You are on page 1of 17

YUNIT 4 Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga

Pangunahing Sanggunian sa Pagdadaluma


Pagteteorya sa Kontekstong P/Filipino
(Pangalawang Bahagi)

MGA LAYUNIN

Makapag-ambag ng iba’t ibang Gawain o panukala sa pagtataguyod ng Sistema


ng edukaaaasyon sa Pilipinas.

LUNSARAN

Panoorin ang short film na “Taya” ni Adi Bontuyan (2013) na matatagpuan sa


Viddsee. Paano nagkakahalintulad ang mga larong pambata sa mga kasalukuyang
nangyayari sa ating bansa?

Basahin

Sa paghahanap ng mga tala ng kasaysayan na makatutulong sa kaniya upang


maunawaan ang pamumuhay ng mga katutubo bago dumating ang mga Español,
nagpunta si rizal sa isang aklatan sa London uoang mabasa ang librong Sucesos De
Las Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Naglalaman ito ng mga obserbasyon tungkol sa
pamumuhay ng mga katutubo, mga impormasyon na makatutulong sa kaniya upang
malaman ang kalinangan ng kaniyang lahi. Gayunpaman, nabigo si Rizal dahil sa hindi
wasto ang pagsusuri ni De Morgan a ang mga katutubo ay hindi sibilisadp. Gumawa ng
anotasyon si Rizal ng nagsabing libro upang bigyang-linaw ang mga maling pananaw ni
De Morga at igiit na may sibilisasyon na ang mga katutubo bago pa man dumating ang
mga Español.

Ipinakita ng karanasang ito ng ating pambansang bayani na maaaring


magkamali ang isang indibidwal sa pag-unawa sa mga nangyayari sa isang lipunan
kung ang ginagamit niyang kasangkapan sa pagsusuri nito ay lente na nagmula sa
dayuhan. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga kategorya na ginagamit natin sa pag-
unawa sa ating kapaligiran ay hiram lamang natin sa mga kanluraning kaisipan.
Malaki ang impluwensiya n gating edukasyon sa kolonyal na kaisipan na taglay
natin sa kasalukuyan, lalo pa at ang mga Amerikano ang nagtatag ng sistema ng
pampublikong edukasyon sa bansa. Ang ating pagtingin naman sa kasarian ay
naiimpluwensiyahan ng mga relihiyon sa bansa, partikular ang Kristiyanismo.

Pilosopiya at Sikolohiyang Pilipino

Malaki ang naging ambag ng Propesor na si Emerita S. Quito sa kairalan ng


pilosopiyang Pilipino. Ipinanganak sa noo’y bayan pa lamang ng San Fernando,
Pampanga, lumuwas ng maynila si Quito upang mag-aral ng pilosopiya sa Unibersidad
ng Santo Tomas (UST). Sa halip na kumuha ng kursong abogasya, ipinagpatuloy niya
ng pagpapakadalubhasa sa pilosopiya sa gradwadong programa at nakuha ang digri sa
masterado sa parehong pamantasan. Sa Europe naman natapos ni Quito ang digri sa
doktorado sa Univerite de Fribourg, Switzerland noong 1965.

Dahil sa napakaraming publikasyon na pangunahing nakatuon sa pilosopiyang


Pilipino, ginawaran siya ng De La Salle University (DLSU) ng isang festschrift (festival of
writings) na may titulong A Life of Philosophy: A Festschrift in Honor of Emerita S. Quito
(1990) na naglalaman ng kanyang piling-piling mga publikasyon.

Sa pananw ni Quito, kakikitaan ng matinding sensitivity at pride na may rason


ang mga Pilipino (Liwanag, 2016). Ditto nagmumula ang ating pagiging matiisin at
magpasensiya, kabilang ang hindi agarang pagkilos para sa pagbabago at manahimik
na lamang dahil sa sa kabiguan, tulad na lamang ng mahabang panahon na inabot
upang mapalaya natin ang ating sarili sa mananakop na Espanol. Dahil na rin sa
masyonalistikong pride kung kaya labis ang pag-aatubili natin na bumuo ng identidad
bilang Pilipno at sa halip na pisikal ang identidad ay kasarilinang diwa (soul identity) an
gating nahubog.

Dahil sa sensitivity ng mga Pilipino, nagiging personal sa atin ang lahat ng


bagay. Kapag may debate o sa tuwing magkakaroon ng eleksiyon, mas nakatuon an
gating pansin sa indibidwal at hindi sa argumento at plataporma. Ito rin ang dahilan kung
bakit tayo nagtutulungan sa panahon ng kalamidad, kagipitan at kahirapan sa buhay.

Kaugnay nito, sa akdang Lectures in ComperativePhilosophy (1979) ni Quito ay


sinabi niya na hindi tayo makabubuo ng orihinal na matatawag na “pilosopiyang Pilipino”
dahil ang ating diwa o Weltanschuuang ay masyadong pansarili at emosyonal upang
magkaroon ng mas transendental na paraan ng pagtingin sa mga bagay. Gayunpaman,
hindi ito dapat tingnan na pangmamaliit kundi isang hamon sa mga pilosopo sa ating
bansa. (De Leon, 2017) Sa mga akda ni Quito, ipinapakita na hindi tayo igagalang ng
ibang lahi hangga’t hindi natin inuunang kilalanin ang sarili natin.

Tulad ni Quito, sa ibang bansa rin nagtapos ng kaniyang doktorado si Virgilio


Gaspar Enriquez. Walang inaksayang oras si Enriquez, pagdating niya mula sa
Northwestern University sa Amerika bitbit ang kanyang Ph.D in Social Psychology ay
agad niyang ipinakilalaang konsepto ng Sikolohiyang Pilipino. Sa tulong ng dating
tagapangulo ng Departamento ng Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas na si Dr.
Alfredo Lagmay, nagsagawa ng pag-aaral si Enriquez tungkol sa historikal at kultural na
pinagmukan ng Sikolohiyang Pilipino. Mula sa pananaliksik na ito ay nilikha ng
bibliograpiya ng Sikolohiyang Pilipino at ang “Panukat ng Ugali at Pagkatao.” (Pe-Pua at
Protacio-Marcelino, 2000, akin ang salin).

Ang paggamit ng konsepto at panukat na hindi naaangkop sa isang kultura ay


maaaring magpakita ng hindi tamang interpretasyon ng kilos at pag-iisip sa isang
indibidwal. Kung gayon, dapat ay naaayon sa kontekstong ginagalawan ng isang
indibidwal. Ito ang nais tugunan ng Sikolohiyang Pilipino, ang pag-uunawa ng Pilipinong
kaisipan at karanasan gamit ang perpekstibang Pilipino. (Enriquez, 1976).

