Professional Documents
Culture Documents
Review Paper
Teksto: Bakit ako Nagagalit sa Aking Sarili?: Mga Dahilan sa Pagkagalit sa Sarili at mga Paraan upang ito ay
Mapatawad
Akda ni: Ron R. Resurreccion
Department of Psychology
De La Salle University (DLSU), Manila
Sa ating buhay hindi talaga nating maiiwasan na sisihin ang sarili sa mga pangyayaring hindi
natin inaasahan, kapagkua’y hindi madali ang pagpapatawad sa sariling katangahan at kapabayaan. Ang
artikulong “Bakit ako Nagagalit sa Aking Sarili?; Mga Dahilan sa Pagkagalit sa Sarili at mga Paraan upang
ito ay Mapatawad na akda ni Ron R. Resurreccion sa taong 2015 ay isang anyong pananaliksik na
tumutukoy sa mga mahahalagang konsepto sa Sikolohiya na madalas aralin ng mga mananaliksik kagaya
ng galit bilang isang emosyon at ang pagpapatawad bilang isang coping mechanism. Tinalakay din nito
na kinakailangan ng karagdagang pag-aaral kung bakit ang mga tao ay nagagalit sa sarili at kung papaano
nila napapatawad ang sarili pagkatapos makagawa ng mga kamalian.