You are on page 1of 33

Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Aurora State College of Technology

Zabali, Baler, Aurora

KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
(KOMFIL)
GE10

MODYUL 2
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA
SA KOMUNIKASYON

PANGALAN NG MAG-AARAL:
__________________________________

KURSO/ TAON AT SEKSYON:

__________________________________

1
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ARALIN 2

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Mga Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng bawat mag-aaral na:
 Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika
sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong
bansa;
 Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pananaliksik;
 Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon na akma
sa iba’t ibang konteksto; at
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

PANIMULANG GAWAIN
Paunang Tanong
1. Sa kasalukuyan ay napakarami ng impormasyon ang naglipana. Marami
tayong mga katanungan at problema na nais na mabigyan ng kasagutan
ngunit sa bawat impormasyon na ating nakakalap, nakatitiyak ba tayo sa
relayabiliti at pagiging akyureyt nito?
___________________________________________________________________

2. Isa rin sa problema sa kasalukuyan ay ang pagpoproseso ng mga impormasyon,
ano sa tingin mo ang bagay na kinakailangan mong isaalang-alang sa pagsusuri ng
bawat detalyeng nakakalap? ___________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Paunang Gawain
May nagpapakalat ng maling impormasyon sa internet mula sa iba’t ibang
grupong sosyo-politikal. Magbigay ng halimbawa ng isang paskil ng disimpormasyon
mula sa social media (halimbawa: Facebook) at tukuyin ang mali o binaluktot na
impormasyon batay sa iba’t ibang pagkakatiwalaang sanggunian. Isulat sa loob ng
kahon ang hinihingi sa bawat letra.

A. disimpormasyon mula sa Social Media

B. Ang mali o binaluktot na impormasyon batay sa iba’t ibang pagkakatiwalaang

sanggunian

3
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PAGTALAKAY

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA

KOMUNIKASYON
 Lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating kakayahan na magproseso ng
impormasyon- ang bawat butil ng impormasyon na alam natin at anumang
kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa– dahil ito ang malaking bahagi ng
ating kaalaman.

PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON

Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggalingan ng mga katunayan (facts and

figures at datos) na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman
hinggil sa isang isyu, penomeno o panlipunang realidad. Ito ay mahalaga lalo
na sa aspeto ng edukasyon at paggawa ng pormal na kasulatan.

PRIMARYANG BATIS
Ay ang mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang
nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas,
nakaobserba o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomeno.
Mga indibidwal o awtoridad, grupo, organisasyon, pamilya, asosasyon,
unyonm fraternity, katutubo o mga minoya, samahan, simbahan at
gobyerno.

Halimbawa:
• mula sa harapang ugnayan sa kapuwa-tao
1. pagtatanong-tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. umpukan
5. pagbabahay-bahay
• mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel , na madalas ay may
kopyang elektroniko:

4
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

1. awtobiyograpiya;
2. talaarawan;
3. sulat sa koreo at email;
4. tesis at disertasyon;
5. sarbey;
6. artikulo sa journal;
7. balita sa diyaryo, radio at telebisyon
8. mga record ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng
konstitusyon, katitikan ng pulong, kopya ng batas at kasunduan,
taunang ulat at pahayagang pang organisasyon;
9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament;
10. talumpati at pananalita; at
11. larawan at iba pang biswal na grapika.

• iba pang batis:

1. harapan o online na survey
2. artefact kagaya ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen,
pera, kagamitan at damit;
3. nakarekord na audio at video;
4. mga blog sa internet n anaglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon;
5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet; at
6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika painting at music video.

SEKUNDARYANG BATIS
Ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa mga
indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas,
nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomenon.
Halimbawa:
• ilang artikulo sa diyaryo at magasin kagaya ng editoryal, kuro-kurong tudling,
sulat sa patnugot at tsismis o tsika;
• mga tikhay o tisis, disertasyon at feasibility study, nailathala man ang mga ito
o hindi.
• encyclopedia;
• almanac;
5
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

• atlas;
• teksbuk;
• manwal at gabay na aklat;
• diksyonaryo at tesoro;
• kritisismo;
• komentaryo;
• sanaysay;
• sipi mula sa orihinal na hayag o teksto;
• abstrak;
• mga kagamitang pampagtuturo kagaya ng PowerPoint presentation; at
• sabi-sabi
Iwasan ang nalathala sa mga tinatawag na predatory journal na hindi
kinikilala sa akademya bilang kapani-paniwala at katiwa-tiwalang sanggunian.