Isa sa mga pangunahing bunga ng kaniyang pag-aaral ay ang pagtanggi na ang


Kapwa ay salin sa SIR o “Smooth Interpersonal Relations” na kadalasang nakakamit sa
pakikisama. Ayon sa kaniya, mas tamang kilalanin ang kapwabilang SIS o “Shared Inner
Self” Kung saan ito ay bunga ng pinagkaisang pagpapahalaga ng tao, hindi tulad sa SIR
na pag-iwas lamang sa gusot. (Aguiling-Dalisay, 2003)

Tinukoy ni Enriquez ang Kapwa bilang pangunahing pagpapahalaga (core value)


sa instruktura ng pagkilos at pagpapahalaga ng mga Pilipino na nagsisilbing batayan ng
ating “Pagkatao.” Sa pamamagitan din nito ay naipapamalas natin ang ating
“Pagkamakatao” mula sa ating Kagandahan-Loob (Shared Inner Nobility). Gayundin,
maipapakita natin ang ating “Pagkikipagkapwa-tao” sa pamamagitan ng Pakikiramdam
(Shared Humanity).

Ang pakikiramdam ay nagpapahalaga sa kalooban ng tao na kinapapalooban ng


aktibong proseso ng maingat na pagmamatyag sa damdamin ng kapwa bago magsalita
o kumilos. Nakikita ito sa panloob at panlabas na dimensiyon ng damdamin: ang dama
at damdam. Angb dama ay tumutukoy sa panlabas na pakikitungo natin sa ating kapwa
habang ang damdam ay tumutukoy sa kalooban ng tao.

Nagbigay rin ng Sikolohiyang Pilipino ng alternatibong pagtingin sa mga


pagpapahalagang Pilipino, tulad na lamang ng bahala niya, hiya, utang na loob,
pakikisama at pakikipagkapwa. Nagmungkahi rin ito ng isang metodo ng pananaliksik,
ang pakapa-kapa (groping) na kinasasangkutan ng pangkapa, paghahanap at pagtuklas
ng isang hindi-sistematikong bulto ng panlipunan at kultural na datos upang makakuha
upang makakuha ng kaayusan, kahulugan at direksyon para sa pananaliksik. (Torres,
1982, p. 171, akin ang salin.)

Tungo sa Makabayan, Siyentipiko, at Makamasang Edukasyon

Hindi magiging matagumpay ang anumang tangka ng Pilipinisasyon ng mga


konsepto at teorya kung mananatiling neoliberal ang edukasyon sa Pilipinas. Ang
neoliberalismo ay ang ideolohiyang nagtataguyod sa liberalisasyon sa ekonomiya na
may layuning paigtingin pa ang mga karapatan at imperatibo ng pribadong pag-aari.
(Lumbera, Guillermo, at Alamon, 2007).

Nahagi nito ang mga patakarang pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon.


Ang pribatisasyon ay ang pagbebenta at pagpapaubaya sa mga pribadong negosyo ng
mga kompanya at serbisyo na dating pinatatakbo at inihahatid ng gobyerno. Ang
deregulasyon ay tumutukoy sa hindi pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng isang
produkto o serbisyo habang ang liberalisasyon ay lalong pagbubukas sa ating bansa sa
dayuhang interes.

Edukasyon ang pangunahing naging kasangkapan ng mga Amerikano sa


pagsakop hindi lamang n gating bansa, maging n gating kaisipan. Ang wikang Ingles na
ginagamit bilang wikang panturo ang nagpapanatili ng kadenang kolonyal sa ating
sistemang pang-edukasyon.

Sa akda ng pilosopong Pilipina at propesor na si Emerita S. Quito ay tinalakay


niya na ang paggamit ng wikang banyaga sa mga paaralan ay nagsislbing balakid
upang makalikha tayo ng matatayog na panitikan o pilosopiya. Ayon kay Quito (2009),
“ang wika ay nanggagaling sa kaibuturan ng kaluluwa, at ito ang dahilan kung bakit hindi
tayo maaaring lubos na matuto ng Ingles.” Ito ay dahil salat ang Ingles sa mga salita na
maaaring gamitin upang ilarawan an gating buhay, diwa, at kalinangan dahil na rin hindi
angkop ang wikang banyaga sa kaluluwa natin bilang bansang Pilipino. ;dagdag pa ni
Quito (2009), “nahahati an gating pagkatao sapagkat hindi natin maipahayag an gating
damdamin sa isang wikang akma sa ating kaluluwa.

Masasabing malaki rin ang epekto nito sa kasalukuyang tagilid na kalagayan ng


ekonomiya n gating bansa. Hindi na lamang produktong agricultural na kinakailangan
ng mga industriya ng United States an gating inieksport, naging pangunahing kalakal na
rin n gating bansa ang mga manggagawa. Sa panahon ng neoliberalismo, napalitan ng
pagluluwas ng mga tao ang dati’y pagluluwas ng produktong agricultural. (Lumbera,
2007). Kaugnay nito, naglabas ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng
Executive Order 210 noong 2003 na nagsusulong sa Ingles bilang wikang panturo
upang matugunan ng sistema ng edukasyon ang pangangailangan para sa
manggagawang Pilipinong nakapagsasalita ng Ingles.

Ang edukasyon mismo ay itinuturing din na kalakal sa ilalim ng neoliberalismo.


Sa salin ng Das Kapital na isinulat ni Ramon Guillermo, binigyang-kahulugan niya nag
kalakal bilang “isang bagay na tumutugon sa anumang uri ng pangangailangan ng tao
sa pamamagitan ng taglay nitong katangian” (Marx, 1867) Dahil sa silbi nito ay nagiging
halagang-gamit ang isang bagay, at batay sa kalidad at kantidad nito ay may katumbas
na halagang-pamalit na gagamitin upang bilhin ito.

Maging ang Unibersidad ng Pilipinas, isa sa mga premyadong pampublikong


pamantasan sa bansa, ay nakaranas ng hagupit ng neoliberal na patakaran sa
edukasyon. Makikita ang neoliberal na globalisasyon sa sistemang pang-edukasyon sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga patakaran sa edukasyon. Bahagi nito ang mga
tinatawag na tuition scheme katulad ng Socialized Tuition and Financial Assistance
Program (STFAP) at iba pang patakaran na nagtutulak na maging komersyalisado ang
edukasyon. Sa isang dokumento mula sa UP, sinabing naging katanggap-tanggap na
ang STFAP dahil sa palagiang kapos na badyet na ibinibigay ng pamahalaan sa mga
institusyong pagmamay-ari nito. Gayundin, dahil tinitingnan na ang mga benepisyo mula
sa edukasyon sa kolehiyo ay pinakikinabangan ng pribadng indibidwal ay
nangangahulugan ito na dapat ay nakahanda ang sinoman na magbayad para sa
halaga nito. (“Ad-hoc committee to review tuition and other fees: Final Report” nina De
Dios, Felix at Valderama, n.d., mula sa Raymundo, 2007).

