You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 6 IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO


Kwarter 2

BAYANING PILIPINO: MELCHORA “TANDANG SORA” AQUINO

Balikan Natin

Paliwanag: Sa pagbabasa ay nakatatagpo tayo ng mga pahayag na ngpapahayag ng


dahilan ng pagkakaganap ng mga pangyayari. Ang mga ito ay tinatawag din nating sanhi.
Ang tawag naman natin sa mga pahayag na nagsasaad ng kinalabasan o resulta ng mga
naganap ay bunga.

Panuto: Piliin ang angkop na bunga para sa sanhi ng bawat pangyayari. Isulat sa
patlang ang letra ng iyong sagot.

Sanhi
__________ 1. Nabasa ng ulan ang sinisipong si Rodel.
_________ 2. Paunti- unting nag-iipon ng pera si Nancy.
__________ 3. Dalawang linggo nang napakatinding sikat ng araw.
__________ 4. Nawalan ng preno ang minamanehong jip ni Mang David.
__________ 5. Nagsanay na mabuti para sa paligsahan sa pag-awit si Danica.

Bunga

a. Nanalo siya ng unang gantimpala.


b. Bumangga siya sa isang poste ng ilaw.
c. Nilagnat siya nang mataas noong gabing iyon.
d. Nagsisimula nang malanta ang mga halaman.
e. Nakabili siya ng regalo sa kaarawan ng nanay niya.

Unawain Natin

Panuto: Basahin at unawain ang teksto

Matiwasay ang pamumuhay nina Tandang Sora at ng kanyang mga anak sa kanilang
apat na ektaryang lupain. Napapaligiran ito ng ibat ibang halaman at punong namumunga.
Marami din silang mga alagang hayop.
Noong sumiklab ang himagsikan laban sa mga kastila, nagpulong sina Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto at maraming mga katipunerong taga Tondo. Kailangan na nilang
humanap ng kanilang himpilan sa pagkakatuklas ng kanilang samahang Katipunan. Sa Pugad
Lawin nila natanaw ang mataas na lugar na kinaroroonan ni Tandang Sora.

Agad pumayag si Tandang Sora ng makiusap ang pamunuan ng Katipunan na gawing


himpilan ang kanyang bahay. Naghandog pa si Tandang Sora ng mga pagkain at mga
kagamitan sa mga Katipunero. Tunay na nakatagpo sila ng babaeng magiting at
mapagkawanggawa. Sila ay nagkaroon ng bubong na masisilungan, pagkaing ikakabuhay at
matamis na kalinga.

1
Ilapat Natin:

Gawain 1.
Panuto: Isulat ang maaring maganap ayon sa iyong kaalaman sa mga sumusunod na pangyayari.

Pangyayari Pangyayaring maaaring maganap o


mangyari

1. Nagpulong sina Andres Bonifacio, Emilio


Jacinto at mga Katipunero nang matuklasan
ang kanilang samahanag Katipunan.

2. Ang pook na kinaroroonan ni Tandang Sora


ang kanilang nakita.

3. Nagtungo muna sa pook nina Tandang Sora


ang matatataas na pamunuan ng Katipunan.

4. Buong pusong sumang-ayon si Tandang


Sora sa pakiusap ng pamunuan.

5. Nakatagpo sila ng babaeng tunay na


magiting at makapagkawanggawa.
Gawain 2:

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong hinuha sa maaaring maging wakas ng pangyayari o
sitwasyon gamit ang dati mong kaalaman.

