You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

PAMANTASANG MINDANAO
Lungsod Heneral Santos

FIL166: Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika

ANG WIKANG FILIPINO


SA SOCIAL AT MASS
MEDIA

IPINASA NILA:

Rhaiah M. Pelayo

Rose C. Tenorio

IPINASA KAY:

Prop. Love Batoon


Ang Wikang Filipino sa Media

Naging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-usbong at pag-unlad ng mga


midya. Gamit ang wika, pinapadali nito ang paghahatid ng berbal at maging ang di-berbal na
mensahe sa pamamagitan ng midya. Lalo pang pinabilis ng pagpaparating ng mensahe sa pag-
usbong ng mass at social midya sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga
makabagong teknolohiya. Sa kasalukuyan, sa araw-araw na pakikisalamuha at pamumuhay ng
tao, siya ay pinaliligiran ng midya. Dinaranas niya ito sa dalawang pamamaraan: sa mass midya
ay ang pakikinig ng radio, panonood ng telebisyon, sa komiks, at marami pang iba. Sa social
midya naman ay ang pagiging aktibo sa internet kagaya na lamang ng sa youtube, facebook,
twitter, IG at marami pang iba (J. Labrador, WP). Ayon kay Tolentino (2010), ang “midya ang
pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon, kolokyal na
Tagalog, Filipino, at Taglish. Maliban sa evangelikal na palabas na nagbibigay-aral at
naghihimok na kumbersyon sa Ingles, ang kalakhan ng free channel sa telebisyon ay
gumagamit na ng Filipino”.

Ang mass midya ay isang paraan sa pagpapakalat at pagbibigay ng mga impormasyon


at maari ring maging kaaliwan ng mga manonood. Ang halimbawa nito ay ang araw-araw
nating ginagamit, ang Telebisyon, mula sa iba’t ibang mga broadcast media gaya ng TV Patrol
at 24 Oras ito ay may layon na magbigay ng sapat at tamang impormasyon tungkol sa mga
balitang dapat malaman ng sambayanan. Kabilang rin ang print media o ang mga diyaryo sa
pagpapakalat ng mga napapanahong isyu sa ating lipunan lokal man o internasyonal at radyo
na kung saan naglalayun ding maabot ang mga mamayan na nasa pinaka sulok na lugar.
Nariyan rin ang mga pelikulang nagpapakita o may layuning maisadula at makapagbigay
mensahe sa mga manonood tungkol sa mga napapanahong isyu at kung ano ang malaking
kontribusyon ng mga mamamayan dito. Ayon pa sa akda ni Gilda Olvidado (WP) na “Ang
Wikang Filipino sa Media”, “Sila ay matatawag nating mga epektibong guro ng wika”.
Nangangahulugan lamang na maliban sa malaki ang impluwensya ng media, napakabisa rin
nitong guro o magsilbing guro upang makapagturo ukol sa wika. Ang mabilis na pagababago
ng wika ay madalas masisinsay sa sitwasyong ito. Ilang halimbawa nito ang mga “e, di wow”,
“sml/skl”, ‘meme’, ‘hugot’, at iba pa. ang mga salitang pinauuso ng mga kabataan ay ayon sa
tumama sa panlasa nila. Sa parting ito ay matatalakay ang malaking papel ng wikang sa mass
midya at mga isyung kinakaharap nito sa kasalukuyang panahon at maging kung paano
nakatulong ang iba’t ibang uri ng mass media sa pagpapaunlad ng ating wikang Filipino at
maipapaliwanag ito sa pamamagitan ng iba’t ibang perspektiba mula sa mga iba’t ibang
manunulat at mga eksperto.

