You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 6 IKAANIM NA LINGGO


Kwarter 2

AKO AT ANG BAYANIHAN SA PANAHON NG PANDEMYA

Balikan Natin

Sagutin mo ang pagsasanay sa ibaba tungkol sa nakalipas na aralin.


Bilugan ang pang-uring ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang kayarian
nito kung payak, maylapi, inuulit at tambalan.
Kayarian

1. Sariwa ang mga prutas sa probinsya. ______________________

2. Anak-pawis sila ngunit marangal naman. ______________________

3. Tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong. ______________________

4. Malawak ang kanyang pananaw sa buhay. ______________________

5. Buo ang loob nila sa pagtulong sa kapwa. ______________________

Unawain Natin
“Bayanihan sa Gitna ng Pandemya”

Sa kabila ng kinakaharap na problema ng bansa dahil sa CoronaVirus Disease 2019,


lumalabas pa rin ang mga magagandang katangian ng mga Pilipino katulad ng pagtutulungan o
ang madalas tawagin nilang Bayanihan.

Ito ang pinakita ng grupong KOBIDolls20 na binuo nina Ruel Visca, Ramon Caigi at ng kanyang
mga kaibigan mula sa Santa Maria, Romblon.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, nag-ambag-ambag sila upang mapaayos ang sira-sirang
bahay ni Lola Minerva Borgonia, residente ng Barangay Concepcion Sur sa nabanggit na bayan.

Kuwento ni Ruel, nakita nila ang sitwasyon ni Lola Minerva nang sila ay mamahagi ng mga
foodpacks sa mga senior citizen sa kanilang barangay. Nakahiga ito sa kanyang masikip na
'papag' sa loob ng bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at mga plastik.

Mahina na si Lola at minsan na lang nakapaglalakad dahil sa nararamdaman sa kanyang binti at


umaasa na lang sa kanyang mga kapatid na nagdadala sa kanya ng pagkain at nag-iigib ng tubig
para sa kanyang munting tahanan.

"Dahil sa sitwasyon ni Lola Minerva, naisip ko po na mag-ipon ng pera para mapagawa namin ang
bahay niya. Naging positibo naman ang tugon ng mga tao at nakaipon kami ng halos P20,000.00
na ipinambili namin ng mga gamit katulad ng plywood, kahoy, yero, at pintura," kuwento ni Ruel.

1
Kasabay ng Araw ng mga Manggagawa, pormal nang ibinigay ng KOBIDolls20 ang simple ngunit
magandang bahay ni Lola Minerva.
"Hindi talaga namin inaasahan ang lahat sir, pero 'yun nga po naging maganda po ang resulta ng
ginawa po namin," kuwento pa ni Ruel.

Masaya namang tinanggap ni Lola Minerva ang bago niyang bahay, gayun din ang dagdag grocery
at gamit na binili ng grupo nina Ruel katulad ng vitamins, electric fan, at iba pa.

"Salamat po talaga sa mga tumulong sa akin, mahimbing na ang tulog ko at halos tanghali na
akong nagigising dahil hindi ko na problema ang bahay, lalo na ngayong nagsisimula nang umulan.
Hindi ko na kailangan magkumot ng plastik at mamroblema sa tumutulo kong bubong," pahayag
ni Lola Minerva.

Maliban sa bagong bahay at bagong mga gamit, libre na ring papatingnan sa ospital ang kalagayan
ni Lola matapos may sumagot sa kanyang gastusin.

Paalala ni Ruel sa mga katulad niya na gusto pang tumulong sa iba, "ang pagiging bukas palad
natin sa mga mahihirap at nangangailangan ay halos pagbibigay na rin natin ng isang milyong
pagkakataon sa kanila na mabago ang kanilang buhay. Ang bawat magandang kuwento na ating
nasasaksihan sa mundo ay bunga ng mga desisyon natin na magmahal, kumalinga at tumulong
sa iba."

Ilapat Natin

Alamin natin kung naunawaan mo ang kuwento.


Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.
1. Sino ang mga tauhan sa maikling kuwento?

___________________________________________________________________

2. Paano mo ilalarawan si Ruel Visca?

____________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan sila nakatulong? Sino ang kanilang tinulungan?

____________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ruel, maiisip mo rin bang tumulong sa kabila nang
mga nangyayari sa kasalukuyan? Bakit?

____________________________________________________________________

5. Anong mensahe/aral ang nais ipahatid ng kuwento?

____________________________________________________________________

2
Suriin Natin

Mga Pokus ng Pandiwa

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng


pangungusap. Naipakikita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Ang pandiwa ay may iba’t ibang pokus ayon sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa sa posisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap.

