You are on page 1of 24

SIKOLOHIYANG

PILIPINO
SIKOLOHIYANG PILIPINO:
PERSPEKTIBO AT DIREKSYON

 Anyo ng sikolohiya sa kontekstong Pilipino


Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng mga Pilipino,
at Sikolohiyang Pilipino Paliwanag sa iba’t ibang
uri ng konsepto sa Sikolohiyang Pilipino:

1. Mga katutubong konsepto


2. konseptong bunga ng pagtatakda ng kahulugan
3. ang pag-aandukha
4. ang pagbibinyag
5. paimbabaw na asimilasyon
6. mga ligaw at banyagang konsepto
DALAWANG BAHAGI

 Ayon kay Cronbach (1975) mahahati ang


sikolohiya sa dalawang disiplina at ang mga
disiplinang ito ay alinsunod sa kung alin ang
binibigyang-diin:

-Ang metodong eksperimental

-Ang metodong korelasyonal.


ANONG BINIBIGYANG DIIN NG METODONG
EKSPERIMENTAL?

 Nomotetikongpananaw ay tumutukoy as
pagpapahalaga sa unibersal na
katotohanan bilang layunin ng sikolohiya.
ANONG BINIBIYANG DIIN NG METODONG
KORELASYONAL

 Ideograpikong pananaw, nagbibigay


halaga sa pag-aaral ng kaso. Ang
indibidwal at ang partikular ang
inuunawa.
 Ayon kay Watson (1968) Ang nagpahayag na
ang mga ito ay “preskripsyon” sa sikolohiya
ngunit ayon kay Virgilio Enriquez, ito raw ay
isang isyu. May mga tapat na sikolohista na ang
sikolohiya ay isang unibersal kaya naman may
mga nag-iisip na ang SP ay isang anti-unibersal.

 6 na mungkahi ng kategorya sa pag-aaral ng SP


1. Kamalayan,tumutukoy sa damdami’t
kaalamang nararanasan 2. Ulirat, tumutukoy sa
pakiramdam sa paligid 3. Isip, tumutukoy sa
kaalaman at pag-unawa 4. Diwa, tumutukoy sa
ugali, kilos, o asal 5. Kalooban, tumutukoy sa
damdamin 6. Kaluluwa, daan upang mapag-
aralan ang tungkol sa budhi ng tao
MGA ANYO NG SIKOLOHIYA SA
KONTEKSTONG PILIPINO

 Sikolohiya sa Pilipinas Pinakamalaki o ang


kabuuang anyo sa Pilipinas. Ito ay bunga ng
sunud-sunod na kaalamang may kinalaman sa
sikolohiya sa bansang Pilipinas. Sikolohiya ng
Pilipino o Sikolohiya ng mga Pilipino
Maituturing ang bawat teorya ng sinumang nais
mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohikal ng
mga Pilipino, maging Pilipino, o dayuhan ang
sinasabing mag-aaral.
MGA ANYO NG SIKOLOHIYA SA
KONTEKSTONG PILIPINO
 Sikolohiyang Pilipino, na ayon kay Dr. Virgilio
Enriquez, ay pansamantalang binigyang kahulugan,
ito ay bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong
Pilipino.

 Isang analohiya upang maunawaan ang tatlong anyo:


Taong-bahay, maaring maihalintulad sa sikolohiya
ng mga Pilipino na kahit ang mga bisita ay
maituturing na taong-bahay kung kanilang nanaising
mamalagi sa bahay. Tao sa bahay, madalas na ating
ginagawa dahil ito ay hindi na kailangang kusain,
pag-isipan o sadyain. Ang mga taong napapadaan o
bisita ay maaari rin nating matawag na tao sa bahay.
Taumbahay, higit na malalim ito kumpara sa mga
nauna. Ito ang mga taong talagang nakatira sa loob
ng bahay.
 Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay may
aspetong maihahalintulad sa tao sa bahay
na dalaw lamang samantalang ang
Sikolohiyang Pilipino ay kahalintulad sa
taong bahay sapagkat dapat na kusang
tanggapin muna o pag-isipan upang
mabuo o malinang ang mga aspetong
teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng
nasabing sikolohiya.
 Ang kabuuang anyo ng Sikolohiya sa
kontekstong Pilipino: Ang Sikolohiya sa
Pilipinas. Makikita ang kabuuang anyo
ng ating Sikolohiya sa pag-aaral ng ating
kasaysayan. Sina Bailen (1967),
Demetrio (1975), at Jocano (1975) ay
pinag-aralan ang tungkol sa mga
Babaylan at Katalonan dahil dito
makikita ang ating sikolohiya.
ATING PAG-ISIPAN MANANA HABIT, FILIPINO
TIME ,NINGAS-KUGON ITO BA AY ATING
SARILING PAG-UUGALI?

