You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
PRENZA NATIONAL HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON:

Prenza I, Marilao, Bulacan


pnhs_68@yahoo.com
PRE TEST
SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
PANGALAN: ASIGNATURA:
SEKSYON: PETSA:

I. Tukuyin ang angkop na kasagutan na makabubuo sa diwa ng sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa iisang kultura.
a. tunog b. wika c. salita d. mensahe
2. Bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang kaalaman sa paggamit ng wika dahil ang wika ay_________.
a. arbitraryo b. balangkas c. masistema d. dinamiko
3. Upang manatiling buhay ang isang wika, kinakailangang ito’y patuloy na ___________.
a. sinasaliksik b. isinasaaklat c. ginagamit d. itinuturo
4. Lumalawak ang kahulugan ng mga bokabularyo ng isang wika kapag___________.
a. ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong paraan ng pagbigkas
b. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong salita
c. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong kahulugan
d. ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong kahulugan
5. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
a. Pooh-pooh b. Bow-wow c. Ta-ta d. Ding-dong
6. Alin ang hindi nagpapakita ng Teoryang Yo-he-ho?
a. pagbubuhat ng mabibigat na bagay c. sumusuntok o nangangarate
b. pagbulong sa mga ritwal d. nanganganak na ina
7. Ito ay mga salitang gamitin ng mga manunulat. Karaniwang matatayog, makukulay at malalalim.
a. pampanitikan b. pambansa c. pormal d. impormal
8. Saang antas ng wika mauuri ang mga sumusunod: gurang, bayot, buang, barabara, napintas, maayon.
a. pambansa b. lalawiganin c. kolokyal d. balbal
9. “Waswas ko ‘yung dumalaw sa ’kin ‘pre, dinalhan lang ako ng yosi, malungkot kasi dito sa loob eh.” Anong antas ng
wika ang ginamit sa pahayag?
a. pambansa b. lalawiganin c. kolokyal d. balbal
10. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
a. pambansa b. lalawiganin c. kolokyal d. balbal
11. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng isang wikang pambansa?
a. malawakang ginagamit ito c. pangunahing wika ito ng halos lahat ng tao sa
bansa
b. pinagtibay ito ng pamahalaang pambansa d. kinikilala ito ng ibang bansa
12. Noong 1937, iminungkahi ng SWP sa kanilang resolusyon na ang wikang pambansa ay batay sa_________.
a. Tagalog b. Cebuano c. Ilokano d. Waray
13. Ayon sa Konstitusyon ng 1987 ang wikang pambansa ng Pilipinas ay________.
a. Filipino b. Filifino c. Pilipino d. Tagalog
14. Samantalang nalilinang, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa_________.
a. umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika c. mga pangunahing wikang dayuhan
b. mga wikang katutubo sa mga lalawigan d. Ingles at Tagalog
15. Ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng _______ titik.
a. 17 b. 20 c. 26 d. 28
16. Ito ang wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
a. Unang wika b. Ikalawang wika c. Ikatlong wika d. Ikaapat na wika
17. Alin ang pinakaangkop na paglalarawan sa bilingguwalismo?
a. dalawa ang wikang opisyal ng bansa c. dalawang bansa ang gumagamit ng isang wika
b. dalawang wika ang ginagamit ng dalawang tao d. dalawang wika ang ginagamit ng isang tao
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik ng pagkakaroon ng bilingguwalismo?
a. kalakalan b. kasaysayan c. relihiyon d. migrasyon
19. Alin ang higit na naglalarawan ng multilingguwalismo?
a. paggamit ng dalawang wika c. paggamit ng maraming wika
b. paggamit ng isang wikang pambansa d. paggamit ng dalawang wikang opisyal
20. Alin ang ayon sa konseptong multilingguwalismo?
a. palakasin ang Filipino at ang mga diyalekto upang higit na matuto ng wikang dayuhan
b. bigyang-diin ang wikang dayuhan bago ang wikang pambansa at mga diyalekto
c. gamitin lamang sa pagtuturo ang wikang pambansa at mga diyalekto
d. sabay na gamitin sa mga paaralan ang wikang pambansa at mga wikang dayuhan

II. Ibuod sa 10 pangungusap ang maikling kasaysayan ng Wikang Pambansa.

21-22. Panahon ng Katutubo 27-28. Panahon ng Hapones


23-24. Panahon ng Kastila 29-30. Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan
25-26. Panahon ng Amerikano
Prenza I, Marilao, Bulacan
pnhs_68@yahoo.com

You might also like