You are on page 1of 17

Makailang-ulit nang nasabi ang kahalagahan ng wika sa lipunan bilang tagapag-ugnay sa

mamamayan. Sa araling ito, pag-aaralan mo kung anong espesipikong tungkulin ng wika


upang mapag-ugnay ang mga taong gumagamit nito.

Ang *Systemic Functional Language* (SFL)


Ang systemic functional language (SFL) ay isang teorya ng pagdulog sa wika na
ipinanuka ng linguwistikong si Michael Halliday (M.A.K. Halliday). Ito
ay systemic dahil sinusuportahan nito ang malawakang pagtanaw ng linguwistika na may
“sistema ang bawat wika”, at naaayon sa sistemang ito ang kahulugan ng mga salita at
pahayag sa isang komunidad.

Sa kabilang banda, functional din ito dahil tinitingnan nito na ang magiging kahulugan ng
pahayag ay naaayon sa “gamit” o “tungkulin” ng pahayag na ito. Ibig sabihin,
nakadepende ang kahulugan ng wika sa intensiyon ng taong gumagamit nito.
Ipinapaliwanag ng mga sumusunod na sitwasyon ang konseptong nabanggit:

Nagbabago ang paraan ng pagpapahayag ayon sa intensiyon kaya naman nagbabago din
ang kahulugan nito.

Pitong Tungkulin ng Wika


Sa ilalim ng teoryang SFL, nakatukoy si Halliday ng pitong tungkulin ng wika sa lipunan:

1. Personal – pagpapahayag ng personal na damdamin o opinyon


2. Inahinatibo – malikhaing paggamit ng wika
3. Interaksiyonal – paggamit ng wika upang makapagsimula ng usapan o
magpanatili ng relasyong sosyal
4. Impormatibo o representasyonal – pamamahagi ng impormasyon
5. Instrumental – paggamit ng wika upang maisakatuparan ang nais mangyari ng
nagpapahayag
6. Regulatoryo – paggamit ng wika upang limitahan ang kilos ng kausap
7. Heuristiko – pagtatanong o pagkuha ng impormasyon

Mga Personal na Tungkulin ng Wika


Ang wika ay may dalawang personal na tungkulin: impormal at impromal.

Personal na Tungkulin ng Wika: Impormal

Ang personal na tungkulin ng wika, gaya ng nabanggit, ang nabibigyang katuparan kung
ang intensiyon ng tagapagpadala ng mensahe ay magpahayag ng personal na damdamin,
pananaw, o opinyon.
Sa impormal na antas, ito ay ang bulalas ng damdamin tulad ng:

Maaari din itong personal na ekspresiyon at manerismo gaya ng mga sumusunod:


Personal na Tungkulin ng Wika: Pormal

Sa pormal na antas naman, ito ay ang organisadong pagpapahayag ng opinyon o


damdamin sa pasulat o pasalita mang pamamaraan.

Pansinin
na sa
proseso
ng
komunikasyon, ang personal ng tungkulin ng wika ay nabibigyang-katuparan na sa oras
na maipahayag ng tagapagpadala ang kaniyang mensahe. Hindi na niya alintana kung
makararating sa o tutugon ang tagatanggap sa mensaheng kanyang ipinadala.

Maikling Gawain
Upang higit na maunawaan ang araling ito, isagawa ang sumusunod na gawain:

Pumili ng isang teleseryeng ipinalalabas sa kasalukuyan. Manood ng isang episode nito.

1. Magbigay ng reaksiyon (pasalit o pasulat) tungkol sa mga sumusunod:

 Katangian ng bida at kontrabida


 Kapalaran ng bida at kontrabida
 Papel ng iba pang tauhan
 Daloy ng kuwento
 Mga isyung pinag-usapan o konektado sa palabas
 Iba pang kaparehong anggulo o aspeto

1. Suriin ang isinulat o inihandang reaksiyon. (Maaari ding magkipagpalit ng awtput


sa kaklase). Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

o Ano ang mga pagpapahalaga mo (o ng kaklase mo) na makikita sa iyong


reaksiyon sa palabas na pinanood
o Ano ang maaaring nakaimpluwensiya sa iyo (o sa kaklase mo) kung bakit
mo (o niya) nasabi ang mga isinulat o ipinahayag?
o Suriin ang wika ng iyong reaksiyon (o reaksiyon ng kaklase mo). Anong
klaseng personalidad ang sinasalamin nito? Maaari pang magdagdag ng
mga kaparehong tanong.