• Sa pagsangguni sa mga sekundaryang batis, iwasan ang tahasang

pagtitiwala sa mga sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o
dagdagan ng sinuman (halimbawa:Wikipedia).

HANGUANG ELEKTRONIKO
Maituturing ang internet bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabiis
na hanguan ng mga datos.
Ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon gunitt, gaano kaya
kahalaga ang impormasyong nanggaling sa internet? Ano-ano ang mga
sukatan ng kahalagahan nito?

Narito ang ilang payo tungkol sa bagay na ito:

 Anong uri ng website ang tinitignan?
Ang webpage o Uniform Resource Locators (URL’s) na nagtatapos sa
.edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko.
Halimbawa: http://www.ascot.edu.ph
Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang
com ay mula sa komersyo.

Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org at www.google.com

6
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng

pamahalaan.

Halimbawa: www.makaticity.gov

http://www.tourism.gov/

 Sino ang may akda?

Ang pag-alam sa kredensyal at kredibilidad ng mat akda ng
impormasyon ay maaaring makatulong sa pagiging balido ng
impormasyon na inilahad
 Ano ang layunin?
Nais bang magbahagi ng impormasyon o magtinda lamang ng
produkto?
 Paano inilahad ang impormasyon?
Ang teksto ba ay makatotohanan at walang kinikilingan o batay sa
opinion lamang?
 Makatotohanan ba ang teksto?
Alamin kug opisyal ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay
wasto o hindi.
 Ang impormasyon ba ay napapanahon?
Mainam kung napapanahon ang impormasyon, marapat na nakalagay
ang petsa ng pinakahuling rebisyon.

KAPUWA-TAO BILANG BATIS NG IMPORMASYON

Sa pagpili ng mga kapuwa-tao bilang batis ng impormasyon,
kailangang timbangin ang kalakasan, kahinaan at kaangkupan ng
harapan at mediadong pakikipag-ugnayan. Ang mga kapuwa-tao ay
karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung ang nasagap
sa kanila ay nakuha lang din sa sinabi ng iba pang tao.

MIDYA BILANG BATIS NG IMPORMASYON

Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon, kailangan ding
pag-isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan at kaangkupan nito para
sa binubuong pahayag ng kaalaman.

7
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Dapat unahin sa prayoritasyon ang mga primaryang batis, ang angkop

na uri ng midya at kredibilidad ng tukoy na midya.

PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng impormasyon,
kailangang paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa
ng mga katunayan at datos.
Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik
kung kaya inaasahang natukoy na ito ng mananaliksik bago pa man siya
pumili ng batis ng impormasyon.

PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG IMPORMASYON

Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos mangalap at magbasa ng mga

katunayan at datos para sa binubuong pahayag ng kaalaman.
Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng mananaliksik ng
kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at bumubuo siya ng buod hinggil dito.
Katangian ng Pagbubuod
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ang paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus gumagamit ng sariling
pananalita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Hakbang sa Pagbubuod
1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at
maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na
kaisipan.
3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang
paraang madaling maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.

8
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PAG-UUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON

Sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon mula sa iba’t ibang batis, kailangan ng

mananaliksik ng malinaw, matalas, metikuloso at mapanuring isipan.
Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, may iba’t ibang dulog sa pag-
uugnay-ugnay ng impormasyon.

Una, maaaring palitawin ang iba’t ibang aspeto ng ugnayan ng mga

impormasyon kagaya ng pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at
disbentahe, ang anggulo at anyo/mukha, pagtataguyod o
pagsalungat/pagtutol pagbatikos, paglilinaw, pagpapailalim, mga
hakbang sa isang proseso at elaborasyon.