 Pag-iisip na nagmula raw sa dayuhan. Ayon daw


kay Lord Chesterfield, “Huwag mong
ipagpabukas ang maaari mong gawin ngayon.” Si
Balagtas mismo ay may pahayag sa wikang
Tagalog, “...kung maliligo’y sa tubig aagap nang
hindi abutin ng tabsing sa dagat.” Ang mga
ganitong kasabihan sa Pilipinas ay isa lamang
pagpapatunay na hinid na bago sa atin umagap
sa halip na magpabukas. “Ang liksi at sipag ay
daig nang maagap,” na sa salitang kapampangan
ay “Ing taung maagap, daig ne ing masipag.”
 Ang mababang pagtingin sa Sikolohista
sa Pinas Isang dayuhang dumalaw sa
Pinas na nagsabing, “Wala namang
ginagawa ang mga Psychologists sa
Pilipinas, ah.” “Psychology of, for , and by
Filipinos” ang kanilang mambabasa ay
hindi mga Pilipino sapagkat 6.05 dollars
ang halaga. Ang sabi sa pahina 57,
“Filipino psychologists have made only
minimal direct contributions to the
understanding of their own society.”
ANG PALASAK NA ANO NG SIKOLOHIYA SA
KONTEKSTONG PILIPINO:

 Ang sikolohiya ng Pilipino Sikolohiya ng Pilipino


ay yaong mga inaakalang katangian ng mga
Pilipino at ng mga etnikong grupo sa Pilipinas,
na para bang hanggang sa pag aaral ng mga
katangian na lamang ang pagtaya sa sikolohiya
ng mga Pilipino. Makikita ang konseptong
panlalahat sa literatura at social studies. Ang
“ningas-kugon,” pakikisama, hiya, utang na loob,
amor propyo, bahala na, “Filipino Time,” “SIR,”
at “manana habit” ay ilan sa mga katangian na
pinangangalandakang katangian o ugali sa
pakikipagkapwang Pilipino.
ANO BANG NAPAPANSIN NATIN SA ATING
KULTURA?

 Impluwensyang panlalahat: Ano ang tingin


natin sa mga Bikolano? Ilokano? Bisaya?
Muslim? Kristiyano? Ang pangunahing
suliraning umiiral sa anyong palasak ng
sikolohiya sa kontekstong pilipino ay ang
suliraning dulot ng paggamit ng mga
TERMINONG NANLALAHAT!
MGA SALOOBIN NI VIRGILIO ENRIQUEZ