Mula sa dulog pangwika na nagsasabing ang kahulugan ng mensahe ay nagmumula sa


dalawang anggulo, sistema at aktuwal na gamit, tinukoy ang pitong tungkulin ng wika.
Isa sa mga tungkuling ito ang personal na ginagamit ang wika upang maipahayag ang
damdamin o opinyon ng nagpapahayag. Ang pagsusuri sa personal na pahayag ng isang
tao ay maaaring magpakita ng katangian at pagpapahalaga ng taong ito.

Gamit ng Wika Bilang Instrumental


Ang wika ay ginagamit bilang instrumental kung ang pakay ng tagapagsalita ay
maimpluwensiyahan ang kaniyang tagapakinig o mambabasa.

May taatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental:

 makapagbigay ng impormasyon,
 makapukaw ng damdamin, at
 makapagpakilos.

Magbigay ng Impormasyon (Communicative Usage


of Language)
Sa pakikipag-usap, palaging mayroong pag-iimpluwensiya sa tagapakinig. Bukod sa
paglalahad ng mensahe, nagagamit din ito mapaniwala ang kausap o tagapakinig sa bawat
pangungusap na babanggitin.

Halimbawa:

 "Maniwala ka. Inosente ako."


 "Siya ang nagkasala."
 "Mahal kita."
Makapukaw ng Damdamin (Suggestive Usage of
Language)
Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbigay ng apirmasyon, pagtanggi, at pagsabi na
nagustuhan o pag-ayaw sa mensahe ng tagapagsalita. Mula sa pagkabata ay nakondisyo
na ang tao na may emosyong dapat ikinakabit para sa partikular na mga salita.

Halimbawa:

 "Magagalit si Nanay kung ginawa mo iyan."


 "Magsisisi ka na sa iyong kasalanan dahil paparating na ang araw ng
paghuhusga."
 "Ang husay naman ng anak ko!"
 "Ang ganda mo ngayong araw!"

Magpakilos (Promotive Usage of Language)


Iba ito sa regulatoryong gamit ng wika na tuwirang nag-uutos. Ito ay dahil ang
pagpapakilos ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalahad, sa paraang pailalim na
naglalarawan na lamang ng kasalukuyang sitwasyon, o naipapabatid ang nais ipagawa.

Halimbawa:

 "Gutom na ako. Magaling ka magluto, ‘di ba?” (Nais mag-utos na magluto ang
tagapagsalita sa kausap.)
 “Mabilis ka masyado magmaneho.” (Nais ipabagalan ng tagapagsalita ang
nagmamanehong kausap.)
 “Marami siyang nakurakot noong una siyang nanungkulan.” (Nais mangkumbinsi
na huwag iboto ang partikular na kandidato.)
 “Ito ang bagay sa iyong kulay ng lipstick” (Nais ng tagapagsalita na
mangkumbinsi ang kausap na bilhin ang produktong iyon.)

Tinutukoy sa gamit ng wika bilang instrumental ang kakayahan ng wika na maging


kasangkapan upang maimpluwensiyahan ang kaniyang tagapakinig o mambabasa.
Magagawa ang pag-impluwensiyang ito sa tatlong paraan---mapaniwala sa impormasyon,
mapukaw ng damdamin, at magpakilos.

Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo


Isa sa mga gamit ng wika ay ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lipunan.
Tinatawag itong gamit ng wika bilang regulatoryo. Tinitiyak nito na ang tao ay
makapagpapahayag ng utos o gabay sa kung ano-ano ang dapat at hindi dapat gawin ng
kaniyang kapwa.