Pangalawa, puwede ring tingnan ang tinatawag ni Spradley (1979) na

mga semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon. Ang ilan
sa mga halimbawa ng semantikong relasyon ay ang sumusunod:

 Istriktong paglalakip (strict inclusion): “Ang X ay uri ng Y”

Halimbawa: “Ang komiks magasin ay isang uri ng publikasyon
(Habito-Cadiz, 2008, p.50)
 Espasyal (Spatial): “Ang X ay isang lugar sa Y”
Halimbawa: Ang silid-aralan ay bahagi ng pisikl at simbolikong
espasyo ng buhay-estudyante.”
 Pagbibigay-katuwiran (rationale ): “Ang X ay isang rason para gawin ang Y.”
Halimbawa: Ang kawalan ng sapat na edukasyon ang isang dahilan
kung bakit pinahinto ng magulang ang anak sa pag-aaral.”
 Sanhi at Bunga/Kinalabasan: “Ang X ay resulta ng Y.”
Halimbawa: “Batay sa napag-alam ni De Vera (1982), sa panig ng
kalalakihan, ang tuksuhan ng kapuwa lalaki ay sanhi ng pakikiapid sa
ibang babae.”
 Lugar ng isang kilos: “Ang X ay isang lugar para gawin ang Y.”
Halimbawa: “Sa panahon ngayon, ang sinehan ay isang lugar para
sa romantikong ligawan.”
 Gamit (Function): “Ang X ay ginagamit para sa Y.”

9
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Halimbawa:”Paliwanag ni Guieb (2014), ang edukasyon ay ginagamit

ng estado bilang kasangkapang ideyolohikal para hubugin ang
kaisipan ng mga mamamayan.”
 Paraan-kinayarian (means-end): “Ang X ay isang paraan para gawin ang Y.”
Halimbawa: “Noong panahon ng panunungkulan ni Ferdinand E.
Marcos, ang pagdedeklara ng Martial Law sa buong bansa ay isang
paraan upang makontrol ng pamahalaan ang midya at lahat ng
sangay ng gobyerno.”
 Pagkakasunod-sunod (sequence): X is a step or a stage in Y.”
Halimbawa: Halimbawa: Ang pakikipagpalagayang-loob ay isa sa
mga unang hakbang sa pakikipanuluyan.”
 Atribusyon (attribution): “Ang X ay katangian ng Y.”
Halimbawa: Ang pagkahumaling sa Ingles ay isang katangian ng kolonyal
na kamalayan.”(Spradeley,1979, p.111)

Pangatlo, maaarig gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa

disenyo ng pananaliksik. Ang pagkokoda ay isang intensibong proseso ng
pagsususuri ng datos tungo sa pagbuo ng mga bagong kaalaman.

 Kwantitatibong Disenyo
Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang
paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng matematikal,
estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kopyutasyon.

 Kuwalitatibong Disenyo
Panayam at Pangkatang Talakayan
Kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay
malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito.
Layunin nitong magpaliwanag at magbigay ng inisyal na pagkaunawa tungo
sa pagbuo ng desisyon.
Survey
Ginagamit sa mga deskriptibo at kuwantitatibong pag-aaral ng malalaking
populasyon para sukatin ang kaalaman, persepsiyon, disposisyon,
10
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

nararamdaman, kilos, gawain at katangian ng mga tao. Ito ay ginagamitan ng

talatanungan at maaaring isagawa ng harapan o online.
Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagitan ng
mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig at ng tagapagbatid na
siyang tagapagbahagi ng impormasyon.

PAGSUSURI NG IMPORMASYON
Ngayon ay panahon na ng impormasyon. Sa kasamaang palad, ngayon ay
panahon din ng misimpormasyon. Sa kabila ng abeylabiliti ng at akses sa halos
lahat ng impormasyong kailangan ng tao, naglipana rin ang mga impormasyong
kalahating totoo at kalahating kasinungalingan. Naglipana na rin ang mga
impormasyong tahasang walang katotohanan, walang sapat na ebidensya,
walang sapat na batayan o kaya’y sumasala sa lohika. Kinakailangan na
paganahin ang kritikal at analitikal na pag-iisip upan masuri nang mabuti ang
bawat impormasyon.

