You are on page 1of 23

Unang Wika, Ikalawang Wika at Ikatlong 

Wika

Posted bysabellehuindaOctober 26, 2019Posted inUncategorized

                  Ang unang wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika (kilala rin bilang inang


wika o arteryal na wika, at kinatawa din ng L1) ay ang wika na natututunan natin mula ng tayo ay
isilang. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga ideya,
kaisipan at damdamin.

                 Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon sya ng exposure o pagkalantad  sa iba pang wika sa
kanyang paligid na maaaring magmula sa telebison o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga,
mga kalaro, mga kaklase, guro at iba pa. Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure o
pagkalantad sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga
salitang salitang palit-ulit nyang naririnig a unti-unti nyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa
magkaroon sya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at
pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang pangalawang wika o L2.

                 Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ag mga
taong nakakasalamuha niya, gayundin ang lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito’y tumataas din ang antas ng
kanyang pag-aaral. Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y
natututuhan nia at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng
wikang ito. Nagagamit niya ang wikag ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ang wikang ito ang kanang ikatlong wika o L3.
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo
              Ang monolinggwalismo ay isang kaparaanan at pagbabagong ponemenang pangwika na
puspusang tinatalakay ng mgasosyolinggwistiks, sa madaling sabi layunin ng monolinggwalismona
ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng mahigpit napaggamit ng Pransya ng Wikang French.

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa
mga bansang England,South Korea,Hapon at iba pa,kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang
panturo sa lahat ng larangan.

Base sa aming pananaliksik ang ibang kahulugan ng monolingguwalismo ay:

—isa itong kaparaanan o pagbabago ng penemonang pangwika na puspusang pinaguusapan

—ito ay tinatalakay ng mga sosyolingguwistik.

Mahirap maging monolingguwal ang isang bansang katulad ng Piipinas dahil ang ating bansa ay umiiral
ng napakaraming mga wika. Tulad ng Chavacano,Tausug,Waray Ilonggo,Bicolano at marami pang iba.

Mga Bansang Nagpapatupad ng Iisang Wika:


England – Wikang Ingles ang ginagamit na lengguwahe ng bansang ito ngunit ang kakaibahan lamang ay
ang mga “accents” na ginagamit ng mga taga roon.

South Korea  – Korean ang tawag sa ginagamit na wika ng mga taga-Korea.

Pransya – Wikang French ang iisang wika ng mga taga-Pransya.Ngunit kalimitan ng mga tao ay
gumagamit ng wikang Ingles.

Hapon  – Japanese ang tawag sa wikang ginagamit ng mga Hapones.

MONOLINGGUWALISMO

Jejemon/jologs – ang pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbabaybay ng hehehe at ng salitang mula
sa hapon na pokemon.

Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay din sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo halong numero,mga simbolo at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya mahirap
basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping.

Halimbawa:

3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? – “Hello po, kumusta na po kayo?”

aQcKuHh iT2h – ako ito

iMiszqcKyuh – I miss you

muZtah – kumusta
    

          Ang bilingguwalismo ay ang pantay na kakayanhang umintindi at magsalita ng dalawang


magkaibang wika. Ang sino mang bilingguwal (bilingual) ay mamaring makipagusap sa sino mang
nagmula sa bansang pinanggalingan ng kanyang alam na “language”.

Ang Sistemang Bilinggwalismo

Isang araw pagkalipas ng dedlayn ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) sa Pangulong Saddam
Hussein na lisanin ng Iraq ang Kuwait (Enero 15, 1991), nagsalita sa telebesiyon si Pangulong George
Bush sa wikang Ingles na nagsasabing ang pananalakay ng mga magkakaalyadong bansa sa puwersa ng
Iraqi sa Kuwait at Iraq ay pagtupad lamang sa naging desisyon ng U.N. Nagsalita rin sa himpapawid si
Pangulong Mikhail Gorbachev ng Unyong Sobyet sa wikang sarili na may tuwirang salin sa Ingles na
nagpapahayag ng pagkalungkot sa nangyayari sa Gulpo. Sumahimpapawid din si Pangulong Hussein sa
sariling wika na may tuwiran ding salin sa Ingles na nagbabanta na iigting at magiging “ina ng lahat ng
giyera” ang labanan sa Gitnang Silangan. Nagpahatid rin ng mensahe ang Pangulong Corazon C. Aquino,
hindi sa sariling wika kundi sa wikang Ingles ng kaniyang pagsuporta sa ginawang hakbang ng Estados
Unidos at mga kaalyadong bansa.

Nang sumunod na dalawang araw, patuloy pa rin sa pagsasahimpapawid ng mga nagaganap sa Gitnang
Silangan ang mga mamamahayag na Pilipino sa telebesiyon at radyo sa wikang Ingles. Hindi maikakaila
na ang kanilang pagpapaliwanag sa wikang Ingles ay katibayan at patunay ng pagiging bihasa ng mga
reporter na Pilipino sa dalawang wika.

•Ang pagkakaroon ba ng kasanayan sa dalawang wika ay matatawag na bilinggwalismo?

Sina Saddam Hussein at Mikhail Gorbachev ay kapwa nagpahayag sa sariling lenggwahe. Ang Ingles na
paliwanag ay tuwirang translasyon ng mamamahayag, hindi ng mga nagsalita. Kasinghusay din kaya sa
wikang Ingles tulad sa sariling wika sina Saddam at Gorbachev? Kung hindi parehas ang kasanayan,
bilinggwalismo din ba itong matatawag?
Sang-ayon sa Webster New World Dictionary, ang bilinggwalismo ay kakayahang gumamit ng
dalawang wika na halos parehas ang kasanayan. Sa madaling salita, ang konsepto ng bilinggwalismo ay
paggamit ng dalawang wika o kakayahang gumamit ng dalawang wika.

Kung ating papansinin, sina Saddam, Gorbachev at Bush ay mga monolinggwal sa kani-kanilang wika,
samantalang si Pangulong Aquino na alam nating may katutubong kakayahan sa Filipino ay may
katumbas na kakayahan sa wikang Filipino at Ingles.

