Professional Documents
Culture Documents
Manuel Roxas
Kontribusyon
Pagsasaayos ng elektripikasyon, pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal, pagtatatag
ng mga kaluwagan sa pagpapautang, paghikayat sa mga kapitalistang amerikanong
mamuhunan sa bansa ay ang iba sa kanyang mga ginawa bilang pangulo ng Pilipinas.
Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang pagpapalaki
ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka. Maraming korporasyon o
samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka.
Siya ay nahalal na Senador mula 1925 hanggang 1931 bilang kinatawan ng Unang
Distritong Senatoryal. Siya ay naglingkod bilang kalihim ng pananalapi at ng Interyor
ng Komonwelt ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Quirino ay
muling nahalal sa Senado ngunit hindi nakapaglingkod hanggang 1945. Pagkatapos
ng Ikalawang digmaang pandaigdig, si Quirino ay inilagay na Senate President pro
tempore.
Kontribusyon
Nang maging pangulo, napilit niya ang mga Amerikano na gawing iron clad ang
kanilang pagtatanggol sa Pilipinas kung sakaling manganib ang bansa sa pamamagitan
ng paghingi ng Mutual Defense Treaty, na hanggang ngayon ay batayan ng ating
pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.
Isyung kinaharap
Lumipas ang panahon at ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng
malawakang korupsiyon. Ang halalan ng pagkapangulo noong 1949 na kanyang
napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ang
kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na tinangkang iimpeach at
inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos at bumili ng
mga kasangkapan para sa Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang
impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at
legal na basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na kumalas sa
partido Liberal at tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo sa
ilalim ng partido Nacionalista.
Si Ramon Magsaysay ay ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "the Guy" o
"Presidente ng Masang Pilipino". Siya ay ipinanganak sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907
at pangalawang anak ni Exequiel Magsaysay at Perfecta Del Fierro. Bilang pangulo, binuksan
niya ang pintuan sa mga mamamayang Pilipino kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong
lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang kanilang
sakit at pagdurusa. Magpahanggang ngayon, ang kanyang pamumuno at kabutihan ay ang
mga katangiang hinahanap ng mga Pilipino para sa isang lider.
Naglingkod siya bilang Kongreso ng Partidong Liberal sa Zambales mula 1946 hanggang 1950.
Ito ang kanyang unang karanasan sa pulitika. Bilang politiko, nagkaroon siya ng mahalagang
papel sa pagpasa ng GI Bill of Rights sa Kongreso ng Estados Unidos kung saan ay
makikinabang ang mga Pilipinong beterano ng digmaan. Inihalal ni Pangulong Elpidio Quirno si
Magsaysay upang maging kalihim ng depensa upang mahawakan ang pagbabanta ng
mga Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones) na nag-organisa ng People's
Liberation army. Nagtagumpay siya sa kampanya laban sa Hukbalahap gamit ang parehong
mga solusyon sa militar at pulitika. Ang kanyang kampanya ay itinuturing na isa sa
pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan.
Si Ramon Magsaysay ay namatay nang bumagsak sa Cebu ang sinasakyan nitong eroplano
habang nangangampanya para sa halalan. Ang kanyang bise presidente na si Carlos P. Garcia
ang pumalit sa kanyang puwesto.
Carlos P. Garcia
Kontribusyon
Sunod-sunod ang kaniyang mga hakbang noong siya’y pumasok sa politika. Una
siyang naging gobernador at kalaunan ay naging miyembro din ng senado mula 1942-
1953. Isa rin siya sa mga lumaban bilang isang gerilya na nakabase sa Bohol noong
manakop ang mga hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig. 1946, siya ay
naging minorya ng senado. Marami rin siyang napatupad noong siya ay nagtagumpay
bilang Bise Presidente ni Ramon Magsaysay at kalihim ng Suliraning Panlabas. Isa sa
pinakatanyag niyang ambag sa bansa ay ang “Filipino First” o “Pilipino Muna”na
polisiya na kung saan ang mga Pilipino ang binigyan ng pagkakataong manguna sa
mga karapatan at pagkakataong magpaunlad sa kanilang kabuhayan. Pinalaganap niya
rin ang kulturang Pilino at mga program sa pagtitipid. Siya rin ay kilala sa pagpapasya
sa Military Bases Agreement.