1. Malapit na ang eksamin ni Laila pero hindi pa rin siya nakababayad nang buo sa kanyang
matrikula. Nang magsabi siya sa kanyang nanay, malungkot nitong ipinaliwanag na hindi
pa nagpapadala ng pera ang kanyang tatay at problema rin niya ang panggastos sa
bahay.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Bata pa’y pangarap na ni Rose ang maging isang doctor. Subalit palaging sinasabi ng
kanyang tatay sa sino mang makausap na siya ang makakatulong nito sa Law Office na
kanyang binuksan kapag nakatapos na siya ng pag-aaral ng pagkamanananggol.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Matapos magpasuri sa doctor, si Ramon ay pinayuhang umiwas sa matatamis na pagkain


dahil mataas ang kanyang blood sugar bukod pa sa nasa lahi nila ang sakit na diabetes.
Gayun man binalewala niya ang payo ng doctor.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2
4. Nakatakda na ang paglipad ni Tina patungong ibang bansa. Ilang araw bago siya umalis
inatake sa sakit sa puso ang kanyang ina.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Nakalakihan ni Slyvia ang mahirap na buhay ng kanyang pamilya. Subalit iginapang siya
sa pag-aaral ng kanyang mga magulang hanggang makatapos ng kolehiyo.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

SURIIN NATIN:

Basahin at unawain ang teksto


“ Inay, maaari na po ba akong kumain ng mga prutas na inuwi nyo po? Wika ni Nelie.
“ Naku, anak kumain ka muna ng almusal mo para may laman ang iyong sikmura baka
sikmurain ka, at ng araw ding iyon habang nakikinig ang mag-ina sa programang
pangkalusugan sa radio, napag-alaman nila na ayon sa isang pag-aaral ng mga
dalubhasa sa kalusugan ang nakasanayan gawi nating mga Pilipino na kumain ng mga
prutas pagkatapos mag-almusal, tanghalian o hapunan bilang panghimagas ay di
magandang gawi dahil ito ay nagdudulot lamang ng asido sa ating katawan at hindi
sustansya na inaakala natin. Ayon sa mga doctor at mga nutritionist pinapayo nilang mas
epektibo at nakakabuting kumain ng prutas 30 minuto bago kumain ng kanin para maging
mas kapakipakinabang ang sustansyang dulot nito sa ating katawan.

Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang inyong sagot

1. Ano ang ipinapaalam ni Nelie sa kanyang ina?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Pumayag ba ang kanyang ina sa nais niya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano ang dahilan bakit di sumang-ayon ang kanyang ina sa nais ng anak niya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Ano ang nangyari sa pananaw ng kanyang nanay nang marinig niya sa radio ang
sinasabi ng mga dalubhasa tungkol sa pagkain ng prutas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Ano ang dating kaalamang nabago sa nanay ni Nelie dahil sa kanyang natuklasang
bagong kaalaman?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
Gawain 2:
Panuto: Basahin ang mga bahagi ng teksto, Isulat ang maaaring kalalabasan ng mga pangyayari.

Mga Pangyayari Kalalabasan ng Pangyayari

1. Patuloy na nakikiisa ang mga Pilipino


sa programa ng pamahalaan sa
pangangalaga ng kapaligiran.
2.Payapa at walang ligalig na
namumuhay ang mag-anak ni Melchora.

3.Nalaman ng mga paring Espanyol ang


tungkol sa samahan ng mga katipunero
4.Napili ng mga mataas na opisyal ng
Katipunan ang bahay ni Melchora na nasa
taas ng bukid.

5.Maraming mga Pilipino ang nakiisa sa


mga Katipunero na nakipaglaban sa mga
kastila.

6.Nagpaunlak si Melchora sa kahilingan


ng katipunero na gawing kubling himpilan
ng mga ito ang kanyang bahay.

7.Ang mga mag-aaral ay kumain ng iba’t


ibang prutas araw-araw.

8.May mga batang mahirap pakainin ng


mga pagkaing masustansya gaya ng gulay
at prutas.

9.Maraming pananim na punong prutas


sa bakuran ng mag-ina.
10.Tulong-tulong ang mga mamamayan
sa paglilinis ng mga ilog sa ating
komunidad..

Tandaan Mo:

Ang kahihinatnan o kalalabasan ng kwento ay nakabatay sa ikinikilos o tinuran


ng tauhan o kaya sa takbo ng pangyayari sa kwento.
Nababago ang dating kaalaman dahil sa mga bagong kaalamang natuklasan.

4
Tayain Natin:

PAGTATAYA 1:

Panuto: Lagyan ng angkop na wakas ang talata gamit ang dati mong kaalaman.