Ang mga halimbawang paliwanag sa itaas ay madaling maunawaan sapagkat payak; datapwat, sa
kapakanan ng pakikipagtalastasan, kailangang mauri ang bilinggwalismo sa antas ng kahusayan sa
dalawang wika. Ang bilinggwalismo ay ang kalidad ng pagiging bilinggwal.

May mga Filipino—dahilan sa kanilang matiyagang pakikinig sa mga palatuntunan sa radyo, telebesiyon,
pagdalo sa mga pulong, at pakikihalubilo sa mga marunong sa ibang wika—ay nagkuunawa ng
pangalawang wika kahit wala silang kakayahang gamitin ito nang tuwiran. Ayon kay Diebold, ang tawag
dito’y nagsisimulang bilinggwalismo. Katulad din ito ng reseptibong bilinggwal na kahit di marunong
magpahayag sa pangalawang wika ay naiintindihan naman ang impormasyong nakapaloob sa
banayagang wika.

Kung ang panahon naman ng pagkakatuto sa dalawang wika ang ating susuriin, kinakailangang tingnan
ang edad ng kanilang pagiging bilinggwal. Isa na rito ang pagiging bilinggwal sa kamusmusan o
magkasabay na pagkatuto sa dalawang wika. Ang ganitong pagkatuto ay mahirap maganap maliban na
lamang kung ang batang nag-aaral ng dalawang wika ay anak ng isang banyagang Amerikano at isang
Pilipina. Sa kapaligiran ng bata ay nakatitiyak tayo na sabay niyang matututuhan ang dalawang wika.

Sa kabilang dako, ang isang batang Pilipino na nagsimulang pumasok ng paaralan ay pormal na tinuruan
ng mga bagay sa wikang banyaga. Tinatawag itong bilinggwal na kabataan. Masasabing sapat na ang
kaniyang kaalaman sa kaniyang unang wika.
Kapag tinawag na bilinggwal sa kabataan o katandaan, sinasabing ang kaniyang pagkatuto sa
pangalawang wika ay nagsimula sa hayskul o kolehiyo. Kasama rin dito ang pag-aaral sa ibang bansa.
Makikita rito ang bilis ng pagkatuto sa ikalawang wika.

Naransan ng maraming mag-aaral na Pilipino sa hayskul ang patakarang “English Rule” o ang pagsasalita
ng Wikang Ingles sa loob ng klase at maging sa labas ng paaralan kung may pasok. Ang sinumang
lumabag dito’y pinagmumulta ayon sa kanilang napagkasunduan. Hindi masasabing ito’y labag o laban
sa wikang Filipino sapagkat lumalabas na ito’y isang pagdisiplina upang matuto ng wikang Ingles.

Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal 1973 at 1987

Ang kahalagahan ng wika ay hindi matatawaran bilang kasangkapan sa pagkatuto. Natutong magsalita
ang mga bata ayon sa wikang naririnig niya sa kaniyang mga magulang. Unang wika ng bata ang
kaniyang katutubong wika.

Sa mga institusyong edukasyonal sa Pilipinas, wika ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng iba’t
ibang asignatura mula elementarya hanggang kolehiyo. Kung wikang katutubo, Filipino o Ingles ang
dapat gamiting wikang panturo ay matagal din naging suliranin sa ating bansa.

Nang pagtibayin ang Bagong Saligang Batas ng 1973, nagsimula na rin ang bilinggwalismo sa edukasyon
ng Pilipinas. Itinakda sa Saligang Batas ng 1973 at ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang pagkakaroon
ng patakarang bilinggwalismo sa mga paaralan. Layunin nito na makalikha ng isang bansang bilinggwal
na may mamamayang may sapat na kakayahan at kaalaman aa mga wikang Ingles at Filipino.

Kaugnay nito, nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports ng ilang panuntunan sa
pagpapatupad ng mga patakarang tulad ng mga sumusunod: magkahiwalay sa paggamit ng Filipino at
Ingles bilang mga wikang panturo sa Baitang I; pagtuturo ng Filipino at Ingles bilang asignaturang
pangwika sa elementarya at sekundarya; paggamit ng Filipino sa mga Araling Panlipunan, Edukasyong
Pangkalusugan, Agham Panlipunan, Edukasyon at Wastong Pag-uugali, at Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan; at pagkakaroon ng mga bagong sangguniang aklat na nasusulat sa Filipino.

Itinakda pa rin na sa mga taong panuruan 1974-1975 hanggang sa taong panuruan 1977-1978, maaari
nang gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga araling unang nabanggit sa mga lalawigan sa
Katagalugan. Sa ibang rehiyon ay ibabatay ang wikang panturo sa pagkamayroon (availability) ng mga
kagamitang panturo at mga gurong may sapat na kaalaman sa pagtuturo ng Filipino. Ingles naman ang
mananatiling wikang panturo sa lahat ng iba pang kurso.

Mula naman sa taong panuruan 1978-1979, magiging sapilitan naa ang paggamit ng Filupino sa mga
araling nabanggit sa mga paaralan sa Katagalugan at sa iba pang rehiyon na gumamit ng Filipino sa taong
panuruan 1974-1975. Bibigyan ng layang bumalangkas ang nga institusyong pandalubhasaan at
gradwado ng kanilang sariling talatakdaan sa pasubali na sa pagdating ng taong panuruan 1984, ang mga
magsisipagtapos ay dapat pumasa sa mga pasuaulit sa Filipino at Ingles para sa mahusay na paggamit ng
propesyon.
Lalong pinalakas ang edukasyong bilinggwal sa Pilipinas sa tadhana ng Artikulo XIV, Seksyon 7 ng
Saligang Batas ng 1987. Isinaad dito na sa mga layuning pangkomunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino a Ingles, hangga’t hindi binabago ng batas.

At bilang pag-alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, pinagtibay ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 52,
seryeng 1987, hinggil sa patakarang edukasyong bilinggwal na naglalayong makapagtamo ng kahusayan
sa pagtuturo ng wikang Filipino at Ingles at magamit ding itong midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas
ng paaralan.

Tungkulin ng patakarang edukasyong bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng


dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng
konstitusyong 1987; palaganapin ang Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng
Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyonal para sa
Filipino ang Ingles at bilang di-ekslusibong wika ng agham at teknolihiya.

