You are on page 1of 6

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARAÑAQUE

ARALING PANLIPUNAN 6
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo

ADMINISTRASYONG RAMON MAGSAYSAY AT CARLOS P. GARCIA

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Essential Competencies)

Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972

Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahang naisa-isa ang mga nagawa ng Administrasyong Ramon Magsaysay
at Carlos P. Garcia

Balikan Natin
Alamin Natin!
Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang
bilang.

_______1. Alin sa mga sumusunod ang patakarang pang-ekonomiya ni Pagulong Manuel Roxas?
A. Makabayan B. Maka-Pilipino
C. Maka-Hapones D. Maka-Amerikano

2. Sino ang pumalit kay Pangulong Manuel Roxas sa bilang pangulo noong hindi niya natapos
ang kanyang panunungkulan dahil sa atake sa puso na kanyang ikanamatay?
A. Ramon Magsaysay B. Carlos P. Garcia
C. Elpidio Quirino D. Diosdado Macapagal

3. Ano ang kasunduan nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos na naglalayong magtulungan


na panaunlarin ang bansa?
A. Roxas-Foster B. Magsaysay- Foster
C. Quirino-Foster D. Garcia-Foster

Unawain Natin
PANGULO KO SILA!
TANDA:
ADMINISTRASYONG MAGSAYSAY
Disyembre 30, 1954-Marso 17, 1957 MGA NAGAWA NI RAMON MAGSAYSAY

