You are on page 1of 8

MOJICA, ADRIENNE DAVE B.

BSE-ENG A2020
Pagbasa at Pagsulat sa Iba't - Ibang Disiplina

Ipaliwanag o kilalanin ang mga pangalan ng tao tungkol sa


wikang Pambansa at mga petsang nakatala. 

1. Manuel L. Quezon 

 Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944) na makikita sa
dalawampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang
ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay
hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa
mga kapisanang internasyunal).

 Sa panahon ng kanyang pagkapangulo, hinarap ni Quezon ang problema ng mga walang lupa na
mga magbubukid sa kanayunan. Ang kanyang iba pang pangunahing desisyon ay kasama ang
muling pagsasaayos ng depensa ng militar ng mga isla, pag-apruba ng isang rekomendasyon
para sa muling pag-aayos ng gobyerno, pagsusulong ng pag-areglo at pag-unlad sa Mindanao,
pakikitungo sa dayuhang tipak sa kalakal at komersyo ng Pilipinas, mga panukala para sa
reporma sa lupa, at tutol sa graft at katiwalian sa loob ng gobyerno. Nagtatag siya ng isang
government-in-exile sa U.S. nang sumiklab ang World War II at ang banta ng pagsalakay ng
Hapon.

 Noong panahon ng kanyang pagkatapon sa U.S. namatay siya sa tuberculosis sa Saranac Lake,
New York. Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery hanggang sa natapos ang World War
II, nang ang kanyang labi ay inilipat sa Maynila. Ang kanyang huling lugar na pamamahinga ay
ang Quezon Memorial Circle.Ramon Magsaysay
2. Ramon Magsaysay

 Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa
kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.

 Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta
del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang
Pamantasang Jose Rizal).

 Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan.
Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at
pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950,
bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil
niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.
Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong
Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia

 Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang


pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc,
Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si
Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

 Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil
ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa
pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
 Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso
1957.

3. Lope K. Santos 

 Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat
sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.
Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing
na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.

 Sa larangan ng politika. Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910


hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918
hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito
ng bayan.

 Sariling buhay. Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero


1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit
hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang
Pambansa ang Wikang Tagalog.

 Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C.


Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo
sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para
sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino),
matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na
Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas).
Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na
maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod
bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling
Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa
pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian
ng Wikang Pambansa.[4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos
ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino,
subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

4. Jaime C. Veyra

 Si Jaime Carlos de Veyra (4 Nobyembre 1864 – 7 Marso 1963) ay isang kilalang periodista,
politiko at humawak ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan.

 Siya ang kauna-unahang naging Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa. Nanungkulan


siya llklkbilang Patnugot ng SWP sa loob ng humigit-kumulang sa apat na taon mula 1937
hanggang 1941. Isa rin siya sa mga tagapagbalangkas at tagapagtatag ng wikang
pambansa nakikilala ngayon sa tawag na Filipino.

 Nagsulat siya ng isang artikulo na nalathala sa The Tribune noong 30 Disyembre 1939. Ito
ay isang sanaysay na kinapapalooban ng mga katanungan sa mga nag-aalinlangan at
tumututol na Tagalog ang maging batayan ng Wikang Pambansa.

5. Ferdinand E. Marcos
 Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang
ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya
ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula
1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago
naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang
termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang
pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili
ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang
pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos
bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.

 Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa


kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan. Nagkaroon din ng
isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay
patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na
kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para
sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito
at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga
estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang
kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang
kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni
Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago.
 Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng
partido Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang
pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile
ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay
kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand
Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis
ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng
kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang
Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay
nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na
nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga
kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang
ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga
kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar.

 Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon,
mga bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si Senador Benigno "Ninoy"
Aquino. Mula 1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong
negosyo at naging pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-anak.
Itinatag ni Marcos ang kapitalismong crony at mga monopolyo sa mga mahahalagang
industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay
ng malaking pakinabang sa kanyang mga crony. Si Marcos ay mabigat na umutang sa
dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986
mula kaunti sa 2 bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965.
Kanyang hinirang ang mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at
inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.

 Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya. Ang


mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na
hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay
tumaas mula 27 % to 37%. Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang
nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos noong 1977
at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang
nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga
doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-
endorso ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang
rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng
mga kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa.

6. Proklamasyon Blg. 1041

 Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng


Agosto. Ito ang pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 15,
1997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. Kaugnay nito, maraming
mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas,
balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula,
pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.