Kaugnay ng pagsusuri ng mga impormasyon, iminungkahi ni Holan (2014)

sa artikulo niyang 7 Steps to Better Fact Checking ang sumusunod:
1. Hingan ng ebidensya ang sino mang naghahayag ng claim;
2. Maghanap ng natuklasan ng iba pang fact-checkers na nauna;
3. I-Google;
4. Maghanap sa deep web;
5. Maghanap ng mga eksperimentong may ibang pananaw;
6. Magbasa ng mga aklat; at
7. May iba pa ba?

11
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

PAGSASANAY
GAWAIN BLG. 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa kahingian:
1. Bakit mahalaga ang pananaliksik bago bumuo at magbahagi ng pahayag ng
kaalaman sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Tumukoy ng isang napapanahong isyu sa bansa na kaugnay ng isang larangan o
disiplina. Kung ikaw ay magpoprodyus ng poster tungkol sa isyung ito, ano-
anong batis ng impormasyon ang iyong bibigyang prayoridad? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ikaw ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa isang seminar hinggil sa
pananaliksik. Paano ka mangangalap ng mga impormasyon na gagawin mong
saligan sa iyong mga ilalatag na impormasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Sa iyong karanasan sa pananaliksik sa hayskul, paano pinag-uugnay-ugnay ang
mga impormasyon na galing sa iba’t ibang batis? Paano naman ginagawan ng
buod ang mga pinag-ugnay-ugnay na impormasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Sa iyong karanasan sa pananaliksik sa hayskul, paano pinag-uugnay-ugnay ang

mga impormasyon na galing sa iba’t ibang batis? Paano naman ginagawan ng
buod ang mga pinag-ugnay-ugnay na impormasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

GAWAIN BLG. 2
Paggawa ng Mapanghikayat na Pananalita
Panuto: Pumili ng isang napapanahon at mainit na isyung panlipunan na pinag-
uusapan at pinagbabalitaktakan ng maraming Pilipino. Maaring pumili ng isa sa
sumusunod:
1. Pagpapatupad ng Martial Law sa buong bansa
2. Pagbabawal o paglilimita ng dinastiyang politikal
3. Same sex marriage
4. Paggamit ng wikang Filipino o rehiyonal na wika bilang opisyal na wika sa
lahat ng mga korte sa bansa
5. Pagbabawal sa kontraktwalisasyon sa empleyo
Maaari ring mag-isip pa ng ibang napapanahon at mainit na isyung
panlipunan na siyang gagawan ng mapanghikayat na pananalita.
Batayan ng Grado Puntos Grado
Tumapak ang mga datos at impormasyong ginamit sa papel 10
Malikhain at nakahihikayat ang gamit ng wika 10
Malalim ang pagsusuri sa isyu at nakapagbigay ng malinaw na 10
argumento
Maayos ang Sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi 10
ng papel
Nailahad ang iba’t ibang panig ng paksa 10

13
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

Panuto: Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa pagsulat ng tekstong argumentatibo

14

15
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

GAWAIN BLG. 3
Maghanap ng isang video o artikulo sa blog na ginawa ng isang Pilipino na
nagtatampok sa isyu o paksa hinggil sa ekonomiya politika, kultura, o kalakasan sa
bansa. Suriing mabuti ang inilahad na pahayag ng kaalaman ng tagapagsalita sa
materyales at sagutin ang sumusunod:

1. Ano-ano ang impormasyon na ginamit ng tagapagsalita bilang batayan ng

kaniyang pahayag sa materyal na iyong binasa, pinakinggan o pinanuod?
________________________________________________________________

2. Ano-ano ang batis ng impormasyon na ginamit niya para mabuo ang pahayag?
Katiwa-tiwala ba ang mga sangguniang ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, anong mga impormasyon, sanggunian at paliwanag ang
kulang sa kaniyang pahayag?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

16
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PAGTATAYA

Panuto: Pag-iisa-isa ng nga Wastong Sagot. Isa-isahin ang mga hinihingi sa bawat
bilang.
1-4. Ano-anong uri ng batis ng impormasyon ang maaring gamitin kung ang layon
ng pagbuo ng kaalaman na ibabahagi sa isang sitwasyong pangkomunikasyon ay
ang sumusunod:
a. Tukuyin ang dahilan ng hindi pagsang-ayon ng mga mamamayang Pilipino sa
pagpapatupad ng Martial Law sa bansa; at
______________________________________________________________

b. Alamin kung ano ang posibleng epekto nito sakaling maipatupad ito.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5-8. Magbigay ng limang pamamaraan ng pangangalap ng datos na angkop sa
kulturang Pilipino.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