ANG KASAYSAYAN NG MASS MIDYA SA PILIPINAS

Ayon sa artikuo ni K. Labrador, PhD (WP), mahaba na ang tinahak na kasaysayan ng


mass midya sa Pilipinas. Kung tutuusin, humigit kumulang isang daang taon lamang ang tanda
ng unang impretang librong nailimbag sa Pilipinas mula nang maibento ang printing press sa
Europa. Noong taong 1593 ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas ay ang Doctrine
Christiana o Ang Mga Aral ng Kristiyanismo. Sinundan ito ng mga dyaryo at magasin gamit
ang wikang Kastila at Tagalog. Ilan dito ay ang mga Diaryong Tagalog (1892), La Solaridad
(1889), at Kalayaan (1898). Sa taong 1900 sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano
naitatag ang pahayagang Manila Bulletin na hanggang ngayon ay aktibo parin. Taong 1870’s
kinilala naman ang La Estrella del Norte na matatagpuan sa Escotla, ang sentro noon ng
kalakalan ng mga mamahaling kagamitan bilang kauna-unahang tagapamahagi o distributor ng
ponograpo. Ang ponograpo ay isang aparato para sa pag-record ng mekanikal at pagpaparami
ng tunog. Ang ponograpo ay isang uri ng record player na inimbento ni Thomas Edison.
Noong 1923 naman ay itinayo ang KZEG radio station na ipinatayo ni Major William
Anderson. Ang KZ ay mga call letters na ginagami sa pagbibigay pangalan sa mga radio
station, alinsunod sa alituntunin sa brodkasting ng Estados Unidos noon. Samantalang ang EG
ay pinaikling Erlanger at Galinger na siyang nagbigay sangkapan para sa sangay nito sa
Maynila (Yuson, 2013). At noong 1953 naman ay nagbukas ang TV Broadcasting Company
na DZAG-TV Channel 3 na kilala sa tawag na Alto Broadcasting Company. Sa panahon naman
ng martial law sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand E. Marcos, ipinasara ang ilan sa mga midya
outlet na pag-aari ng pribadong sektor. Naging eksklusibo ito sa mga taong malapit sa Unang
Pamilya.

Ang midya sa Pilipinas ang isa sa pinakahinahangaan at itinuturing na isa sa


pinakamalaya sa Asya. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng mass midya sa Pilipino, sa
pagiging parehong kritiko at kakampi ng mga abusado at inaapi, at bahagi na rin ng positibong
pag-unlad ng lipunan (Rivera, 2007). Sa nakalipas na dalawampung taon sa Pilipinas naging
mas kumplikado ag larawan at anyo ng mass midya. Halos lahat ng uri ng midya na umusbong
sa panahong ito ay tinatawag na bagong midya (Lister, Dovey, & Gidings, 2009).
ANG WIKA SA TELEBISYON

Isa sa mga patuloy na umaambag sa pagunlad ng wika sa mass media ay ang telebisyon.
Ayon kay Frauline Tadle (WP), unang nakilala sa bansa noong 1953 si James Lidenberg sa
taguring “Ama ng Telebisyon sa Pilipinas”. Siya ang nanguna sa pagtayo ng kauna-unahang
istasyon ng telebisyon sa Pilipinas. Abril 1953 nang magsimula ang ABS-CBN bunsod ng
Chronicle Broadcasting Company ng magkapatid na sina Eugenio at Fernando Lopez.
Bagaman pansamantalang napasailalaim sa kontrol ng pamilyang Marcos noong kapanahunana
ng Batas Militar, nagawa nitong muling makalaya matapos ang diktaturya. Simula sa paglaya
nito’y patuloy na itong umunlad nang umunlad. Sa kasalukuyan may tatlong pangunahing
channel ang telebisyon sa Pilipinas. Ang mga ito ay ABS-CBN, GMA, at TV 5. Ang mga
estasyong ito ay may iba’t ibang tema ng palabas na ginagamit upang makatawag ng pansin o
upang tumaas ang kanilang ratings at kumita ng malaki ang mga prodyuser. Ang mga
telebisyong ito ay madalas na gimagamit ang wikang Filipino, ingles at taglish sakanilang
pagbabalita at pagiging tagapagdaloy sa kani-kanilang programa.