Sa kasalukuyan ay libre na ang edukasyon sa mga pampublikong pamantasan


dahil na rin sa 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nilagdaan
ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017. Sa isinagawang pagdinig ng joint oversight
committee ng Kongreso noong Nobyembre 2018, natukoy ang ilang problemang
kinahaharap ng pagpapatupad ng nasabing batas, tulad na lamang ng siyam (9) lamang
sa 199 na pampublikong kolehiyo at pamantasan ang nakatanggap ng kaukulang pondo
para sa libreng matrikula (Cepeda, 2018). Makikita pa rin ang impluwensiya ng
neoliberalismo sa nasabing batas kung saan bahagi ng programa ang Tertiary
Education Subsidy (TES) na naglalaan ng pondo para sa mga mag-aaral na nais mag-
aral sa mga pribadong pamantasan.

Pagkawala sa Kahon: Mga Pagsusuri sa Kasarian

Bahagi rin ng impluwensiya ng pananakop ng mga dayuhan ang patriyarkal na


katangian ng lipunan, kung saan ang mga lalaki ang itinuturing na dominating uri. Dahil
dito, patuloy rin ang pagsisikap ng kababahian na isulong ang kanilang interes at
karapatan.

Marami ang nagpapalagay na ang feminismo ay inangkat lamang natin mula sa


agresibong feministang kanluranin ang takbo ng isip at pagkilos, kung kaya ipinapalagay
rin na wala itong katuturan sa pambansang pamumuihay at kultura. (Santiago, 1996).
Gayunpaman, mahalagang pag-aralan ang babae sa kasaysayan upang maunawaan
ang kahalagan ng kilusang-kababaihan sa kasalukuyan.

Nagtataglay ng kagalang-galang at maipagmamalaking posisyon sa komunidad


ang kababaihan sa panahon bago dumating ang mga mananakop na Espanol.
Relatibong mas mataas ang estado ng babae sa panahong ito, at bahagi rin sila ng
produksyon ng ekonimiyang nakasasapat ayt agrikultural. Sa kanila nakaatang ang
tungkuling espiritwal at kultural ng komunidad. Sa maraming etnolinggwistikong grupo,
matatagpuan ang mga babaylan (Visayas) at iba pang katawagan sa kanila, tulad na
lamang ng catalonan (Tagalog), mangalaasig (Kalinga), mangaanito (Pangasinan),
anitera (Gaddang), baliana (Bikol), mabalian (Bagobo), almono (B’laan) at doronakin
(Isneg). Hindi mapapasubalian ang mahalagang papel ng mga babaylan sa lipunang
katutubo. Gayunpaman, mabilis na naglaho ang kapangyarihang ito sa pagdating ng
mga mananakop na dayuhan. Sa ilalim ng kaayusang pyudal na pinalaganap ng mga
Espanol ay naging sapin-sapin ang pagkakaalipin sa kababaihan.
Sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan ay nagkamit ito ng tagumpay tulad
na lamang ng karapatan bumoto noong 1935. Sa kabila nito, nananatiling nakakahon
ang imahen ng kababaihan sa idealisasyon ng pagkaina at pagkabirhen. Maging sa
kulturang popular ay pinapalaganap ng media ang palasak na larawan ng babae bilang
pangkama, pangkusina at pambahay lamang.

Maging si Quito (1990) ay umamin na napakahirap iwaksi at baguhin ang


tradisyonal na paniniwalang nararapat lamang na nasa isang tahanan ang lugaar ng
babae at pangunahing tunguhin niya ang pagluluwal ng mga anak. Nakabaon ito sa
sistema ng pag-iisip at buhay sa lipunang Pilipino at sa paglipas ng panahon ay
nananatili na lamang na tinitignan ang pagkababae bilang isang kahinaan.

Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na rin ng mga oportunidad na


makapagtrabaho ang kababaihan, lalo’t hindi na karaniwang sumasapat ang kinikita ng
kalalakihan para sa gastusin ng kanilang pamilya. Sa kabila nito, hindi pa rin lubusaang
nakakawala sa kahon ang kababaiha. Naniniwala si Quito, na malaki ang maitutulong ng
mga unibersidad upang magkaroon ng kamalayan at pag-unawa ang kababaihan s aka
nilang karapatan, tungkulin at kakayahan.

Maging ang espasyo ng mga bakla sa lipunan at ang umiiral na isteryotipo sa


kanila ay tinatangkang basagin ng mga iskolar. Sa akda ni Madula (2009), dinalumat
niya ang paglaladlad ng mga baklang kasapi ng lihim na kilusan. Isinalaysay niya ang
karanasan ni Karlo, na sa una’y hindi magawang aminin sa kaniyang pamilya ang
kaniyang kasarian subalit pinalaya siya ng pagtanggap ng mga kasama sa lihim na
kilusan upang higit niyang matanggap ang kaniyang sarili.

Kahit sa lihim na kilusan tulad ng Kabataang Makabayan ay hindi rin agad ang
naging pagtanggap sa mga bakla. Dagdag pa ni Madula, dahil sa malakas na
impluwensiya ng pyudal na sistema sa kultura ng mga Pilipino ay kinakailangan pa ring
gibain ang hindi magandang pagtingin at mababang pagpapahalaga sa mga baklang
kasapi ng lihim na kilusan.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nagsagawa rin ng pag-amyenda sa Mga


Gabay at Tuntunin sa Pag-aasawa sa Loob ng Partido upang bigyang-linaw ang
kanilang paninindigan ukol sa pagpili ng kasarian ng mga kasama sa loob ng
organisasyon. Ayon sa dokumento, “Tutol sa Partido sa anumang uri ng diskriminasyon,
pang-aapi at pagsasamantalang umiiral sa lipunan. Bahagi rito ang pagtutol sa
diskriminasyong nakabatay sa piniling kasarian, ang pagkakait ng mga karapatan at
oportunidad batay sa piniling kasarian.”

Mauunawaan sa mga natalakay na teksto na hindi maihihiwalay na bahagi ng


pagpapalaya ng sambayanan ang pakikibaka papra sa kaarpatan ng kababaihan,
malayang pagpili ng kasarian at pantay na oportunidad at pagpapahalaga.
Pagsasanay

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa aling bahagi ng ating pagpapahalaga makikita ang sensitivity at pride ng mga


Pilipino?

