You are on page 1of 9

Kasaysayan ng Wikang

Pambansa
1934
• Tinalakay sa Kumbensyong Konstitusyonal ang pagpili ng wikang kakatawan sa
buong bansa

• May mga naniniwalang dapat manatili sa Ingles ang wikang opisyal ng Pilipinas

• Lubos na di sumang-ayon ang mga katulad ni Lope K. Santos, Ama ng


Balarilang Tagalog, sa ideyang ito at sa halip ay dapat nakabatay daw ang
wikang hihirangin sa wikang umiiral sa Pilipinas
1935
• Sinusugan ni Manuel L. Quezon ang ideya ni Santos kung kaya’t nagbigay ito ng
daan para mabuo ang probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksiyon III:

• “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang


wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika.”
1936
• Saligang Batas 1935, Batas Komonwelt Blg. 184:

• -wikang Tagalog ang hihiranging batayan ng wikang Pambansa dahil tugma ito
sa mga sumusunod

• 1. wika ng sentro ng pamahalaan

• 2. wika ng sentro ng edukasyon

• 3. wika ng sentro ng kalakalan, at:

• 4. wika ng pinakamararami at pinakadakilang nasusulat na panitikan


1937 at 1940
• Ipinroklama ni Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa
base sa rekomendasyon ng SWP o Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ito pagkaraa ng dalawalang
taon

• Nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa lahat ng


paaralan
1946
• Hulyo 4, 1946, sa araw ng pagsasarili ng Pilipinas, ipinahayag na ang wikang
opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570
1959
• Mula Tagalog at Ingles bilang Wikang Opisyal, tatawagin na itong wikang
Pilipino bilang Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
7 na inilabas ni datin Kalihim Jose E. Romero

• Gagamitin na rin ito sa lahat ng transaksyon ng pamahalaan, bagamat marami pa


rin ang salungat
1972
• Kumbensyong Konstitusyonal 1972

• Saligang Batas 1973, Artikulo XV, Seksyon III, Blg. II

• “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa

• pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino

• at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang

• mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”


1987
• Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987:

• “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

You might also like