Ayon naman sa artikulo ni Nicanor Tiongson (2012), mapapansin na mayroon paring iilang
mga problemang kinahaharap ang wikang filipino sa telebisyon. Ilan sa mga napansin niya ay
ang mga sumusunod:

1. Ang pagbaba ng antas ng pormalidad ng wikang Filipino


Sa mga programang gumagamit ng wikang Filipino ay madalas na impormal
ang kanilang tono, tila mas maluwag ang pamantayan ng propesyunalismo, mas mababa
ang katangian ng artistiko. Tila raw hindi uso ang mahinahong usapan at tahimik na
pagsusuri sa mga isyu. At kapag ang mga programa naman raw na gumagamit ng
wikang Ingles ay tila ba napakahinahon at ang mga ideya at isyu ay sinusuring mabuti
at mas kritikal ang usapan. Halimbawa nito ay ang pagbabalita ng TV Patrol at ANC
News. Madalas na idinadahilan ng mga produsyer ay dahil magkaiba naman ang mga
tagapanood ng mga programang ito. Ngunit ano ang nais nilang iparating? Nakapag
masa ang tagapakinig o taganood ay kailangang babaan ang antas ng pormalidad ng
pagbabalita upang mas maintindiha? At kapag naman nasa middle o upper class ka ay
kailangan taasan ang antas ng pagababalita at kailangang maging analitikal ang
programa? At dahil nga sa pagbaba ng antas ng pormalidad nito
2. Minsa’y nagagamit ang wikang Filipino sa masamang paraan
Ayon rin sa artikulo ni Lenard Montealto (2018), minsan nagagamit ang wikang
Filipino sa masamang paraan halimbawa ay ang mga teleseryeng gumagamit ng mga
ipinagbabawal o marahas na mga salita na kung saan madalas ay napapanood ng mga
kabataan na kanilang ginagaya o ginagamit sa kanilang komunikasyon sa kanilang mga
kaibigan. nagpapakita lamang na napakalaki ng impluwensiya ng mga programang ito
sa mga manonood na kapag hindi ginamit ng tama ang wikang Filipino sa kanilang mga
palabas ay maaring magdulot ng gulo at hindi pagkakaunawaan ng mga tao.

3. Ang maling paggamit ng mga salita


Ayon kay penullar(2016), minsa ang mga manonood ay nagkakaroonng maling
paggamit ng mga bagong salita na naririnig nila sa telebisyon dahil narin sa hindi
malinaw o mali ang kanilang pagkakaintindi sa salitang nakita at narinig sa telebisyon.
Ngunit hindi rin naman ito sinasadyang gamitin sa mali dahil ayon parin sa kanya,
nangyayari lamang umano ito dahil narin sa tayong mga tao ay maykanya-kanyang
pananaw at pagpapakahulugan sa mga bagong salita.

Ngunit sa pananaw naman ni Frauline Tadle (WP), ay may mga naging mabuting
impluwensiya naman ang paggamit ng mga programang ito sa wikang Filipino, Ingles, at
Taglish:

1. Napaghahalo ang mga salitang Ingles at Filipino, na nagiging dahilan upang magkaroon
ng mga panibagong salita.
2. Ang mga salita ng Telebisyon ay nagiging bahagi na ng bokabularyong Filipino.
3. Pinapaikli nito ang mga mahahabang salitang Filipino.
4. Nagiging pamalit ang mga salitang Telibisyon, sa mga salitang nakalimutan na o may
restrikto na bawal sabihin sa media.