9-10. Ano-ano ang maipapayo mo sa isang mag-aaral na planong magprodyus ng

videos hinggil sa bagong kaalamang nabuo niya sa pananaliksik upang epektibo

17
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

niyang maibahagi ang kaalamang ito sa isang sitwasyong pangkomunikasyon

(halimbawa:seminar)?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Pagmunian:

Noong Mayo 5, 2020 ay tuluyan ng pinasara ng NTC ang ABS-CBN. Manuod

ng mga balita sa pamamagitan ng Youtube hinggil sa isyung ito at alamin ang mga
kadahilanan sa naging desisyon na ito.

Ano ang mga mahahalagang impormasyon na naging saligan o batayan ng

mayorya sa kanilang naging desisyon? Ano sa tingin mo ang mga posibleng epekto
ng pag-shutdown ng pinakamalaking kompabya ng medya sa ating lipunan higit lalo
sa mahigit 11,000 na empleyado nito?

18
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

MGA SANGGUNIAN

1. Bernales at mga kasama (2019). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa

Filipino
2. San Juan at mga kasama (2018). PIGLAW-DIWA: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (Teksbuk sa Bagong Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo)
3. https://www.scribd.com/presentation/421905848/PAGPOPROSESO-NG-
IMPORMASYON-PARA-SA-KOMUNIKASYON-KOMFIL-pptx
4. https://www.scribd.com/presentation/425621367/Pagpoproseso-Ng-
Impormasyon-Para-Sa-Komunikasyon

Inihanda nina:

Bb.Vanessa L. De Asis at

Bb. Sophia Ann T. Gorospe

19
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Aurora State College of Technology

Zabali, Baler, Aurora

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA FILIPINO (KOMFIL)

GE10

MODYUL 3

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG

MGA PILIPINO

20
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PANGALAN NG MAG-AARAL: __________________________________

KURSO/ TAON AT SEKSYON: __________________________________

ARALIN 3

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Mga Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng bawat mag-aaral na:

 Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
 Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
 Makapagpahayag nang mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng mga Pilipino sa Iba’t
ibang antas at larangan.

PANIMULANG GAWAIN

Paunang Tanong

1. Ano-ano ang madalas na pinag-uusapan ninyo ng iyong kaibigan? Kamag-

aral? Pamilya? Guro?

21
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Gaano kadalas nagaganap ang hindi pagkakaintindihan ng iyong mga

kausap?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit may pagkakataong hindi naiintindihan ng tagatanggap

ng mensahe ang ipinapadala ng tagapaghatid?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Paunang Gawain

Tukuyin kung anong mensahe ang inihahatid sa larawan. Bakit ito ang
mensaheng iyong isinagot?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

22
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGTALAKAY

GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

TSISMISAN

Noong ikalabindalaawng siglo, ang salitang gossip o tsismis sa tagalog ay

hango sa sinaunang Ingles na kung saan ang pinagmulan ng salitang ito ay “god-
sibbs”. Ang God-sibbs ay tumutukoy sa mga ninong o ninang na pinag-uusapan ang
mga nangyari sa binyag o kahit anong okasyon ng kamag-anak (Berkos, 2003).
Pagkalipas ng ikaapat na siglo, ang terminong ito ay nagkaroon ng panibagoing
kahulugan na tinawag na idle chat o pagkukwento dahil walang magawa. Ito ay
karaniwang naiuugnay sa mga kababaihan na mahilig magsabi ng mga pahayag na
hindi naman dapat na ikalat.

Noong panahon naman ng kastila, ang tsismis ay may mabuting naidudulot

sa mga tao. Ito ay dahil sa pagkakalat at pagsasalin ng mga nasagap na
impormasyon sa iba’t ibang tao upang mahuli ang magnanakaw sa espesipikong
bayan. Lilitisin ng hukuman ang magnanakaw sa nasangkot sa tsismis batay sa
kuro-kuro na nalikom. Ang tsismis ay naging laganap na gawain nang nakararami
noong panahon ng mga kastila dahil sa represyon sa pagpapahayag ng saloobin
laban sa mananakop at dahil ang mga kastila mismo ay mahilig sa tsismis. Kaya
hango sa salitang kastila “chisme” ang salitang tsismis. (Castronuevo at Regala,
2015).

