You are on page 1of 21

Kabanata 1

BATIS NG IMPORMASYON SA PAMAMAGITAN NG


PAGBASA NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA
AT PAG-AARAL
Bakit kaya kasali ang pagbasa ng mga
kaugnay na literatura at pag-aaral sa
isang pananaliksik?
*Sa ganitong paraan ay napatutunayan kung isang pag-uulit
lamang ang pag-aaral o isa itong pananaliksik sa iba namang
anggulo ng problema.

Paano isinusulat ito:


Binubuod ang bawat kaugnay na pag-aaral at binabanggit din
ang mga sangguniang pinagkunan sa mga ito.
Ayon kay Sioson, I.D. et. Al (2015), ang magiging
resulta ng pananaliksik ay ibinabatay sa mga
pansuportang konsepto at prinsipyong ilalahad bilang
rebyu ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
LITERATURE O LITERATURA
-Ito ay tumutukoy sa mahahalagang konseptong may kinalaman sa
paksa.

PAG-AARAL
-Ito ay anumang imbestigasyong naisagawa na at may kaugnayan sa
paksang sinasaliksik.
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
 Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang
kaugnayan sa pag-aaral nang bago (sampung taon ang nakaraan mula
sa panahon ng pagsasagawa ng saliksik maliban sa mga impormasyon
at teoryang maituturing nang klasiko.

 Ang mga ito ay dapat ding obhetibo at walang pagkiling.

 Hindi mahalaga kung kaunti o marami ang mga ilalahad. Kailangang


sasapat na pansuporta ito sa paksa at mga kaugnay na suliranin.
Ang mga Sanggunian
Sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga aklatan at mga website, mapupunan
ang pangangailangan sa presentasyon ng mga kaugnay na literatura at pag-
aaral. Narito ang tala ng mga maaaring sanggunian.
Para sa Literatura Para sa Pag-aaral
aklat, ensayklopidya, dyornal, magasin, Dyornal, di-nalathalang material
pahayagan, elektronikong sanggunian (mnuskrito, tisis, disertasyon

Iba pang Sanggunian


Aklat, ensayklopedya, almanac at iba pa katulad ng reperensya
Artikulong inilathala sa mga dyornal magasin pahayagan at iba pang
publikasyon
Manuskrito, monograp, talumpati at mga liham
Konstitusyon at mga batas
Buletin, sirkular at kautusan
Pampubliko at pribadong record
Papel mula sa mga panayam
Opisyal na pampublikong ulat
BATIS NG IMPORMASYON NA MAY
KAUGNAYAN SA PAG-IWAS SA
PLAGYARISMO
 Ayon kay Gonzalvo R.P. Jr. (2016) pagiging tapat ang
pinakamahalagang pag-uugaling taglayin ng isang mananaliksik.

Dapat gawin ng mga Mananaliksik upang maiwasan ang


Plagyarismo:
1. Sa bawat impormasyon na kanyang nakakalap nararapat
lamang na ipakilala ang lahat ng mga ito kung saan ito nagmula.
2. Kinakailangang lagyan ng karampatang pagkilala ang bawat ideya
o terminong kanyang hinihiram para maging bahagi ng kanyang
papel.

3. Hindi nararapat na ilihim ang karunungang hindi sa kanya sa loob


ng kanyang isinulat na pag-aaral.

4. Bawat salitang sinipi, bawat ideyang narinig ay nararapat lamang


na bigyan ng akademikong pagkilala.
Ano ba ang Plagyarismo?

Kapag ang isang manunulat ay kumuha ng mga ideya ng


mga orihinal na salita o terminolohiya, mga parirala o
pangungusap, balangkas ng isang teksto, kabuuan ng isang
akda, isinaling literal mula sa orihinal na wika tungo sa
gagamiting saling-wika, himig at tono ng isang awitin, mga
programa o paglalagom ng kahit anong akda nang hindi
binibigyan ng nararapat na pagkilala, matatawag itong
isang akademikong pagnanakaw at pagsisinungaling, mas
kilala sa tawag na plagyarismo.
Mga panuntunan para maiwasan ang
plagyarismo.(Gonzalvo, R. (2016)

1 . Lagyan ng mga panipi o aytalisado ang mga orihinal na


termino kahit ito’y bahagi ng sariling pangungusap.

