You are on page 1of 13

KASAYSAYAN NG

WIKANG PILIPINO
Pangulong Manuel L. Quezon

• Nadama ang hirap ng mga Pilipinong hindi marunong sa Ingles o


Kastila sa pakikipagtalastasan
• Namulat sa pangangailangan ng mga Pilipino sa isang wikang
pambansa
• Sinuportahan ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa kung
saan iminungkahi nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez. Sofronio
Calderon, Jose N. Sevilla at iba pa ang wikang Tagalog upang
maging wikang pambansa at wikang opisyal ng Pilipinas.
Artikulo Blg. XIV, Seksiyon 3 ng Saligang
Batas ng 1935
“ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang
pambansa na ibabatay sa mga umiiral na katutubong
wika sa kapuluan. Hangga’t ang batas ay hindi
nagtatakda ng iba, ang mga wikang Ingles at Kastila ay
mananatiling mga wikang opisyal.”
Nobyembre 13,1936

• Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag


sa tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa na
binigyan ng kapangyarihang gumawa ng pag-aaral sa
lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan.
• Sa ngayon, ang tanggapan ay kilala na sa tawag na
Komisyon Sa Wikang Pilipino.
Kauna-unahang bumuo sa pamunuan ng
Komisyon sa Wikang Pambansa
• Jaime C. de Veyra (Bisayang Samar) Tagapangulo
• Cecilio Lopez (Tagalog) Kalihim at Punong Tagapagpaganap
• Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad
• Felimon Sotto (Bisayang Cebu) Kagawad
• Felix S. Salas (Bisayang Hiligaynon) Kagawad
• Casimiro F. Perfecto (Bikolano) Kagawad
• Hadji Butu (Muslim) Kagawad
Kraytirya sa pagpili ng Wikang
Pambansa
• Ginagamit ng nakararaming Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang
sentro ng Kalakalan.
• Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Pilipino.
• Wikang may pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at
madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino.

Wikang Tagalog ang nakatugon sa kraytiryang ito.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

• Lumabas noong Disyembre 30, 1937 na nagsasabing


Tagalog ang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ito ay nagkabisa matapos ang dalawang taon---
Disyembre 30,1939.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

• Pinalabas noong Abril 1, 1940 na nag-utos ng


pagpapalimbag ng Diksiyonaryong Tagalog-Ingles at
ng Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga
paaralan sa buong kapuluan.
Jorge Bocobo
• Kalihim ng Pagtuturong Pambayan
• Nagpalabas ng isang Kautusang Pangkagawaran na nagpasimula ng
pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado
noong Hunyo 19, 1940.
• Unang itinuro ito sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon ng mataas na
paaralan at sa mga nasa ikalawang taom ng Paaralang Normal bilang
pagtugon sa Sirkular Blg. 26, s. 1940 na nilagdaan ng Direktor ng
Edukasyon, Celedonio Salvador.
Memorandum Pangkagawaran Blg. 85, s.
1990
• Marso 21, 1990
• Pambansang Seminar sa Napapanahong Pagdulog sa
Pagtuturo ng Wikang Filipino at Panitikang Filipino –
Kalihim Isidro D. Cariño.
Memorandum Pangkagawaran Blg. 115, s.
1991
• Hulyo 5, 1991
• Seminar-Workshop sa Pagsasaling Wika sa
Pagpapaunlad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal –
Kalihim Isidro D. Cariño.
Resolusyon Blg. 3 – 92

• Disyembre 9, 1992
• Naitalagang Sentro ng Pagsasaling Wika ang Komisyon
sa Wikang Filipino, Alinsunod sa Batas Republika Blg.
7104 – Nilagdaan ng Punong Komisyoner Ponciano
B.P. Pineda at mga kasama.
Resolusyon Blg. 1 – 93
• Enero 6, 1993
• Na Nagpapahayag ng Pagtangkilik at Pagpapasigla ng Proseso
ng Pagpapaunlad at Pagpapayaman pa ng Filipino na
Itinatadhana ng Seksyon 2 B.R. Blg. 7104 Kaugnay ng
isinasaad ng Seksyon 6, Artikulo XIV Konstitusyon. Nilagdaan
ng Punong Komisyoner Ponciano B.P. Pineda at mga kasama.

You might also like