Bilang karagdagang panuntunan sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987, ang Filipino at Ingles ay
gagamiting mga midyum sa pagtuturo sa mga tiyak na asignatura sa kurikulum gaya inilahad sa
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974. Ang mga diyalektong lokal o wikang panrehiyon ay
gagamiting wikang pantulong sa pagtuturo. At upang matamo ang inaasahan sa edukasyong bilinggwal,
ang Filipino at Ingles ay gagawing mga asignaturang wika sa lahat ng antas.

Nong Mayo 27, 1987, ang dating Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Isports ay
nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 na naghahain ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Edukasyong Bilinggwal ng 1987. Ilan dito ang mga sumusunod:

1. Ipinapakahulugan ng Edukasyong Bilinggwal ang patuloy na paggamit ng Filipino ay Ingles bilang


magkahiwalay na midyum ng pagtuturo sa mga ispesipikong asignatura.

2. Ang pagbasa sa Filipino at Ingles ay dapat isagawa nang payugto-yugto. Sa mga rehiyong di-
Tagalog, ang Filipino ay maaaring ituro ng oral sa tulong ng mga inihandang balangkas,
pamamaraan at mga kagamitang kailangan sa pagtuturo sa mga hindi nagsasalita ng Tagalog.

3. Ang pagsasama ng dalawa o tatlong lenggwahe ay isasaayos sa antas panrehiyon na patuloy


namang pinaiiral ang pagtuturong bilinggwal sa lahat ng rehiyon.

4. Ang kahulugan ng nilalaman maging sa anumang lenggwahe ay di dapat ipagpabaya dahilan


lamang sa pagsasama ng iba’t ibang wika.

5. Para sa lahat ng asignaturang ituturo sa Filipino, ang pagpapaunlad ng pagtuturo at mga


kagamitang panturo kasama na ang pagsasanay ng mga grupong magtuturo ng Filipino ay dapat
paglaanan ng kaukulang pondo.

6. Ang antas ng kasanayan sa Filipino at Ingles na itatakda ng Kagawaran ayon sa antas at


pangangailangan ng mamamayan ay magkakaroon ng pana-panahong pagbabago.
7. Kakailanganin sa promosyon ng mga mag-aaral ang minimum na istandard sa paggamit ng
wikang Filipino at Ingles.

Isinaad pa rin sa nasabing Kautusang Pangkagawaran na pagkaraan ng sampung taon (1987-1997), ang
Patakarang Edukasyong Bilinggwal ay magdaraan sa pangkalahatang esbalwasyon. Bago pa man
dumating ang taong panuruang ito, isinasagawa naman ang manaka-nakang ebalwasyon at mga
mungkahi para sa maayos ba pagpapatupad ng Edukasyong Bilinggwal.

Inaasahan na sa pagtutupad ng Edukasyong Bilinggwal, higit na mapauunlad ang wikang Filipino maging
sa natural na proseso, mapagyayaman ang kaniyang talasalitaan  sa pagsasanib ng iba’t ibang wikang
panrehiyon ay maging ng mga dayuhang wika, kusang mag-aangkin ito ng mga elementong pangwika, at
magkakaroon ng makaagham na pagbalangkas ng mga programang pangwika.

Kasaysayan ng Bilinggwalismo

Ang kasaysayan ng patakarang bilinggwal sa Pilipinas ay nag-uugat sa pag-introdyus ng Ingles sa ating


edukasyon. Nang inintrodyus ng Amerikano ang sistema ng publikong edukasyon sa Pilipinas, kasama na
ditong inintrodyus ang Ingles bilang sabjek at bilang midyum ng pagtuturo. Ang isang pangunahing
dahilan dito ay pinakaangkop ang Ingles, ayon sa gobyernong Amerikano, sa lahat ng mga wika na
mapagkukunan ng mga kaalaman o ideyal na nararapat sa demokratikong gobyerno (Board of
Education, 1914:68) at hindi maaari, ayon kay Presidente Taft, ang alinmang wika sa Pilipinas sapagkat
ang mga ito ay “barbaro at kapag ginamit ng mga Pilipino, sila ay magbabalik sa kakitirang sumaklaw sa
kanila nang ilang siglo.” (Taft, 1913:689-690). Sa madaling salita, gaya ng madalas sabihin para
ipagtanggol ang eksklusibong paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo, ang kaalaman sa wikang
ito’y “magbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na maging mga kasamang tagapagmana ng yaman ng
sibilisasyon — pilosopiya, siyensiya, sining, musika, atbp. — na nakaimbak sa literaturang Ingles at
maglalapit sa kanila sa komunidad ng mga dakilang bansa ng daigdig.” At ang patakarang ito ng
gobyernong Amerikano sa paggamit ng Ingles ay ipinatupad nang masigasig sa mga gawaing pang-
eskuwelahan at pangkomunidad. Nagpadala ang gobyerno ng mga estudyanteng Pilipino sa Amerika
upang mahasa sila sa wikang Ingles. Madalas na rebisahin ang kurikulum sa eskwelahan simula noong
1909 para lalong mapabuti ang pag-aaral ng Ingles. Halimbawa, nong 1910, nirebisa ang mga kurso sa
eskuwelahang sekondarya tungo sa layuning bigyan ng lalong empasis ang pagsasalita at pagsulat nh
Ingles (Board of Education, 1911:41). Ang mga aktibidad ng mga estudyante sa eskuwelahan ay ginamit
sa pagsasanay sa kanila na wikang ito. Hinasa ang mga titser na Pilipino sa Ingles para mapalaganap nila
ang wikang ito. Sa buong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, malawakan at masigasig ang
ginawang pagpapalaganap sa Ingles dahil gusto nilang maging midyum ito ng komunikasyon at sa
kalauna’y naging linggwa prangka o wikang pambansa (Board of Education, 1919:12).

