Djuidhfudhf

You might also like

You are on page 1of 4

1 Nang nanungkulan si Manuel L.

Quezon bilang pangulo binigyan niyang ng pansin ang isyung


“nasyonalismo.” Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop
ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling
Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng
Wikang Pambansa”. Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas sa
panahong ito. Ang Batas Tydings-McDuffie o mas kilala ngayon bilang Philippine Independence Act.
(insert vid of signing of this act)

PHILIPPINE INDEPENDENCE ACT

•Ang batas na ito ay pinamagatang “An act to Provide for the Complete Independence of the Philippine
Islands to Provide for the Adaptation of a Constitution and a form of Government for the Philippine
Islands, and for Other Purposes”.

•Ito ay inaprubahan ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Franklin D. Roosevelt.

•Ito ay isang batas ng kongreso na nagtatag ng proseso para sa Pilipinas na noon ay teritoryo lamang
ng Amerika, upang maging isang ganap na malayang bansa.

•Makaraan ang sampung taon matapos aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos ang nasabing
konstitusyon, nilisan na ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Pilipinas at inilipat ang pamamahala nito
sa mga nahalal na opisyal ng bayan.

•At doon na rin nag-umpisang tawaging “Pamahalaang Komonwelt” ang pamumuno sa bansa habang
nasa transisyon ng pagiging ganap na malaya ang bansa. Ito ay sang-ayon sa Seksyon 10 ng Batas
Tyding-Mcduffie.

2 Layunin ng Panahon ng Komonwelt na mapahalagahan ang wikang Pambansa. Napagpasiyahan sa


panahon na ito na Tagalog ang gawing batayang wika para sa wikang Pambansa. Sa panahong ito,
nagkaroon ng kauna-unahang Balarilang Pilipino at nagkaroon din ng Tagalog-Ingles na diksyunaryo.

3 Taong 1940, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 236, ipinahintulot ng Pangulo ng Pilipinas ang
pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Sinimulan ding
ituro sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog.

4 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BILANG 263, SEKSIYON 1940


•Inilabas noong ika-1 ng Abril 1940 ni Pangulong Manuel L. Quezon.

•Pinamagatang “Authorizing printing of the dictionary and grammar of the national language, and fixing
the day from which said language shall be used and taught in the public and private schools in the
Philippines”

4 Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging


panahong pantransisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na
ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
5Sa panahon ng komonwelt noong 1935, nagkaroon ng pagsulong para sa isang probisyong pangwika
na magtatakda ng kikilalaning wikang Pambansa. Sa pamamagitan ng batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon
3, ang Pambansang Asembleya ay naatasang gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pagpapatibay ng lahat ng wikang Pambansa salig sa isa asa mga wikang katutubo. Sa panahong wala
pang naitatakda ang batas, Ingles at Kastila ang kinikilalang mga wikang opisyal. Bunga nito, pinagtibay
ng Pambansang Asembleya noong Nobyembre 13, 1936 ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng
Surian ng Wikag Pambansa (SWP) na may tungkuling magsaliksik sa mga diyalekto sa Pilipinas bilang
magiging batayan ng wikang pambansa.

6 SALIGANG BATAS NG 1935, Artikulo XIV, Sek. 3


Isinasaad sa batas na ito ibabatay ang pambansang wika sa isa sa mga katutubong wika sa isa sa mga
katutubong wika sa Pilipians at hindi sa dayuhanng wika, ngunit pananatilihin ang Ingles at Espanyol
bilang wikang opisyal.

7Batas Komonwelt Blg. 184


Pinamagatan itong “An act to establish national language institute and define its power and duties”

8Batas Komonwelt Blg. 184, Seksiyon 5


Nakasaad dito ang pangunahing tungkulin ng National Language Institute (NLI) o
Surian ng Wikang Pambansa(SWP) (Ngayon ay kilala bilang Kagawaran ng Wikang
Filipino(KWF)
9Batas Komownelt Blg. 184, Seksiyon 7
Nakasaad ditto na dapat ihayag ng SWP ang wikang napili nitong pagbatayan ng pambansang wika at
ihaap sa rekomendasyon ng Pangulo ng bansa.

10 Si Jaime C. de Veyra ang unang tagapangulo ng SWP at matapos maisagawa ng Surian ang atas ng
batas, ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomenda na
Tagalog ang gawing saligan ng wikang Pambansa.

11 MGA TUNGKULIN NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA (SWP)


•Suriin ang pangunahing wika ng Pilipinas na sinasalita ng kalahating milyong Pilipino.

•Tukuyin at ayusin mula s anasabing mga wika ang mga sumusunod:

•salitang magkatulad ang tunog at kahulugan

•salitang magkatulad ng mga tunog, magkaiba ng kahulugan

•salitang magkalapit ng tunog ngunit magkaiba o magkatulad ng kahulugan

•Magsagawa ng komparatibong pagsusuri ng mga panlaping Pilipino (unlapi, gitlapi, hulapi)


12 Dahil inilabas ang proklamasyon sa ika-41 anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal, bumigkas si Pang.
Quezon ng talumpati sa radio na nagbibigay pugay sa ating bayani at nagpaliwanag sa inilabas na
kautusan.

13 Inihayag din niya na bilang pinakamataas na pinuno ng bansa, ilang ulit na siya nakadama na
malaking kahihiyan dahil kapag nagpupunta siya sa mga lalawigang hindi Tagalog ang unang wika,
kinakailangan pa niya ng tagasalin.

14 KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BILANG 134


•Pinamagatang “Proclaiming the National Language of the Philippines Based on the Tagalog Language”

•Nilagdaan ito ng dating Pangulong Manuel quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937.

•Saka lamang ito naging epektibo noong ika-30 ng Disyembre 1939

•(exp) ayon sa kautusan, Tagalog ang wikang pinakamalapit na nakatutugon sa kahilingan ng Batas
Komonwelt 184. Nagkabisa lamang ang batas na nagdeklara sa Tagalog bilang batayan ng pambansang
wika, dalawang taon makaraan itong maipatupad.

15 IKA-19 NG HUNYO 1940


•Iniatas ang pagsisimula ng pagtuturo ng wikang Pambansa sa lahat ng paaralang publiko at pribado sa
bansa

•Inatasan dina ng kalihim ng Pagtuturong Publiko na maghanda ng mga alituntuning magsasakatuparan


ng batas.

15 •Lalo pang sumigla at tumaas ang panitikan sapagkat Wikang pambansa ang ginamit na midyum sa
pagsulat, dumami rin ang mga manunulat sa panahon ng komonwelt.

•Dahil sa pagkakaroon ng kalayaan ng mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt, naging inspirasyon sa


kanila ang pagsulat ng mga akdang mananatili o tatatak sa isipan ng mga mambabasa kaya naman bukod
sa aral na mapupulot sa akda, ginawa rin nila nila itong mas masining gamit ang mga kaugnay na wika
tulad ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag at kayarian ng pang-uri.

16Ilan sa mga kilalang manunulat noong panahon ng Komonwelt ay sina:


 Lope K. Santos

 Jose Corazon de Jesus

 Amado Hernandez

 Julian Cruz Balmaceda

 Florentino Collantes
17 Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña naman ang ikalawang
pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang huling naging pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang
Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.

You might also like