ANG WIKANG FILIPINO SA RADYO

Ayon sa artikulo ni Lindsay Dimayuga (2018), ang wikang Filipino ay nangungunang


wika na ginagamit sa radyo na abot kaya ng mga tagapakinig. Isa sa mga isyung kinakaharap
umano ng wika sa radio ay ang paggamit nito ng wikang di-pormal o kolokyal. Dayalekto kase
ang mga ginagamit ng mga Dj sa radyo at ang iilan ay hindi ito naiintindihan. Halimbawa
nalamang dito sa gensan na halos lahat ng station sa radyo ay nasa wikang bisaya/Cebuano at
kapag mayroong taga Luzon o taga ibag lugar na pumunta rito at naisa making ng radyo ay
hindi nila ito maiintindihan dahil nga sa wikang ginamit. Ayon naman kay Dimayuga(2016)
Isa sa mga dahil nila dito ay upang mapanatili nila at makuha nila ang atensiyon ng bawat
tagapakinig. Dayalekto ng lugar ang kanilang wikang ginagamit dahil malaking porsyento ng
kanilang mga tagapakinig ay naiintindihan ito. Isa rin ito sa mga estratihiya nila upang
manatiling sumubaybay ang kanilang mga tagapakinig. Sa kabilang bana naman tila ba mali
rin ang paggamit nila sa wikang Filipino sapagkat ginagamit nila sakanilang sariling interes na
kung saan nagbibigay sila ng mga balitang nais na pakinggan ng kanilang tagapakinig hindi
yung mga balitang mas maykabuluhan at maaring kapulutan nila ng mga aral sa buhay o sa
madaling salita ay ang pagbibigay nila sa masa ng kailangan nilang mga balita at hindi yung
mga dapat nilang malaman. At ang madalas na epekto nito sa ating mga sarili ay ang pagiging
mababaw sa impormasyon, usapin pati narin mismo sa kababawan ng ating wikang Filipino.

ANG WIKANG FILIPINO SA PAHAYAGAN O DYARYO

Ayon sa artikulo ni Sophia Isabel Agno (2018), ang pahayagan ay naglalaman ng iba’t
ibang balita, at impormasyon. Araw-araw itong ginagamit ng mga mamayan upang makatuklas
ng mga panibagong balita o kaganapan sa ating bansa. At alam natin na madalas na gamit sa
mga pormal na naisusulat na pahayagan ay nakasulat sa wikang Ingles at sa mga tabloid naman
madala kakikitaan ng impormal na pagsulat ay ginagamit ang wikang Filipino. Ito ang nagiging
problema ayon kay David Michael San Juan (WP) na “wikang Filipino ang ginagamit sa mga
tabloid na ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi ganong istrikto ang pamantayan
ng propesyunalismo”. Ngunit kung susumain, ang ginagamit na wika ay nakabatay parin sa
mga taong mambabasa nito. Halimbawa nalamang nito ay dito sa Mindanao kung saan ang
mga dyaryo o pahayagan ng brigada ay kadalasang nakasulat sa wikang Cebuano sapagkat mga
bisaya ang mga mambabsa nito.

Ayon naman sa artikulong sinulat ni Regalado, Simon (2016) marami ang


tumatangkilik sa mga pahayagan o dyaryo dahil narin sa nakakapukaw ng pansin na mga
salitang agribibo na ginagamit dito gaya nalamang ng: “dedo”; “nilitson”; winalwal”;
“inambush”; “ginilitan”; atbp. Ngunit ayon parin sa kanya, ang mga ganitong alita’y normal
lamang sapagkat ang pahayagan ay isang negosyo kung kaya’t hindi maiiwasang
“exaggerated” ang mga salitang ginagamuit dito at maging ang wikang ginagamit dito kahit pa
ito ay nagreresulta sa paggamit ng mga impormal, kolokyal at balbal na salita.

ANG WIKANG FILIPINO SA PELIKULA


Ayon sa artikulo ni Daylin Mitch Aquino (2018), ang pelikula ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng
industriya ng libangan. Dahil nagiging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga
gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Ang wikang Filipino ay may
malaking ambag sa pagpapaunlad at pagpapasikat ng mga pelukila dito sa ating bansa. Sa
pamamagitang ng wikang Filipino ay mas naipaparating ng mga pilipinong aktor at aktres ang
mga emosyong nais nilang iparating at ang mga mensahen dapat malaman ng mga manonood.