Ang Bilinggwalismo sa Pilipinas

Ang patakarang bilinggwal na pinasimulan ng National Board of Education, ang pinakamataas na lupon
para sa mga bagay na pang-edukasyon sa ating bansa ay nangangahulugan ng edukasyon sa
pamamagitan ng paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula sa mababang paaralan
hanggang unibersidad. Mahalagang tandaang may dalawang masaklaw na uri ng
bilinggwalismo: natural (likas) at environmental (pangkapaligiran). Nag-uugat ang likas na bilinggwalismo
sa isang sosyolohikal na pangyayari katilad ng imigrasyon halimbawa, sa USA nag-uugat ang
bilinggwalismong pangkapaligiran sa patakarang pampulitika, katulad ng paggamit ng opisyal na wika
bilang panturo

           Samakatuwid, isang patakarang pang-edukasyon at patakarang pang-gobyerno ang ating


patakarang bilinggwal. Itinuturo na sa Pilipinas ang  social studies at work character education.  Itinuturo
sa Ingles ang ibang asignatura. May sariling pagpapasiya ang mga unibersidad sa implementasyon ng
patakarang bilinggwalismo upang sa taong 1984 lahat ng tapos sa kolehiyo ay makakapasa sa mga
iksaming pambansa sa kanilang larangan sa Ingles at/o Pilipino. Itong patakarang bilinggwal ng NBE ay
kaayon ng 1972 Konstitusyon na nagtatakda sa Article XV, seksyon 3(3) —  “Until otherwise provided by
law, English  and Pilipino shall be the official languages of the country.”

Dapat pansining hindi bagung-bago ang bilinggwalismo sa ating bansa. Masasabi na ang incipient
bilingualism (bagong nagsisimula na bilinggwalismo) ang dahilan n pagkasama-sama ng maraming
salitang Kastila sa Tagalog sa iba’t ibang wika ng Pilipinas. Ang incidpient bilingualism resulya ng
language contact (pagkatapgu-tagpo ng wika). Hindi laganap ang edukasyon noong panahong Kastila,
ngunit pagkaraan ng higit na tatlong dantaon ng pananakop ng mga Kastila, maramingvsalitang Kastila
ang napasama sa Tagalog. Pinatutunayan ito ng mga 7,459 na salitang hiram sa Kastila na nakalista sa
Hispanismos en el Tagalog (1972). Maaaring sabihin noong panaho ng Kastila tayo ay nasa yugto ng
incipient bilingualism dahil sa ang kaalaman bg Kastila ng nakararaming Pilipino ay kaunti-kaunti.
Marahil ang karamihan ng mga salitang hiram ay narinig lamang nila sa mga pare o kaya sa mga opisyal
ng bayan at sa mga iilang esukadong Pilipino. Gayon pa man, di kaulad ng mga nakapag-aral hanggang
bokabularyo lamang ang kanilang kaalamab ng Kastila. Bagaman malaki ang epekto ng kulturang Kastila.
Bagaman malaki ang epekto ng kulturalang Kastila sa atin, hindi ito nasabayan ng bilinggwal na
kahusayan dahil hindi laganap ang edukasyon. Sa pangkalahata, di kakaunting pagbabago ang nakikita sa
mga salitang hiram sa Kastila: sibuyas (hango sa cebollas), kabayo (coballo), kasal (kasar) atb. Iniangkop
ang mga salitang hiram sa ponolohiya ng Tagalog at iba’t ibang wika ng Pilipinas
                      Ang multilingualismo ay ang kakayahan ng isang indibidwal na nagsasalita o isang
komunidad ng mga nagsasalita upang makipag-usap nang epektibo sa tatlo o higit pang mga wika.
Kaibahan sa monolingualism, ang kakayahang magamit lamang ang isang wika.

 Ang isang taong maaaring magsalita ng maraming wika ay kilala bilang isang polyglot o
isang multilingual.

Ang Pilipinas Bilang Isang Multiligguwal

May humigit kumulang sa 3,000 pangunahing wika sa daigdig na nabibilang sa may siyam (9) na pamilya
ng mga wika. Ang pamilya ng mga wikang kinabibilangan ng Pilipinas ay ang Austronesian o Malayo-
Polynesian na sumasaklaw sa mga wika ng mga bansa sa Timog-Silangang Asia, gaya ng Indonesia,
Malaysia, kasama na ang Pilipinas. Ito ay pamilya ng magkakamag-anak o magkakaugnay na mga wika na
may humigit-kumulang na 110,000,000 nagsasalita/tagapagsalita sa Madagascar, Katimugang Vietnam,
Peninsulang Malay, Indonesia, Kapuluang Pilipinas, Formosa (ngayo’y Taiwan) Melanesia, Micronesia, at
mga pulong Polynesian at New Zealand. May apat na malalaking bansa na ang wikang Malayo-
Polynesian ay wikang opisyal o isa sa mga wikang opisyal – ang Malay sa Malaysia, Indonesia sa
Republika ng Indonesia, Tagalog sa Republika ng Pilipinas, at Malagsy sa Republika ng Malagasy
(Encyclopedia Britanica, Vol. 14).

Tatlong subpamilya ng mga wika ang sinasaklaw ng pamilyang Malayo-Polynesian. Ang una ay ang
Polynesian na kinabibilangan ng mga sangang Sawaiori at Jahori. Sa unang sanga nabibilang ang mga
pangkat Hawaiian at Tahitian at sa ikalawang sanga naman nabibilang ang mga pangkat Maori at
Samoa. Ang ikalawang sangang Micronesia o Tarapon (Caroline, Gilbertese, Ladrone, Marshall),
Melanesian o Fijian (Bank Island, Fiji, atb.) at Melano-Papuan (Kiriwina, Mesina, Tagala, atb.). At
ang ikatlong subpamilya ay Malay na sumasaklaw sa sangang Malayo-Javanese na kinabibilangan ng
pangkat Malay (Pesinsulang Malay, Sumatra, Borneo, Celebes, Nicobars, atb.) at pangkat Javanese (Java,
Madura, Sunda, atb.) at sangang Tagala na kinabibilangan ng mga pangkat Tagala (Pilipinas), Formosan
(Formosa), Malagasy (Madagascar), Cham-Selung (Cambodia, Peninsulang Malay, Arkipelagong Mergui).

Ang pagkakapangkat-pangkat ng nasabing pamilyang Malayo-Polynesian o Austronesian ng mga wika ay


maisasahanay gaya ng nakalahad sa ibaba.

