Nilalaman ng Talakay: Ang Wikang Filipino noong: 1935 1937 1940-1946 1959 1973 1987 2003 2009 2013 1934 Dahil nga sa paghihiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral ditto, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa KUMBENSYONG KONTITUSYONAL ang pagpili ng wikang ito. Ang totoo, naging mahigpit ang debate hinggil sa wikang pambansa. Nagkaisa ang mga delegado na dapat itong wikang katutubo ngunit sinalungat ng mga delegadong mula sa mga rehiyon ang dagliang paghirang sa Tagalog. 1935 Sa botohan, natálo ang mga maka-Tagalog kayâ ang pangwakas na tadhanang pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng 1935 Konstitusyon alinsunod sa kompromisong panukala ni Delegado Wenceslao Vinzons at ang pagsusog naman ni Pangulong Quezon ay: Sa botohan, natálo ang mga maka-Tagalog kayâ ang pangwakas na tadhanang pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng 1935 Konstitusyon alinsunod sa kompromisong panukala ni Delegado Wenceslao Vinzons at ang pagsusog naman ni Pangulong Quezon ay:
“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon
ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.” Nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa kung kaya, nagkaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte ang BATAS KOMONWELT Blg. 184 – nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Batay sa pag-aaral na isinagawa ng SWP , napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumutugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng: “ang wikang pipiliin ay dapat… Wika ng sentro ng pamahalaan Wika ng sentro ng edukasyon Wika ng sentro ng kalakalan Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan 1937 Noong Disyembre 30, 1937 ai iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa batay sa rekomendasyon at pag-aaral nang mabuti ng kalupunan sa mga wikang katutubo bago nagpasiya, at ito ang isinaad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ni Pangulong Quezon sa pagsasabing: Whereas, in the light of these studies the members of the Institute have come to the conclusion that among the Philippine languages, the Tagalog is the one that most nearly fulfills the requirements of Commonwealth Act No. 184. Ang proklamasyon ay pagpapatibay lámang noon pa sa mga katangian ng Tagalog bílang potensiyal na wika ng komunikasyon at edukasyon ng Filipinas at nakahihigit kaysa ibang mga wikang katutubo.
Matapos mapagtibay ito ay nagsimulang ituro
ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1940-1946 Noong 7 Hunyo 1940, sa bisà ng Batas Komonwelt Blg. 570 ay ipinahayag na wikang opisyal ang Wikang Pambansa mulang 4 Hulyo 1946. Iniatas din ng naturang batas na ihanda ang lahat ng teksbuk sa Wikang Pambansa na gagamitin sa pagtuturo sa lahat ng paaralan at sa pagpapalaganap nitó sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Education at may pagpapatibay ng Institute of National Language. Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalò na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. 1959 Ang Pilipino ay pangalang itinawag sa nabuong wikang pambansa sa bisà ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7 ni Kalihim Jose E. Romero noong 13 Agosto 1959.
Ipinalabas ang atas, kaugnay ng pagdiriwang sa nalalapit noong Linggo ng Wika at
upang maitanim ang kabuluhan ng isang nagkakaisang midyum ng komunikasyon. Sa ikalawang talata ng atas ni J.E. Romero, idiniin pa na “in order to impress upon the National Language the indelible character of our nationhood, the term PILIPINO shall heneceforth be used in referring to that language.” Bago lumabas ang atas, ang wikang pambansa ay karaniwang tawaging Tagalog o Wikang Pambansa. Ang atas, sa gayon, ay isang paraan ng pagbibinyag sa Wikang Pambansa at upang maihiwalay ito sa tatak na Tagalog.
Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa
pagkakapili ng tagalog. 1972-1973 Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, seksyon 3, blg. 2: “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kilalaning Filipino”. Dito unang binanggit ang Filipino bilang wikang pambansa subalit hindi naisagawa ng BP ang pormal na pagpapatibay nito. 1987 Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggalit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Batay naman sa Artikulo XIV seksyon 7
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.” Batay naman sa Artikulo XIV seksyon 8
“Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.”
Batay naman sa Artikulo XIV seksyon 9
“Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. “ Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 serye 1988. Ito ay nag-aatas na “ lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensya”. 1991 Tinupad ng Kongreso ang itinadhana sa Seksiyon 9 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7104 na pinagtibay noong 14 Agosto 1991 at lumilikha sa Commission on the Filipino Language (isinaling Komisyon sa Wikang Filipino). Pumalit ang KWF sa Linangan ng mga Wika ng Pilipinas at binigyan ng mabibigat na tungkulin upang maisakatuparan ang mithiing pangwika sa 1987 Konstitusyon. 2013 Nitóng 5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang Kalupunan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bílang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa. 1.Selfie 2.Endo( End of Contract). 3.Filipinas 4.Bossing 5.CCTV(Closed Circuit Television 6.Hashtag 7.Imba(Imbalance) 8.Kalakal 9.PDAF(Priority Development Assistance Fund 10.Peg 11.Riding in Tandem 12.Storm surge 13.Whistle Blower 1.Fotobam 2.Bully 3.Foundling 4.Hugot 5.Lumad 6.Milenyal 7.Meme 8.Netizen 9.Tukod 10. Viral MARAMING SALAMAT PO.