 Kasaysayan. Walang iisang wikang sinasalita sa kapuluan ng Pilipinas nang dumating ang
mga Kastila. May tatlong pangunahing wikang sinasalita sa kapuluan, ang Kapampangan,
Ilokano, at Cebuano. Dahil ang mga wika sa Pilipinas ay magkakaugnay at madaling
maunawaan ng mga katutubo, karamihan sa mga mananalita ng higit na maliit na wika ay
nakapagsasalita ng dalawa o higit pang mga wika.

7. Proklamasyon Blg. 186

 Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay ang opisyal na lupong tagapamahala ng wikang
Filipino at ang opisyal na institusyon ng pamahalaan na inatasan sa paglilinang,
pagpepreserba, at pagtataguyod ng mga iba't ibang katutubong wika sa Pilipinas. Itinatag
ang komisyon ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987.

 Itinatag ng Batas Republika Blg. 7104 ng 1991, pinalitan ng komisyon ang Linangan ng mga
Wika sa Pilipinas (LWP) na itinayo noong 1987 na pumalit naman sa mas lumang Surian ng
Wikang Pambansa (SWP), na itinatag noong 1937 bilang unang ahensya ng pamahalaan
upang paunlarin ang isang pambansang wika sa Pilipinas.

 Kasaysayan. Ipinasa ng Ika-1 Kapulungang Pambansa ng Pilipinas ang Batas Komonwelt


Blg. 184, s. 1936, na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (Institute of National
Language o INL).[6] Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Dating Pangulong Manuel L.
Quezon ang mga miyembro na magbubuo sa SWP. Dahil sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 na inilabas at inilagda ni Pangulong Quezon noong Disyembre 30, 1937,
naaprubahan ang paggamit ng Tagalog bilang saligan ng wikang pambansa, at idineklara at
ipinroklama ang pambansang wika batay sa Tagalog, bilang pambansang wika ng Pilipinas.

 Noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, hinikayat ng mga Hapones na mananakop ang


paggamit ng pambansang wika sa halip ng Ingles sa mga paaralan. Samakatuwid,
napalaganap ang wika batay sa Tagalog hindi lamang sa edukasyon ngunit sa masmidya at
sa opisyal na komunikasyon. Iniulat ng senso ng 1948 na 7,126,913 katao o 37.11% ng
populasyon ay nagsasalita ng wikang iyon, na kumakatawan sa pagtaas ng 11.7% mula sa
datos ng 1939 na 4,068,565. Sa pitong milyong tao na iyon, 47.7% ang nag-aral nito bilang
pangalawang wika.

 Itinatag ang kasalukuyang komisyon ng Batas Republika Blg. 7104 ng 1991, na pumalit sa
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na itinayo noong Enero 1987 (Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 117); na pumalit mismo sa mas lumang Surian ng Wikang Pambansa
(SWP), na itinatag noong 1937.

 Noong October 2018, inanunsyo ng KWF sa kanyang pahayagan, Diyaryo Filipino, na


ilalabas online ang isang Pambansang Diksyunaryo bilang pagsunod sa Ortograpiyang
Pambansa ng 2013 ng komisyon: Diksiyonaryo.[10] Ayon din sa pahayagang iyon,
ipinagtatrabaho ang isang opisyal na ispeltsek (sa yugto ng pag-eeksperimento at pilot-
testing) ayon sa Ortograpiyang Pambansa at Manwal sa Masinop na Pagsulat.

8. Nobyembe 17, 1937

 Sa ikauunlad ng bansa, inatasan ni Pangulong Quezon ang Pambansang Asamblea na


gumawa ng hakbang upang isulong ang pambansang wika na naaayon sa umiiral na
wika sa bansa. Kaya naman noong Nobyembre 13,1936, ayon sa Komonwelt Act Bilang
184, itinatag ng Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa upang pag-aralan ang mga
wika at diyalekto na magiging batayan ng pambansang wika. Tagalog ang inirekomenda
ng Surian na maging batayan ng wikang pambansa na kung saan naging opisyal na
pambansang wika ito noong Hulyo 4, 1946 ayon na rin sa Komonwelt Act Bilang 570.
Dahil dito, tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa si Pangulong Quezon.

9. Agosto 25, 1988

 1988 (Agosto 25) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335. Nilagdaan ni Pang. Corazon
Aquino. Nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at
kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespondensya.

10. Agosto 14, 1991

 Memorandum Pangkagawaran Blg. 115, S. 1991 (Agosto 14, 1991) Ito ay umuugat sa
Memorandum Pangkagawaran blg. 523 S. 1986 (17 Abril 1986) Kautusang
Tagapagpaganap Blg.134 (Dis. 30, 1937

You might also like