MGA POOK/LUGAR N
SUBPAMILYA SANGA PANGKAT/GRUPO
REHIYON

Hawaiian
Sawaiori
Polynesian Maori
Jahori
Samoa

Melanesian Micronesian  o Tarapon Caroline, Gilbertese,


Landrone, Marshall
Banks Island, Fiji, atb
Melanesian  o  Fijian
Melano-Papuan Kiriwina, Mesina, Tag
atb.

Peninsulang Malay,
Sumatra, Borneo,
Celebes, Nicobars, at

Java, Madura, Sundra


atb.

Pilipinas
Malay
Malayo-Javanese
Malay JavaneseTagalaFormosanMalagasy Formosa
Tagala
Cham-Selung Madagascar

Cambodia,

Peninsulang Malay,

Arkipelagong

Mergui

Ang halimbawa ng isang bansang multilingual ay ang Pilipinas. Kung kaya’t ating mapapansin, karamihan
sa ating mga Pilipino, lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan, ay nakakapagsalita at
nakauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o mga
wikang kinagisnan.

Gayunpama’y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa
halip na Filipino at Ingles. Mayroon ding ipinatupad ang probisyon na nakasaads a DO 16, s. 2012, ito ay
tinatawag na MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilinggual Education.  Nakalahad dito na simula sa
araling taon 2012 at 2013, ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Nasasabi rin sa mga maraming
pag-aaral na mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung ang unang wika nila ang kanilang ginagamit
sa paaralan. Sa pananaliksik naman nina Ducher at Tucker, napatunayan nila ang bisa ng paggamit sa
unang wika bilang wikang panturo sa mga unangt aon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang
wika sa panimulang pagtuturo ng pagbabasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na
pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE nang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika
o lingua franca  at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamitin wikang panturo at ituturo din bilang
hiwalay na asignatura.
•Ang walong pangunahing wika ay ang
sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinan, Ilocano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at ang
apat na iba pang wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Meranao, at Chavacano.

Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya’t naging labinsyam na ang
wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang mgas umusunod: Ybanag  para samga mag-aaral ng
Tuguegarao, Cagayan, at Isabela; Ivatanp ara sa mga taga-Batanes, Sambal  sa Batanes, Aklanon  sa
Aklan, Capiz; Kinaray-a  sa Antique; Yakan  sa Autonomous Region of Muslim Mindanao; at
ang Surigaonon  para salungsod ng Surigao City at mgakaratig-lalawigan nito.

Sa buong mundo nabibilang ang Pilipinas sa mga bansang may maraming uri ng wika na ginagamit. Dahil
sa nahahati sa kapuluan at iba’t-iibang rehiyon ang ating lugar, tayo ay nagkaroon din ng kanya-kanyang
lenggwahe at dayalekto na ginagamit. Ayon sa huling talaan ng mga linggwistiko, tayo ay may halos 150
uri ng wikang ginagamit. Sa pananaliksik at pag-aaralnagkakaroontayo ng mgabarayti at baryasyon ng
wika.

Kahulugan ng Multilinggwalismo

        Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig
sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maramingsalita o wika”. Ang wikang
Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang gamit, may mga nabuo pang
salita hango sa ating mga kasalong wika.

Mga Halimbawa ng Multilinggwalismo

Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga Pampanga, Tarlac at
Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng Pangasinan at Nueva Ecija. Nabibilang
din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa mga dayuhang
mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at Mandarin naman sa mga kapatid
na Tsino.

Ano ang Multilinggwalismo at Bakit Ito Mahalaga?

Sa sektor ng edukasyon, ay nagkaroon din ng patakaran ng paggamit ng multilinggwilismo. Sa katunayan


ay kasalukuyang ipinatutupad ng kagawaran ang pagdagdag sa paggamit ng “Mother Tongue” o Inang
Wika sa sistema ng asignatura ng mga elementarya sa mga pampublikong paaralan. Sinabatas ang
paggamit ng katutubong dayalekto maliban pa sa paggamit ng Pilipino at Ingles sa loob ng paaralan ng
mga elementarya. Sinang-ayunan ang paggamit ng multilinggwalismo lalo ng inang wika para
mapreserba at di mawala sa sirkulasyon ang ating katutubong wika. Pangalawa ay para mas maayos
nating maiparating ang ating mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika. Bukod dito ay may
mga aklat narin na nilimbag gamit ang multilinggwalismo. Saan ka man dumako ngayon sa ating lipunan,
multilinggwalismo ang gamit ng maraming indibidwal, sa sangay man ng edukasyon, komersyo at iba pa.
SANGGUNIAN
https://tl.lifehackk.com/63-what-is-multilingualism-1691331-4441

https://brainly.ph/question/626239

https://prezi.com/hf7jkohtyp33/monolingguwalismo-bilinguwalismo-at-multilingguwalismo/

Blog.memrise.com

http://www.researchgate.com

REPLEKSIYON

1.Anong mga kaalaman sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Mula sa mga napag-aralang lesson, ang pinakatumatak at nagbigay impak sakin ay ang kasaysayan ng
wika dahil dito napag-alaman kong hindi basta-basta ang pinagdaanan ng ating mga ninuno at ng ating
wika bago maabot ang sa kung anong estado nito ngayon.

2.Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura bago at pagkatapos ng unang kwarter ng
Filipino 11?

—Bago magsimula ang unang kwarter ng Filipino 11 sa semestrang ito, ang aking pananaw sa
asignaturang ito ay simple, madali at mababaw lamang sapagkat noong mga nagdaang taon namin sa
hayskul ay hindi gaanong tinalakay ang tungkol sa wika at kahalagahan nito. Ngunit, matapos nating
talakayin ang mga lesson na nasa libro ay naunawaan kong ang wikang Filipino na syang ginagamit natin
ngayon ay hindi lamang basta wika sapagkat ito ay may malalim palang pinag-ugatan at talagang
napaka-importanteng parte sa buhay nating mga Pilipino.

3.Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Bilang estudyante at mamamayan ng bansang Pilipinas, natural lamang na maging bukas ang ating
pag-iisip sa lahat ng kaganapan sa ating bansa at sa kung ano ang sariling atin. Ang kultura at wika ay ang
nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa. Ito ang pagkakakilanlan natin at ang nagiging dahilan ng ating
pagiging bukod-tangi mula sa ibang nasyon o bansa.

