pangkat na gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto.
180 na diyalekto \ wikain
ANG WIKANG PAMBANSA
Ang kalagayang ito ang naging
pangunahing dahilan kung bakit kinakailangan magkaroon ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa Pilipino. 1934 Tinalakay at mainitang pinagtalunan ang pagpili sa wikang opisyal. Lope K. Santos at Manuel L. Quezon Isa sa umiiral na wika ang pinili ng mga delegado upang maging wikang pambansa. 1935 Ang pagsusog ni Pangulong Manuel L. Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyong 3 ng Saligang Batas ng 1935. 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ag wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika. 1935 Batas Komonwelt Blg. 184 isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa Tunglulin nito na ‘mag-aral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa mga umiiral na wika.’ 1935 Pamantayan sa pagpili ng Wikang Pambansa Wika ng sentro ng pamahalaan Wika ng sentro ng edukasyon Wika ng sentro ng kalakaran Wika ng nakararami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. 1937 Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpanggap Blg. 134 Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan pa ng dalawang taon. 1940 Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 nagsimulang ituro ang wikang pambansa batay sa Tagalog sa mga pampubliko at pribadong paaralan. 1946 nang ipagkaloob ng Amerikano ang ating kalayaan, ay ipinahayag din na ang wikang pambansa ay Tagalog at Ingles. Sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570 1959 Noong Agosto 13, 1959 pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. 1959 Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali at mga dokumentong pampamahalaan. Ganoon din sa mga paaralan, at mass media. 1972 Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong b1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyonng pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, Blg. 2 1987 Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstiusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyong sa paggamit ng Wikang Filipino.