang sumusunod na teksto.

Maynila sa Kuko ng Liwanag

(Batay sa nobelang Sa Kuko ng Liwanag na isinulat ni Edgardo Reyes) (Isang Pagsusuri ni Rolando B.
Tolentino)

Maraming kritiko ang nagsasabi na ang pelikulang "Maynila sa Kuko ng Liwanag" ang siyang nag-
bukas ng tinatawag na "Ikalawang Ginintuang Yugto" ng Cinema sa Pilipinas. Ang yugto ay puma-
patungkol sa proliterasyon ng mga pelikulang may mataas na kalidad ng kasiningan at politikal na
makabayan. Tandaan na ang yugto ay sumaklaw sa katingkaran ng diktadura mula sa kalagit-naan ng
dekada '70 hanggang sa kalagitnaan ng dekada '80.
FILIPINO

Mahalaga ang pelikula dahil pinatingkad nito ang "Kritikal na realismo." Ito ay realismo, hindi
lamang inilalarawan ang mga kabuktutang nagaganap sa lipunan (naturalismo ang tawag dito o ang
pagpapakita ng natural na kalagayan ng mga tao sa lipunan, isang uri rin ng realismo). Halaw na rin ito sa
uring tradisyong pampanitikan na pinaghalawan ng materyales ng pelikula, ang nobelang Sa Kuko ng
Liwanag ni Edgardo Reyes. Si Reyes ay kabahagi ng grupong "Agos sa Disyerto," sang grupo ng
mangangatha (fictionists) ng dekada '60 na naglayong baguhin ang pangunahing daloy ng komersyalismo
at romantisismo sa kanilang panahon. Sa pamamagitan ng kritikal na realismo, naipakita ang kawalang-
katarungan g kapaligiran sa mga historikal na naisantabi ng mga tao. Halimbawa nito ang pagbubukas a
eksena ng pelikula. Ipinapakita ng black-and-white documentary footage ang iba't ibang madilim at
inaakalang di magandang pang-araw-araw a buhay sa Chinatown, ang pangunahing lugar ng pelikula.

Sa unang pagkakataon nakita ng manonood si Julio Madriaga, ang pangunahing tauhan, makikita
siyang nakatanghod sa isang pader na may karatula na may islogang "Imperialismo, Ibagsak." Kritikal ang
pelikula sa mga kaganapan sa lipunan. Ang limitasyon ng kritikal na realismo ay ang kakulangan ng
rekomendasyon hinggil sa kolektibong pagbabago ng kondisyon, maliban sa indibiduwal na paraan. Tulad
sa pelikula inilagay ni Julio ang paghahangad ng katarungan sa sarili nitong kamay. At dahil ginawa niya
ito, nakub-kob at namatay siya sa kamay ng kapuwa Pilipino. Isa ang pelikula sa pinakamaningning na
halimbawa ng transpormasyon ng nobela at panitikan sa pelikula.

Ang pelikula ay masining na adaptasyon ng nobela. Ang idinagdag fig direktor, si Lino Brocka ay
ang pagpasok ng "mass movement" bilang isang opsyon ni Julio sa paghahanap ng katarungan para kay
Ligaya, ang kaniyang napaslang na kasintahan. Wala ito sa nobela pero bahagi na ito ng realidad sa
diktadura. May binago ang pelikula dahil may kakaiba itong medium at lengguwahe kaysa panitikan.

- Mula sa Learning Module For Various Philippine Films, University of the Philippines

20. Anong kultura sa lipunang Pilipino ang ipinakita sa teksto.

A. Ang kultura sa lipunang Pilipino na ipinapakita sa teksto ay Pelikula.

B. Ang kultura sa lipunang Pilipino na ipinapakita sa teksto ay pantelebisyon.

C. Ang kultura sa lipunang Pilipino na ipinapakita sa teksto ay Social Media.

D. Walang kaugnayan sa kulturang Pilipino ang ipinahayag sa teksto.

21. Sa anong paraan ipinakita ang mensahe batay sa sitwasyong pangwika ang nakapaloob sa teksto?

A. Sa pamamagitan ng pagpupugay sa mga karanasan ng mga tauhan sa nobela. Ipinapakita rin ang
mentalidad sa naturang teksto.