4.Magbigay ng suliraning kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

—Isa sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa ngayon patungkol sa wika ay ang pagsi-‘set’ ng mga
tao ng standard na kapag ikaw ay magaling o parating gumagamit ng lengguwaheng Ingles ay
nakakaangat ka o matalino ka. At dahil nga naman sa kaisipang ito ay nahihikayat ang karamihan na
pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng wikang Ingles dahil sa takot na mahusgahan ng ibang tao.

5.Bilang kabataang Filipino, paano ka makakaambag sa lalong ikakahusay ng wikang pambansa bilang
wika ng karunungan?

—Bilang kabataang Filipino at mamamayan ng bansang ito, wala akong ibang maiaambag kundi ang
hindi pagdagdag sa maling mentalidad ng mga tao ngayon tungkol sa pagsasabing mas mataas ka, mas
matalino ka, at mas kagalang-galang ka kapag Ingles o wikang dayuhan ang gamit mong wika sa
pakikipagtalastasan. Wala man akong kapangyarihan o awtoridad na gumawa ng batas para mapasunod
ang nakararami ay mayroon naman akong boses na siyang magagamit ko upang patuloy na magamit at
makonserba ang sarili nating wika at para makatulong sa pagbubukas ng isipan ng mga kapwa ko
kabataan na nalilihis at nalilimutan ang tunay na wika ng ating bansa.

-JUSTINE YSABELLE HUINDA-

1.Anong mga kaalaman tungkol sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Ang kaalaman tungkol sa wika na nagbigay ng impak saakin ay ang monoligguwalismo,


bilingguwalismo at multilingguwalismo. Sa kulturang Filipino naman ay ang pamamanhikan. Ang salitang
pamamanhikan ay sa Pilipinas lang, pero ang kulturang ito ay meron din sa iba ngunit hindi
pamamanhikan ang tawag dito.

2.Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura bago at pagkatapos ng unang kwarter ng
Filipino 11?

—Ang pananaw ko bago ang unang kwarter ay hindi magiging madali ang pag-aaral ng Wikang Filipino at
bilang asignatura. Mula sa dating asignaturang Filipino na pinag-aaralan ang mga iba’t-ibang uri ng
Pananalita ay pagdating ng Senior High School na mas malalim na ang mga aralin. Pagkatapos ng unang
kwarter ay tama naman ang aking inasahan. Mula sa iba’t-ibang bahagi ng pananalita ay napalawak ang
mga aralin. Napag-aralan ang pinagmulang ng mga wika sa ating bansa. Kung paanong ang wikang
Filipino ang naging Pambansang wika ng ating bansa.

3.Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino sapagkat sa pamamagitang ng wika,


nasasalamin ang bawat kultura sa ating bansa. Ang ating bansa ay binubuo ng mga iba’t-ibang rehiyon
na may magkakaibang wika at kultura. Nararapat lamang na pag-aralan natin ito upang higit nating
maunawaan ang mga ito at mas makilala ang iba’t-ibang kultura sa ating bansa.

4.Magbigay ng mga suliraning kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

—Maraming suliranin ang kinakaharap ng ating wikang Filipino sa kasalukuyan. Ngunit sa aking palagay
ang modernisasyon ang isa sa pinakamalaking suliranin ng wikang Filipino. Sa pagdaan ng panahon
kasabay nito ang modernisasyon. Tila ba ang wikang Filipino ay unti-unti ng kinakalimutan at
binabalewala. Sa pag-usbong ng maraming wika sa ating bansa laganap na ang pagsasalita ng mga
kabataan ng Ingles pati narin ang wika ng mga Korean. Ni hindi na alam ng mga kabataan ang ibang mga
salitang tagalog lalo na ang mga malalim na salita. Gumagamit na lamang sila ng mga hiram na salita.
Hindi masama ang modernisasyon, ngunit kailangan natin isabay sa pag-unlad ang ating wikang
Pambansa, ang Wikang Filipino.

5.Bilang kabataang Filipino, paano ka makapag-aambag sa lalong ikahuhusay ng wikang pambansa


bilang wika ng karunungan?

—Bilang isang kabataang Filipino, makakapag-ambag ako sa pag-unlad ng ating wikang Pambansa sa
pamamagitan ng paggamit at pag-aaral sa mga ito. Sa panahon ngayon tila ba wala ng halaga ang wikang
Filipino at ginagamit na lamang ito bilang wika sa pang araw-araw at kinalimutan na ng mga kabataan
ang kahalagahan ng mga ito. Imumulat ko ang aking mga kapwa kabataan na kailangan nating
pahalagahan ang wikang mayroon tayo. Dahil ang wikang Filipino ang magbubuklod-buklod sa atin
bilang isang Pilipino at mamamayan ng bansang Pilipinas.

-JOYCE ANN RAFAEL-

1.Anong mga kaalaman tungkol sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Ang mga kaalaman na nagbigay sakin ng impak tungkol sa wika at kulturang Filipino ay ang mga
Konsepto ng Wika, Barayti ng Wika at Kasaysayan ng Wika. Natutunan ko dito na higit na mas kailangan
pahalagahan ang wika kaysa sa mga anumang bagay dahil ang wika ang sumasalamin sa pagiging Pilipino
natin. Ang mga kasaysayan na dapat hindi kinakailimutan at dapat ipinapalaganap upang sa mga
darating na henarasyon ay alam nila ang kasaysayan ng ating wika. Natutunan ko rin dito na kahit saang
lugar, walang buhay na wika ang matatawag na homegeneous dahil maraming wika ang ating nagagamit
at hindi lang iisa. Ang ating wika ay sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino kung ano ang
pagkakakilanlan natin.
2.Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura bago at pagkatapos ng unang kwarter ng
Filipino 11?