Girlfriend for Hire, She’s Dating the Gangster, Four Sisters and a Wedding, Beauty in
a Bottle, I Will Always Love You, Everything About Her, A Very Special Love, Honor Thy
Father at marami pang ibang pelikula sa industriya ang gumagamit ng wikang Ingles sa mga
pamagat nito. Hindi na mapabantog ang mga pelikulang pinapalabas sa kasalukuyan kung ito
ba ay likha ng kapwa-Pilipino o likha na ng mga banyaga dahil sa wikang ginamit sa pamagat
ng mga ito. Ang mga pelikula ay bahagi ng media na siyang dinadaluyan ng impormasyon na
nakakarating sa iba’t ibang panig ng bansa at ng mundo. Maraming Pilipino ang tumatangkilik
sa mga pelikulang nilikha ng kapwa nila Pilipino – patunay na lamang dito ang mahabang pila
sa sinehan at mataas na bentahan nito.Kung iisipin, mas makakarami ang tagapanuod kapag
ang wikang ginamit sa paglikha ng pamagat ng pelikula ay ang ating pambansang wika dahil
mas marami ang makakaintindi ng pamagat kaya’t masasabi na rin nila ang maaaring mangyari
sa pelikula.

Makikita rin na madalas ay pinaghalong wikang Ingles at Filipino o taglish ang script ng mga
tagasulat ng pelikula dito sa ating bansa. Ang pamagat ng isang pelikula ay maaari nang
humubog ng attensyon dahil maaari nang mahusgahan ng tao ang pelikula. Kaakibat ng
paggamit ng pambansang wika sa lahat ng larangan sa ating lipunan ang pagyabong ng wikang
Filipino bilang ang pangunahing wika sa media. Inirerekomenda na kung maaari, gamitin ang
wikang Filipino sa paglikha ng pamagat ng pelikula at iba pang akda na makakaimpluwensya
sa karamihan.

Sa pangkalahatan mapapansin natin ang Malaki ang ginagampanan ng ating wikang


Filipino sa bawat anyo ng mass midya dito sa ating bansa. Ito ang masasabi nating wikang
magagamit natin upang mapagbuklod ang bawat isa sa atin. Ngunit mababasa rin natin sa papel
na ito na ang ginagamit na wika ng mga taong nasa larangan ng mass media ay nakabatay sa
mga makikinabang dito. Ayon pa kay Nicanor Tiongson (2012), kung magagawa ng midya na
iangat ang kalidad ng impormasyon at antas ng kritikal na talakayan sa iba’t ibang midya, mas
malaki ang maiaambag ng midya di lamang sa pagbubuo ng bansa sa pamamagitan ng
paggamit ng iisang wika kundi sa paghuhubog ng mga mamayan na maalam, mapanuri, at
mapagpasiya. Sa ganitong paraan, ang midya, na gumagamit ng wikang Filipino ay magiging
matibay na haligi ng ating demokrasya.

SOCIAL MEDIA

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung


saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-
based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web
2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Mga halimbawa ng social media ay ang Facebook, Twitter, TikTok, Instagram,


Youtube, atbpa.

GAMIT NG WIKA SA SOCIAL MEDIA

Ang wika ay ginagamit sa media bilang isang instrumento upang makapagbigay ng


impormasyon, o tulay para sa pakikipag-ugnayan ng tao. Wika ang siyang dahilan kung bakit
tayo ay nakakakuha ng mga mahahalagang impormasyon at kahulugan ng mga bagay bagay sa
mundong ito. Maaaring tungkol sa siyensa,matematika,panlipunan,at iba pa. Nagsisilbi itong
paraan upang tayo ay makakuha ng mga kaalaman at makibalita sa mga pangyayari na
nagaganap saan mang parte ng mundo na siyang magiging gabay natin sa pamumuhay sa pang
araw araw. Dahil sa wika sa social media ay malayang nakakapagpahayag ng
damdamin,opinyon,pananaw,ideya at kaisipan ang mga tao na maaaring makatulong sa ating
mga kapwa o sa ating lipunan.

