You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAGAYAN
Regional Government Center, Carig, Tuguegarao City, 3500

MIDTERM EXAMAMINATION
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
1st Sem School Year 2019-2020

PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan. Isulat nang
MALALAKING TITIK ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ang pangunahing kasangkapan o instrumento upang maipahayag ang
kaisipan at saloobin ng isang tao.
a. komunikasyon b. unang wika c.wika d.arbitraryo
2 .Tawag sa proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagbibigay
impormasyon sa mabisang paraan.
a.masistemang balangkas b.arbitraryo
c.LAD(language acquisition device) d.komunikasyon
3. Antas ng wika na ginagamit ng nakararami lalo na sa mga taong may
mataas na pinag-aralan.
a. sosyolek b. register c. pampanitikan d.pormal
4. Ito ay isang katangian ng isang wika na pinagkakasunduan ang anumang
wikang gagamitin para sa pang araw-araw na pamumuhay.
a. register b.arbitraryo c.masistemang balangkas d. lalawiganin
5. Pang araw-araw na salita, maaaring may kagaspangan ng kaunti. Ito rin
ay ang pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa salita.
a.balbal b. impormal c.kolokyal d..lalawiganin
6. Ito ang wikang napagkakasunduan ng isang pamahalaan,organisasyon o
insititusyon na gamitin sa pormal nitong komunikasyon o transaksyon.
a. wikang opisyal b. pormal na wika
c. wikang pambansa d.wikang panturo
7. Barayti ng wika na batay sa katayuan ng nagsasalita sa lipunan,sa
grupo na kanyang kinabibilangan at ayon sa antas ng kanyang
pamumuhay.
a. dayalek b. idyolek c..kolokyal d.sosyolek
8. Ano ang tawag sa teorya na nagpapalagay na ang wika ay nagmula sa
panggagaya ng tao sa tunog ng kalikasan.
a.ding-dong b. tarara-boom-de-ay c.bow-wow d. pooh-pooh
9. Ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring gumagawa ng
kahulugan batay sa kanyang nadarama.
a. ta-ta b. pooh-pooh c. yo-he-ho d. ding-dong
10. Paano nabuo ang wika sa daigdig ayon sa teoryang yoheho.
a. Ito ay nagmula sa mga tunog na likha ng tao tulad ng
kampana,tunog ng relo at tren na siyang kumakatawan sa mga nasabing
bagay.
b. Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong
magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o
pag-aangat ng malaking bato
c.Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog gaya ng
pagtawa,pagiyak at pagtataka
d.Nakakalikha ang mga tao ng tunog sa pamamagitan ng pagkilos at
pagsasayaw sa mga sinaunang selebrasyon o okasyon.
11. Paano natututo ng unang wika ang isang tao ayon sa teoryang
behaviorist?

