You are on page 1of 3

1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba't ibang pulo at sa dami ng

wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa
Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado
ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang
pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa
mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong
nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay
sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo'y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang
Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng
dalawang taon.

1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at
pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog
at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.

1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay
naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero,
ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito'y higit na binigyang-halaga at lumaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga
dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba't ibang antas ng
paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila
nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa.
1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na
nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon isang wikang pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't hindi itinatakda ng batas, ang
wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”.
Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung
anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa. Ito ay nagresulta sa
pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na nagtatatag ng Surian Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang "mag-
aaral ng mga diyalekto ng sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng
isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo,
at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino." Base sa pag- aral na
isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang
naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilangbinuo tulad ng sumusunod:
"ang wikang pipiliin ay dapat
■ wika ng sentro ng pamahalaan;
■ wika ng sentro ng edukasyon;
wika ng sentro ng kalakalan; at
■ wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan."

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972


kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang
Batas ng 1973. Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2:
"Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at
pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino."
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ng
Pilipinas. Gayunpama'y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay
tulad ng itinatadhana ng Saligang Batas.
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:
"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika."

Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino


sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay "nag-
aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na naga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya." Napakalayo na
nga nang nalakbay ng ating wikang pambansa upang maging isa itong wikang nagbubuklod sa
mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at magamit ng
lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa

You might also like