 Ang pagkatao na ginamit ni Guthrie (1971) noon


para maisalin sa “humanity” ay hindi tama. Ang
pagkatao ay nalalapit pa nga sa “personality.”
“There is no such thing as Filipino food.” (Fay,
1970) Saloobin sa banyagang reimporsment na
gumagana hindi lamang daw sa tao kundi pati
na rin sa mga hayop. Hindi rin raw umuunlad
ang Pilipino dahil kanyang sinisiraan ang
kanyang kapwa. Ito ay mula sa pag- aaral ng
isang banyaga nagngangalang Guthrie.
 Nilalayong anyo ng Sikolohiya sa Pilipinas:
Sikolohiyang Pilipinas Upang umunlad, huwag
kumiling sa partikular o unibersal. Halimbawa, Kahit
na alam na ng isang clinician ang mga batas ng
pagkilos ay hindi nya pa rin ito maaaring magamit sa
kanyang kaharap na tao
 Pag-aantas ng mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino
ayon sa lapit o layo nito sa karanasang Pilipino o
impluwensyang banyaga at pagkapartikular o
pagkaunibersal ng pinapaksa. Katutubong konsepto
(hal. Salimpusa, Jocano 1975.) Pagtatakda ng
kahulugan (hal. gunita, Alfonso 1974)
Pagaandukha(hal.pagkilatis, Adea (1975)Kultura
Henetika Pagbibinyag (hal. Hiya, Bulatao 1969
Paimbabaw na asimilasyon (hal. Reimporsment)
Banyagang konsepto (hal. Home for the aged,
prejudiced Karanasang Pilipino Impluwensyang Ligaw
K B (Partikular) (Unibersal)P U
KATUTUBONG KONSEPTO
 Maraming mga konseptong Pilipino ang hindi pa
talaga napag-aaralan at ang konseptong ito ay
naiiba sa kanluraning ideya. Hal. Attitude,
salitang saling-pusa na salita. “Saling-pusa” ay
hindi makikita sa anumang aklat ng Amerikano.
Ang salitang ito ay nagbibigay kahulugan ukol sa
pagbibigay halaga ng mga Pilipino sa damdamin
ng kanilang kapwa. “Pamasak-butas” . Ang
mararamdaman ng isang Pilipino kung siya ay
inaya sa isang kasiyahan at nalaman niyang
hindi siya ang unang inimbita
PAGKAPIKON
 Isang natural na konsepto sa atin dahil buhay na
buhay ang kultura natin.  Isa pang makabagong
konseptong Pilipino sa larangan ng sikolohiyang
panlipunan ang “Balik- bayan.” Ito ay
konseptong patakaran ng gobyerno na hikayatin
ang mga Pilipino na umuwi at dumalaw sa Pinas.
Makabuluhan ang konsepto ng balik-bayan. Ano
ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Ano ang
kanyang inaasahan? Bakit may iba ay naging
balik- yabang?
KONSEPTONG BUNGA NG PAGTATAKDA NG
KAHULUGAN
 Mas mabisa ang pagtatakda ng kahulugang
teknikal sa isang konseptong makahulugan na sa
Pilipino. Halimbawa, hindi kinakailangan na
baguhin ang mga salitang “alaala” at “gunita.”
Kung titignan, ang salitang ito ay may
kinalaman sa “memory” kung pagbabatayan ang
salitang teknikal. Ano ang pagkakaiba ng
dalawa? Ang gunita ay inihahanay sa “recall”
samantalang ang “alaala” ay pansamantalang
katumbas sa higit na malawak na “memory.”
“Tagapagbatid” at “kalahok” na naididikit sa
“subject”
PAG-AANDUKHA
 Pagbibigay ng katutubong kahulugan sa ideya at
salitang hiram  Kung minsan ang
pinagmumulan ng salita ay sa banyaga kaya ito
ay inaandukha.  “Seizing one’s opportunity” o “If
you have a chance to take advantage of it” na sa
pananaw raw ng Pilipino na tila naman yata may
“kagarapalan.”  “Paniniyansing” at paano
naman lumitaw ito. Dahil gaya daw ninuman
hindi pwede ang basta hawak nang hawak kung
kani-kanino sa kulturang Pilipino.
ANG PAGBIBINYAG
 Ito ay tumutukoy hindi lamang sa mga ritwal sa
pananampalataya kundi maging sa paggamit ng
katutubong salita para sa pandaigdigang
konsepto ng “hiya”, “utang na loob,” at
“pakikisama.” Kailangan na maunawaan mabuti
ang mga salita at kung paano ito ginagamit. Hal.
“Hindi ngayo’t napahiya ay nagiging kahiya-hiya
na rin o nangangahulugang walang hiya.” Isang
paglilinaw rin sa konseptong “Impression
Formation.” Ano ba ang ginagawa ng isang
Pilipino kapag kinikilala nya ang kanyang
kapwa?
PAIMBABAW NA ASIMILASYON NG TAGURI
A KONSEPTONG HIRAM

 May mga konsepto at teoryang masasabing


matagal nang namamalasak sa bokabolaryo ng
mga sikolohistang Pilipino subali’t ang mga
kahulugan nito’y tiwalag sa karanasang Pilipino.

Hal: ang need achievement ay hiram o ligaw


na kailangan pang masuring mabuti. “Standard of
Excellence” Kapag ang Pilipinong estudyante ay
handa sa kanyang pagsusulit at tinanong siya
kung nakapag-aral siya. Hindi niya sinasabi na
“Oo” at “Ay, oo. Alam na alam ko iyan.”
ANG MGA LIGAW AT BANYAGANG
KONSEPTO

 Tinalakay ni Gamboa (1975) ang tungkol sa


home for the agedna para bang nalulungkot siya
at kakaunti lamang daw ang mga ito sa bansa. 
Isa pang koseptong kailangan ding masuri ay
ang konsepto ng “prejudice.” Iba ito sa
“stereotypes.” Ang prejudice ay may kabigatan.
“Kung ito ay gustong pag-aralan ng isang
siyentipiko ng lipunan, kailangan niyang
magtungo sa ibang lugar at mas marami siyang
makikita doon. Mahihirapan siya dito...Medyo
ayaw lang ng Pilipino sa ganito o mas gusto niya
ang gayon. Pero hindi naman ‘prejudice.’ Siguro
‘preference’ pero hindi ‘prejudice.’”
MGA MUNGKAHI
 Pag-aangkop ng teorya na hindi pa nasusuri at
napatunayang makabuluhan sa buhay at
lipunang Pilipino. Iwasan ang bulag na pagsunod
sa alinmang pagbabago sa sikolohiya sa ibang
bansa. Mahalaga ito upang magkaroon ng
mapanuri at orihinal na pag-aaral. Magkaroon
ng pagkakaisa at komunikasyon ang mga
mananaliksik sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas,
sapagkat ito’y tanda ng pagkilala at
pagpapahalaga ng Pilipino sa kanyang
kakayahan. Linangin ang pagtitiwala at
paggalang sa sariling kakayahan sapagkat ang
higit na pagtitiwala sa sarili ay siyang magiging
daan tungo sa mga impormasyon at teoryang
banyaga.

You might also like