1
a. Ang paggamit ng wika ay isang ugaling natututuhan at nakasasanayan
ng isang tao sa pagpapaulit-ulit dito.
b. Natututo ang mga tao sa kanilang unang wika sa pamamagitan ng LAD,
isang aparato sa pagsasalita na bahagi na ng isip ng tao.
c. Ang isang bata ay ipinanganak na may likas na kakayahang matuto ng
isa ng unang wika.
d. Ang isang bata ay pinaniniwalaang matalinong nilalang sapagkat siya
ay isinilang na may bahagi na ng katawan na sadyang laan sa pagkatuto
ng unang wika.
12. Bakit tunog ang unang natutuhan tungo sa pagkatuto ng unang wika?
a. Ito ay isang kasangkapan na kailangan sa pagkatuto ng unang wika.
b. Mga tunog ang siyang narerehistro sa isip ng bata at nauulit-ulit
niyang bigkasin.
c. Unang natutuhan ang wika sa mga nakilimbag na simbolong nakikita,
nababasa at nabibigkas.
d. Hindi masasabing wika kapag walang tunog na naririnig.
13. Ang isang mag-aaral ng turismo na nag-aaral ng 15 yunits ng wika
bilang bahagi ng kanyang kurikulum ay isang paraan ng pagkatuto ng
ikalawang wika. Anong tawag sa paraang ito?
a. Pormal na pagkatuto c. Magkahalong pagkatuto
b. Impormal na pagkatuto d. magkasabay na pagkatuto
14. Ang pag-unawang malambot ang unan at maaaring higaan upang makatulog
ng komportable ay isang antas ng hirap na pinagdaraanan ng isang sanggol
na natututong magsalita. Anong hirap nabibilang ang sitwasyong ito?
a. Hirap na konseptwal c. Magkahalong hirap
b. Hirap na pormal d. Hirap na kotekstwal
15. Si Cecille ay laging nagninilay-nilay sa tabing dagat kapag may
problemang dumarating sakanyang buhay. Anong antas ng komunikasyon ito
nabibilang?
a. Organisayonal b. Interpersonal c. Intrapersonal d. Interpersonal
16.Ang mga mag-aaral ay nagpupulong-pulong pagkatapos ng kanilang klase
tungkol sa magiging proyekto sa kani-kanilang klab sa paaralan. Anong
antas ng komunikasyon kabilang ang ganitong sitwasyon?
a. Komunikasyong pagbigkas c.Organisayonal
b. Komunikasyong pagsulat d. Interpersonal
17. Nakasanayan na ni Noli De Castro ang pagsasabi ng “Mgandang Gabi
Bayan” sa tuwing nagbabalita kung kaya’t kilalang kilala na siya dahil
sa kanyang paraan ng pagsasalita. Anong barayti ng wika ito nabibilang?
a. Register b. Ekolek c. Idyolek d. Soyolek
18. Sa tuwing makikipag-usap si Mang Kanor sa kanyang asawa sa
Maynila, telepono ang lagi niyang ginagamit sapagkat mas komportable
siya sa paggamit nito kumpara sa isang cellular phone. Sa sitwasyong
naibigay anong uri ng channel ang nabanggit na nagsisilbing daluyan ng
mensahe?
a. Cellular phone b. Pabigkas c. telepono d. Pasalita
19. Ano ang isinasaad ng probisyong pangwika ng artikulo XIV, Seksyon 6
ng Saligang Batas ng 1987 tungkol sa Wikang Pambansa?
a. Ang Pambansang Wika ay Filipino. Samntalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pasalig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
b. Bilang pag-alinsunod sa mga tadhana ng batas komonwelt blg. 184,
ito ay nagpapatibay ng adapsiyon ng tagalog bilang batayan ng
Pambansang Wika ng Pilipinas.
c. Alinsunod sa mga layuning nabunsod sa pahayag ng Pangulo (Carlos P.
Garcia) at upang maitatak sa wikang Pambansa ang di mapapawing
katangian n gating Pagkamakabansa, ang salitang Pilipino ay
gagamitin sa pagtukoy sa wikang ito.