Ito ang ilan sa mga sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa Social Media:

Ang mga OFW, mga mahal natin sa buhay na hindi natin nakakapiling – dahil sa wika
ay makakausap natin sila at makakamusta kahit sila ay nasa malayong lugar. Maaari kang
makabalita at makapagbigay ng impormasyon.
Sa hanapbuhay – maaari kang kumita ng pera dahil sa wika, maipapakila mo ang iyong
produkto sa mabilis at madaling paraan. Makakausap mo din ang iyong mga kliente ng walang
kahirap hirap. At magagamit mo ang wika upang mas lalong mahikayat ang mga tao na bumili
sa iyo. Dahil sa wika ay pwede ka din makahanap ng trabaho na pwede mong mapasukan.

Sa pag aaral – sa pagkuha ng impormasyon para sa iyong takdang aralin, sa pagkuha


ng mga bagong kaalaman, sa pagpapahayag ng iyong mga ideya sa mga iba’t ibang aspekto sa
buhay.

Sa pamumuhay – maaari kang magbahagi ng iyong mga kaalaman ukol sa mga bagay
bagay. Makakakuha ka din ng mga gabay at impormasyon na makakatulong sa iyong mga
gawain o mga aktibidad sa buhay.

Pagbabalita – Sa labas o loob man ng bansa, makakakuha ka ng balita tungkol sa mga


nangyayari, dahil dito maaari kang makapagbigay ng solusyon at makatulong sa mga problema
ng bansa o mundo at maikalat ang balita.

ANONG WIKA ANG PINAKAGINAGAMIT SA SOCIAL MEDIA?

As of January 2020, English was the most popular language online, representing 25.9
percent of worldwide internet users. Chinese was ranked second with a 19.4 percent share.
The top ten languages accounted for 76.9 percent of global internet users. The large share of
Chinese-language content is due to the fact that China is by far the country with the most
internet users worldwide.

The Philippines currently has a total population of 107.3 million. Of that population,
76 million or 71% are active social media users. To cut through the social noise, you need to
be aware of all relevant social media statistics in the Philippines. From online demographics
to the top 10 influencers on Facebook and Instagram, this article will let you know who’s online
and what they are up to.

English makes up a little over half of the Philippines’ online conversations. Not far
behind is Tagalog with 35.3%. Less common languages are Spanish (2.8%), Korean (2.2%),
Japanese (1.7%), and Portugese (1%).
ISYUNG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA

Sa panahon ng makabagong teknolohiya ay kapansin-pansin ang naiibang paggamit


nito ayon na rin sa kagustuhan ng nagbibigay komento sa isang blog, o pahayag o maging sa
isang larawan lamang na ipinost sa facebook halimbawa. Bagaman naiintindihan naman ng
iba’t-ibang taong nakakabasa ng kanyang sariling komento sa kabila ng mali-maling ispeling,
gramar, at panuntunan ng paggamit ng salita, naipaparating pa rin ang kanyang menshe.
Maaaring tama sa kanya ang sarili nyang paggamit ng mga salita at maari din namang tama sa
mata ng iilan. Ito ay base rin naman sa karapatan ng malayang pagpapahayag. Subalit sa
pagtagal ng paggamit ng mga ito na taliwas sa wastong pamantayan at tunay na diwa ng mga
salita, unti-unting nawawalan ng malalim na pagmamahal sa ating bayan. Sa halip, kapansin-
pansin ang makasariling kagustuhan ang namamayani at nasusunod. Kapag hindi sumang-
ayon ang isang netizen halimbawa sa maling paggamit ng salita o kaya’y nagkaroon ito ng
maling interpretasyon, ito ay dagliang sinasagot ng pabalang hanggang sa humantong sa isang
pag-aaway. Nadagdagan pa ito kapag maraming netizens ang nakigulo at nakisawsaw sa
usapin. Sa halip na mataas na antas ang dapat hangarin sa pagbibigay ng komento ay nauuwi
sa walang katututran at saysay.