1. Tagaganap o Aktor – ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa
ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaaad sa paksa. Sumasagot sa
tanong na “sino?”
Kalimitang ginagamitan ng mga unlaping MAG, NAG, MA, NA, UM at gitlaping UM.
Halimbawa:
a. Nagmakaawa ang pulubi sa mga tao.
b. Ang pulubi ay nabigyan ng gantimpla.

Layon o Gol – ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o
ang binibigayang-diin sa pangungusap. Sumasagot sa tanong na “ano?”
Kalimitang ang pandiwa ay kinapapalooban ng mga panlaping IN, I, AN, NA.
Haimbawa:
a. Binuhat ng pulubi ang sakong may lamang ginto.
b. Ang gantimpalang ginto ay ibinigay ng hari sa pulubi.

2. Ganapan o Lokatibo – ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay
ang lugar o ganapan ng kilos. Sumasagot sa tanong na “saan?”
Kalimitang ginagamit ang panlaping (pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an,
mapag-/-an, pinag-/-an, in/an) sa salitang ugat ng pandiwa.
Haimbawa:
a. Pinagpalimusan ng mga pulubi ang munting lansangan.
b. Pinagtaniman niya ng gulay ang bukid.

3. Tagatanggap o Benepektib – ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na


nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na
“para kanino?”
Ang mga panlaping (i-, -in, ipang-, ipag-) ang kalimitang ginagamit.
Halimbawa:
a. Ipinagpasalamat ng mga tao ang kanilang kaligtasan.
b. Ibinili ni Mang Karding ng gamot ang asawa.

4. Gamit o Instrumental – ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na ginagamit


upang maisagawa ang kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
Sumasagot sa tanong na sa pamamagitan ng ano?”
Halimbawa:
a. Ipinamigay ng pamahalaan ang ayuda.
b. Pinagbuti ang ekonomiya ng kasalukuyang pangulo.

3
5. Sanhi o Kusatib – ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung ang paksa ay
nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Sumasagot sa tanong na “bakit?”
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (i-, ika-, ikina-)
Halimbawa:
a. Ikinalungkot ng marami ang pagkakaroon ng pandemya.
b. Ikinatuwa ng mga tao ang pagkakatuklas sa bakuna

6. Direksyunal – pinatutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos.


Sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”
Halimbawa:
Pinuntahan ng misyonero ang isang tribo sa bansang Africa.

PAGSASANAY 1 Pagtukoy sa Pokus ng Pandiwa

A. Panuto: Isulat ang nawawalang pandiwa sa patlang sa pamamagitan ng wastong


pagbabaybay. Sundin ang hinihinging pokus ng pandiwa.

(Benepektib) 1. Si Janice ay (bili)__________ko ng bagong uniporme at sapatos.


(Lokatibo) 2. Ang malaking palanggana ay (hugas)__________niya ng maruruming
basahan.
(Aktor ) 3. Taos-pusong (hingi)__________ng paumanhin sa iyo si Roger.
(Kusatib) 4. Ang pangingibang bansa ng kanyang tatay ay (lungkot)__________
ni Maria.
(Instrumental) 5. __________(gupit) ng barbero ang bagong gunting.

B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pokus
ng pandiwa ang salitang nakasalungguhit, isulat sa patlang ang titik TA kung Tagaganap
o Aktor, LG kung Layon o Gol, GL kung Ganapan o Lokatibo, TB kung Tagatanggap o
Benepektib, GI kung Gamit o Instrumento, SK kung Sanhi o Kusatib, at D kung Direksyunal.

_____ 1. Pinitas ni Nico ang mga pulang rosas sa hardin.


_____ 2. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
_____ 3. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
_____ 4. Ang itim na salamin ay ipinambabasa ni Lolo Pedring.
_____ 5. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng
mga krimeng nagaganap.
_____ 6. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Regina.
_____ 7. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya.
_____ 8. Si G. Celeste ang nagtatag ng organisasyong ito.
_____ 9. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling pabula.
_____ 10. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga braso.

4
Mga Uri ng Pang-abay

Ang pang-abay ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o


naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag
na adverb sa wikang Ingles.

1. Pang-abay na Panlunan - Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay


tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari. Sumasagot sa
tanong na “saan?”
Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.

2. Pang-abay na Pamaraan - Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung


paano isinagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot sa tanong na
“paano?”
Halimbawa: Mabilisang inabot ni Gilda ang baton

3. Pang-abay na pamanahon - Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing


sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin
ang kilos. Sumasagot sa tanong na “kalian?”
Halimbawa: Bukas darating si Vinna.

Pang-uri

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan


ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito
upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.
Mga halimbawa:
Seryoso ang pamahalaan sa pagharap sa pandemya.
Hindi maalis sa mga Pilipino ang pagiging mapagbigay kahit sa gitna ng
pandemya.