2
d. Ang Pambansang Asembleya ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapa-
unlad at pormal na pagpapatibay ng panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Fiipino.
20. Maliban sa isa, ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pagkatuto
sa ikalawang wika bilang impormal na pagkatuto.
a. Ang isang gurong natututo na ng Ibanag nang maidestino siya sa
Isabela.
b. Isang estudyanteng natuto na ng Ilokano sa kanyang mga kamag-aral,
mula nang siya’y lumipat sa Allacapan National High School.
c. Ang isang abogadong natuto na ng Bisaya mula nang manirahan sa
Cebu.
d. Isang Amerikanong nag-aaral ng Filipino sa klase.
21. Ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba ay maaaring maging unang wika.
Alin ang hindi kabilang?
a. Di-dominanteng wikang gamit ng isang tao sa kanyang buhay.
b. Ang wikang natutuhan sa mga magulang.
c. Ang wikang pinakamadalas gamitin ng isang tao sa
pakikipagtalastasan.
d. Ang unang wikang natutuhan kanino pa man ito natutuhan.
22. Bakit pinili ang Tagalog bilang batayan ng Pambansang Wika?
a. Tagalog ang wikang napili upang maging simbolo ng pagkakakilanlan
ng mga mamamayan.
b. Dahil tagalog ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming
Pilipino.
c. Tagalog ang matibay na instrumento sa paglinang at pagpapalaganap
ng impormasyon tungo sa pormal na adapsiyon ng isang pambansang
wika.
d. Pinili ang Tagalog upang maitatak ang di mapapawing katangian ng
ating pagkamakabansa
23. Sa programang K-12 bakit mahalaga ang paggamit ng unang wika bilang
wikang panturo sa pinakamurang mga gulang ng mag-aaral (kindergarten –
baitang 3)?
a. Sa kanilang murang edad mahalaga ang paggamit ng unang wika dahil
dito sila namulat at ito ang kanilang wikang nakasanayan.
b. Upang mas mahasa pa ang paggamit ng kanilang unang wika sa
pagsasalita sa loob ng paaralan.
c. Para mas mapalalim pa lalo ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang
sariling kultura.
d. dahil ito ang kanilang dominanteng wika at dapat lamang na ito ang
gamitin upang maaliw, matuwa at maakit ang mga mag-aaral sa lahat
ng kanilang leksyon.
24. Sa panahong ito may ilang mga Pilipino ang nagtungo sa ibang bansa
upang kumuha ng kaalaman sapagkat unti-unting namumulat ang Pilipino
sa mga ginawa ng mga Kastila.
a. Panahon ng Espanyol c. panahon ng pagsasarili
b.Panahon ng Propaganda d. Panahon ng Amerikano
25. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na unang mga lingguwista para
sa mga wika ng bansa?
a. Kastila b. Lope K. Santos c. Prayleng Kastila d. Jose Rizal
26. Ito ang wika sa Pilipinas na maituturing na may pinakamaunlad at
pinakamayamang panitikan bago pa man dumating ang mga Espanyol, ayon
kay San Juan (1974).
a. Kapampangan b. Ilokano c. Cebuano d. Tagalog
27. Anong panahon nagkaroon ng pormal na hakbang sa pagkakaroon ng
wikang pambansa?
a. Panahon ng katutubo c. panahon ng Amerikano
b. Panahon ng Kastila d. Wala sa nabanggit
28. Sino ang may akda ng Arte De La Lengua Yloca?
a. Padre Francisco Lopes c. Padre Fransisco Lopez
3
b. Padre Francisco Lopez d. Padre Fransisco Lopez
29. Ito ay isang tungkulin ng wika na maaaring mapakilos ng tao ang
kanyang kapwa sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng wika.
a. Heuristiko b. Personal c. Interaksyunal d.
Regulatoryo
30. Pagmumungkahi: Instrumental ; ___________________: Interaksyunal
a. Paghingi ng paumanhin b. Pag-utos c. Pag-aanyaya
d. Pagpilit
31. _________________: Instrumental ; __________________: Imahinatibo
a. Pagsigaw ; Pagpapaliwanag c. Pasasalamat ; Paglikha
b. Pagbibiro ; Haraya d. Pag-Uutos ; Pagpapaliwanag
32. bakit panimula ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay?
a. Ito ang manghihikayat sa mga mambabasa na magpatuloy sa
pagbabasa.
b. Dito nakapaloob lahat ng mahalagang detalye.
c. Nakalaad dito ang mga gintong aral na mapakikinabangan ng lahat.
d. nakadaragdag ng kaalaman ang bahaging ito.
33. Tungkulin ng wika na ginagamit upang makapagturo, makapagbahagi o