2. Ano ang pakiramadam? Paano nagkakaiba ang SIR sa SIS ayon kay Enriquez?

3. Paano naiimpluwensiyahan ng neoliberalismo ang sistema ng edukasyon sa


Pilipinas?

4. Ano ang karanasan ng Unibersidad ng Pilipinas sa marketisasyon ng edukasyon?

5. Paano nagbago ang estado ng kababaihan sa lipunan mula sa panahon bago


dumating ang mga Espanol hanggang kasalukuyan?
KARAGDAGAN

Persona, Personahe at Penata: Pagpaparanas ng Karanasan at Pagsipat sa


Debosyon sa Bisita ng Santissima Trinidad

Naalala ko ang isang binatilyo na nagdarasal sa tapat ng imahen ng Mahal na


Nazareno. Pagkatapos manalangin, dinukot niya nag isang liham mula sa kanyang
bulsa at ihinulog sa siwang ng sakaming kwadro na pinaghihimlayanan ng eskulturang
pangrehiliyon. Sa kanyang tabi ay nakahilera ang iba pang imahen na inaalayan ng
bulaklak ng mga deboto.

Hindi ko na matandaan kung ano ang isinulat ko noon. Ang tanging alam ko
lamang ay tulad ng iba pag pumapasok sa bisita ng Santissima Trinidad, lahat kami ay
nangangarap na mabigyang katuparan ang anumang kahilingan na inilapat naming sa
kapirasong papel. Marahil, halos lahat sa atin ay naghahangad ng himala lalo na sa
panahon ng krisis, sa ekonomiya man o sa pagkatao, at umaasa tayo na may milagrong
maihahatid ang mga pananalangin sa mga santo.

Hindi na bago ang ganitong pagsandig natin sa hindi nakikita at ang pananalig sa
hindi maipaliwanag. Bahagi na ito ng daantaong tradisyon na mauugat bago pa
dumating ang mga Kastila. Marami sa atin, lalo na ang mga nakapag-aral, ay hindi
maunawaan kung paanong nakapapanatili ang ganitong uri ng pananampalataya sa
gitna ng rasyonalidad na itinuturo ng modernong panahon at itinuturing na mangmang
ang mga nagpapatuloy ng ganitong tradisyon. Maipapaliwanag lamang ang
penomenong ito sa pag-unawa na susi ang mga ritwal sa mga pook-sambahan tulad ng
simbahan upang matandaan, maisagawa, mahasa at maipasa ang kultura ng isang
lipunan.

Isang malaking trahedya t komedya ang buhay. Bawat isa sa atin ay aktor na
gumaganap ng iba’t ibang katauhan batay sa hinihingi ng pagkakataon sa mundong
nagsisilbing isang napakalaking tanghalan. Gamit ang teorya ni Diana Taylor hinggil sa
papel ng pagtatanghal na pagkatuto, pag-iimbak at pagpapasa ng karunungan, ituturing
kong mga pagtatanghal ang bawat eksena sa Bisita ng Santissima Trinidad na aking
natunghayan sa ilang ulit na pagsisimba rito. Sisilipin ko ang mga kwento kung paanong
naitatag ang Bisita sa Santissima Trinidad at mga natanggap na tunggalian sa
tanghalang ito. Sa ganitong paraan ay higit na maiintindihan ang kabuuan ng istorya,
eksena at karanasan ng mga deboto na hinubog ng pagtatanghal at kasaysayan.

Ituturing na tagpo ang bawat prosesong aking napagmasdan mula pagpasok ng


simbahan, pagpunta sa iba’t ibang bahagi ng bisita, pakikinig ng sermon ng pari at
pagmamasid sa paligid bago tuluyang umiwi. Isasaalang-alang din sa pagsusuri ang
mga props na ginagamit ng iba’t ibang karakter sa mga pagtatanghal sa loob ng
simbahan upang higit na maintindihan ang kabuuang karanasan na sa aking palagay ay
sadyang ipinaparanas sa mga deboto. Nais kong ipakita na ang kilos at gawi ng mga
namamanata sa Bisita ng Santissima Trinidad ay hinuhulma ng kanilang pagkakabantad
sa iba’t ibang tagpo na nagaganap sa loob nito.
Unang Tagpo: Mito, Milagro’t Kasaysayan
Tulad ng iba pang mito ng kahoy, huling bahagi ng ika-17 siglo (1670-1680) ay
sinasabing natagpuan ng magsasaka na nagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ngayon
ng Bisita ng Santissima Trinidad anng tatlong pirasong kahoy habang inaararo ang
kanyang bukid. Pinagdugtung-dugtung niya ito at napansin na mababakas dito ang
imahen ng Tatlong Persona. Dahil dito ay pinagtulung-tulungan ng mga mamamayan ng
tatlong nayon (Santissima Trinidad, Barihan at Pinagbakahan) na itayo ang simbahan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon mula sa kani-kanilang mga ani upang ipambili
ng materyales. Bagamat isa sa pinakamatandang barrio sa Malolos, ang Barihan ( na
dati’y sinasaklaw ang nabanggit na tatlong nayon) ay nagkaroon lamang ng bisitang yari
sa bato noong May 4, 1863.

Mula 1863 hanggang 1900 ay walang pormal na samahan ang direktang


namamahala sa Bisita bukod sa matatandang taal sa mga nabanggit na nayon.
Nagkaroon lamang ng Samahan ng Katandaan noong 1901 at nahalal bilang pangulo si
Ba Ambon De Regla ng Barrio Pinagbakahan. Bilang Bisita, ang Santissima Trinidad ay
pinagmimisahan noon ng Kura mula sa simbahan ng Barasoain dalawang beses isang
taon.

Napansin ng mga deboto na habang tumatagal ay lalong lumilinaw ang bakas ng


Tatlong Persona na natagpuang kahoy kung kaya’t naging tanyag ang bisita at dinadayo
ng mga mananampalataya mula sa iba’t ibang panig ng Luzon, lalo pa’t may iba pang
sinasabing himala na nangyari rito. Ayon sa kwento, bago dumating ang mga Hapon
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bumuo ang mga anay ng imahen sa pader ng
simbahan gamit ang kanilang mga bakas na nagpapakita ng mga tangke at mga
sundalong Hapon na may hawak ng baril, at dahil dito ay nabigyang babala ang baryo.
Ganito rin ang nangyari noong bumalik ang mga sundalong Amerikano bago matapos
ang giyera.