Diosdado Macapagal
man’s day
Binuksan ni dating presidente Diosdado Macapagal ang Malacañang sa mga tao at
tinawag itong “Common Man’s Day” kung saan nagkakaroon ng lingguhang
pagtitipon-tipon ang mga tao sa Malacañang. Noong 1963, Itinatag ni Diosadado
Macapagal ng kauna-unahang Land Reform Law na pinapayagang bilhin ang mga
pribadong lupaing pansaka upang hati-hatiin at ibahagi sa mga walang lupain. Naging
daan ito upang maging pantay-pantay ang batas sa mga nagtatrabaho. Layunin ng
batas na ito na maging maayos ang buhay at palakihin ang kita ng mga magsasaka at
para na din sa ikauunlad ng agrikultura ng ating bansa.
Binabaan niya ang halaga ng Philippine peso sa pamamagitan ng pag-aayon ng presyo
nito sa malayang pamilihan imbis na sa nanggagaling ang presyo nito sa gobyerno.
Gumawa din siya ng aksyon upang malutas ang pagkawala ng trabaho sa ating bansa
sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapangyarihan sa mga local at probinsyal na
pamahalan bilang hakbang sa pag-unlad ng mga malayang institusyon.
Noong Mayo 12, 1962 pinalitan ni Diosdado Macapagal ang Araw ng Kalayan mula
Hulyo 4 ay ginawa niya itong June 12. Idineklara niya ito dahil ang nararapat daw na
araw ng kalayaan ay ang idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898 sa
Kawit, Cavite. Sa ngayon, ipinagdiriwang ang Hulyo 4 bilang “Filipino-American
Friendship Day”. Noong Agosto 4, 1964 opisyal na pinirmahan ni Presidente
Macapagal ang Malacañang Republic Act No. 4166 na nagsasabi na ang araw ng
kalayaan ng ating bansa ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 12.
Sa ika-apat na SONA ni Presidente Diosdado Macapagal noong Enero 25, 1965
binaggit niya rito ang Minimum Wage Law ng mga nagta-trabaho na nagkakahalaga
ng apat na piso. Inererekomenda niya na pataasin ito sa anim na piso na magiging
pabor sa mga manggagawa. Tinawag ang batas na ito na Republic Act No. 4180.
Pinirmahan niya rin ang Republic Act No. 3518 na nagpapatupad ang pag-gawa ng
Philippine Veteran’s Bank para sa iba pang kadahilanan. Ang PVB ay pag-aari ng mga
beterano at mga pamilya nito na nakipagsapalaran noong World War II.
Isyu na kinaharap
PANGUNGUWALTA AT KORUPSYON
Noong 1960, inembestigahan si Stonehill na pinagunahan ni Justice Secretary Jose W.
Diokno sa Tax evasion. Sa pag-uungkat ng issue na ito nadamay si Presidente
Diosdado Macapagal dahil umano isa siya sa mga sinuhulan ni Stonehill. Dahil dito,
ipina-deport niya si Stonehill sa mga alegasyong tax evasion, economic sabotage,
blackmail at corruption of public officials. Tinanggal niya rin sa pwesto si Secretary
Diokno.
PAGBABA NG HALAGA NG PHILIPPINE PESO
Nang dahil dito, ang mga dayuhan ay nakakabili at nakakapag-kontrol ng mga
negosyo dahil sa exchange rate. Naging dahilan ito ng pagyaman nila higit pa sa
Pilipinas.
Noong kanyang termino, malawak ang kahirapan sa Pilipinas at kulang ang stabilidad
ng ekonomiya ng Pilipinas. Hindi niya gaanong napababa ang unemployment rate
noong kanyang termino kung ikukumpara ito sa unemployment rate noong panahon ni
Presidente Garcia.
Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas, ang unang
pangulo ng malayang republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas (1949-59), ng Senado (1959-65) at nagsilbi bilang pangulo ng Senado
(1963-65). Noong 1965, si Marcos, na isang kilalang miyembro ng Liberal Party na itinatag ni
Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na makuha ang nominasyon ng kanyang partido
para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay tumakbo siya bilang kandidato ng Nasyonalista para sa
pangulo laban sa pangulo ng Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo si Marcos at itinalaga
bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling nahalal at naging unang
pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon ng kanyang unang
termino ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at edukasyon. Ngunit
ang kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming demonstrasyon at marahas
na mga aktibidad ng mga gerilya.
Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas, dahil na rin sa
pagkilos ng mga komunista upang pabagsakin ang gobyerno. Ipinabilanggo ni Marcos ang mga
oposisyong pulitiko at ang armadong pwersa ng Pilipinas ay naging armado ng rehimen. Si
Marcos ay binatikos ng mga lider ng simbahan at sinalungat ng mga lider ng politika- lalo na ni
Benigno Aquino, Jr., na ibinilanggo at ipiniit sa loob ng halos walong taon. Sa mga lalawigan ng
mga komunistang Maoist (Bagong Hukbong Bayan) at mga separatistang Muslim (lalo na ng
Moro National Liberation Front) nagsagawa ng mga girilyang pagkilos upang pabagsakin ang
sentral na pamahalaan. Sa ilalim ng batas militar ang pangulo ay nagtatag ng mga pambihirang
kapangyarihan, kabilang ang kakayahang isuspinde ang "writ of habeas corpus". Ipinahayag ni
Marcos ang katapusan ng batas militar noong Enero 1981, ngunit patuloy siyang namamahala
sa isang awtoritarian na paraan sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng saligang batas. Nanalo
siya sa halalan sa bagong nalikhang poste ng pangulo noong Hunyo 1981.
Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating beauty queen.
Si Imelda ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang martial law noong
1972. Madalas siyang mabatikos dahil sa kanyang pagtalaga sa kanyang mga kamag-anak sa
mahahalagang posisyon sa gobyerno, habang siya naman ay gobernador ng Metropolitan
Manila (1975-86) at ministro ng mga pamayanan ng tao at Ekolohiya (1979-86).
Ang mga huling taon ni Marcos sa kapangyarihan ay nasira dahil sa laganap na korapsyon sa
gobyerno, ekonomiyang hindi umuunlad, patuloy na hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap, at ang tuluyang paglago ng rebolusyonaryong gerilyang komunista
na aktibo sa mga rural na lugar sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.
Noong 1983 ang kalusugan ni Marcos ay nagsimulang bumagsak, at ang mga sumasalungat sa
kanyang pamamahala ay dumami. Noong Agosto 21, 1983, bumalik sa Maynila si Benigno
Aquino, Jr. upang magbigay ng alternatibo laban kay Marcos at sa lalong lumalakas sa New
Poeple's Army (NPA). Ngunit siya ay binaril at napatay sa pagbaba niya sa eroplano. Ang
pagpatay ay nakita bilang gawain ng pamahalaan at naging sanhi ng malawakang protesta
laban sa gobyerno. Isang independiyenteng komisyon na hinirang ni Marcos ang nagpatibay
noong 1984 na mga matataas na opisyal ng militar ang responsable sa pagpatay kay Aquino.
Upang muling ipahayag ang kanyang mandato, nagtawag si Marcos ng bagong halalan sa
pagkapangulo. Ngunit isang matinding kalaban sa pulitika ang lumitaw, ang biyuda ni Aquino, si
Corazon Aquino, na naging kandidato ng oposisyon para pagka presidente. Pinaniniwalaan ng
marami na nakuhang talunin ni Marcos si Aquino dahil lamang sa napakalaking pandaraya sa
pagboto ng kanyang mga tagasuporta sa halalan noong Pebrero 7, 1986. Habang labis na
pinawalang-saysay sa sariling bayan at sa ibang bansa ang kanyang kahina-hinalang
pagkapanalo sa eleksiyon, mahigpit na pinananatili ni Marcos ang kanyang pagkapangulo
habang nahati ang militar ng Pilipinas sa pagitan ng mga tagasuporta niya at ng lehitimong
karapatan ni Aquino sa pagkapangulo. Natapos lamang ang isang matinding sagupaan na
naganap sa pagitan ng dalawang panig noong si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25,
1986, sa paghimok ng Estados Unidos. Tumakas siya papuntang Hawaii, kung saan siya ay
nanatili hanggang sa kanyang kamatayan noong September 28, 1989.