1. Kailangan ninyo ng malaking kahoy para ipaayos ang inyong bahay. May mga tanim
kayong puno sa inyong lupain.
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

2. Hanapbuhay ng kapitbahay ninyo ang pagpuputol at pagbibili ng troso. Lalo siyang


yumayaman.
___________________________________________________________________

__________________________________________________________________

3. May mga punong nakasasagabal sa linya ng inyong kuryente. Alam mong delikado
ito.
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

4. Wala pang hanapbuhay ang iyong tatay at nagugutom na kayo at di na makapasok


sa paaralan . Sinabi niyang sasali siya sa mga iligal na nagpuputol ng puno sa
inyong kabundukan upang kumita nang madali.
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5. Natuklasan ng iyong pamilya na angkop ang lupain nyo sa probinsya sa pagtatanim


ng palay. May lumapit sa inyo upang bilhin ang inyong lupa sa mataas na halaga
para gawin itong subdibisyon.
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

6. Hindi tumitigil sa pagputol ng mga malalaking puno ang mga tao sa kabundukan sa
inyong lugar.
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

7. Napapansin mong may mga lupa pang pwde pagtaniman ng mga puno sa inyong
lupain kung kaya naglaan ka ng panahon upang ito ay taniman.
_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

5
8. Pinaalalahanan mo ang mga kapitbahay mong illigal na pumuputol ng mga puno sa
kabundukan sa inyong lugar pero di pa rin sila tumitigil kaya nagpasya kang
isumbong na lang sila sa kina-uukulan.
________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

9. Halos ubos na ang mga punong nasa kabundukan, isang araw maghapong umulan
nang malakas.
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

10. Dumating ang panahon ng tag-ulan at nagkaroon ng matinding pagbaha mula sa


kabundukan.
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

PAGTATAYA 2:
Panuto: Piliin sa Hanay B ang maaaring kalabasan ng pangyayari na nasa Hanay A,
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A

__________1. Tumaas ang halaga ng mga pangunahing paninda gaya ng bigas,


asukal at de-lata at serbisyo tulad ng pasahe at kuryente.
________ 2. Bumaba ang ani sa mga palayan sa Gitnang Luzon.
________ 3. Kapag masisipag ang mga mamamayan sa isang bansa
________ 4. Binunot ni Brix ang mga halaman at mga bulaklak ni Arianne.
________ 5. Kapag hindi tumigil ang pag-ulan sa loob ng isang linggo
________ 6. Kung walang organisasyong nangangalaga sa Inang kalikasan.
________ 7. Sumali sa organisasyong pangkalikasan ang magkakaibigan.
________ 8. Kapag ang pagtitinginan ng bawat isa ay parang magkakapatid.
________ 9. Kung ang lahat ay magsusuot ng face mask at sumusunod sa social
distancing kapag lalabas ng bahay
________ 10. Maraming mga magulang ang nawalan ng trabaho dahil sa
pandemic na covid 19

Hanay B

A. Ang magkakaibigan ay magkasamang mag-aalaga at magtatanggol


ng kapaligiran.
B. Galit si Arianne habang tinatanim muli ang mga nabunot na halaman.
C. Maraming pamilya ang maghihirap at di makapag-aral ang mga anak.
D. Bababa ang kaso ng hawaan sa komunidad.
E. Magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas sa ating bansa.
F. Maraming tao ang mahihirapan dahil sa mataas na bilihin.
G. Dudumi at mawawasak nang tuluyan ang kalikasan.
H. Magiging maunlad ang kanilang bansa.
I. Magkaroon ng katahimikan at kapayapaan sa bansa..
J. Malamang na bumaha sa mga mabababang lugar.

6
PAGTATAYA 3:
Panuto: Basahin ang teksto. Isulat sa patlang ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang
dati mong karanasan o kaalaman
.