B. Sa pamamagitan ng paglalarawan at pagsasabuhay sa mga karanasan ng mga tauhan sa nobela.


Ipinapakita rin ang realismo sa naturang teksto.

C. Sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga karanasan ng mga tauhan sa nobela. Ipinapakita rin ang
reyalidad sa naturang teksto.

D. Wala sa mga nabanggit.

22. Sa tingin mo, nagpapakita ba ng magandang dulot ang paraan ng paggamit ng wika sa iba’t- ibang
sitwasyon?
FILIPINO

A. Oo, maganda ang naidudulot nito sapagkat mas napapaunlad at naipapatatag ang ating wika at
maipapanatili ang pagkakaunawaan ng mga Pilipino.

B. Oo, dahil dito nagkakaroon ng kulay ang ating pamumuhay at magiging sagana ito.

C. Oo, dahil ito ang nagsisilbing tulay.

D. Oo, maganda ito sa lahat ng pagkakataon upang tayo ay magkaroon ng pagkaunawaan sa taga
ibang bansa.

23. Ang ibig sabihin ng salitang “katingkaran” batay sa paggamit nito sa paksa ay

A. talino

B. liwanag

C. kasukdulan

D. kulay

24. Ang mga jargon o terminolohiyang exhibit, complainant, court, justice, appeal at iba pa ay mga
salitang matatagpuan o mababasa sa sitwasyong .

A. medisina

B. guro

C. accountant

D. abogado

25. “Ayon sa aming kapitbahay, mas malakas ang bagyo na tumama sa kanilang lugar noong
nakaraang taon.” Anong tamang gamit ng salita ang isinasaad sa pahayag?

A. din

B. rin

C. raw

D. daw

26. “Ayon sa aming kapitbahay, mas malakas ang bagyo na tumama sa kanilang lugar noong nakaraang
taon.” Anong tamang gamit ng salita ang isinasaad sa pahayag?

A. din

B. rin

C. raw

D. daw
FILIPINO

27. Ang pananaliksik ay may hakbanging sinusunod na dapat matamo ng isang mananaliksik. Alin dito
ang dapat sundin?

I. Mabigyang kasiyahan ang kuryosidad ng tao.

II. Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersya.

III. Mabigyan ng mgakasagutan ang mga tiyak na katanungan.

IV. Mabigyang solusyon ang mga suliranin.

A. I B. II C. I, II, III D. IV at I

28. Ayon pa sa SWS, 12.6 milyong pamilya Pilipino, ang nagsasabing na nakakaranas sila ng kahirapan
taong kasalukuyan.

A. Deskriptib Impresyunistik

B. Obhektibo

C. Deskriptib Teknikal

D. Subhektibo

29. Ang sumusunod ay halimbawa ng tesktong impormatib maliban sa:

A. Paglalahad ng totoong impormasyon pangyayari o kasaysayan.

B. Pag-uulat ng impormasyon

C. Pagpapaliwanag

D. Pagbibigay ng ng hakbang kronolohikal.

30. Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di tulad ng harapang pambu-bully na


kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon at
psychological trauma na maaring maranasan ng isang biktima ng cyberbullying .

A. Deskriptib

B. Impormatibo

C. Naratibo

D. Argumentatibo

31. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong -anyo
ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang .

A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Pangkasaysayan

B. Pag-uulat ng Impormasyon

C. Pagpapaliwanag
FILIPINO

D. Sanhi at Bunga

32. Nagbasa ng balita si Kiko . Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito : “ 51st International
Eucharistic Congress , Ginanap noong Enero 24-31, 2016.

A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Pangkasaysayan

B. Pag-uulat ng Impormasyon

C. Pagpapaliwanag

D. Sanhi at Bunga

33. Masayang -masaya si Ginang Cruz sa balita nasa pahayagang hawak niya . Sinasabi ritong “Si Pia
Wurtzbach ay Nagwagi bilang Miss Universe 2016.”

A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Pangkasaysayan

B. Pag-uulat ng Impormasyon

C. Pagpapaliwanag

D. Sanhi at Bunga

34. May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako
napabuntunghininga. Naramdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang
nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati -rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito. Mula
sa “Dayuhan “ ni B. Mendina.