PAGSASANAY II Pagtukoy sa Uri ng Pang-abay


A. Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
1. Hindi na maaaring magtungo sa palengke kung walang face shield.
2. Sa barangay outpost nila ipinamahaagi ang mga libreng face mask.
3. Inilagay ko sa loob ng kabinet ang mga pagkaing de-lata.
4. Sa basketball court sila kumuha ng ayuda.
5. Mas ligtas ang batang nasa loob ng tahanan.

5
B. Panuto: Bilugan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

1. Mahinahong kinausap ni kapitan ang kanyang nasasakupan.


2. Cataingan, Masbate, niyanig ng malakas na lindol noong Agosto 19, 2020.
3. Sa kabila nang mga pangyayaring ito, nananatiling matatag ang mga Pilipino.
4. Puno pa rin nang pag-asa si Roy na makakasama niya ang kanyang pamilya.
5. Si Nestor ay pilit na gumagawa ng paraan upang makapagtrabaho kahit sa gitna ng
pandemya.

C. Panuto: Lagyan ng ekis ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap

1. Enero 30, 2020 ang unang kaso ng CoViD - 19 sa Pilipinas.


2. Ang aktibong kaso ng CoViD - 19 ay nakatala sa datos arw-araw.
3. Si Nene ay tanghali na nang makarating sa trabaho dahil walang masakyan.
4. Maaga pa lamang ay naglalakad na papuntang trabaho si Paeng.
5. Madaling araw pa lamang ay nakapila na ang mga umaasang mabigyan ng ayuda.

PAGSASANAY III Pagtukoy sa Pang-abay at Pang-uri


Panuto: Suriin ang salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang PU kung
pang-uri at PA kung pang-abay.

_____1. Matamlay na bumangon ang batang si Yssa


_____2. Tinanong ng nanay kung bakit siya matamlay.
_____3. Ang matiyagang frontliners ay kaagapay ng gobyerno sa krisis na kinakaharap
ng buong mundo.
_____4. Matiyagang gumagawa ng face masks ang ilang mga residente para
makatulong.
_____5. Masisipag magtrabaho ang ating mga fronliners.
_____6. Ang batang masipag ay nagboluntaryong tumulong sa panahon ng COVID-19.
_____7. Ang mahihirap na residente ng komunidad ay binigyan ng ayuda ng
pamahalaan.
_____8. Mahirap makabili ng pagkain ngayong may Enhanced Community Quarantine.
_____9. Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.
_____10. Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata.

6
Tayain Natin (Ebalwasyon)

Pagtataya I

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat sa sagutang papel.


Bilugan ang pandiwang ginamit sa pangungusap.
Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang binilugan.

________________ 1. Ipanungkit mo ang kawayan na nasa tabi mo.

________________ 2. Pagsaluhan ninyo ang pasalubong na pagkain.

________________ 3. Pinagtaniman ng palay ang dalisdis ng bundok.

________________ 4. Ikinatuwa ni Jess ang pagdating ni Grace.

________________ 5. Sumama si Camille sa kaniyang mga kapatid.

Pagtataya II

Panuto: Suriin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang
ang PR kung pamaraan, PN kung ito ay pamanahon, o PL kung ito ay panlunan

_____ 1. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jessica sa darating na Sabado.


_____ 2. Malugod na tinanggap nila ang imbitasyon ni Jessica.
_____ 3. Hinihintay sila ni Mang Rudy sa tabi ng van.
_____ 4. Masayang nakipaglaro ang dalawa sa ibang mga bisita.
_____ 5. Nakita nila na nakatayo sa labas ng pinto si Mang Rudy.

Pagtataya III

Panuto: Isulat sa patlang kung pang-abay o pang-uri ang salitang may salungguhit.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_______________1. Taimtim na nanalangin ang mga tao para sa kanilang kaligtasan


laban sa pandemya.
_______________ 2. Masayang tinanggap ng mga tao ang tulong na galing sa
pamahalaan.
_______________ 3. Si Joy ay isang maalagang nurse.
_______________ 4. Mahinahon ang pakikipag-usap ng lider sa kanyang nasasakupan.
_______________ 5. Talagang matatapang ang ating mga front-liners.

7
Likhain Natin

Panuto: Sumulat ng talata na may tema tungkol sa pagtutulungan at pagdadamayan sa gitna ng


pandemya. Sundin ang pamantayan sa pagbuo ng talata.

Pamantayan sa Pagsulat ng Talata

A. Kaugnayan sa paksa 2puntos


B. Organisasyon ng ideya 1 punto
C. Gamit ng Pokus ng Pandiwa 1 punto
D. Gamit ng Pang-abay 1 punto
Kabuoan 5 puntos

You might also like