1. Ilang taon nang laging mahina ang inaaning palay sa bukid ni Mang Pastor.
Sumangguni siya sa isang eksperto sa pagsasaka. Pinayuhan siya at kanya
namang sinunod nang dumating ang panahon ng pagtatanim.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Hindi na nakikinig sa kanyang mga magulang si Miguel. Higit niyang


pinaniniwalaan at sinusunod ang lider ng grupo kung saan bago pa lamang
siyang miyembro. Alam na alam ng lahat na pusher ng ipinagbabawal na gamot
ang nasabing lider.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng maganap ang trahedyang dulot ng lindol
sa Mindanao. Wala pa ring balita tungkol sa kapatid ni Maila na isa sa mga nasa
hotel na unang winasak nang malakas na lindol.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Inihatid ng buong mag-anak sa istasyon ng bus ang panganay na si Dennis para


mag-aral sa kolehiyo sa Maynila. Nangako ang amang itataguyod niya ang pag-
aaral ng anak sa gitna ng kahirapan. Nagulat ang lahat nang hindi pa
nakakaisang taon ay bumalik si Dennis sa probinsya.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Nabanggit ni Gng. Rivas sa kanyang anak na gustung-gusto niya ang blusang


suot ng manikin sa isang department store. Anong gulat niya nang makita ang
blusang inaasam-asam ay regalo mismo ng kanyang asawa para sa kanyang
kaarawan .
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7
Likhain Natin:
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.

“Bulungan sa Paranaque”
Di gaanong kalakihan ang lugar ng bulungan sa Paranaque. Ang bulungan ay isang
malawak at madilim na bahagi ng dagat noon. Ito ay daungan ng mga bangka ng
mangingisdang magdamag sa dagat. .Gumagamit ng “HASAG” ang mga dumadaong dito
para lumiwanag ang kanilang paligid. Dito binababa ang mga ibat ibang mga lamang dagat.
Nakakarating ang mga mamimili , namamakyaw sa lugar na ito sa pamamagitan ng
paglalakad mula sa Quirino Avenue dahil walang makapasok na kahit anong sasakyan dahil
sa sobrang kitid ng daan. Dito humahango ang mga namumuhunan at mga tindera ng isda sa
iba’t ibang palengke sa Paranaque at mga karatig lugar. Mababa ang halaga ng mga
panindang isda at iba pang lamang dagat. Natawag itong ‘Bulungan” sapagkat kailangang
ibulong ang presyo ng papakyawing paninda sa mga namumuhunan gayundin din ang
namumuhunan sa namamakyaw. Ginagawa ito upang maiwasan ang inggitan sa presyo.
Isang paraan ito upang mas kumita pa lalo ang namumuhunan ng mga paninda sa Bulungan.
Noong dumating ang panahon na kailangang paunlarin ito nagkaroon ng proyekto ang
pamahalaang lungsod ng Paranaque sa lugar na ito. Ang bulungan ay tinambakan ng lupa
upang maging malawak ang sakop nito. Nagkaroon na ng mga poste ng kuryente, nagkaroon
ng transportasyon na kung tawagin ay “padyak” at nakakapasok na rin ang mga sasakyan ng
mga mamimili.”
. Ibigay ang dati at nabagong kaalaman mo tungkol sa “Bulungan”’.
Isulat ang iyong sagot sa patlang na nasa loob ng kahon.

Dating Kaalaman Nabagong Kaalaman


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Rubriks sa Pagsulat ng Angkop na Kaalaman at Pagkaunawa sa Teksto


Katumbas na
Pamantayan Puntos
Angkop at buo ang ideya at pagkakaunawa sa teksto 5
Angkop ang ideya at pagkakaunawa sa teksto ngunit may mali sa 4
pagbabaybay ng mga salitang isinulat.
Tama ang ideya ngunit kailangang bigyan pansin ang pagbabago ng 3
dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto.
Di-gaanong makatwiran ang ideya at hindi rin naibigay ang dati at 2
bagong kaalamang natuklasan sa teksto.
Nangangailangan ng muling pagbabasa upang maibigay ang angkop na 1
kaalaman at pagkaunawa sa teksto
Walang nagawa 0

You might also like