—Kung ating papansinin ang ating bansa sa kasalukuyan, masasabi kong ang mga Pilipino ay gumagamit
ng mga hiram na salita tulad na lang ng Ingles na kalauna’y napaghahalo na sa wikang Filipino kung
kaya’t ang mga tao ay hirap na kung magkaintindihan, sa madaling salita ang mga Pilipino ay gumagamit
na ng mga konyo-konyo na salita. Pagkatapos naman ng unang kwarter sa Filipino 11, aking napag-isip-
isip na wala namang masama na gumamit ng ibang wika bilang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao
ngunit huwag sanang kalimutan ang wikang kinalakihan natin dahil ito ang nagbubuklod sa atin bilang
isang Pilipino.  May mga magulang na mas pinipili nilang ituro sa kanilang anak ang wikang banyaga
kaysa sa wikang Filipino pero sa aking palaga, hindi naman talaga masama na turuan ang kanilang mga
anak sa wikang banyaga subalit huwag rin sanang kalimutan o itapon basta-basta ang wikang
kinalakihan natin dahil ang wikang Filipino ang sumasalamin sa pagiging Pilipino natin.

3.Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino dahil ito ang sumasalamin sa ng identidad ng
mga Pilipino at kung saan tayo nagmula. Ito ang mga bagay na nag-papaiba sa atin mula sa ibang bansa.
Ang wikang Filipino ay dapat nating ipagmalaki, gamitin, mahalin at panatilihin pa sa kasulukuyan at
kinabukasan dahil ito ang mga bagay na bumubuo sa atin at ang pagkakakilanlan natin. Kapag hindi
napanatili ang pagpapayaman ng mga wikang katutubo at ang wikang Filipino, mawawala rin ang
malaking parte ng ating kultura at kasaysayan.

4.Magbigay ng mga suliraning kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

—Ang suliraning kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan, una ang mga kabataang may
magkakaibang wikang ginagamit o nakasanayan dahil iyon ang kinalakihan nilang wika at itinuro sa
kanila ng kanilang mga magulang sa kanilang tahanan kung kaya’t hirap silang magkaintindihan. Ikalawa,
umuusbong ang mga panibagong mga salita tulad na lang ng jejemon at mga gay language na kalauna’y
naging tampok sa ibang tao kung kaya’t nakakalimutan ang wikang kinagisnan at naibabaon na sa limot
ang mga makalumang paraan ng paggamit ng wikang Filipino. Ikahuli ay ang paggamit ng wikang Filipino
sa ‘di tuwirang ayos o paraan. Ang wikang Filipino ay ginagamit bilang pang-apak ng ibang tao kung
kaya’t napapasama ang tingin ng mga ibang tao sa mga Pilipino.

5.Bilang kabataang Filipino, paano ka makapag-aambag sa lalong ikahuhusay ng wikang pambansa


bilang wika ng karunungan?

—Bilang isang kabataang mag-aaral, aking ipapalaganap ang aking kaalaman sa wikang Filipino upang sa
mga darating na henerasyon kanilang gagamitin at ipagmamalaki na ang wikang Filipino ay wikang atin,
ang paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw upang makipagtalastasan sa ibang tao, pakikilahok
sa mga programa na may malaking kinalaman sa wikang Filipino, at paglikha ng mga nakakatuwang tula,
mga kinapupulutan ng aral na mga sanaysay, kwento, o anumang artikulo gamit ang wikang pambansa.
Sa pamamagitan ng mga paraan na ‘yan, ako’y makakatulong sa pagpapalaganap ng wikang pambansa
dito sa Pilipinas.
-JENICA MAE ANTONIO-

1.Ano ang kaalaman tungkol sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Ang malaman na ang wikang Filipino ay ang sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at
meron tayo. Isa pa, nakakamangha na mahalaga talaga ang paggamit ng wikang Filipino noon man o sa
kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kung kaya’t
kailangan natin itong protektahan, ipagtanggol, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang
ating wikang Filipino.

2.Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura?

—Sa bansa natin sa kasalukuyan, kung mapapansin natin, madalas na nating marinig o gamitin ang
Tagalog at paghalo ng mga hiram na salita sa Ingles kung kaya’t minsan ay hindi natin maipaliwanag sa
tamang Tagalog ang ating ibig sabihin. Pagkatapos, ng unag kwarter, aking napagtanto na hindi naman
masama kung makipag-komunikasyon tayo sa wikang Ingles, ngunit dapat nating alalahanin na ang wika
ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Filipino at sumisimbolo sa daang taong pakikibaka ng
ating mga bayani upang matamo ang kasarinlan. Hindi ako hadlang kung gugustuhin man ng magulang
na lumaki ang kanilang mga anak na sanay sa salitang banyaga ngunit dapat din nilang pahalagahan ang
Filipino at hubugin din sila na makipag-usap ng Malaya sa tamang Filipino.

3.Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at
makapagsanay upang iwasto ang mga ito. Bilang isang Pilipinong mapagmahal at magmalasakit sa ating
sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo ay higit kanino man ang
dapat magpahalaga sa sariling atin.

4.Magbigay ng mga suliraning kinakaharap ng wikang Fiipino sa kasalukuyan.

—Pagkakaiba-iba ng mga wikang nakasanayan ng mga mag-aaral. Sa pagunlad ng social media ay


umusbong ang pidgin tulad ng ‘jejemon’ at ‘bekimon’. Nawawala at naaalis ang mga tradisyunal na
wikang Filipinong salita sa pag-usbong ng mga ganitong wika dahil nauuso ang mga ‘jejemon’ at
‘bekimon’ at nalalaos naman ang makalumang Filipino.

5.Bilang kabataang Filipino, paano ka makapag-aambag sa lalong ikahuhusay ng wikang Pambansa


bilang wika ng karunungan?

—Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, mas naisasaloob natin ang diwa na naroon sa mga
salita. Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wikang Filipino. Makilahok sa mga aktibidades na may
kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino. Paglikha o pagsulat ng mga tula, kuwento na may
kapupulutan ng aral, at mga artikulo na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino.

-REGINA JUNIO-
1.Ano ang kaalaman tungkol sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Ang mga kaalaman na nagkaroon ng impak sa akin ay ang kasaysayan ng wika.Dahil marami pala ito
prosesong pinagdaanan bago pala nito bago ito maging Pambansang wika ng Filipinas.Hindi ito simpleng
usapan lamang at madaling pagpapatupad.marami pang kailangan isaalang alang bago ito maisatupad.

2.Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura?

