You are on page 1of 3

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Aklatan

May mga katunayan at datos na hindi sa kapuwa-tao direkta at, kundi mula sa mga midya at iba
pang mga material na maaaring matagpuan sa mga aklatan. Saa puntong ito, mahalagang linawin na
ang midya ay kahit na anong teknolohiya—pisikal o birtuwal na ginagamit sa pagbabahagi ng
impormasyon mula sa tagapagbatid o sa prodyuser tungo sa mambabasa, tagapikinig,o manonood.
Ang bawat aklatan ay puno ng mga midya tulad ng mga libro, journal, magasin, diyaryo, tesis, at
disertasyon, encyclopedia, diksyunaryo, globo, at marami pang iba.
Mahalaga ang aklatan dahil ditto makikita ang maraming sanggunian na magagamit sa pananaliksik.
Sabi nga ni Almario (2016), dapat nang nadebelop ang interes ng mga bata na dumalaw sa aklatan
habang sila ay nasa elementarya pa lamang. Aniya, mas mabuting maipakilala na ang aklatan sa
unang baiting pa lamang sa pamamagitan ng pagbisita rito.

Magkagayunpaman, bigyang pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa


aklatan.:

Una, alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa
sa isang pananaliksik.

Pangalawa, gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung aklatan ng ibang paaralan,


kolehiyo, o unibersidad ang pupuntahan. Magtanong –tanong din hinggil sa mga protocol at patakaran
na pinaiiral sa aklatang natukoy.

Pangatlo, kung hindi man kailangan ng sulat kagaya sa ilang pampublikong aklatan, alamin ang
mga kahingian bago makapasok at nakagamit ng pasilidad at mga resources ng aklatang bibisitahin.

Pang-apat, rebyuhin ang sistemang Dewey Decimal at sistemang Library of congress dahil
alinmansa dalawang ito ang madalas na batayang klasipikasyon ng mga aklat ng pangkalahatang
karunungan(Hinampas, 2016,pp.51-55).

Panlima, tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at


ilanpang mga printed ba material kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung marami
ang sangguniang bubulatlatin.

Pang-anim, gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga
sanggunian o bago puntahan ang seksiyon o dibisyon ng aklatan.

14
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Panghuli, huwag kalimutang hulughugin ang pinagkukunan na onlie ng aklatan gaya ng


subskripsyon sa journals, e-book, e-database, at iba pang batis ng impormasyon sa internet.

Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online na Materyal.

Sa kasalukuyang panahon ng internet at digital na teknolohiya maakses ang maraming


primaryang batis ng impormasyon hindi lang sa kompyuter na laptop at destop kundi pati sa mga
maliliit na gadyet na gaya ng cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang
mga artikulo sa journal, balita sa online news site at account sa karanasan sa blog.

Marami ng journal sa Pilipinas ang nakalagak sa Phillipine E-Journal Database, partikular na ang
mga journal na naglalathala ng mga artikulo sa Filipino tulad ng Daloy, Dalumat, Hasaan, Layag at
Malay. Mababasa rin sa internet ang mga artikulong online ng journal ng Katipunan.

Sa listahan naman ng online news sites, mas kilala ang website ng malalaki o matatagal nang
kumpanya ng midya kagaya ng ABS-CBN, GMA 7, PTV, CNN, malaking usapin ngayon sa bansa
ang isyu ng kredibilidad ng online ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad
ang mga online news.

Prayoridad ang online news na:

1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may
iba’t ibang panig.

2. pumupuna sa sarili o umamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata, at

3. hindi naglalabas ng mga propaganda nagpapabago sa pangalan ng isang tao, grupo, o institusyon
habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya

Maraming impormasyon ang maaaring makuha sa mga pangmadlang midya gaya ng radyo ,
dyaryo, magasin, telebisyon, pelikula, at Internet (particular na sa Youtube at iba pang website na
nakaakses ng publiko ). Para makakalap ng datos mula sa radyo at telebisyon, abangan ang programa
o palabas sa oras ng broadcast nito.ll May mga estasyon ng telebisyon at radyo na nagpapaskil ng
kopya ng mga programa o palabas sa kanilang website sa Internet na maaaring i-download ng
mananalaiksik kagaya ng ilan sa mga nabanggit na online news sites sa itaas. Kung pelikula ang batis

15
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ng impormasyon, mas mainam na bumili ng kopya nito o manghiram sa kakilala sa may kopya kinuha
sa paraang naaayon sa batas.
Maari ring sadyain ang prodyuser ng programa sa radyo at telebisyon, ang tagapaglathala ng
dyaryo, magasin , komiks, at pocketbooks, ang prodyuser ng pelikula, awit, edukasyunal na video,
pangmusikang video, at ang lumikha ng estruktura at painting. Sa ilang aklatan, may koleksyon din ng
iba’t ibang midya na maaaring mahiram.
Ang pangmadlang midya ay nahaharap sa malaking isyu ng kredibilidad at pagiging katiwa-
tiwala kahit itinuturing itong pang-apat na estado ng lipunan na nagbabantay sa gobyerno, sagana sa
bago at kawili-wilin para sa mga palabas, Hindi maiiwasang isipin kung kaninong interes ang
kinakatawang ng pangmadlang midya, partikular na ang mga impormasyong ipanapahayag dito, ang
pamamaraan

ng pamamahayag, ang mga simbolikong representasyon pinipili para sa mga palabas, at ang
komersyalisadong oryentasyon ng mga palabas. Sabi nga ni Chomsky sa kanyang aklat na Necessary
Illussions, ang midya ay nagsisilbi sa kapangyarihan ng estado at negosyo, at sumusuporta sa mga
establisadong prebilihiyo ng iilan at naglilimit sa pagbabalitaktakan at talakayan.

16

You might also like