Pagkatapos ng Ang Pangulo ng Karaniwang Tao


apat na buwang Isang natatanging araw sa kasaysayan ng mga Pilipino ang
negosasyon sa naganap na inagurasyon ni Pangulong Ramon Magsaysay.
mga Huk sa tulong Sa kauna unahang pagkakataon ay nagsuot ng barong
ng emisaryong si tagalog ang Pangulo ng Republika sa araw ng kanyang
Benigno S. Aquino panunumpa. Maging si
Jr. na noon ay manunulat sa Carlos P. Garcia ang halal na Pangalawang Pangulo ay
pahayagang Sailig Mirror, ganap na naka-barong tagalog din. Bilang pangulo, pinagtuunan ng
sumuko ang mga Huk sa pansin ni Pangulong Magsaysay ang mga karaniwang tao.
pamumuno ni Luis Taruc kay Iminulat niya ang mga mamamayan sa kanilang kakayahan
Ramon Magsaysay na noo’y Kalihim na tulungan ang kanilang isipan at sa kabutihang maidudulot
ng Tanggulang Pambansa. Ang ng pagkakaisa at pagtutulungan. Upang ganap na maalis
pangyayaring ito ay ganap na ang ligalig sa mga baryo ay ipinatupad ni Magsaysay ang
nagpahina sa samahan ng mga mga sumusunod na programa:
Huk. Gayundin, ang kaganapang ito 1) Pamamahagi o pagbibili ng mga lupaing sakahan sa mga
ay lubhang nagpasikat kay kasamang magsasaka o sa mga walang lupang sinasala.
Magsaysay. Dahil dito, nang 2) Pagbibigay ng pautang sa mga magsasaka, pagsasaayos
ipinasya ni Pangulong Qurino na ng mga daan at tulay, at paglalaan ng tulong teknikal upang
lumabang muli sa halalan noong mapalaki ang produksyon.
1953, hinikayat naman ng Partido 3) Malawakang pagpapaunlad ng lingkurang-bayan sa mga
Nasyonalista si Magsaysay na baryo. Dahil sa mga programang iyon, nabasan ang
tumakbo rin sa pagka-pangulo. impluwensya ng mga Huk at ng kanilang ideolohiya maka-
Tinalo ni Magsaysay si Quirino sa komunismo. Nanumbalik ang paniniwala ng mga kasapi ng
halalan ng Nobyembre 10, 1953 at Huk sa mga patakarang demokratiko at muling nakilahok sa
siya ay hinirang na pangatlong mga programa ngpamahalaan. Upang lalong magkaroon ng
pangulo ng Republika ng Pilipinas. ganap na katuparan ang mga programang nabanggit,
Malaki ipinasa ni Magsaysay ang Agricultural Tenancy Act noong
rin ang naging tulong ng mga 1954. Ito ay nagbibigay ng proteksyon sa mga magsasaka
Amerikano sa kanyang sa pamamagitan ng pagbibigay
pagkapanalo. Ito ay sa dahilang ng karapatan sa kanilang mamili ng sistemang nais nilang
nagalit ang mga Amerikano kay mamagitan sa kanila at sa may-ari ng mga lupang kanilang
Qurino nang tumanggi itong baguhin sinasaka. Pinagtibay din niya ang Agricultural Tenancy
ang tadhana ng Kasunduang Commission at ang Court of Agrarian Relations upang
Laurel-Langley nang pagbayarin mamagitan at ayusin ang mga usaping may kinalaman sa
lamang ng 2 piso bawat isang pagsasaka. Si Pangulong Magsaysay ay tinaguriang
dolyar ang mga namumuhunang pangulo ng masa. Ito ay sa dahilang inilapit niya ang
Pilipino samantalang ang palitan pamahalaan sa mga karaniwang tao. Sa kabila ng
noon ay 1 dolyar sa 2.80 piso. malawakang pagbatikos sa kanya, binuksan niya ang
Subalit ang higit na mahalaga ay Malakanyang ang mga ordinaryong tao. Inimbitahan at
ang pagigingmalapit ni Magsaysay pinapasok sila sa Malakanyang sa takdang panahon.
sa mga mamamayan kung kayat Pinalaganap niya ang nasyonalismo sa pamamagitan ng
siya ay kanilang minahal. pagsusuot ng barong tagalog at pagsasalita ng wikang
Reference: DepEd (Project EASE Module) pambansa. Ipinakita rin niya ang kanyang pagmamahal at
pagmamalasakit sa karaniwang tao sa pamamagitan ng
pagsabay sa kanila sa pagkain, pagtulog sa mga
ordinaryong papag at paglalakad nang nakabakya sa mga
bukirin kasabay nila. Lagi din siyang handa sa mga nais
magpakuha ng larawan na kasama siya. Itinatag din niya
ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)
upang tumanggap ng mga karaingan ng mga ordinaryong
mamamayan at maparating ito sa kanya, at mabigyan ng
solusyon. Upang tugunanan ang mga pangangailangan ng
mga
pamayanang etniko, itinatag niya ang Commission on
National Integration . Sa panunungkulan ni Magsaysay,
idinaos ang Manila International Conference of 1954 na
nagbigay daan sa pagkakatatag ng SEATO (South East
Asian Treaty Organization) noong Setyembre 1954.
Si Pangulong Magsaysay ang tinaguriang Tagapagligtas ng
Demokrasya dahilan sa kanyang ginawang pagtataguyod
sa demokrasya at pagliligtas sa Republika sa banta ng mga
Huk. Isinagawa niya ito sa pamamagitan ng pagdinig sa
mga pangangailangan ng mga magsasaka, pagpapaunlad
ng mga kanayunan, at pagtuturo ng mga makabagong
paraan sa pagsasaka.
Sa gitna ng kanyang mga programang isinasagawa upang
maiayos ang lipunang Pilipino, naaksidente si Pangulong
Magsaysay noong Marso 17, 1957. Mula sa Cebu
patungong Maynila, bumagsak ang kanyang sinasakyang
eroplano na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan.
Naging maikli ngunit katangi-tangi ang apat na taon niyang
panunungkulan bilang pangulo ng bansa.
ADMINISTRASYONG GARCIA
Marso 18, 1957-Disyembre 30, 1961 MGA NAGAWA NI CARLOS GARCIA