Dahil na rin sa papalaking bilang ng mga nagsisimba, nagpasya ang Samahan


ng Katandaan noong huling bahagi ng dekada ’80 na ipaayos, palakihin at pagandahin
ito, na naisagawa sa tulong na rin ng isang milagro. Ayon sa kwento, isang may-ari ng
pagawaan ng semento sa Laguna ang dumating sa Santissima Trinidad at ipinagtanong
kung saan matatgpuan ang sirang Bisita. Aniya, may tatlong kabataang nakabisikleta
ang dumating sa kanyang tahanan at kinausap siya upang sabihin na magpunta sa
kanilang Bisita dahil sira na ito. Nalingat lamang ang may-ari ng paggawaan ng
semento ay nawala na ang tatlong bata at labis ang pagtataka niya kung paanong
nakarating ang tatlong kabataan sa Laguna na sakay lamang ng bisikleta. Dahil dito,
nagpasya siyang hanapin ang bisita na binanggit ng mga kabataan at matapos niyang
Makita ang dibuho sa kahoy ng Tatlong Persona ay naisip niya na ang mga ito ang
nagtungo sa kanya. Napansin niyang wala na sa maayos na kondisyon ang Bisita, kung
kaya’y nagpadala siya ng isang truck na semento na ginamit sa pagtatayo ng simbahan.
Na pinunan ng iba pang materyales mula sa donasyon ng mga taga-nayon at deboto.
Dahil sa ang mga taga-nayon ang nagpundar o nagtulung-tulongupang maitayo ang
simbahan, masasabing nagkaroon sila ng komunal na pagmamay-ari sa Bisita ng
santissima Trinidad at nagsisilbing kapangyarihang pampulitika ang Samahan ng
Katandaan na siyang nagdedesisyon sa anumang usaoin na may kaugnayan sa
simbahan. Mahalagang bigyang-ddin ang katotohanang ito upang maintindihan n=ang
mga tunggaliang naganap at nagaganap kaugnay ng pananampalataya ng mga deboto
ng bisita ng Santissima Trinidad.

Ikalawang Tagpo: Tradisyon, Relihiyon at Tunggalian

Dekada ’80, nagretiro ang Kura Paroko ng Barasoain na si Msgr. Angel v.


Pengson at hiniling niya sa noo’y Obispo Cirilo Almario Jr. na payagan siyang manatili
sa Bisita ng Santissima Trinidad. Nakipag-usap si Msgr. Pengson sa Samahan ng
Katandaan na payagan siyang manirahan sa Bisita sa panahong siya ay nabubuhay,
kapalit ang pagpapasigla sa buhay-pananampalataya ng mga nayon sa paligid ng Bisita.
Sumang-ayon ang samahan at simula nito ay ibang organisasyon tulad ng PAKRISPAM,
Adoracion Nocturna, at Pastoral Council. Bunga nito, patuloy na lumago ang bilang ng
mga deboto at naging tanyag ang bisita kung kaya naman maging kasal ay pinapayagan
na ring idaos dito.

Sa pahina ng kalusugan ng Kapelyahan ng Bisita na si Msgr. Pengson, regular


na nagpadala ng pari ang diyosesis ng Malolos upang patuloy na makapagmisa
rito.dahil na rin sa paparaming bilang ng nagsisimba, nagsagawa ng information drive
ang Diyosesis hinggil sa kanilang planong gawing Parokya ang Bisita ng Santissima
Trinidad, subalit matapos ang botohan sa tatlong nayon ay lumabas na hindi sila sang-
ayon ditto. Anila, nais nilang manatili na lamang itong Bisita upang palagiang maging
bukas sa sinuman na nais pumasok ditto, hindi tulad ng Parokya na isinasara
pagkatapos ng misa.

Sa kablia ng hindi pagsang-ayon ng mga taga-baryo ay patuloy na nagpadala ng


pari ang Diyosesis ng Malolos, bagamat noong Pebrero 1998 ay nagbaba ng dekreto
ang noo’y Obispo Rolando Tria Tirona na nag-uutos na isang misa lamang kada linggo
ang gaganapin sa Bisitang ng Santissima Trinidad. Kinausap ng Samahan ng
Katandaan ang isang paring katoliko upang makapagsagawa ng karagdagang misa
bawat linggo, subalit pinigilan siya ng isang kura paroko dahil sa siya lamang diumano
ang may karapatang magmisa rito.

Lalong lumaki ang sigalot noong 1999 ng naghain ang Diyosesis ng Malolos ng
Ejectment at kasong Trespassing laban sa Samahan ng Katandaan dahil sa diumano’y
ang lupang kinatitirikanng Bisita at maging ang istruktura nito ay pagmamay-ari ng
Diyosesis. Habang dinidinig ito ay tuloy pa rin ang pagdaraos ng misa sa Bisita tueing
Linggo ng umaga.
Enero 2000, nawala ang Monstrance ng Bisita ng Santissima Trinidad na naiwan
ni Msgr. Pengson, na pumanaw noong Disyembre 1998. Pag-aari ito ng Bisita sapagkat
galing dito ang salaping ginamit ni Msgr. Pengson para bilhin ito noong nagtungo siya sa
Roma. Nagsadya sa himpilan ng Barangay Barihan ang Samahan ng Katandaan upang
magsampa ng reklamo laban sa paring Katoliko na nagmimisa noon sa Bisita. Matapos
nito ay hindi na muling nagkaroon ng misa sa Bisita mula Pebrero hanggang Setyembre
2000, maliban na lamang noong Hunyo 17-18 2000 kung kailang nagmisa si Fr. Ventura
Galman upang ipagdiwang ang Dakilang Kapistahan ng Santissima Trinidad.

Muling nagtungo sa Bisita si Fr. Galman noong Oktubre 2000 at ipinakita s


pangulo sg Samahan ng Katandaan ang kanyang appointment paper mula sa Obispo na
naghirang sa kanya bilang Kura Paroko ng Santissima Trinidad. Umalis na bigo ang pari
dahil hindi siya tinanggap ng pangulo sa dahil sa sumusunod na kadahilanan: (1) hindi
parokya ang simbahan ng Santissima Trinidad, (2) kailangang pagpasiyahan ng
Samahan ng Katandaan at mamamayan ng tatlong nayon ang pagpapatira ng pari sa
Bisita sa pamamagitan ng isang halalan, (3) may usapin pa sa Hukuman na dinidinig
hinggil sa pagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng Bisita.

Dalawang beses muling tinangka ni Fr. Galman pasukin ang Bisita ng Santissima
Trinidad noong Marso 2001 kasama ang ilang kasapi ng Samahan ng Katandaan,
subalit lagi silang bigo na kumbinsihin ang ibang miyembro nito. Hanggang Oktubre
2001 ay tinangkang kumbinsihin ni Fr. Galman ang samahan ng Katandaan upang
tanggapin siya bilang Kura, subalit nanatili ang paninindigan ng mga kasapi nito na hindi
Parokya ang santissima Trinidad at kinakailangan munang isangguni sa mga
mamamayan kung tatanggapin siya upang makapagmisa rito.