Dito pumapasok ang isyu kung sa paggamit ba ng mga salitang karaniwang nakikita at
nababasa sa facebook ay naisasabuhay at nararamdaman ang tunay na diwa ng isang wikang
pambansa. Sa aking opinyon, ang sagot dito ay hindi. Ang paggamit ng mga salitang hango
sa pansariling kagustuhan at kadalasang sala sa tunay na kahulugan nito, gayundin ay mali ang
ispeling at panuntunan sa paggamit ng wika, sa pagtagal ng gamit ay nagiging katanggap-
tanggap sa atin na para ba gang tama ito. Pero sa aking pananaw ay mali. Bakit? Uulitin ko,
nawawala ang tunay na diwa o halaga ng wikang pambansa. Wala din itong damdaming
nakapupukaw sa ating puso’t isipan upang maitaas ang antas ng kamalayan sa ating pagka
Pilipino.

James Soriano

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino
may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to
be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the
boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may
be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my
connections.

Diamanteng Kabute

Sa panahon ngayon may mga salitang basta-basta na lamang sumusulpot at sumisikat kahit
hindi natin lubusang alam kung ano ang tunay na kahulugan kahit araw-araw natin itong
ginagamit para makipaguspa sa ibang tao. Hindi man natin sinasadyang gamitin ito, madalas
ay nangyayari pa rin ito sahil na rin siguro sa kasikatan ng mga salita na kadalasang pinapasikat
ng mass medya kung saan mas napapalaganap ang mga Diamanteng Kabute tulad ng (Pak –
Tumpak/ Ganern – Ganoon). Sa kasalukuyan, ang aking napapansin ay mas nabibigyan ng diin
o mas nagagamit ang mga “diamanteng kabute” kaysa sa mga salitang minsang nagging bahagi
ng ating kasaysayan at sa aking pananaw, hindi naman ito mali ngunit kahit paminsan minsan,
dapat ay ginagamit pa din natin ang ating sariling wika dahil ito ay isa din sa pagpapakita ng
pagmamahal sa ating bayan.

Masakit man isipin na mismong mga kabatatan ang nagbabago ng mga nakalakhang salita, may
maganda parin namang naidudulot ang mga pagkakagawa ng mga salitang ito dahil kung
titingan natin sa ibang angulo ay nakabuti ito sapagkat madaling nagkakaisa ngayon ang mga
kabataan sa kanilang pakikihabilo sa isa’t –isa sapagkat mas madali silang nagkakaintindihan.
Nagiging kaswal lamang ang usapan dahil hindi malalalim na salita ang kanilang ginagamit.
Hindi naman masama ang pag gamit ng mga “diamanteng kabute” ngunit, pakakatandaan natin
na kung hindi man natin magamit ng madalas ang mga salita noon, irespeto natin ang mga ito
dahil hindi lamang ito basta salita ngunit ang mga ito ay nagging bahagi narin ng ating
kasaysayan.
SANGGUNIAN:

Agno, S. I. (2016, November 14). Isyu ng Wika sa Mass Media. Retrieved February 14, 2020,
from Wika at Pahayagan:
https://www.google.com/amp/s/s1106group8.wordpress.com/2016/11/14/wika-sa-
mass-media/amp/

Aquino, D. M. (2016, November 13). Isyu ng Wika sa Mass Media. Retrieved February 14,
2020, from Wika at Teatro o Pelikula:
https://www.google.com/amp/s/isyungwikasamassmedias1106.wordpress.com/2016/1
1/13/wika-at-teatro-o-pelikula/amp/

Atienza, R. D. (2016, November 13). Modernong Usapin: Wikang Filipino at Mass Media.
Retrieved February 14, 2020, from Wika at ang gamit nito sa mga Pelikulang Tagalog:
https://www.google.com/amp/s/komfili2k16.wordpress.com/2016/11/13/wika-at-ang-
gamit-nito-sa-mga-pelikulang-tagalog/amp/

Balinatalaw. (n.d.). Wika sa Mass Media. Retrieved February 14, 2020, from TV at Radyo:
https://www.wattpad.com/334632251-wika-sa-mass-media-pelikula

