You are on page 1of 28

Ang Wikang

Pambansa
Inihanda ni:
Marites S. Alejandro
• Ang Pilipinas ay isang kapuluang
binubuo ng iba’t ibang pangkat ng
mga Pilipino.

• 150 na diyalekto ang umiiral sa


ating bansa.

• Kinakailangan na magkaroon ng
wika na siyang magbubuklod sa
atin bilang mamamayan ng
bansang Pilipinas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

1934
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

 Naging isang paksang mainitang pinagtalunan,


pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong
Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang
pambansa.
 Sumasang-ayon- isa sa mga umiiral na wika sa
bansa
 Sumasalungat- naniniwalang higit na
makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging
mahusay sa wikang Ingles.
• Iminungkahi ng grupong nagmamalasakit sa
sariling wika na pinangunahan ni Lope K.
Santos na ang wikang pambansa ay dapat
ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas.
• Sinang-ayunan naman ito ni Manuel L. Quezon
na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt
ng Pilipinas.
1935
• Ang pagsang-ayon ni Pangulong
Quezon ay nagbigay-daan sa
probisyong pangwika na nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas 1935:

‘‘Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang


tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hangga’t
hindi itinatakda ng batas, ang wikang
Ingles at Kastila ang siyang mananatiling
opisyal na wika’’.
• Norberto Romualdez ng Leyte
- Nagsulat ng isang batas ‘‘Batas
Komonwelt Blg.184’’ na bubuo ng
Surian ng Wikang Pambansa.
Tungkulin nitong mag-aral ng mga
diyalekto sa pangkalahatan para sa
layuning magpaunlad at magpatibay
ng isang pambansang wikang batay
sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa
balangkas, mekanismo, at panitikan
na tinatanggap at sinasalita ng
nakararaming Pilipino.
• Batay sa pag-aaral na isinagawa ng
Surian, napili nila ang Tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa dahil
ang naturang wika ay tumugma sa
mga pamantayang kanilang binuo
tulad ng sumusunod:
‘‘ang wikang pipiliin ay dapat…
 wika ng sentro ng pamahalaan;
 wika ng sentro ng edukasyon;
 wika ng sentro ng kalakalan;
 wika ng pinakamarami at pinakadakilang
nasusulat na panitikan.’’
1937
• Disyembre 30,1937
– iprinoklama ni Pangulong Manuel
L. Quezon ang wikang Tagalog
upang maging batayan ng Wikang
Pambasa base sa rekomendasyon
ng Surian sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang kautusang ito
pagkaraan ng dalawang taon.
1940
• Dalawang taon matapos
mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang
pambansa na batay sa Tagalog sa
mga paaralang pampubliko at
pribado.
1946
• Nang ipagkaloob ng mg
Amerikano ang ating kalayaan, sa
Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 ay
ipinahayag ding ang mga wikang
opisyal sa bansa ay Tagalog at
Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt
Blg. 570.
1959
• Agosto 13, 1959
- pinalitan ang tawag sa
pinagbatayan ng wikang
pambansa. Mula Tagalog ito ay
naging Pilipino sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
na ipinalabas ni Jose E. Romero,
ang Kalihim ng Edukasyon noon.
• Sa panahong ito ay higit na
binigyang halaga at
lumaganap ang paggamit ng
wikang Pilipino. Ito ang wikang
ginamit sa mga tanggapan,
gusali, at mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng
pasaporte, atbp.
• gayundin sa iba’t ibang antas
ng paaralan at sa mass media
tulad ng radyo, telebisyon,
diyaryo, magasin, at komiks.
Sa kabila nito ay marami pa rin
ang sumasalungat sa
pagkakapili sa Tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa.
1972
• Muling nagkaroon ng
mainitang pagtatalo sa
Kumbensiyong Konstitusyunal
noong 1972 kaugnay sa
usaping pangwika. Sa huli, ito
ang naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng
1973, Artikulo XV, Seksiyon 3,
Blg.2
• ‘‘Ang Batasang Pambansa ay
dapat magsagawa ng mga
hakbang na magpapaunlad at
pormal na magpapatibay sa
isang panlahat na wikang
pambansang kikilalaning
Filipino’’.
• Dito unang nagamit ang
salitang Filipino bilang bagong
katawagan sa wikang
pambansa ng Pilipinas.
Gayunpaman ay hindi
naisagawa ng Batasang
Pambansa ang pormal na
pagpapatibay tulad ng
itinadhana ng Saligang Batas.
1987
• Sa Saligang Batas ng 1987 ay
pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyunal na binuo ni
dating Pangulong Cory Aquino
ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksiyon 6 ang probisyong
tungkol sa wika na:
• ‘‘Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika’’.
Gawain
Panuto: Bumuo ng timetable ng
mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan na nagbigay-daan sa
pagpapatibay sa Filipino bilang
wikang pambansa.
Gawing gabay ang mga petsang nakalahad sa
mga kahon. Ang una ay pinunan na para sa inyo.
Nagkaroon ng
kumbensiyong
konstitusyonal kung
saan mainitang
tinalakay at
pinagtalunan ang
pagpili ng wikang
pagbabatayan ng
wikang pambansa
1934 1937 1959 1987

1935 1946 1972

You might also like