You are on page 1of 27

“Sa loob ng mahabang panahon sa

pananakop ng Espanya”

• Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang


wikang panturo .
Nang sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas
• Sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng
mga mananakop sa kautusan at proklamasyon,
Ingles at Espanyol.
Marso 4, 1899
• Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa
wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang
panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong
Schurman.Marami ring Pilipino ang nakinabang
sa programang iskolarsip na ipinadala sa Amerika
at umuwing taglay ang kaalaman sa wikang Ingles.
1935

• “halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga


batas ay nasa wikang Ingles.” (Boras-Vega 2010)

• Ngunit nagsimula pa lamang ng pakikibaka


para sa kalayaan, ginamit na ng mga
Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal
na kasulatan.
“Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-
na-Bato noong 1896-97”

• Itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.


Sa Konstitusyon ng Malolos
(Enero 21, 1899)
• Itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol
bilang opisyal na wika.
Marso 24, 1934

• Ipinagtibay ni Pangulong Franklin D.


Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas
Tydings-McDuffie

• Na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan


ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-
iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Pebrero 8, 1935

• Pinagtibay ng Pambansang
Asemblea ang Konstitusyon ng
Pilipinas na naritipika ng
sambayanan noong Mayo 14, 1935.
Ang probisyong pangwika ay nasa Seksyon
3, Artikulo XIII
• Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang pagkalahatang pambansangwika na
batay sa mga umiiral na katutubong
wika.Hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na
gagamiting wikang opisyal.
Wenceslao Q. Vinzons
• Ang nanguna sa paggawa ng
resolusyon tungkol sa wikang
pambansa
• Kinakatawan mula sa Camarines
Norte.
Ayon sa orihinal na resolusyon
• “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
sang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral
na katutubong wika.”
Style Committee
• Ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng
Konstitusyon.

• Binago ng nasabing Komite ang resolusyon at


naging probisyon ito sa Seksyon 3, Artikulo IX ng
Konstitusyon ng 1935.
Sa paglulunsad ng Komonwelt
• Isa sa mga unang isinagawa ng
Administrasyon noon ng ay pangulo ng
bansa na si Manuel L. Quezon ang
pagpapatupad ng probisyon ukol sa
pambansang wika.
Manuel L. Quezon

• Nanawagan ang Pangulo sa Pambansang


Asemblea na magtatag ng isang ahensiya
na magsasagawa ng mga pag-aaral sa
paglinang ng wikang pambansa.
Bilang tugon sa nasabing panawagan
• Pinagpatibay ng Pambansang Asemblea ang Batas
Komonwelt Blg. 184Nobyembre 13, 1936

• Na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP na


naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP, at
ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino o KWF)
Ang naging tungkulin ng Surian
• Ay gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa
isang wikang umiiral sa bansa.
Enero 12, 1937
• Hinirang ni Pangulong Quezon ang mga sumusunod
na Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa:

Pangulo: Jaime C. de Veyra

Kagawad: Santiago A.Fonacier (Ilocano)

Kagawad: Filemon Sotto (Cebuano)

Kagawad: Casimiro Perfecto (Bicolano)


Nobyembre 7, 1937
• Pagkaraan ng halos sampung buwan
inilabas ng Surian ang resolusyon na
Tagalog nag gawing batayan ng
pambansang wika.

• Ipinahayag ng Surian na ang wikang


Tagalog anghalos tumugon sa
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg.
184.
Ang desisyon ng lupon ay
• Nakasalig sa pamantayan o batayan na kanilang nabuo.
Kabilang sa mga pamantayang iyon ay
• Sinasalita ng nakararaming Pilipino
• Wikang ginagamit sa sentro ng kalakalan, edukasyon at
sibilisasyon
• Wikang ginagamit sa higit na nakararaming aklat na
nasulat Sa pagpili ng wika, kinonsidera nila ang sumusunod
na mga walong (8) pangunahing wika ng bansa : Tagalog,
Ilokano, Cebuano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Pangasinense, at
Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal
• Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng
Pambansang Wika ng Pilipinas.Nagkaroon ito ng bisa
pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at
maipalimbag ang gramatika at diksyunaryo ng Wikang
Pambansa sa pagitan ng 1938-1940.
• Hindi matanggap ng mga di-Talaga na hindi bahagi ng
wikang pambansa ang kanilang wika at kawalang-
kasiyahan ang mga diTagalog sa pangunguna at
pagdodomina ng iisang wika, ang Tagalog
Noong 1959,
Inilabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
na nagtatakdang “ kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.”
Ang paggamit ng PILIPINO ay isang hakbang tungo sa pag-
alis ng rehiyonalismo at nagbubunga ng pagsasabansa ng
dating panrehiyon o diyalekto.
Ito ay naging wikang interehiyonal at mabisang midyum na
nag-uugnay sa mga pulo ay at iba’ ibang pangkat linggwistiko
sa Pilipinas.
Hindi pa rin matanggap ng ibang sektor ang Pilipino bilang
wikang pambansa.
• Nagkaroon ng digmaang pangwika.
• Naghari sa damdamin ng mga diTagalog ang
rehiyonalismo.
• Nakadarama sila ng damdaming kakulangan, na
sila’y konokolonya o napasailalim ng mga Tagalog.
• Para sa kanila, ang katawagang Pilipino ay
pagbabagong-bihis lamang ng wikang
Tagalog.Naging isang magandang oportunidad para
sa mga opositor ng wikang Pilipino ang ginawang
pagpapawalambisa sa 1935 Konstitusyon sa
panahon ng batas militar.
Sa ginanap na 1971 Kombensyong
Konstitusyunal,bilang tugon sa nangyayaring dig-
maang pangwika na nagaganap sa panahong iyon,
binuo ang isang sabkomite – Komite sa Wikang Pam-
bansa na siyang namahala tungkol sa isyu sa Wikang
Pambansa at nagsagawa ng mga rekomendasyon sa
palisi na susundin.Inirekomenda ng Komite na alisin
ang Pilipino at palitan ng isang bagong
“komon na wikang pambansang tatawaging FILIPINO
batay sa mga katutubong wika sa bansa at maging
ang asimilasyon ng mga salita mula sa mga dayuhang
wika” (Tupaz 1973 sa Llamzon, 1977).
Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3
Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at formal na
pagpapatibay ng isang panlahat na wikang
pambansa na kikilalaning Filipino.
Oktubre 12, 1986,
• Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika, gaya ng isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas (Artikulo XIV, Seksyon 6):“Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabangin at
pagyamanin pa batay sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika.
• Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa mga maaaring
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo ng sistemang pang-edukasyon.”
Marso 12, 1987
• sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22
s. 1987. Sinasabing gagamitin ang
Filipino sa pagtukoy sa Wikang
Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ng
pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987
na nagsasaad na ang pambansang wika
ay Filipino.
Saligang-Batas ng 1987
• Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino.
• Samantalang nililinang, ito’y dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa
iba pang mga wika.

You might also like