You are on page 1of 16

Pagpoproseso ng

Impormasyon sa
Komunikasyon
Panimula
 
Naglalaman ang modyul na ito ng mga paksang makatutulong sa patuloy
na pag-unlad ng Wikang Filipino sa kabila ng dinaranas na pandemya.
Gayundin, sumasabay sa makabagong paraan ng pagkatuto sa
pamamagitan ng birtwal na klase o self-directed learning. Ang
pagkatutong ito ay lilikha ng kasaysayang magpapatuloy sa pagmamahal
sa wikang Filipino sapagkat ang pagkatuto ay walang hanggan.
Kinakailangang magsagot ng mga mag-aaral ng mga gawaing nakapaloob
sa modyul na ito upang masukat ang natutuhan. Inaasahang maipasa ito
sa napagkasunduang takdang-araw at oras ng mga mag-aaral at guro.
Tiyak na Layunin
  1. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng pagpili ng batis ng impormasyon,
pagbabasa at pananaliksik, at pagbubuod at pag-uugnay –
ugnay ng mga impormasyon.

2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng Wikang Filipino


bilang isang mabisang wika sa pag poprosesong
impormasyon para sa komunikasyon.
Tiyak na Layunin
 
3. Maipaliwanag ang kabuluhang gamit ng
pagbubuod at pag-uugnay-ugnay ng mga
impormasyong nabasa o napanood.

4. Makabuo ng sariling pagsusuri na may kritikal


na pag-iisip batay sa impormasyon.
Unang Paksa

Pagpili ng Batis
(Source) ng
Impormasyon
Kahulugan
Batis
Source o pinagmulan ng impormasyon. Ang batis (source)
ay mahalaga lalo na sa aspeto ng edukasyon at paggawa ng
pormal na kasulatan.
Impormasyon
Mga kaalaman na nakalap mula sa mga nababasa,naririnig,
napapanood, o nararamdaman na napoproseso ayon sa
sariling karanasan,mga representasyon o interpretasyon.
Mga  halimbawa na maaaring batis
Aklat
Pahayagan
 Dokumento ng pamahalaan Artikulo
 Internet
 Pananaliksik
 Anunsyo
 Panitikan
 Larawan
 Encyclopedia
 Dyornal
Ang pagpili ng batis o mga sources ng
impormasyon ay matatalakay sa mga
sumusunod:
1.naririnig, nababasa, napapnood o
nararamdaman.
2.nabubuo sa kaisipan o representasyon
at interpretasyon.
3.Pananaw,kuro-kuro,datos, direksyon,
kaalaman, kahulugan, at persepsyon.
4.karanasan.
5.makabagong teknolohiya.
Ang mga batis ng impormasyon o
sanggunian ay makakategorya sa
tatlo: ang pang-apat na tatalakayin
ay hindi kategorya, kundi isang uri
ng lokasyon o midyum
• Hanguang primarya
ng mga
hanguan.
• Hanguang sekondarya
• Hanguang tersyarya
• Hanguang Elektroniko
Hanguang Primarya
-ito ang mga hanguang pinagmumulan ng mga raw data, ‘ika
nga. Sa Kasaysayan, halimbawa, kinapapalooban ito ng mga
dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa, mga bagay-
bagay, mapa, maging kasuotan. Sa Literatura o Pilosopiya,
ilan sa mga hanguang primarya ay ang tekstong pinag-
aaralan at ang mga datos ay ang mga salitang nakalimbag sa
bawat pahina. Sa mga nabanggit na larangan, bihirang-
bihirang makasulat ng papel nang hindi gumagamit ng mga
hanguang primarya.
Halimbawa
Mga indibidwal,awtoridad
Mga grupo o organisasyon tulad ng
pamilya,asosasyon ,samahan,
simbahan,at gobyerno.
Mga pampublikong kasulatan at
dokumento.
Hanguang Sekondarya
Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat na gumamit ng
mga datos mula sa mga hanguang primarya. Sinulat ang mga
ito para sa mga iskolarli at/o propesyonal na mambabasa.
Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-
iwanan sa kani-kanilang larangan at upang magamit ang mga
datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay
pagpapabulaan. Maaari ring magamit ang mga datos mula
sa mga hanguang sekondarya upang suportahan ang mga
argumento.
Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya,
taunang- ulat o yearbook,almanac at atlas
Mga nalathalang artikulo sa
journal,magazine,pahayagan, at newsletter.
Mga tisis,disertasyon at pag aaral mg pisbiliti.
Mga monograph,manwal, polyeto,manuskrito
at iba pa.
Hanguang Tersyarya
Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na
lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang
hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang mga
aklat at artikulo sa ensayklopidya at publikasyong para
as sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa pamilyar sa
paksa. Ngunit, kung gagamitin ang mga datos mula sa
mga hanguang tersyarya upang suportahan ang isang
iskolarling argumento, maaari iyong hindi mapanaligan.
Hanguang Elektroniko
Dati-rati, hindi nagtitiwala ang mga mananaliksiik sa ano mang
datos na matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo ngayon.
Maging ang mga akademiko ay umaasa na ngayon sa Internet
upang maakses ang mga hanguang pang-aklatan, mga ulat ng
pamahalaan at iba pang database, mga tekstong primary amula sa
reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging iskolarling
dyornal na abeylabok online. Ang mga datos na ito ay magagamit
at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na
counterpart.
Ang Internet
ay maihahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari na
walang laybraryan. Marami ang nagpo-post sa Internet tungkol sa ano mang
paksang kanilang kinawiwilihan o mapagkakakitaan nang walang nagwawasto ng
kanilang katapatan o katumpakan. Dahil dito, totoong maraming datos ang
makukuha sa Internet. Ang problema, hindi lahat ng datos mula sa Internet ay
mapagkakatiwalaan. Kaya nga, ang payo nina Booth, et al. (2008): Gamitin ang
Internet kung ang hanguan ay primarya. Halimbawa, kung nais malaman ang
reaksyon ng mga manonood sa mga soap opera, ang mga fan blog ay maituturing
na hanguang primarya. Iwasan ang Internet para sa mga hanguang sekondarya,
lalo na sa mga tersyarya, liban na lang kung maipakikita sa mga mambabasa na
ang hanguang mula sa Internet ay mapagkakatiwalan.
 

You might also like