makapagbigay ng mga kaalaman o impormasyon sa iba’t ibang larangan o
disiplina.
a. Interaksyunal b. impormatibo c. Heusristiko
d. Instrumental
34.Pagtatakda ng mga tuntunin: ___________ ; ____________: Heuristiko
a. Regulatoryo ; Pagsusuri c. impormatib ; Pagsusuri
b. Interaksiyon- Pag-eeksperimento d. Heuristiko ; Pagsang-ayon
35. Ang mga suusunod na pangungusap ay katangian ng pang imahinatibong
panitikan, maliban sa isa.
a. Karaniwang nagtataglay ng mahika
b. Kilalang bunga ng guni-guni, tulad ng mga prinsipe at prinsesa
c.Kagila-gilalas na pangyayari
d. Nakapanghihikayat sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng wika
36. Ito ay naglalaman ng sariling pananaw nang may-akda at nasa punto de
bista ng manununulat. Kadalasang naglalaman ng pagpuna at kritika sa
mga isyung panlipunan at mga tao.
a. Editoryal c. Pormal na Sanaysay
b. Lathalain d. Malikhaing Sanaysay
37. Nalilinang dito ang kasanayang magsuri, ma-eksperimento,magbigay
kahulugan, mamuna at iba pang kasanayang pag-iisip pang-akademiko.
a. Interaksyunal b. Instrumental c. Heuristiko
d. Impormatibo
38. Pagpapahayag ng damdamin: Papersonal ; __________:___________
a. Pag-alalay sa kilos: Interaksyunal
b. Pagtatalumpati- Instrumental
c Pagtatalumpati: Imahinatibo
d. APg-alalay sa kilos: regulatoryo
39. Tungkulin ng wika na nagsasaad na maaaring humiling ang mga tao ng
mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-
bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
a. Instrumental b. Personal c. Interaksunal d. regulatoryo
40. Ginagamit ang wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga
akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya at huwarang pangarap.
a. Interaksyunal b. Personal c. Imahinatibo d. Heuristiko
41. Ito ay tungkulin ng wika na nagsasaad na ginagamit ag wika upang
ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng
kaniyang katauhan ang wika.
a. Instrumental b. Heuristiko c. Interaksyunal d. Personal
42. Tungkulin ng wika na may layuning maihatid ang kaalaman tungkol sa
daigdig, maiulat ang mga pangyayari, mailahad, maipaliwanag ang mga
pagkakaugnay-ugnay, maihatid ang mga mensahe at iba pa.
4
a. Interaksyunal b. Persona c. Representasyunal d. Heuristiko
43. Hindi nasunod ni Juan ang panutong ibinigay ng kanyang guro sa
kanilang pagsusulit kaya’t mababa ang puntos na kaniyang nakuha. Anong
gamit ng wika ang hindi pa pamasyadong nalinang kay Juan batay sa
sitwasyon?
a. Instrumental b. Heuristiko c. Regulatoryo d. Interaksyunal
43. Iba ang kahulugan ng pasa na binibigkas ng maalumanay kaysa sa
mabilis.
a. nagbabago b. Ginagamit c. batay sa kultura d. Simbolong tunog
44. Sa mga Ibanag ang katumbas ng paa ay takki samantalang sa mga
Ilokano ay saka.
a. Nagbabago b. Ginagamit c. Arbitraryo d. Simbolong tunog
45. Nagkakaintindihan ang mga Itawes sa salitang gavva lang at sa mga
Ilokano sa agtalna ka man dita.
a. Masistema b. Batay sa Kultura c. Arbitraryo d. Ginagamit
46. tuwing sasapit ang Agosto ay ipinagdidiriwang ng mga taga Tuguegarao
ang Afi Festival.
a. Ginagamit b. Arbitraryo c. Simbolikong Tunog d. Batay sa Kultura
47. Ang katumbas ng lamuyot sa mga Tagalog ay (persuasion) samantalang
sa mga Ilokano ay softness.
a. Ginagamt b. nagbabago c. Arbitraryo d. Masistema
48. Ang salitang ganda ay tumutukoy lamang sa kagandahan samantalang
kapag nilapian ng panlaping ma- ay may kahulugang pagkakaroon ng
kagandahan.
a. Nagbabago b. Arbitraryo c. Masistema d. Ginagamit
49. Ang salitang kasapuwego ay hindi na naririnig sa kasalukuyan, ngunit
kadalasan itong napakikinggang posporo.
a. Batay sa kultura b. masistema c. Ginagamit d. Nagbabago
50. Kung ang encoder ay sa decoder ang manunulat kung sa gayon ay sa
_____________.
a. mambabasa b. tagahatid c. papel d. panulat
51. Anong wikang ginagamit na siyang nag-uugnay sa dalawa o higit pang
tao o grupo ng tao na may kanya-kanyang sariling wika.
a. Mother tongue b. Pangalawang wika
c. Lingua Franca d. Wikang pambansa