A. Deskriptib

B. Impormatibo

C. Naratibo

D. Argumentatibo

35. Hindi si Noel ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-kalye. Matangkad ngunit patpatin ang
katawan dahil sa bukod sa may kahinaang kumain ay wala rin gaanong hilig sa isports maliban sa
pagsunod ng ilang larong required kunin sa P.E. Gayunpaman , kung ano ang kakulangan sa
pangangatawan ay siya naming liksi ng isipan. Isa siya sa pangunahing miyembro ng debate club, laging
nangunguna sa klase, at editor-in-chief ng kanilang pahayagang pampaaralan.

A. Subhetibo

B. Obhetibo

C. Anapora

D. Katapora

36. Nagpapaliwanag sa pangalan tumutukoy ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


A. pangngalan B. panghalip C. konkreto D. di- konkreto
FILIPINO

37. Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari
sa mga sumusunod.
A. pambalana B. pantangi C. konkreto D. di-konkreto
38. Anong pangngalang ang hindi material na bagay. Ito ay tumutukoy sa diwa o kaisipan.
A. Konkreto B. di – konkreto C. pambalana D. pantangi
39. Kilalanin sa mga sumusunod ang pangngalang nakikita at nahahawakan.
A. Di- konkreto B. konkreto C. pambalana D. pantangi
40 . Piliin sa mga sumusunod ang ibang tawag sa konkretong pangngalan?
A. basal B. tahas C. pambalana D. pantangi

41. Ano ang ibang katawagan ng tahas na pangngalan?

A. di – konkreto B. konkreto C. pantangi D. pambalana

42. Hanapin sa mga sumusunod ang di nabibilang sa grupo ng pangngalan

A. kaligayan B. katalinuhan C. kagandahan D. bulaklak

43. Mula sa iyong natutunan ang mga sumusunod ay mga pangngalang konkreto maliban sa isa.

A. upuan B. prutas C. kapayapaan D. sabon

44. Tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao, bagay. Anong uri ng pangngalang pambalana

A. tahas B. lansakan C. basal D. pantangi

45. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa lansakan pangngalan

A. lahi B. kasikiman C. eroplano D. kabayanihan

46. Ang buwig ng saging ay matatamis. Anong uri ng pangngalang pambalana ang
nasalungguhitan.

A. tahas B. basal C. lansakan D. pantangi

47. Tukuyin ang panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari

A. pangngalan B. panghalip C. pambalana D. Lansakan

48. Huwag na huwag ka magpapanggabi. May kapreng gumagala sa ating barangay. Paano na
ipinapahayag ang damdamin sa pangungusap?
FILIPINO

A. Galit B. lungkot C. pag-aalala D. inis

49. “Akala ko pa naman mapanood ako ni inay at itay “.

A. lungkot B. nanghihinayang C. inis D. galit

50. “Saan ka kumuha ng ibinili ng mga iyon?

A. pagtataka B. pagkagalit C. pagbabanta D. pagkagalak

51. Ano ang kaugnayan ng salitang makisig sa matipuno?

A.magkasingkahulugan B. magkasalungat C. magkatugma D.magkapantig

52. Ang mga dahon ay masayang umiindayog sa hangin. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit.

A. nag-aawitan B. nag-sasayawan C. nagliliparan D. naglalaglagan

53. Sumungaw ang munting inakay sa malalagong dahon. Ano ang kasingkahulugan ng
sumungaw?

A. Dumapo B. nahulug C. lumabas D. Sumilip

54. Ito ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala
at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.

A. Mitolohiya B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Dula

55. Ito ang tawag kapag ang isang salita ay nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay
makabubuo ng ibang kahulugan

A. Kabilaan B. Isahan C. Kolokasyon D. Tambalan

56. Ito ay elemento ng mitolohiya na naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari,


pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa.

A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D.Tema

57. Ayon kay Aristotle, ito ay sining ng panggagaya at pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
A. Dula B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Sanaysay

58. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
FILIPINO

A. Maikling Kuwento B. Nobela C. Dula D. Sanaysay

59. Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura at ibang wika ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pananalita.
A. Hiram na salita
B. Pagsasama ng mga salita
C. Morpolohikal na pinagmulan
D. Salitang banyaga

60. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap.
A. Layon B. Pandiwa C. Pokus D. Tagaganap

You might also like