You are on page 1of 11

Kakayahang

Diskurso ng
KK
mga Pilipino
Kakayahang Diskurso ay pangkalahatang
tumutukoy sa kakayahang maunawaan at
maipahayagang sarili gamit ang sariling wika.
Ang salitang diskurso ay pangkalahatang
sumasaklaw sa usapin ng uri ng komunikasyon
sa bahagi ng iba’t ibang pangkat o grupo.
Apat na Uri ng Diskurso

1. Pasalaysay- pagpapahayag na naglalayong


maghayag ng sunod- sunod na isang pangyayari,
mga tauhan, at may tagpuan. Ito rin ay tekstong
nagbibigay ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari habang nagpapakita ng mga
impormasyon tungkol sa isang tiyak na sitwasyon,
tagpo at panahon.
Halimbawa: alamat, epiko,
parabula,,maikling kuwento, dula,
kuwentong bayan, anekdota at nobela
2. Paglalarawan- teksto kung saan inilalarawan ang
isang biswal na konsepto tungkol sa isang tao, bagay,
pook o pangyayari. Nahahati ang paglalarawan sa (a)
Masining kapag gumagamit ng mga matatalinhagang
salita sa paglalarawan na ginagamit sa mga literari na
akda at (b) Pangkaraniwan kapag gumagamit ng ng
mga simple o ordinaryong salita na abot ng kaisipan
ng isang ordinaryong mamamamayan.
3. Paglalahad- isang uri ng tekstong
nagpapahayag na may tunguhin_ang
ipaliwanag ang pangyayari, opinyon,
kabatiran at mga kaisipan. Halimbawa nito
ay ang artikulong nababasa sa diyaryo o
pahayagan.
4. Pangangatuwiran- pagpapahayag ng
isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na
naglalayong mapaniwala ang kausap o
bumabasa sa opinyon, palagay at
paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat.
Halimbawa nito ay opinyon, mga isyung
debate at ebalwasyon.
Dalawang kakayahang Pandiskurso

● 1. Tekstuwal na Kakayahang Pandiskurso – ang


kakayahang ito ay tumatalakay sa payak na
pagsukat kung paano magbasa at umunawa ng
teksto tulad ng kathang isip at di kathang isip
(fiction and non fiction), ng mga transkripsyon
ng pinag-usapan.
● Mahalaga ang teksto sa uri ng diskursong ito, bahagi ng
tungkulin nito ay ang kohesyon- paano ang aktwal na salita
ng isang teksto ay kaugnay at umayos sa isa’t isa upang
makabuo ng isang kahulugan sa antas ng estruktura. Ang
kohirens naman ay kung paano ang pangungusap ay
pinagsama-sama upang makabuo ng isang makahulugang
teksto. Sa madaling salita habang ang kohesyon ay
sumisilip sa mga indibidwal na elemento ng pangungusap,
tinitignan naman ng kohirens ang pagkakabuo nito sa bawat
pangungusap, talata at pangkalahatang teksto upang
madaling maunawaan ng mambabasa. Gumagamit ng mga
pananda o pang-ugnay.
Si Pandaka ang pnakamaliit na isda sa buong mundo. Sa sobrang
kaliitan niya, walang silbi ang kahit anong uri ng lambat dahil hinding
hindi nito kayang mahuli si Pandaka.

Kohesyon
Si Pandaka ang pinakamaliit na isda sa buong mundo.

Kohirens
Si Pandaka ang pnakamaliit na isda sa buong mundo. Sa sobrang
kaliitan niya, walang silbi ang kahit anong uri ng lambat dahil hinding
hindi nito kayang mahuli si Pandaka
2. Retorikal o Epektibong Pandiskurso
Tumatalakay sa paraan kung paano makapag-aambag
ang mga tagapagsalita sa isang usapan. Binubuo ito
ng tatlong komponent: una, kung paano nauunawaan
ng isang indibidwal ang sinabi ng hanay ng ispiker;
ikalawa, ang paraan ng pagpasok ng kanyang
opinyon sa usapan at ikatlo, kung gaano katatas na
naipahayag ng indibidwal ang kanyang ideya sa
awdyens sa naganap na senaryo.

You might also like