UMPUKAN

23
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa katunayan, ang umpukan ay gawain na nakabubuo ng maliit na grupo.

Ayon sa pinoydictionary.com, ang umpukan ay maliit na grupo ng tao. Sa
komunikasyon, ang umpukan ay nakagawiang paraan ng pakikipagkwentuhan na
binubuo ng maliit na pangkat. Maaaring ang salitang umpukan ay kasingkahulugan
ng pakikipagkwentohan.

May mga pag-aaral na ginagamit ang umpukan bilang metodolohiya ng

pananaliksik. Epektibo ito sa mga kuwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik.
Ayon kay De Vera (nasa Pe-Pua, 1989), ang pakikip[agkwentohan ay waring
mahusay na paraan na pagkuha ng datos tungkol sa mga bagay na mahirap aminin
ng tao, sapagkat sa pakikipagkwentohan, malaya ang isa magpahayag ng anumang
opinyon o karanasan. Ngunit, ayon pa rin kay De Vera, may kahinaan ang ganitong
pamamaraan ng pananaliksik, ang magpatangay ang iba sa opinyon ng nakararami.

KOMUNIKASYONG BERBAL

Uri ng komunikasyon na ginagamit ang wika. Maaaring nasa anyong pasalita o

pasulat.

KOMUNIKASYONG DI- BERBAL

Ito ay komunikasyong hindi gumagamirt ng wika. Kabilang sa komunikasyong ito ang

kilos, amoy, kulay at iba pa na nagbibigay ng kahulugan.

a. Chronemics –Ito ay paggamit ng oras bilang mensahe sa komunikasyon.

Halimbawa, ang pagdalo sa unang araw ng klase nang maaga ay nagbibigay
kahulugan ng mas importanteng pagkikita. Gayundin, ang pagtawag sa
cellphone ng kakilala sa kalaliman ng gabi ay maaaring makapagdulot ng
kaisipang pangangamba, pagkabahala o pagkatuwa dahil sa mensaheng
ipinahihiwatig ng oras na tiyak na mahalaga.
b. Proxemics – Ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa ibang tao.
Ayon sa aklat na Wika at Komunikasyon nina Bernales, et al. (2013, may mga
pagkakaibang kultural kaugnay ng distansyang pisikal at pag-aayos ng pisikal
na seting ng mga bagay-bagay. Sa Britanya, halimbawa, bibihira ang pisikal
na kontak sa pagitan ng mga tao. Maliban kung sila ay magkakaibigan,
pakikipagkamay ang pinakatanggap na anyo ng kontak.

24
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

c. Kinesics –Ito ay tinatawag ding body language. Ito ay komunikasyong

gumagamit ng katawan bilang mensahe. Ilang halimbawa ng kinesics ay
kumpas ng kamay, ang paghawak sa ating tiyan ay maaaring
nangangahulugang tayo ay nagugutom o masakit ang tiyan. Gaya ng kumpas
kapag, nagtatalumpati, may mga kahulugan ding ipinararating ang bawat kilos
kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao.
d. Haptics –Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag
nagpapabatid ng mensahe. Halimbawa, iba ang kahulugan ng mga salitang
hawak, hap[los, pisil, hablot, himas at pindot. Bawat isa ay may angking
kahulugan na hindi gumagamit ng salita o berbal.
e. Iconics –Ito ay paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng
komunikasyon. Halimbawa, mga simbolong ginagamit sa kalsada bilang
babala, mga simbolong ginagamit sa gamot upang tukuyin kung lason o hindi
at mga simbolong ginagamit sa pinto ng palikuran sa pagtukoy ng kasarian.
f. Colorics –Ito ay komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng
mensahe. Sa iba, may politikal na kahulugan ang kulay. Iba rin ang kahulugan
ng kulay na makikita sa kalsada, sa puting bandilang iwinawagayway at kahit
sa itim na damit.
g. Paralanguage –Ito ay komunikasyong batay sa paraan ng pagbigkas ng
pahayag. May pagkakataong sumasang-ayon tayo sa kausap pero pagtanggi
ang tono ng pagkakasagot. Kabilang dito ang bilis, tono o intonasyon ng
boses at diin ng pagbigkas ng mga pahayag.
h. Oculesics- Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng
mensahe. May kahulugan ang panliliit ng mata, panlalaki at kahit pagkindat.
i. Olfactorics- Komunikasyong gumagamit ng pang-amoy sa pagpaparating ng
mensahe.
j. Pictics- Ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe. Sa
mukha makikita kung ang tao ay malungkot, masaya, galit, nangangamba,
natatakot, at iba pang uri ng damdamin.
k. Vocalics- Paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi sakop sa
komunikasyong ito ang mga tunog na pasalita. Halimbawa ay pag-ehem o
kiaya ay pag-tsk-tsk.