Halimbawa:
Tama:Sa kasalukuyan, ang ‘boots wave’ ay hindi pa lubusang nagagamit bilang
alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya.
Mali:Sa kasalukuyan, ang boots wave ay hindi pa lubusang nagagamit bilang
alternatibongpagkukuhanan ng enerhiya.

Tama:Iniiwasan ng ekonomiya ng ating bansa ang mapabayaan ang sustained


resilience.
Mali:Iniiwasan ng ekonomiya ng ating bansa ang mapabayaan ang sustained resilience.

 
2. Binago man o hindi ang ideya o mga pangungusap,
nararapat lamang na bigyan ng kaukulang pagkilala.

Halimbawa:
Hihiraming ideya mula sa pakahulugan ng salitang pagbasa Gonzalvo:
Ang pagbasa ay isang interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng
kaisipan. Ito rin ay isang pagpapakahulugan sa mga nakatitik na simbolo ng
lenggwahe.

Tama:
Ayon kay Gonzalvo (2012), ang pagbasa ay isang interpretasyon ng mga
nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Ito rin ay isang pagpapakahulugan sa mga
nakatitik na simbolo ng wika.
3.Kinakailangang kilalanin ang mga napulot na ideya mula sa iba’t ibang aklat
kahit ito’y magkakasama sa isang talata

Halimbawa:
Tama:
Ayon kay kay Robert Bly (kay Frawley,1953: 67-89) sa isinagawa niyang pagsasaling-tula
base sa kanyang pang-unawa sa “Teorya ng Komunikatibong Salin” ni Newmark (1988), gamit
ang simpleng tulang kinatha ni Gumawan Muhamad (1937), ang unang proseso ay ang pag-
unawa sa literal na bersyon ng tula na nasusulat sa orihinal na teksto. Sa bahaging ito dagdag
pa ni Bly (na kay Frwaley, 1953: 67-69), walang dapat ikabahala ang isang tagasalin sa mga
‘flat phrases’ ng isasagawang pagsasalin lalo na sa mga maiiksi at mga palasak na pahayag.
Mali:
Sa isinagawa niyang pagsasaling-tula, base sa kanyang pang-unawa sa “Teorya ng
Komunikatibong Salin” gamit ang simpleng tula, ang unang proseso ay ang pag-unawa sa
literal na bersyon ng tula na nasusulat sa orihinal na teksto. Sa bahaging ito, walang dapat
ikabahala ang isang tagasalin sa mga flat phrases ng isasagawang pagsasalin lalo na sa
maiiksi at palasak na pahayag.
4. Bigyan ng karampatang pagkilala ang orihinal na akda, pahayag, o
termino kahit ito ay naisalin na sa ibang wika.

Halimbawa:
Orihinal na akda
The Innocence of Solomon
By Nick Joaquin
 
Sheba, Sheba, open your eyes!
The apes defy the ivory temple,
The peacocks chant dark blasphemies;
But I take your body for mine to trample,
I laugh where once I bent the knees.
 
Salin
Mali
Ang Kawalang Malay ni Solomon Tama
ni Romeo P. Gonzalvo Jr. Ang Kawalang Malay ni Solomon
  Ni Romeo P. Gonzalvo Jr.
Sheba, Sheba imulat mo ang iyong mga (mula sa pamosong tula ni Nick Joaquin na
mata! pinamagatang “The Innocence of Solomon”)
Ang mga unggoy ay tumungo sa templong Sheba, Shebaimulat mo ang iyong mga mata!
mundo ng pangarap, Ang mga unggoy ay tumungo sa templong
Ang mga paboreal ay humihimig ng mga mundo ng pangarap,
kalapastangang salita; Ang mga paboreal ay humihimig ng mga
Subalit kinuha ko ang iyong katawan upang kalapastangang salita;
aking yurakin,
Subalit kinuha ko ang iyong katawanupang
Nang minsa’y nakaluhod, ako’y tumawa. aking yurakin,
Nang minsa’y nakaluhod, ako’y tumawa.
 