52. Pag-iisip ng paraan kung paano masusulusyounan ang mga problemang
kinakaharap. Anong antas ng komunikasyon kabilang ang pahayag?
a. Intrapersonal b. Interpersonal c. Pangmasa d. Pampubliko
53. Si Carlo ay kumukuha ng kursong HIM, isa sa kanyang mga pinag-
aaralan ay ang dayuhang wika na Mandarin. Anong uri ng paraan ng
pagkatuto ang nararanasan ni Carlo?
a. Atrisyon b. Impormal c. Magkahalo d. Pormal
54. Kapwa Bisaya ang magulang ni Trisha na naninirahan sa Cebu ngunit
isa sa kanyang magulang ang kumakausap sa kanya ng wikang tagalog.
Anong uri ng bilingguwalismo nalalantad si Trisha?
a. Double non-dominant home language c. Non-dominant home language
b. One-person, One-language d. Non-Dominant parents
55. May mag-asawang Ilokano at Bisaya na naninirahan sa Cebu na kapwa
ginagamit ang unang wika sa pakikipag-usap sa anak, kaya nalalantad
ang anak sa wikang Ilokano at Bisaya. Anong uri ng ilingguwalismo
mayroon ang bata?
a. One-person, One-language c. Non-Dominant parents
b. Non-dominant home language d. Mixed
56. Sina mang Ador at aling Selya ay kapwa kapampangan na naninirahan sa
Batanes, sa tuwing kauusapin nila ang anak ay ginagamit nila ang
kanilang unang wika. Ngunit paglabas ng kanilang anak ay nalalantad sa
wikang Ivatan. Anong uri ng bilingguwalismo mayroon ang kanilang anak?
a. Non-Dominant parents
b. Non-dominant language w/out community support
5
c. Non-dominant home language
d. Double non-dominant home language
57. Sir, ano po ba ang bugong niyo ngay-on? Mangyari po kasi ako ay
namaraka kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis na baboy?
a. dayalek b. idyolek c. Sosyolek d. Rehistro
58. Ate pwede bang hiramin yung mouse mo? Gagamitin lang namin para sa
lecture sa computer.
a. Sosyolek b. Dayalek c. Rehistro d. Idyolek
59. Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsusubaybay at muli,
Magandang gabi, bayan.
a. Rehistro b. Sosyolek c. Idyolek d. Dayalek
60. Anong Barayti ng wika na ginagamit ng Estudyante, matanda, mga
kababaihan at maging sa piitan.
a. Idyolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Rehistro
II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap, kung
hindi naman isulat ang MALI.
61. Ang ating lupain, bago pa man natuklasan ng mga Europeo ay wala
pang sariling sibilisasyon.
62. Isang bentahe ng pagkatuto ng Ingles ang mabilis na pakikibahagi ng
mga Pilipino sa komunikasyong internasyunal.
63.May sarili nang sistemang pangwika ang mga sinaunang Pilipino bago pa
man dumating ang mga mananakop na espanyol.
64. Inihayag ni pangulong William McKinley ang magiging bisa sa
Pilipinas ng Kasunduan sa Persiya noong ika-21 ng Dsyembre 1898 sa
pamamagitan ng proklamasyon ng Benevolent Assimilation.
65. Nang masakop ng mga Hapones ang mga pulo ng Pilipinas, isa sa mga
pangunahing layunin nito ay ang maipalaganap ang Kristiyanismo.
66. Pagkalipas ng mahigit tatlong dekada ng direktang kontrol sa
Pilipinas, gumawa na rin ng malaking hakbang ang Estados Unidos upang
maipagkaloob sa mga Pilipino ang ganap na kalayaang pampolitika at
mapamahalaan ang sarili.
67. Habang binubuo pa lamang ang Saligang Batas ng 1935 isa sa mga
panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kina Catacataca at Espiritu
(2005) ay Ingles ang dapat na aging wikang opisya.
68. Ang sinaunang tagalog ay isinusulat sa paraang silabiko o pantigan
na mayroong 18 titik.
69.Ang tunay na layunin ng Hapon sa pagpapasiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa Asya ay ang Pagsusulong ng Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere.
70.Isang hindi malilimutang araw sa kasaysayan ng Pilipinas ang ika-2 ng
Hunyo 1946 dahil kasabay ng pagdiriwang ng estados Unidos ng sarili
nitong Araw ng Kasarinlan, idineklara rin ang kalayaan ng Pilipinas
mula sa kanila.

..................PATNUBAYAN NAWA KAYO NG PANGINOON!...................

Inihanda ni: Inaprubahan nina:

ANNALEI B. TUMALIUAN ROMAR QUEQUEGAN


Subject Teacher SHS Coordinator

You might also like