Dimayuga, L. (2016, November 13). Isyu ng Wika sa Mass Media. Retrieved February 14,
2020, from Wika at Radyo:
https://www.google.com/amp/s/isyungwikasamassmedias1106.wordpress.com/2016/1
1/13/wiki-at-radyo/amp/

Ilao, R. (2016, November 14). Kalagayan ng Wikang Filipino sa Media. Retrieved February
14, 2020, from Wika at Pahayagan:
https://www.google.com/amp/s/group6komfili.wordpress.com/2016/11/14/wika-sa-
pahayagan-by-raymund-ilao/amp/

Jhames Labrador, P. (n.d.). Ang Papel ng Mass Midya sa Wika, Kultura, at Ekonomiya.
Retrieved February 14, 2020, from https://www.academia.edu/19852413/
Ang_Papel_ng_Mass_Midya_sa_Wika_Kultura_at_Ekonomiya

Montealto, L. (2016, November 14). Kalagayan ng Wikang Filipino sa Media. Retrieved


February 14, 2020, from Ugnayan ng Wika at Telebisyon:
https://www.google.com/amp/s/group6komfili.wordpress.com/2016/11/14/ugnayan-
ng-wika-at-telebisyon-by-lenard-montealto/amp/

Olvidado, G. (n.d.). Retrieved February 14, 2020, from


https://www.coursehero.com/file/p7jpahvf/Ayon-pa-sa-akda-ni-Gilda-Olvidado-na-
Ang-Wikang-Filipino-sa-Media-Sila-ang/

TIongson, N. (2012, August 4). Scribd. Retrieved February 14, 2020, from Ang Wikang
Filipino sa Media Ngayon: https://www.scribd.com/doc/102671690/Ang-Wikang-
Filipino-Sa-Media-Ngayon
Tizon, L. (2016, August 11). Every Li Thing. Retrieved February 14, 2020, from Ang Paggamit
ng Wikang Filipino sa Radyo:
https://www.google.com/amp/s/liannejosha.wordpress.com/2016/08/11/ang-paggait-
ng-wikang-filipino-sa-radyo/amp/

Tolentino, R. (2010, September 6). Bulatlat:Journalism for the people. Retrieved February 14,
2020, from Media at Pabansang Wika: https://www.bulatlat.co/2010/06/media-at-
pambansang-wika/

Carlo, B. (2020). Ano Ang Wika. PINOYNEWBIE. https://www.pinoynewbie.com/ano-


ang-
wika/#:~:text=Ano%20ang%20Wika%3F%20Ano%20ang%20Wika%3F%20Sa%20pi
nakapayak,ang%20ating%20mga%20kaisipan%2C%20mga%20saloobin%20at%20nar
aramdaman.

BRAINLY. Ano ang kahulugan ng midya?. https://brainly.ph/question/2124575

(2016). Gamit ng Wika sa Social Media. IAMALAYNE.


https://iamalayne.wordpress.com/2016/10/03/gamit-ng-wika-sa-social-media/

(2016). WORDPRESS. Tulong ng Social Media.


https://warenation.wordpress.com/#:~:text=Ano%20ang%20Social%20Media%3F%20
Ang%20Social%20Media%20ay,sa%20isang%20virtual%20na%20komunidad%20at%
20mga%20network.

(2021). AffordableCebu. Mga Slogan Tungkol sa Tamang Paggamit ng Social Media.


https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_slogan_tungkol_sa_tamang_pagg
amit_ng_social_media/22-1-0-31026

Dan (2019). Social Media Statistics Philippines. Talkwalker.


https://www.talkwalker.com/blog/social-media-statistics-philippines

(2016). Wordpress. Wika ng Sariling Bayan: Patuloy nang Natabunan.


https://group6s1102blog.wordpress.com/

Soriano, J. (2011). James Soriano Leaned. Professional Heckler.


https://professionalheckler.com/abouttheheckler/james-soriano-learned/

Wordpress. Social Media: Nakatutulong o Nakakasagabal?.


https://paggamitngwikangpambansasamakabagongpanahon.wordpress.com/2016/11/15/
social-media-nakakatulong-o-nakakasagabal/

You might also like