Magkakaroon sana ng pag-uusap sa pagitan ng Diyosesis ng Malolos at


Samahan ng katandaan noon Nobyembre 6, 2001 upang lutasin ang suliranin ng
magkabilang panis,subalit ikalabing-isa pa lamang ng hatinggabi noong Nobyembre 5,
2001 ay sapilitang pinasok ng isang grupo sa pangunguna ni Fr. Galman ang Bisita ng
santissima Trinidad, at dahil sa sarado na ito ay sinasabing sinira nila ang kandado ng
gate at maging ang kampana na ginagamit upang magbiga-hudyat kung sakaling may
problema sa Bisita. Gayundin, nilimas siumano ng grupo ang laman ng donation box at
nagkulong sa loob ng simbahan.

Matapos mabalitaan ang nangyari ay agad na nagtungo ang pamunuan ng


katandaan kasama ang iba pang deboto ng Santissima Trinidad at nagpupuyos ang
damdamin na nagbarikada sa labas ng bisita. Nakalulungkot ang eksena dahil ang
karamihan sa mga nasa loob na “maka-Parokya” ay kamag-anak at kaibigan rin ng mga
nasa labas na kasapi ng Samahan ng Katandaan at deboto ng Santissima Trinidad.

Sa galit ng tagapangulo ng katandaan ay pina-welding niya ang lahat ng gate ng


simbahan maliban sa harapang tarangkahan nito. Gayundin ay ipinapatay niya ang main
switch ng kuryente at maging linya ng tubig. Dahil na rin sa init sa loob sa sakristiya ng
simbahan kung saan nagkulong ang grupong umukopa rito ay naobliga silang lumabas
at dumaan sa harapan mismo ng mga nagbarikadang mga deboto.
Matapos ang insedente, kapwa nagsampa ng asunto ang magkabilang panig sa
hukuman. Tuluyan na rin itiniwalag ng simbahang Katoliko ang Bisita ng Santissima
Trinidad at hindi na kailanman nagpapadala ng pari upang magmisa rito.

Sinasalamin ng tunggalian sa pagitan ng Diyosesis ng Malolos at mga deboto ng


Bisita ng Santissima Trinidad ang hindi ganap na pagpapailalim ng mga Pilipino sa
Kristiyanismo. Hindi mapaghihiwalay ang usapin ng wika, pagsasalin, at popularisasyon
sa isyung kasaysayan, lipunan at pagkatao (Tolentino 73) kung kaya’t mahalaga ang
naging ambag ni Rafael sa pagsusuri sa paggamit ng wikang bernakular bilang bahagi
ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas. Ayon kay Rafael, hindi lubusang naunawaan
ng mga Pilipino ang mga aral ng Kristiyanismo dahil karaniwang nasa wikang Castilian
ang sermon ng mga prayle at hindi naiintindihan ng karamihan sa mga Pilipino. Mula sa
ilang mga salitang naiintindihan ng karamihan sa mga Pilipino. Mula sa ilang mga
salitang naiintindihan nila ay inilalagay nila sa sariling konteksto ang nadinig sa sermon
(2). Bagamat isinalin ang mga doktrinang Kristiyano sa wikang bernakular, nagkaroon
ng ibang pagpapakahulugandito (Rafael 21). Isang halimbawa rito ang pasyon na
tumatalakay sa buhay at kamatayan ni Hesukristo na nagsilbing daluyan upang
ipahayag ang pagpapahalaga, mithiin, at maging paghahangad ng kalayaan ng mga
Pilipino (Ileto 12). Isa rito ang kwento ni Apolinario Dela Cruz, mas kilala sa tawag na
Hermano Pule, na isinilang sa Lucban, Tayabas (kilala ngayon bilang lalawigan ng
Quezon) at nagtatag ng Cofradia de San Jose na isa sa naglunsad ng rebolusyon laban
sa mga Kastilang mananakop. Ang kaniyang paglalakbay sa iba’t ibang bayan upang
dala ang mabigat na kahon na lalagyan n limos para sa simbahan ay inihalintulad niya
sa pagpapakasakit ni Hesukristo at itinuring ang kanyang sarili bilang Kristo ng mga
Tagalog (Ileto 29-73). Sinasabing simbolikal rin ang pagtungo ni Bonifacio sa kweba ng
Bundok Tapusi sa San Mateo, Rizal noong Biyernes Santo noong April 1985 upang
lumikha ng paniniwala na nakalaya na ang Kristo ng mga Tagalog na si Bernardo carpio
(Ileto 29-73). Sinasabing simbolikal rin ang pagtungo ni Bonifacio sa kweba ng Bundok
Tapusi sa San Mateo, Rizal noong Biyernes Santo noong April 1985 upang lumikha ng
paniniwala na nakalaya na ang Kristo ng mga Tagalog na si Bernardo CArpio (Ileto 99-
103). Maging ang paraan na pagakakamit ng anting-anting ay batay sa buhay at
kamatayan ni Hesukristo, kung saan ang mga ritwal na kaugnay nito ay isinasagaw mula
Miyerkules Santo hanggang Biyernes Santo. Ang mismong paghahangad na ito ng
kapangyarihan sa panahong sinasabing patay si Hesukristo ay maituturing rin sa isang
rebelyon ng mga tagalog sa mga aral ng Simbahang Katoliko.

Sa proseso ng asimilasyon sa Kristiyanismo, nagawa nating ikubli ang ating mga


sinaunang tradisyon na hanggang ngayon ay isinasagawa sa iba’t ibang simbahan sa
bansa tulad ng Bisita ng Santissima Trinidad.

Ikatlong Tagpo: Kagalingan, Kahilingan at Kaliwanagan

Sa kagustuhan ng mga nakakatanda na magpatuloy ang pagmimisa sa bisita,


naghanap sila ng pari at ditto nila nakilala si Fr. Jaime Magracia, isang spiritual catholic
priest na hanggang sa kasalukuyan ay nagmimisa pa rin sa bisita. Tuwing Biyernes at
Linggo ay dalawang beses na nagsasagawa ng misa si Fr. Magracia, habang mayroong
apat na misa tuwing unang Biyernes ng buwan dahil na rin sa dami ng deboto na
nagpupunta sa nasabing araw. Sa nasabing araw rin ako nagpasyang dumalo sa misa
upang pagmasdan at suriin ang mga ritwal at pagtatanghal loob nito.