25
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

MGA EKSPRESYONG LOKAL

Ayon kina Garcia, et al. (2012), ang mga wikang pasenyas, wikang paaksyon at
wikang ginagamitan ng bagay ay may mga uri rin ng di-berbal na komunikasyon na
maaaring ituring bilang ekspresyong lokal.

Ang ekspresyong lokal ay nakagawiang pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa na

likas lamang sa isang partikular na lugar. Gaya ng wikang pasalita na bagama’t
pareho sa baybay ay nag-iiba-iba rin ito ng kahulugan batay sa kultural na konteksto
nito.

Ilan pa sa mga gawing pangkomunikasyon ay pakikipagkwentohan, pagtatanong-

tanong, pagbabahay-bahay at pulong bayan. Lahat ng gawing pangkomunikasyon
ay maaaring pamamaraan sa pananaliksik o pangangalap ng datos.

Sapagkat ang henerasyon sa kasalukuyan ay pinalilibutan ng teknolohiya, halos

lahat ng tao ay nagmamay-ari ng iba’t ibang social media account. Hindi kataka-taka
na ang ekspresyong ginagamit sa pagsasalita ay nagmumula sa social media.

Noong 2016, may inilabas ang rappler.com na mga salita at pahayag na poipular
sa social media at nadadagdagan pa. Ito ay mga ekspresyong karaniwang ginagamit
sa social media. Ilan nito ay:

1. Lodi, petmalu, werpa, orbs

Likas sa wika ang pagiging malikhain. Ito ay kakayahan ng wika na bumuo ng
mga salita na may pinagbabatayan. Mula sa mga salitang pinagbabali-
baligtad, nabuo ang mga salita LODI mula sa IDOL, PETMALU para sa
MALUPI(E)T, WERPA para sa PAWER at ORBS para sa BRO.
2. Paqod c acoe
3. Kyah pembaryah

26
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

PAGSASANAY
GAWAIN BLG. 1

Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang

antas at larangan.

Ilarawan ang mga sumusunod.

1.Tsismis

2..Umpukan

3..Di-Berbal

4..Ekspresyong Lokal

27
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

GAWAIN BLG. 2

Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng

tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.

Sa inyong facebook account, maghanap ng tatlong (3) meme at i-edit ito

upang makabuo ng makabuluhang mensahe tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa
kolehiyo.

A.

B.

c.

28
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

PAGPAPAHALAGA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at pangatiwiranan. Ilagay ang sagot sa

kasunod na patlang.

A. Paano mo pinahahalagahan ang Filipino gamit ang mga gawing

pangkomunikasyon gaya ng tsismisan at umpukan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________.
B. Ang pag-usapan ba ang buhay ni Rizal ay maituturing na tsismis? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________.
C. Paano nakatutulong ang di-berbal na komunikasyon sa pagpapahayag ng
ideya o impormasyon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

D. Sa paanong paraan makikilala ang mga lokal na ekspresyon bilang

pagkakakilanlan ng mga Pilipino?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

29
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

MGA SANGGUNIAN

1. Zapico at mga kasama (2000). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa

Filipino

Inihanda nina:

Bb. Vanessa L De Asis at

Bb. Sophia Ann T. Gorospe

30
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino

31

32

33

You might also like