—Ang aking naging pananaw patungkol sa wika ay kailangan itong pahalagahan dahil ito ang nagiging
paraan upang tayo’y makapagintindihan.

3.Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Mahalaga itong pagaralan upang ito’y makatawag pansin ng mga kabataan ngayon dahil hindi na ito
napapahalagahan sa panahong ito.Madali na lamang nila itong binabalewala at ang pinagaaralan ay mga
wika ng ibang bansa.

4.Magbigay ng mga suliraning kinakaharap ng wikang Fiipino sa kasalukuyan.

—Ang isa sa mga suliraning kinahaharap ng Wikang Filipino ay ang pagdami ng mga taong mas inuuna o
pinapahalagahan ang wikang Ingles at banyagang wika sa kadahilanang mas nagmumukha daw itong
mataas kung iyon ang ginagamit.

5.Bilang kabataang Filipino, paano ka makapag-aambag sa lalong ikahuhusay ng wikang Pambansa


bilang wika ng karunungan?

—Ang aking maiiaambag sa pagunlad ng wikang pambansa ay ang patuloy na pagaaral nito at paggamit
sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa ko Filipino maging sa mga banyaga.Ipagmalaki rin ito dahil ito ang
nagpapatibay ng ating pagsasamahan.

-VENICE ANDRIE COLUMBRES-

1.Ano ang kaalaman tungkol sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Sa mga nagdaang pagtuturo ni Ginoong Jefferson A. Austria ay madami akong natutunan tungkol sa
wika at kulturang Filipino. Nalaman ko na may iba’t gamit ang wika at kung saan ito nagmula. Natutunan
ko din ang ibat ibang barayti ng wika. Sa paksang ito, nalaman ko na ang mga uri ng barayti ng wika at
mga halimbawa ng bawat isang uri nito,tulad ng Idyolek,Dayalek,Etnolek,at iba pa. Nalaman ko din kung
paano nagsimula ang wika ng Pilipinas at kung paano napagkasunduan ng mga organisasyon na gawing
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Natutunan ko din sa mga nagdaang aralin ang ibat ibat
kultura ng isang pangkat o bansa. Natutunan ko din ang tungkol sa lingguwistika na kung saan may
tatlong uri,ito ay ang mga monolingguwalismo o ang paggamit ng iisang wika sa isang bansa. Ang
bilingguwalismo naman kung saan maaaring dalawang wika lamang ang ipinapatupad na gamitin sa
isang bansa. Ang pangatlo naman ay ang multilingguwalismo na kung saan napakadaming wika ang
umiiral na sa iisang bansa. Tulad na lamang ng Pilipinas na napakadaming wika tulad ng Tagalog,
Chavacano,Cebuano,Ilonggo at marami pang iba.
2. Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura bago at pagkatapos ng unang kwarter ng
Filipino 11?

—Sa simula ang naging pananaw Filipino ay napakadali sapagkat sariling wika natin ang ginagamit na
panturo ngunit habang tumatagal ay mas lalo kong naiintindihan ang bawat kwento at pinagdaanan ng
wikang ginagamit natin ngayon. Sa pagtatapos ng unang kwarter sa Fiipino 11 napagisip-isip ko na
marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa sariling wika natin. Nasasabik akong pagaralan ang
nakaraan upang mas maintindihan ko ito.

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino upang hindi kawawa ang mga susunod na
henerasyon. Mahalagang pag-aralan natin ito upang mas lumawak ang ating kaalaman tungkol sa o wika
at culturang Filipino.

4. Magbigay ng mga suliraning kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

—Ang isa sa mga suliraning kinakaharap ng wikang Filipino ngayon ay ang hindi paggamit ng sariling
wika dahil mas ginagamit natin ang wika ng mga ibang lahi. Maaari nating makalimutan ang ating sariling
wika at may posibilidad na hindi na ito maabutan ng mga susunod na henerasyon.

5. Bilang kabataan, paano ka makapag-aambag sa lalong ikakahusay ng wikang pambansa bilang wika
ng karunungan?

—Bilang isang kabataan gagamitin ko ng wasto ang ating wika at patuloy ko itong gagamitin upang mas
lalo pang makilala ng iba ang wikang Filipino. At upang hindi makalimutan ng mga tao ang ating sariling
wika. Upang hindi maging kawawa ang mga susunod na henerasyon.

-ANGELO AUSTRIA-

1.Ano ang kaalaman tungkol sa wika at kulturang Filipino ang nagbigay ng impak sayo?

—Mula sa mga nagdaang aralin na naituro ni Ginoong. Austria ay natutunan ko ang mga tungkol sa wika
at kulturanf Filipino. Nalaman ko ang iba’t ibang gamit ng wika at dahil dito alam ko na ang wastong
paggamit nito.

2. Ano ang pananaw mo sa Filipino bilang wika at asignatura bago at pagkatapos ng unang kwarter ng
Filipino 11?

—Ang pananaw ko sa Filipino at asignaturang ito Ay simple at madali lamang sapagkat ito Ay sarili nating
wika. Pero habang patuloy ang ating talakayan ay napagtatanto ko na ang aking alam na mga salita ay
kakapirangot lamang.

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang Filipino?

—Mahalagang pag-aralan ang wika at kulturang pilipino dahil ito ang mga bagay na nag-papaiba sa atin
mula sa ibang bansa, ito rin ang mga bagay na nanggaling pa sa ating mga ninuno na dapat lang nating
ipagmalaki, paunlarin, at panatilihin pa sa kasulukuyan at kinabukasan dahil ito ang mga bagay na
bumubuo sa atin bilang mga tunay na malalayang pilipino: may sariling kultura at wika.

4. Magbigay ng mga suliraning kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

— Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyan ay ang hindi paggamit ng sarili
nating wika at dahil mas ginagamit natin ang wikang Ingles.

5. Bilang kabataan, paano ka makapag-aambag sa lalong ikakahusay ng wikang pambansa bilang wika
ng karunungan?

—Bilang kabataang Filipino, ang naiaambag ko para sa maslalong ikahuhusay ng ating wikang pambansa
ay Gagamitin ko ito sa araw-araw at Ituturo ko sa iba ang kayamanang taglay ng ating wika.

You might also like