Ang naiwang Patakarang Pilipino Muna


walong buwang Sinasabing ang halalan noong 1957 ang pinakamarumi at
panunungkulan ni pinakamaingay na halalan sa
Pangulong kasaysayan ng bansa sa halalang iyon nagwagi si Carlos P.
Magsaysayay ay Garcia bilang ika-4 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
tinapos ng Sa halalang ito natalo ang pangalawang pangulo ni Garcia
ikalawang pangulo na si Carlos P. na si Speaker Jose Laurel Jr. at nagwagi ang kanyang
Garcia na tumayong pang-apat kalabang si Diosdado Macapagal na mula sa Partido
pangulo ng Republika. Suriin natin Liberal. Sa kaunaunahang pagkakataon sa kasaysayan ng
kung naituloy niya ang mga adhikain bansa, ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa ay
ng hinalinhang pangulo. hindi kabilang sa isang partido sapagkat si mula sa Partido
Reference: DepEd (Project EASE Module) Nacionalista.
Batid ni Pangulong Garcia ang lumalalang suliraning
pangkabuhayan ng bansa kung kayat isinentro niya ang
lahat ng programa ng kanyang administrasyon sa pagtitipid.
Ito ang tinatawag na Austerity measures. Ang iba pang
layunin ni Garcia ay ang mga sumusunod:
1) Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng Filipino First Policy o Pilipino Muna .
2) Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
hinggil sa usapin ng pagkakapantay-pantay.
3.) Matamo ang pagkakapantay-pantay ng kabuhayan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng patas na pagpapahalaga sa
agrikultura at industriya.
4.) Maitaguyod ang katarungang panlipunan at kagalingang
panlahat. Mapigil, at kung maaari, ay mawakasan ang
katiwalian sa pamahalaan. Binuhay rin ni Pangulong Garcia
ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga gantimpala at parangal sa mga mahuhusay na Pilipino
sa larangan ng sining, agham, at panitikan. Ang sikat na
grupong Bayanihan ay
kanya ipinadala sa ibang bansa upang ipakita ang iba’t
ibang katutubong sayaw ng mga Pilipino.
Bagamat mahusay at maayos ang programa ng
pangasiwaan ni Pangulong Garcia, nagpatuloy naman ang
mga suliraning dala ng pagsilang ng Ikatlong Republika. Ang
mga ito ay ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin
at mga katiwalian sa pamahalaan. Sinasabing ang mga
malalapit sa Malakanyang ay biglang nagsiyaman
samantalang daliang tumaas ang bilang ng
mga naghihirap. Naragdagan din ang suliranin ng
kapayapaan at kaayusan sa bayan. Ang mga ito ang
sinasabing naging dahilan ng pagkatalo ni Pangulong
Garcia sa halalan noong Nobyembre 14, 1961 laban sa
kanyang pangalawang pangulo na si Diosdado Macapagal.

ILAPAT NATIN
Tanda ko Yan!
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng bawat salita at Isulat ang
tamang sagot sa patlang.

a. Huk
b. Tenancy Act
c. Pangulo Karaniwang Tao
d. Filipino First Policy
e. Court of General Relations
f. Presidential Complaints and Action Comitttee (PCAC)

_________1. Isang ahensiya na tumatanggap ng mga karaingan ng mga ordinaryong mamamamayan


at napaparating sa Pagulong Ramon Magsaysay upang mabigyan ng solusyon
_________2. Nakilala si Pangulong Ramon Magsaysay kung saan bukas ang Malacanang para sa
ordinaryong mamamayan
_________3. Patakaran ni Pangulong Carlos P. Garcia na naglalayong hikatyatin ang publiko na
tangkilikin ang sariling produkto gawa sa bansa
SURIIN NATIN
BAYAN KO, MAHAL KO
Panuto: Sagutin ng OO kung ang sumusunod na pangungusap ay tungkol sa
Patakaran nina Pangulong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia at HINDI kung
walang kinalaman. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Ang pagpapasuko sa mga Huk ay binigyan pansin ni Pangulong Ramon Magsaysay upang
manumbalik ang kaayusan at katahimikan ng bansa.
______2. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang unang pangulo na hindi tinangkilik ang maka-
Amerikanong polisya
______3. Ang Austerity Measures ay hakbang ng pamahalaan upang makatipid at ihanda ang bansa sa
pagbangon sa kahirapan.