Layunin ng Wikang Ginamit Bilang Regulatoryo


Nilalayon ng tao na magkaroon ng kaayusan sa kaniyang paligid at mga ugnayan. Gamit
ang wika bilang regulatoryo, nagkakaroon siya ng kontrol sa pag-aasal ng tao at sa
kaniyang kapuwa.

1. Pagpayag o pagtanggi sa pagsasagawa ng isang gawain sa pamamagitan ng


lantaran o mapanghikayat na pagpagawa o pagpigil ng kilos

Halimbawa: Pagkakaroon ng mga taboo o mga ipinagbabawal na gawain sa isang


kultura

1. Paghingi at negosasyon ng mga gamit

Halimbawa:
Walang tigil na pag-iyak ng sanggol para sa kaniyang gatas

1. Paglahad ng karapatang makapagkontrol ng mga gamit o aktibidad

Halimbawa: Pagtakda ng pagmamay-ari sa pagkakaroon ng kasulatan tulad ng mga


titulo ng kotse at lupa

Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang


Regulatoryo
May anim na anyo ang wika kapag ginagamit ito bilang regulatoryo. Ang unang tatlong
anyo ay imperatibo, direktibang patanong, at direktibang hindi hayagan.

Imperatibo (Imperative)

 mga utos o pakiusap kasama ang mga pagbabawal at pagbibigay-permiso

Halimbawa:
 “Kunin mo ang aking jacket.”
 “Pakiabot ang patis.”

Direktibang Patanong (Question Directive)

 pagtanong sa tagapakinig o mambabasa kung kaya niyang sundin ang utos

Halimbawa:

 “Kaya mo bang abutin ang aking jacket?”


 “Puwede mo bang abutin ang patis?”

Direktibang Hindi Hayagan (Indirect directive)

 nanghihikayat mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na kaya o hindi niya


kayang gawin ang isang kilos

Halimbawa:

 “Kayang-kaya mo ‘yan!”
 “Hindi mo yan kayang abutin.”

Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang


Regulatoryo
May anim na anyo ang wika kapag ginagamit ito bilang regulatoryo. Bukod sa
imperatibo, direktibang patanong, at direktibang hindi hayagan; ang iba pang anyo ay ang
pahayag na nagpapatunay ng awtoridad, pagkontrol ng mga gamit, at pahayag ng
pagpapahintulot at obligasyon.

Pahayag na Nagpapatunay ng Awtoridad (Statement of Fact


Justifying Authority)

 paglalahad kung sino ang dapat sundin


Halimbawa:

“Ako ang Nanay mo. Ako ang dapat sundin mo.”

Pagkontrol ng mga Gamit (Control of Resources)

 paglalahad kung sino ang nagmamay-ari ng lugar o gamit

Halimbawa:

“Akin ‘yang laruan!”

Pahayag ng Pagpapahintulot at Obligasyon (Statement of


Permission and Obligation)

 paglalahad kung maaari o hindi maaaring gawin ang isang kilos

Halimbawa:

 “Puwedeng-puwede mong kunin yan.”


 “Bawal iyan inumin!”

 Ang gamit ng wika bilang regulatoryo ay kinakasangkapan upang magbigay-


permiso at magbawal para sa aktibidad, gamit, o karapatang pagmamay-ari.

Nais ng tao na magkaroon ng kaayusan sa kaniyang paligid at mga ugnayan. Sa


paggamit ng wika bilang regulatoryo, nagkakaroon siya ng kontrol sa pag-aasal
ng tao at sa kaniyang kapuwa.


May anim na anyo ang paggamit ng wika bilang regulatoryo:

o imperatibo,
o direktibang patanong,
o direktibang hindi hayagan,
o pahayag na nagpapatunay ng awtoridad,
o pagkontrol ng gamit, at
o pahayag ng pagpapahintulot at obligasyon.

Gamit ng Wika Bilang Interaksyunal


Ang interaksyunal na gamit ng wika ay bumubuo at nagpapanatili ng ugnayan ng tao
sa kaniyang kapuwa. Mayroong dalawang pangunahing daluyan ng interaksyunal na
gamit ng wika. Mayroon ding mga kasanayang kailangan upang mapanatili ang ugnayan.