5. Bigyan ng karampatang pagkilala ang mga disenyo, himig o mga
larawang isinama sa isinasagawang pananaliksik.

Halimbawa:
Tama

Ang larawang ito ay hinango sa aklat na “Kontesktwalisadong


Komunikasyon” sa panulat ni Alicia M. Binwag et.al., unang edisyon s.
2018
6. Bigyan ng karampatang pagkilala ang mga datos o
karunungang pinaghirapang makalap o nilikha ng iba.

Halimbawa:
Tama
Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng paghahati-hati ng mga
aralin sa asignaturang matematika kung saan makikita ang mga
karampatang porsyentong nararapat ibigay batay sa haba ng oras at
kalidad ng mga katanungang gagamitin sa lilikhaing pagsusulit.
 
IBA PANG BATIS NG IMPORMASYON

1.Aklatan
 Lahat ng paaralan ay may aklatan na kung saan pinupuntahan kapag kailangan
mong kumalap ng mga tala o impormasyon.
 Nasa iba’t ibang dibisyon ng aklatan makikita ang mahahalagang impormasyong
kailangan para sa pagpapatupad ng iyong pananaliksik.
 Maaaring gamitin ang kard catalog o ang Online Public Access Catalog (OPAC)
upang matukoy kung anong aklat o materyal ang kailangan para sa iyong
susulatin.
 Maaaring i-type lamang sa kompyuter ang paksa, may-akda, o kaya’y anumang
salitang maaaring iugnay sa paksang nais saliksikin.
 Mahalagang bago pumunta sa aklatan upang mangalap ng mga datos ay mayroon
ka ng ideya tungkol sa paksang nais tutukan (Atanacio H.C. et.al 2009).
Ano ang OPAC?

Ang OPAC o Online Public Access Catalog ay ang pinakamodernong paraan ng


paghahanap ng mga sanggunian, may-akda o anumang paksa.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga aklatan sa mga pamantasan ay may mga
modernong paraan upang ang sistema ng pagkakatologo ng mga aklat, may
akda at mga paksa ay mapadali.
Hakbang sa paghahanap:
1.Gamit ang naiprogramang kompyuter, kailangan lamang i-type ang pangalan
ng may-akda, o ang pamagat ng paksa, o ng aklat, o anumang salitang
materyal kaugnayan sa paksang nais saliksikin.
2. Lalabas sascreen o monitor ang lahat ng mga aklat, kabilang na ang may-
akda at iba pang aklat na may kaugnayan sa paksang nais saliksikin na
maaaring gamiting sanggunian para sa paksang nais palawakin o paunlarin
(Atanacio H.C. et. al. 2009).
2. Internet

 Parami nang parami ang gumagamit ng Internetsa pagkalap ng mga datos at


impormasyon para sa isang sulatin.
 Itoang pinakamadali at pinakapraktikal na paraan ng pagkalap ng
impormasyon lalo na sa panahon ngayon ng teknolohiya.
 Ngunit di rin maisasantabi ang malaking pagkakaiba ng mga datos na nakalap
mula sa Internet at mga datos na nagmula sa tradisyonal na pananaliksik sa
aklatan.
 Napakalaking tulong para sa mga mananaliksik ang Internet ngunit kailangang
maging maingat at mapanuri sa pagkuha ng datos rito.
Narito ang mga Dapat Isaalang-alang ng mga Mananaliksik
sa paggamit ng Internet

 Huwag laging nakasalig sa mga datos na makukuha sa Internet.


Kapag gagamit ng Internet, sikaping ihambing o kumuha pa ng
karagdagang impormasyon mula sa mga aklat upang maging kapani-
paniwala at mula sa dalubahasa ang sanggunian.

 Limitahan ang iyong paksa bago mag-log- on. Malawak ang


nasasaklawan ng Internet kaya tiyaking bago magsimula sa pagkuha
ng tala, dapat ay tiyak ang paksa upang hindi na mahirapan sa
paghahanap sa mga datos.
 Alamin ang mga mahahalagang directory o search engine.
Iba-ibang search engine ang maaaring paghanguan ng iyong
mga datos tulad ng Google, Yahoo, Alta Vista, at iba pa.
Tukuyin kung ano ang pinakaepektibo at angkop na search
engine para sa paksang nais saliksikin.

 Itala rin ang mga detalye ng mga websitena ginamit.


Maaari kasi itong maging kapaki-pakinabang sa inyo sa
darating na araw para sa iba pang mananaliksik na nais
gawin.

You might also like