Pagpasok pa lamang ng gate ay mapapansin sa bandang kanan ng simbahan


ang mga nakaupong faith healer na tinatawag na “medico” upang manghilot at
manghula. Hindi naniningil ang mga medico at tumatanggap lamang ng kahit
magkanong halaga bilang donasyon. Paglapit ng magpapagamot ay itatanong ng
medico kung ano ang karamdaman ng pasyente at gamit ang langis ay hihilutinang
masakit na bahagi ng katawan nito. Matapos ang panghihilot ay aalukin nila ang
pasyente na bumili ng langis na sinasabing makakaginhawa sa kanilang karamdaman.

Kakatwa na nagaganap ang eksenang ito sa mismong bakuran ng simbahan at


nagsisilbing unang manipestasyon na hindi nadidiktahancng paniniwala ng simbahang
Katoliko ang pagpapatakbosa espasyo ng Bisita lalo pa at tinututulan ng simbahang
Katoliko ang ganitong uri ng pagagamot.

Sa aking palagay, malaki ang papel ng mga medico upang lumikha ng


persepsyon sa mga nagsisimba rito na magdudulot ng kagalingan ang pagpasok sa
simbahan. Mahalaga ring banggitin na pawing kababaihan ang mga medico, na tila
nagbabalik sa kababaihan sa kapangyarihang taglay nito bago dumating ang mga
Kastila. Ayon nga kay Veneracion, anumang pagtatangka na suriin ang pinagmulan ng
pagiging relihiyoso ng mga Pilipino ay kailangang magsimula sa mga babaylan ng
Bisaya o catalonan ng Tagalog (1). Karaniwang babae ang babaylan o catalonan, o
kung hindi man ay lalakeng nakasuot pambabae tuwing nagsasagawa ng ritwal.
Sinasabing taglay ng babaylan ang kapangyarihang magpagaling ng may sakit o
mahulaan ang tamang panahon ng pagtanim at pag-ani. Sa tuwing may nagkakasakit sa
isang komunidad, nagsasagawa ang babaylan ng ritwal upang tawagin ang mga
makapangyarihan anito na tulungan at tanggapin ang naghihinalo bilang isa sa kanila.
(Venoracion 2).

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila; tinangka ng mga prayle na


magampanan ang panlipunang tungkulin ng mga babaylan tulad ng panggagamot sa
maysakit at papel nito sa pag-alam ng tamang panahon ng pagtatanim at pag-ani
(Veneracion 4). Nagbuo rin ang mga prayle ng mga cofrada na ang pangunahing layunin
ay maibsan ang impluwensiya ng mga babaylan sa mga maysakit at naghihingalo
(Rafael 186).

May mga pagkakataon na ang mga pinaghihinalaang babaylan ay tinatawag na


bruha at ipinarada sa paligid ng bayan o sinumang sinapian ng anito ay sinasabing may
problema sa pag-iisip. Dahil dito, may dalawang pagpipilian lamang ang mga
relihiyosong kababaihan sa panahon ng Kastila: ang pumunta sa kabundukan upang
patuloy na makapagpasagawa ng mga parokya na kalaunan ay tinawag na mga beata
(Veneracion5). Hanggang sa kasalukuyan, may mga babaylan pa rin partikular sa
silangang bahagi ng Visayas na nagpapatuloy ng ritwal at tradisyon nito.
Sa tabi ng mga makabagong babaylan, may mga magtitinda ng iba’t ibang
relikya tulad ng rosary at pulseras. Maihahalintulad ang mga itinindang relikya sa anting-
anting na pinaniniwalaang nagkakaloob ng Kapangyarihan sa sinumang nagtataglay
nito. Maging ang mga kasapi ng Katipunan at iba pang rebolusyunaryo ay may kanya-
kanyang anting-anting na pinapaniwalaan nilang maglalayo sa kanila sa kapahamakan.
Ang ilan sa kapangyarihang taglay ng anting-anting (bagay o maging tao) ay naipapasa
sa tao na malapit dito at ang pagkawala nito ay nangangahulugan ng trahedya at
magpapahina sa kalagayan ng loob o inner being nito (Ileto 27).

Sa bandang kaliwa ng sibahan, makikita ang mga mesa na puno ng kandila na


may iba’t ibang hugis, laki at kulay. May kulay pula at hugis tao para sa pagdarasal sa
Sagrada Familia. Labinlimang piso ang kada set nito at matapos sindihan ay kailangang
magdasal ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at tatlong Lualhati bago
humiling. Ang ibang kandilang kulay pula ay para sa pagdarasal para sa kaluluwa ng
namayapa o sa Mahal na Birhen ng Fatima. Bago sindihan ang kandila, kailangan
munang sambitin ng mga mananampalataya ang sumusunod na panalangin:

Dios ama sa langit


Ang liwanag ni Hesukristo
Ay laganap na sa sanlibutan
Na simbuyo ng galit at kasalanan

Hayaan mong ang liwanag


ng katotohanan ang maging gabay ko
Patungo sa iyong kaharian
Pag-alabin mo ang aking puso at
Punuin ng iyong biyaya

Pamalagiin mo ako sa katotohanan


Punuin mo ang aking puso
ng iyong pag-ibig, nagsusumamo ako
Na ako’y iyong tulungan
Sa aking panalangin

Ang lahat po ng ito’y isinasamo kong


Ipagkaloob mo sa akin sa
pamamagitan Ng anak mong si Hesus
Amen

Ama Namin
Aba Ginoong
Maria
Luwalhati

Ang ritwal na ito ay maituturing na paghahanap ng kaliwanagan ng loob na


magsisilbing ilaw sa landas na tatahakin ng deboto. Ayon kay Covar, ang pagkataong
Pilipino ay may labas at may loob. (10) Naging bahagi ng hindi iilang pag-aaral ang
hinggil sa loob ng pagkataong Pilipino, kabilang na ang isinagawa ni Ileto na nagsabing
ang loob ng nagtatakda ng tunay na kabuluhan at halagang pagkatao (22). Sa ganitong
paraan din ay nakatatagpo ng kaliwanagan ang sinumang nakakaranas ng kadiliman na
dulot ng mga problema at kawalang-katiyakan ng buhay.

Nagsimula ang misa na pinangunahan ni Fr. Magracia at sa unang tingin ay tila


kapareho rin naman ang proseso nito sa isinasagawang misa ng simbahang Katoliko.
Habang nagaganap ang banal na pagdiriwang ay hindi magkamayawang mga nagtitinda
ng sampaguita sa pagsalubong sa mga namamanatang dumarating sa simbahan.
Isinasabit ng deboto ang sampaguita sa mahigit 20 imahen, poster at painting na
nakahilera sa kanang bahagi ng simbahan.