Dalawang Daluyan ng Interaksyunal na Gamit ng Wika

1. Small talk o Kumustahan

Naglalaman ng maiikling pagbati, palitan ng kuro-kuro tungkol sa mga paksang


hindi ginagamit sa mahahabang usapan at kadalasang nagtatapos sa mga pahayag
ng pamamaalam


Formulaic o pangkaraniwan ang nilalamang paksa tulad ng mga ginawa,


kalagayan sa trabaho o eskuwelahan


Mahalaga para sa pakikipag-ugnayan at pagpapakalagayang loob ng mga hindi


magkakilala

2. Kuwentuhan

 Sa kumustahan, dinadaanan lamang ng usap ang mga paksa


 Sa kuwentuhan, mayroong napagkakasunduang mga paksang pag-uusapan na
maaaring pasukan ng iba pang mga bagong usapin.

Mga Kasanayang Kailangan sa Kumustahan


May iba't ibang kasanayang dapat matutuhan at tandaan upang mapanatili ang ugnayan
ng mga tao sa isang kumustahan.

Paggamit ng mga pangkaraniwang pahayag

 ginagamit sa kaswal na pakikipag-usap o kumustahan

Halimbawa:

 “Magandang Umaga! Kumusta?”


 “Okay naman. Ikaw?”

Paggamit ng pormal o kaswal na wika depende sa sitwasyon

 ginagamit kung hindi masyadong kakilala ang kausap o para magpakita ng


paggalang sa kausap

Halimbawa:

 Pormal: “Nabalitaan ninyo po ba ang lagay ng panahon ngayong araw? May


kainitan po ano?
 Kaswal: “Ang init-init ngayon ano?”

Pagkakaroon ng maraming kaalaman sa mga paksang pag-uusapan

 ginagamit para mapanatil ang sigla at ugnayan sa usapan at kumustahan

Halimbawa:

 “Nabalitaan kong nagbakasyon ang inyong pamilya. Nag-enjoy ba kayo sa


Bohol?”
 “Medyo magulo ngayong eleksyon ano? May napili ka na bang iboboto sa
pagkapangulo?”
Paggamit ng mga pambungad at pamamaalam na pahayag

 ginagamit para maging magaan at komportable ang simula ng usapan

Halimbawa:

 “Uy! Hello! ‘Gandang umaga!”


 “O sige, mauuna na ako sa iyo. Paalam!”
 “Ingat! Pakikumusta ako sa iyong nanay.”

Paggamit ng back-channelling

 mga pahayag na nagpapamalas ng pagsang-ayon o pagpapakita ng interes sa


pinag-uusapang paksa
 ginagamit upang maipagpatuloy ang usapan

Halimbawa:

 “Talaga?”
 “Ano sa palagay mo?”

Mga Kasanayang Kailangan sa Kuwentuhan


Tulad sa kumusrahan, mayroon ding mga kasanayan na mahalaga sa kuwentuhan.

Pagsisimula ng pag-uusap sa isang paksa sa pormal o kaswal


na paraan

 ginagamit sa pormal na pagtitipon, meeting o usapan

Halimbawa:

 Pormal: “Magandang umaga! Kumusta? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan.”


 Kaswal: “O! Kamusta ka na?”

Pagbibigay ng makabuluhang feedback

 ginagawa sa pamamagitan ng back-channeling


Halimbawa:

 “Sa palagay ko, tama ang iyong sinabi.”


 “Mukhang totoo iyon.”

Paghingi ng paglilinaw

 ginagawa sa pamamagitan ng pagpapaulit ng sinabi kung hindi malinaw na


narinig ang pahayag o kung kinakailangan

Halimbawa:

 “Pakiulit ang iyong sinabi.”

Pag-iwas sa hindi pagkakaunawaan

 ginagawa ito kung nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil sa binitawang


pahayag

Halimbawa:

 “Paumanhin, mukhang kailangan kong ipaliwanag ang panig ko.”

