You are on page 1of 4

SHS 1103

Gamit ng Wika sa Lipunan


Lingguhang Gawain 5

Pangalan:
Baitang at Seksyon:

GAWAIN 1
Tukuyin ang konseptong nais iparating ng mga larawan sa ibaba:

1. Ang konseptong nais iparating ng larawan na nasa ibaba ay ang pakikipag-ugnayan.


Makikita na nagkakaroon ng interaskyon ang dalawang panig kahit malayo sa isa’t isa sa
pamamagitang ng social media, kung saan maaaring makisalamuha ang mga netizen.
Dagdag pa rito, bumati ng “Happy Birthday” ang isang panig at tumugon naman ang
kabilang panig ng “Thank you!” Sa kadahilanang ito, masasabi na bumubuo sila ng relasyon
o di kaya’y hindi nawala ang ugnayan nila sa isa’t isa dahil naalala ng isang panig ang
kaarawan ng kaniyang kaibigan.
2. Ang konseptong nais ipahiwatig ng larawan na nasa ibaba ay palatandaan. Makikita sa
larawan ang No U-turn sign na isang Regulatory sign. Itinuturo sa mga gumagamit ng
kalsada kung ano ang dapat o hindi dapat gawin sa ilalim ng ilang mga kundisyon. Ang mga
palatandaan na ganito halimbawa na lamang ng larawan sa ibaba ay nagpapahiwatig at
nagpapatibay sa mga batas at regulasyon sa trapiko na nalalapat alinman sa dalawa,
permanente o may ispesipikong oras o lugar. Ginagamit ito upang maimpluwensyahan ang
pag-uugali ng mga tao sa pamamagitan ng paghimok, utos o paghingi.

3. Ang konseptong nais ipahayag ng larawan na nasa ibaba ay pagkakakilanlan. Makikita sa


ibaba ang larawan ng ating watawat, ang watawat ng Pilipinas na siyang simbolo ng ating
pagkakakilanlan at kung saan tayo nagmula at kung sino tayo. Sa kadahilanang ito, masasabi
na ginagamit o sumisimbolo ito upang ipahayag ang damdamin, emosyon, pagkakakilanlan,
opinion at saloobin ng mga Pilipino. Karagdagan pa rito, mayroon tayong tinatawag na
Filipino Pride o Pinoy Pride na isang pambihirang pananaw sa pagiging Pilipino at isang
pagpapahayag ng nasyonalismong Pilipino.
Sa Exploration in the Functions of Language ni M.A.K Halliday mula sa
aklat ni Bernales (2013), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika
batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

Iba’t Ibang Tungkuling ng Wika

1. INTERAKSYUNAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa


pagtatatag, pagpapanatili, at pagpaaptatag ng relasyong sosyal sa kapwa
tao. Tinawag din ito ni Halliday na “Me and You” function. Di nga kasi,
ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings).

2. INSTRUMENTAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa


mga pangangailangan. Tinawag naman niya itong “I want” function.
Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.

3. REGULATORI – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o


paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. “Do as I Tell you” function naman
ang itinawag niya rito. Sa Madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang
dapat o hindi dapat gawin.

4. PERSONAL – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng


sariling damdamin o opinion. “Here I come” function ang paglalarwan ni
Halliday rito. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit
ang tungkuling ito.

5. IMAHINATIBO – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag


ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga idyoma, tayuta, sagisag at simbolismo. “Lets pretend”
function ang ibang tawag dito.

6. HYURISTIK/HEURISTIKO – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa


paghahanap ng impormasyon. “Tell me why” function ang tawag dito.

7. IMPORMATIBO – Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Tinawag


itong “Ive got something to tell you” function.
GAWAIN 2

Manuod at suriin ang isa (1) sa mga sinusubaybayang teleserye. Magbigay ng tig-isang
(1) halimbawa ng tungkuling ng wika gamit mula sa pahayag na makukuha sa
teleserye.

Teleserye: Agua Bendita (2010)


TUNGKULIN PAHAYAG
1. INTERAKSYUNAL

2. INSTRUMENTAL
3. REGULATORI
4. PERSONAL

5. IMAHINATIBO

6. HYURISTIK/HEURISTIKO

7. IMPORMATIBO

You might also like