TAYAIN NATIN
IPAGLABAN MO!
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
1. Alin sa mga sumusunod na patakaran ang binigyang pansin ni Pangulong Carlos P. Garcia?
A. Austerity Measures B. Bukas ang Malakanyang sa
mamamaya
C. Panunumbalik ng Huk sa Pamahalaan D. Pakikinig at pagtugon sa
karaingan ng mamamayan
2. Sino ang makikinabang sa Agricultural Tenancy Act ng 1954?
A. Mangingisda B. Magsasaka
C. Manggagawa D. Ordinayong Tao
_______3. Ano-ano ang mga sumusuod ang mga programa ipinatupad na ni Pangulong Ramon
Magsaysay upang ganap na maalis ang ligalig sa mga baryo?

I. Pamamahagi o pagbibili ng mga lupaing sakahan sa mga kasamang


magsasaka o sa
mga walang lupang sinasaka.
II. Pagbibigay ng pautang sa mga magsasaka, pagsasaayos ng mga daan at
tulay,
at paglalaan ng tulong teknikal upang mapalaki ang produksyon.
III. Malawakang pagpapaunlad ng lingkurang-bayan sa mga baryo
IV. Paglalagay ng mga daanan papuntang kabayanan mula s liblib na lugar
A. I, III, V, B. III, II, I
C. IV, II, I, D. II, IV, III

4. Ano -ano ang mga layunin Austerity Measures ni Pangulong Carlos P. Garcia?

I. Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng


Filipino First Policy o Pilipino Muna .
II. Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa mga dayuhan hinggil sa usapin ng pagkakapantay-pantay.
III. Mabigay sa mamamayan ang pagkaunlad sa loob ng kanyang panunumkulan
sa larangan ng edukasyon, pabahay at ekonomiya
IV Matamo ang pagkakapantay-pantay ng kabuhayan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng patas na pagpapahalaga sa agrikultura at industriya.
V. Maitaguyod ang katarungang panlipunan at kagalingang panlahat. Mapigil, at
kung maaari, ay mawakasan ang katiwalian sa pamahalaan.

A. IV, I, II, III,V


B. I, , III, IV, V
C. II, V, I, IV, V
D. III, I, II, V, IV
5. Ano-ano ang mga katangian ng pamahalaang Ramon Magsaysay ?
I. Pinalaganap niya ang nasyonalismo sa pamahalaan
II Lagi siyang handa sa nais magpakuha ng larawan sa kanya
III Pagkakaroon ng lingguhang panayam sa lahat ng sektor ng lipunan
IV. Bukas ang Malakanyang sa mamamayanan sa kanilang hinain dinudulog
V. Kinausap niya ang mga lider ng Huk upang manumbalik ang kapayaan at
kaayusan ng bansa
A. III, I, II, IV B. I, II, V, IV
C V, I, II, IV D. IV, V II, I

LIKHAIN NATIN
KAYA KO ‘TO!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng 4-5 pangungusap na NAGHAHAMBING sa


mga matagumpay na program ng Administrasyong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia
Sundin ang mga sumusunod na paraan sa pagsulat ng sanaysay. “Paggawa ng Sanaysay”
Layunin (Goal) Ang mga mag-aaral ay inaasahang makakasulat ng sariling sanaysay.

Gampanin (Role) Ang bawat mag-aaral ay naatasang maging manunulat


Mga Manunuod (Audience) Ang mag-aaral sa ikaanim na baitang, magkakapatid at magulang
Sitwasyon (Situation) Ang mga mag-aaral ay inaasahang makasulat ng sanaysay NAGHAHAMBING sa mga
matagumpay na program ng Administrasyong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia
Produkto (Product) Isang sanaysay NAGHAHAMBING sa mga matagumpay na program ng
Administrasyong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia
Pamantayan (Standards) Nilalaman, pagsunod sa panuto

Paano gumawa ng sanaysay


1. Sa isang malinis na papel, isulat ang inyong pangalan, baitang at antas.
2. Gumamit nang tamang palugit at bantas.
3. Isulat ang pamagat.
4. Isulat ang panimula at mahahalagang impormasyon.
5. Tapusin sa kaaya-ayang wakas

You might also like