Pagbubukas at pagsasara ng usapan

 magiging komportable at makabuluhan ang kuwentuhan kung may kaalaman sa


pagsisimula at pagsasara nito

Halimbawa:

 Pagbubukas ng usapan: “Maaari ba nating pag-usapan ang problema natin sa


bahay?”
 Pagsasarado ng usapan: “Ganoon na ang ating gagawin ha? Maraming salamat sa
iyong pagtulong. Hanggang sa muli, paalam.”

 Ang interaksyunal na gamit ng wika ay nagagamit sa dalawang paraan:


kumustahan at kuwentuhan.
 Mahalagang taglay ng bawat tao ang mga kasanayang nakapaloob sa bawat
daluyan ng interaktibong gamit ng wika sa lipunan upang higit na
mapanatili ang pakikipag-ugnayan o interaksyon sa kapuwa.

Gamit ng Wika Bilang Heuristiko


Masasabing mataas na nga ang antas ng pamumuhay ng mga tao ngayon. Iba’t ibang
klaseng gadgets o makabagong kagamitan ang patuloy na naiimbento dahil sa pag-unlad
ng teknolohiya. Lalong lumiit ang daigdig at naging mabilis ang pagtuklas ng mga
kaalaman dahil sa Internet at social media. Masasabing ang mundo’y nasa
panahong digital kung saan ang mahahalagang impormasyon ay matatamo sa
isang click lamang.

Heuristiko

 gamit ng wika bilang daan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa ayon


kayMichael Halliday
 maaaring gamitin ang wika upang maunawaan ang iba’t ibang bagay sa daigdig at
matutuhan ang mga kaalaman sa iba’t ibang disiplina
 ayon kay Roman Jakobson noong 2003, ito ang tinatawag na referential o
sanggunian, kung saan ang gamit ng wika ay maging batayan ng mga kaalaman
lalo na sa mga aklat at babasahin

Heuristikong Gamit ng Wika sa Pormal na


Edukasyon
Isang paraan upang masanay sa heuristikong gamit ng wika ang pormal na edukasyon.
Narito ang iba’t ibang halimbawang sitwasyong nagpapakita ng heuristikong gamit ng
wika:

Halimbawa:

 Pagbabasa ng mga work text, batayang aklat, encyclopedia, atlas, magasin,


diksiyonaryo, almanac, diyaryo, at iba pa
 Nagsasaliksik sa mga search engine at iba pang social media site

Paliwanag:

 Mayaman sa iba’t ibang impormasyon ang mga aklat at babasahin bilang


lunsaran.
 Sa paggamit ng Internet ay mas mabilis ang pagkuha ng mga batayang kaalaman
subalit kailangang maging maingat sa pagpili ng mapagkakatiwalaang website o
taong nag-post nito.

Iba pang Heuristikong Gamit ng Wika


Ang heuristikong gamit ng wika ay makatutulong din sa praktikal na mga sitwasyon.

Narito ang iba pang halimbawa:

Halimbawa:

 Paggawa ng survey
 Pagtatanong ng direksyon patungo sa isang lugar
 Pakikipanayam o pag-iinterbyu sa isang kilala o tanyag na tao, manunulat,
negosyante, taong naging matagumpay sa kanyang larangan, mga lider ng bayan
at organisasyon, mga nagwagi sa timpalak

Paliwanag:

 Ang survey at pagtatanong ng direksyon ay pangangalap ng mga pangunahing


impormasyon sa maikli o limitadong oras lamang.
 Ang pakikipanayam ay matalinong pagtatanong sa isang tao o mga taong may
malawak na karanasan o kaalaman sa isang tiyak na paksa upang makakuha ng
mga datos na itinatala at isinasa-dokumento ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng maayos na koordinasyon o appointment.

Heuristikong Gamit ng Wika sa Midya at


Pampublikong Panayam
Maaari ding makakuha ng impormasyon at matuto ng kaalaman mula sa iba't ibang anyo
ng midya.

Halimbawa:

 Pakikinig sa radyo ng mga balita, dokumentaryong balita at komentaryo.


