Sa Exploration in the Functions of Language ni M.A.
K Halliday mula sa aklat ni
Bernales (2013), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.
Iba’t Ibang Tungkuling ng Wika
1. INTERAKSYUNAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag,
pagpapanatili, at pagpaaptatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Tinawag din ito ni Halliday na “Me and You” function. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings).
2. INSTRUMENTAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan. Tinawag naman niya itong “I want” function. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.
3. REGULATORI – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa
kilos o asal ng ibang tao. “Do as I Tell you” function naman ang itinawag niya rito. Sa Madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
4. PERSONAL – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinion. “Here I come” function ang paglalarwan ni Halliday rito. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.
5. IMAHINATIBO – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayuta, sagisag at simbolismo. “Lets pretend” function ang ibang tawag dito.
6. HYURISTIK/HEURISTIKO – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap ng
impormasyon. “Tell me why” function ang tawag dito.
7. IMPORMATIBO – Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Tinawag itong “Ive