Professional Documents
Culture Documents
ANO’T INIETSA-PWERA
I. Layunin
A. Makilala ang 171 etno-lingwistikong wika ng mga grupong nanuna nang
manirahan sa bansang ngayon ay tinatawag na Pilipinas.
B. Hindi dapat Tagalog ang dapat maging Pambansang Wika dahil sa mga
batayang kadalisayan ng pagiging makabansa.
C. Bukod sa napagkasunduang Pambansang Wika ay dapat ding linangin,
palaganapin at panatilihin ang iba pang mga wika sa Pilipinas.
II. Ang May-Akda
Ruel Molino Aguila, PhD
Born: September 27, 1953
Age: 67
-Carlos Palanca Hall of Fame awardee -Essayist
-University of the Philippines teacher -A scriptwriter for TV film and radio
-An artist -fictionist
-A playwright -translator
-Poet
Maikling panayam sa may akda:
“Isang pagtingin ko sa wika yan... para mailagay sa konteksto ang pagbubuo ng
Pambansang Wika... na, hindi lang Tagalog ang wika sa Pilipinas, kundi marami... ang
ang maraming ito ay dapat igalang... at... syempre, may contest nga kasi ang KWF.”
A.
Ang wika ang pagkakakilanlan ng isang tao sapagkat dito sumasalamin ang
kultura ng bawat isa. Kinakailangan habang bata pa lamang ay mimumulat na sa
wikang kinagisnan, ito’y kayaman ng isang Pilipino na kailanman ay hindi mapapaltan
ng kahit sino man. Ngunit kung tayo ay namulat sa maraming wika, tila ito’y malaking
hamon sa atin lalong lalo na kung wala tayong sariling wika.
Marami ang hindi magkakaunawaan kung patuloy ang paglaganap ng iba’t ibang
wika sa iisang bansa . Kaya naman nararapat na magkaroon ng kasunduan sa pagitan
ng mga lider ng bawat lugar at mga tagapamahala ng batas sapagkat kung paiiralin
lamang ang kautusan galing sa itaas tila hindi mapapakinggan ang hinaing ng ibang
Pilino na nais makilala ang kanilang sariling wika. Mahirap magkaroon ng panibagong
wika kung ang nakasanayan ay ang kinagisnang wika sapagkat panibagong aral na
naman ang kanilang isasagawa upang magkaroon ng kaalaman dito.
Gayunpaman, nararapat na magkaroon ng wikang pambansa kahit na ang bawat
lugar ay may kanya-kanyang pinagmamalaking wika. Itong akda na ito ay tila
napakatagal ng suliranin sapagkat sa kasalukuyan panahon ang ating bansa ay may
sariling wika na. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino ayon sa 1987
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas . Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
B.
Sa pagdating ng mga mananakop sa bansang Pilipinas ay pagdating din ng
panibagong patakaran. Ang Pilipinas ay naging isang anak na sunod-sunuran sa
kanyang inang Espanya sapagkat kung anong ipagawa ay nararapat sundin ng mga
Pilipino. Naging alipin ang Pilino kung kaya’t madaling nasakop ng Espanya ang bansa.
Maraming itinuro ang Espanya na hanggang ngayon ay dala-dala ng mga Pilipino,
kagaya ng mga salita, pagdiriwang at kasuotan.
Ang opisyal na wika ng Pilipinas ay banyagang wika ayon sa akdang inilahad
sapagkat sa kapangyarihan mayroon sila hindi makalaban ang mga Pilipino sa kanilang
sariling wika. Ngunit mayroon pa rin naman mga kilalang tao na tinangkilik ang sariling
wika. Samakatuwid, hindi pa rin iisang wika ang ginagamit ng mga Pilipino. Ang mga
nararapat isakatuparan sa isyu ng paggamit ng wika ay naarapat nakaayon sa lugar na
iyong kinagisnan sapagkat pinapayagan na ang mga nabuhay na wika na ipagpatuloy
na gamitin upang gawing pagkakakilanlan nila.
Pagkakaroon ng pagkakaunawaan ang nais ng bansang Pilipinas kung kaya’t
nagkaroon ng pambansang wika na hanggang ngayon ay tila pinagyayaman ng mga
Pilipino sa pamagigitan ng pagtangkilik dito. Kung mangyari muli ang pananakop, ang
nararapat gawin ng Pilipino ay magkaisa at ipaglaban ang wikang pambansa.
C.
Pahalagahan kung ano ang nabuhay sa atin, kung mayroon ang bansang
Pilipinas na 171 wika ito’y gawing kayamanan na iniingatan. Maaari sa pagkakaaroon
ng maraming wika ay magkaroon din ng negatibong epekto sapagkat hindi
magkakaunawaan ang mga Pilipino kung mayroon iba’t ibang wika. Ngunit hindi
hadlang ang maraming wika bagkus gumawa tayo ng isang wikang tatangkilikin ng
lahat ng Pilino sa pamamaraan walang tinatapakan na ibang wika, ito ay ang
pambansang wika na nararapat alam ng mga Pilipino kahit na mayroon silang sariling
wika. Hindi kinakailangan ang isantabi ang halaga ng ibang wika sapagkat bago pa man
nagkaroon ng kasunduan buhay na ang wika at sumususo na ito sa kanyang inang
wika. Pagbibigay respeto at halaga ang kailangan ng wikang nabuhay sa ating bansa.
Kahit na mayroonn tayong kanya-kanyang wika ay kinakailangan na magkaroon pa rin
isang wikang pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.
d) Lipunan/komunidad
Ang bawat aral na natutunan sa paaralan ay nararapat
isakatuparan sa lipunan sapagkat dito makikita kung mayroon nga bang
natutunan ang isang bata. Ang lipunan ay isang lugar na humuhubog sa
mga bata o mag-aaral sapagkat ang pagkatuto ng bata ay hindi lamang
nagmumula sa sa paaralan kundi sa lipunan din. Sa pamamagitan ng
pakikipaginteraksyon ng mga bata ay nagkakaroon din paggamit sa
proseso ng pag-iisip kagaya na lamang na sa kung paano sila tutugan sa
katanungan ng kanilang kausap.
e) Bansa
Ipagmalaki ang wikang mayroon sa atin bansa, huwag natin
pairalin ang pagtangkilik sa ibang banyagang wika sapagkat ito lamang
ang magdadala sa atin upang kalimutan din ang ating pagkato bilang
isang Pilipino. Ipaglaban natin ang ating pagkakakilanlan lalong lalo na sa
mag samahan nais tanggalin ang wikang atin. Ipakita natin ng harap
harap sa ating kapwa kung gaano kahalaga ang mayroon sariling wikang
minamahal at iniingatan.