Nanonood ng mga balita, investigative documentaries, magazine
show, educational show, cooking show
 Pagdalo sa mga seminar, palihan, lecture-forum, symposium, malayang talakayan,
debate, at iba pa

Paliwanag:

 Sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng programa ay nakapangangalap tayo


ng mga bagong impormasyon.
 Sa pagdalo sa mga seminar at iba pang kagaya nito ay napalalawak ang ating
kaalaman mula sa mga bihasa sa piling larangan.

 Ang gamit ng wika bilang heuristiko ay makapagtamo tayo ng mga kaalaman.


 Ang heuristiko at referential ay halos magkatulad ng pananaw ukol sa wika.

Gamit ng Wika Bilang Representatibo


Ang gamit ng wika bilang representatibo ay pagpapahayag ng mga kaalaman o
impormasyon. Maraming paraan para makapagpahayag ng kaalaman o impormasyon ang
sinuman. Mayroon ding mga pamantayang sinusunod sa paggamit ng wika bilang
representatibo.

Paggamit ng Wika Bilang Representatibo


May iba't ibang paraan para magamit ang wika bilang representibo.

Pagbibigay ng Apirmasyon o Pagtatanggi sa Datos

Apirmasyon sa Datos

 paggamit ng salitang tulad ng "may," "mayroon," at "totoo"


Halimbawa: Totoong mayroong buhay sa labas ng planetang Earth.

Pagtatanggi sa Datos

 paggamit ng mga salitang "hindi" at "wala"

Halimbawa: Walang maaaring mabuhay sa labas ng mundo lalo na kung hindi sapat ang
kanilang oxygen at tubig.

Paglalarawan o Pangangatuwiran sa mga Katunayan

Paglalarawan sa Katunayan

 paggamit ng mga salitang naglalarawan tulad ng pang-uri upang makapagbigay


ng paglalahad ng mga katangian ng isang bagay, tao, lugar, pangyayari, o
penomenon

Halimbawa: Maraming magagandang tanawin dito sa Pilipinas.

Pangangatuwiran sa katunayan

 pagbibigay ng mga ebidensiyang tumutulong sa pagpapatunay sa babanggiting


bagay, tao, lugar, pangyayari, o penomenon

Halimbawa: Dahil sa mayabong na industriya ng turismo, na binubuhay ng mga small-


medium scale entrepreneurs, sa malalagong kakahuyang nagpapabuti sa kalikasan, at
naggagandahang anyong tubig; maraming nagagandahan at napapaibig sa mga tanawin
dito sa Pilipinas.

Mga Pamantayan sa Paggamit ng Wika Bilang


Representatibo
May mga pamantayang sinusunod sa paggamit ng wika bilang representatibo para
matiiyak na wasto at maayos na naipahayag ang mensahe.

1. Iwasan ang pag-uulit-ulit ng mga salita


 Maaaring hindi magpapaulit-ulit ng mga salita sa pagpapahayag ng mga
impormasyon kung gagamitin ang mga panghalip bilang mga cohesive devices.

2. Siguraduhing naglalaman lamang ng katotohanan ang mga impormasyong


ipinapahayag

 Maaaring masigurado ang katotohanan ng mga impormasyong ipinapahayag kung


nakapagsaliksik nang malalim tungkol sa paksa.

3. Maging malinaw sa pagpapahayag ng mga impormasyon

 Iwasan ang paligoy-ligoy na paglalarawan ng mga detalye. Tumuon lamang sa


kung ano ang mahahalagang punto ng impormasyong ipinapahayag.

 Ang gamit ng wika bilang representatibo ay pagpapahayag ng mga kaalaman o


impormasyon.
 Mahalaga ang papel na ginagampanan ng eika sa pagpapalitan ng impormasyon.
Sa tulong nito, nagkakaroon ng pagpapayabong at pag-inog ng kaalaman sa haba
ng panahon.
 Ang gamit ng wika bilang representatibo ay naipahahayag sa pamamagitan ng
apirmasyon o pagtanggi sa datos, at sa paglalarawan, o pangangatuwiran.

You might also like