You are on page 1of 17

Mga Lingua Franca

sa Pilipinas
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

● natutukoy ang kahulugan at gamit ng lingua franca; at

● napahahalagahan ang wikang Filipino bilang pambansang


lingua franca at isang ganap na wika sa Pilipinas.
BALIK-ARAL

Bumuo ng mahahalagang konsepto o ideya tungkol sa


mga wikang opisyal ng Pilipinas.
1. May ideya ba kayo
tungkol sa mga salitang
nabanggit?
2. Ano ang lingua franca?
Saan ito tumutukoy?
3. Ano-ano ang alam ninyong
lingua franca sa Pilipinas?
1. ANO ANG LINGUA FRANCA?

2. ANO ANG POSIBLENG MANGYARI SA ISANG BANSA KUNG


WALANG LINGUA FRANCA?

3. PAANO MAIUUGNAY ANG LINGUA FRANCA SA PAMBANSANG


KAGALINGAN?
GAWAIN 1: AKROSTIK

I N T E R L I N G U A
OPSIYON 2: AKROSTIK 2

F I L I P I N O I N G L E S
1. Ano ang posibleng mangyari sa pambansa o pandaigdigang
talastasan kung magpapatuloy ang kasalukuyang
sitwasyon?

2. Ano ang mga posibleng pagbabago sa pakikipagtalastasan


sa lipunan? Ano ang mga posibleng epekto ng mga
pagbabagong ito?
Bumuo ng mahahalagang konsepto o ideya
tungkol sa mga lingua franca sa Pilipinas.
● Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng tao
o grupo ng tao na may magkakaibang unang wika upang
makapag-usap o magkaintindihan.
● Ang pambansang lingua franca ay Filipino, samantala, ang
mga panrehiyong lingua franca ay Ilokano, Tagalog, Bikol,
Hiligaynon, Cebuano, Waray, at iba pa.
● Ang wikang Ingles bilang lingua franca ng daigdig ay
mahalagang kasangkapan upang magkaunawaan at
magkaisa ang mga tao sa buong mundo.
Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang Filipino
bilang pambansang lingua franca at isang ganap na wika sa
Pilipinas?
SA DINAMI-DAMI NG WIKA AT DIYALEKTO NG PILIPINAS,
BAKIT AT PAANO NAGING LINGUA FRANCA ANG FILIPINO,
GAYUNDIN NG BUONG SANGKATAUHAN, ANG INGLES? ANO
ANG MENSAHENG NAIS IPARATING NITO?
● Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng tao o
grupo ng tao na may magkakaibang unang wika upang
makapag-usap o magkaintindihan.
● Hindi magkakaintindihan ang maraming Pilipino kung walang
lingua franca.
● Sa pamamagitan ng wikang Filipino, nagkakaunawaan ang mga
Pilipino. Ang pagkakaunawaan ay tulay para sa pambansang
pagkakaisa, pagbabago, at pag-unlad.
● Ang lingua franca ay kilala rin sa tawag na interlingua.

● Sa Pilipinas, tinatayang 180 ang umiiral na wika.

● Ang pambansang lingua franca ay Filipino, samantala, ang


mga panrehiyong lingua franca ay Ilokano, Tagalog, Bikol,
Hiligaynon, Cebuano, Waray, at iba pa.

● Ang pandaigdigang lingua franca ay wikang Ingles.


Sa pamamagitan ng mga lingua franca, nagkakaunawaan
ang mga Pilipino. Ang pagkakaunawaan ay tulay para sa
pambansang pagkakaisa. Ang pagkakaisa ay tulay tungo sa
pambansang pagbabago at pag-unlad.

You might also like