Pangunahin sa mga imahen ang tatlong dibuho ng Tatlong Persona: ang La


Santissima Trinidad de Mayor, Santissima Trinidad na Bata at Trisahiyo. Itinuturing ang
una bilang pinakamatandang Trinitarian icon sa Pilipinas at sinasabing iginuhit noon
pang 1500, habang ang dalawa pang imahen ay iginuhit noong ika-17 siglo. Itinuturing
ng mga debotona mapaghimala ang mga nasabing imahen. Noon lamang 2004, nanalo
ng P23 milyon sa lotto ang isa sa mga kasapi ng Samahan ng Katandaan, habang ang
kanyang apo ay nanalo ng kotse sa isang raffle. Hindi rin mabilang ang mga kwento ng
karamdaman na pinagaling ng Santissima Trinidad.

Bukod sa mga nabanggit, dinadayo rin ang Mahal na Nazareno kung saan may
mga deboto na nagsisingit ng liham na naglalaman ng kanilang kahilingan at kumakatok
sa salaaming kwadrong himlayan nito bago kausapin ang santo. Mayroon ding imahen
ng Sto. Niňo na karaniwan ding inaalayan ng bulaklak ng mga deboto.

Masasabing nasa estado ng liminalidad ang mga deboto kung saan sa sandaling
panahon ay nabubura ang social class na kanilang pinagmu;an at kapansin- pansin na
magkakaiba ang kasarian, edad at estado ng pamumuhay ng mga deboto na Santissima
Trinidad at may kanya- kanya rin silang paraan ng pamamanata. May mga deboto na sa
Mahal na Nazareno, sa Santisima Trinidad o Santo Niňo lamang nananalangin, habang
ang iilan ay isa-isang hinihipo ang mga imahen o ang salaaming kwadro na
pinaglalagyan nito upang mag-alay ng sampaguita at magdasal.

Mahalaga ring pagtuunan ng pansi na nagyayari ang pagtatanghal ng


pananampalataya ng mga deboto habang nagaganap ang misa, na tila ba wala silang
pakialam sa nagaganap na banal na pagdiriwang at sa sermon ng pari. Masasabing
hindi ang salita ang Diyos ang ipinunta ng mga deboto sa simbahan kundi ang
katuparan ng kahilingan o lunas sa kanilang karamdaman na maaaring ipagkaloob sa
kanila ng pamamanata sa mga eskulturang panrelihiyon. Ayon kay Ileto, hindi palaging
nariyan ang mga nono sa kamalayan ng mga Pilipino noon. Sa panahong nakalagpas
na mula sa panganib o nakamit na ang anumang ninanais ay nakakalimutan na ang
mga nono hanggang sa dumating ang panahon na muli silang magkaroon ng sakit o
malagay sa isang walang- katiyakang sitwasyon. (113)

Ang debosyon sa mga imahen ay walang pinagkaiba sa ritwal na isinasagawa


noon ng mga Pilipino sa mga bagay na inaakala nilang tahanan ng mga nono o anito.
Kapag pumanaw ang isang tao, ang kaluluwa niya ay nagiging anito na may dalawang
uri: (1) ang anito ng ating ninuno at (2) ang anitong nagbabantay ng kalikasan (Covar
14). Sa pamamagitan ng mga eskulturang pangrelihiyon, nagawang bawiin ng mga
Pilipino ang Sistema ng paniniwala at kultura na inagaw sa atin ng mga Kastila gamit
ang mismong sandata nila sa pananakop: ang Kristiyanismo.

Nakatuon ang sermon ni Fr. Magracia hinggil sa pamamanata. Kinilala niya na


ang karamihan sa mga nagsimba ay pawang mga dayo at namamanata sa Santissima
Trinidad. Sinabi niya na ang pamamanata ay dapat tuloy-tuloy o kung hindi ay huwag na
lamang mamanata. Matapos nito ay tinanong n’ya kung sino sa mga nasa simbahan ang
napagaling ng kanilang debosyon sa Santissima Trinidad at nasa mahigit sampu ang
nagtaas ng kamay. Matapos nito ay sinabi ng pari na papurihan an gating Panginoon at
nagpalakpakan ang mga dumalo ng misa.

Kakaiba ang naging bahaging ito ng sermon ng pari dahil sa karaniwang hindi
itinuturing ng Simbahang Katoliko na isang milagro ang isang pangyayari kung hindi ito
dumaan sa mahabang proseso ng pagsusuri at kumpirmasyon ng simbahan. Sa aking
palagay ay sadyang binibigyang-diin na may mga debotong gumaling dahil sa kanilang
pananampalataya upang lumikha ng matibay na paniniwala kahit sa mga unang beses
pa lamang nakatuntong sa Bisita ng Santissima Trinidad.

Hindi rin pangkaraniwan ang komunyon. Pagkatapos na tanggapin ang ostiya ay


may nakahandang inumin na nagsisilbing alak na kumakatawan sa dugo ni Kristo. Sa
ganitong paraan, nagiging ganap ang pagpaparanas ng karanasan ng paging kaisa sa
piging ng ating Panginoon, ang pagtanggap ng kaligtasan sa mga kasalanan na tinubos
ng kaniyang dugo.

Ikaapat na Tagpo: Pagsasara ng Telon

Pagkatapos ng misa, muli akong lumapit sa Mahal na Nazareno habang


nakatingin sa altar ng simabahan. Ilang taon na rin mula ng inihulog ko ang liham at
hindi ko na rin alam kung natupad baa ng kahilingang inilapat ko rito. Ang natitiyak ko
lamang ay marami sa mga nagsimba sa araw na iyon ang muling babalik sa Bisita ng
Santissima Trinidad upangpatuloy na hilingin na matupad ang kani-kanilang hiling. Mula
pagpasok pa lamang ng simbahan, naging bahagi ang mga deboto ng mga karanasan
ng pagtagpo ng kagalingan, kaliwanagan, katuparan at kaligtasan na sadyang
ipinaparanas ng mga aktor sa loob ng simbahan. Malaki ang bahagi ng bawat
pagtatanghal na ito sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga deboto at patuloy na
umasa sa milagro na maaaring idulot nito sa kanila.

Sinasalamin ng mga eksena na nagaganap sa Bisita ng Santissima Trinidad ang


tradisyon at Sistema ng paniniwala ng mga Pilipino na nagawang makapanatili sa kabila
ng kumbersyon sa Kristiyanismo. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng patuloy na
pagsasagawa ng ritwal ng mga mananampalataya upang matandaan, maisagawa,
mahasa at maipasa ang mga tradisyong ito. Sa pagtatanghal ng mga aktor at sa
pamamagitan ng mga imahen, relikya at iba pang props sa paligd ng Bisita ng
Santissima Trinidad, patuloy na dadagsa ang mga deboto rito. Sa huli, isa lamang ang
kahilingang mababanaag sa kilos at gawi ng mga
namamanata: isang malayang pananampalataya
para sa lahat.

You might also like