You are on page 1of 69

I.

HANGUANG

PRIMARYA
Ito ang mga hanguang  pinagmumulan ng mga raw
data,ika nga. Sa kasaysayan,halimbawa,kinapapalooban ito
ng mga dokumento mula sa panahon o taong
pinapaksa,mga bagay-bagay,mapa maging kasuotan. Sa
Literatura o Pilosospiya, ilan sa mga salitang
makalimbang sa bawat pahina. Sa mga nabanggit na
larangan, bihirang-bihirang makasulat ng papel nang
hindi gumagamit ng mga hanguang primarya.
II. HANGUANG

SEKONDARYA
Ito ay ang mga ulat nagumagamit ng mga datos
mula sa mga hanguang primarya. Sinusulat ang
mga ito para sa mga iskolarli at/o propesyonal na
mambabasa. Binabasa ito ng mga mananaliksik
upang hindi mapag-iwanan ang mga datos mula sa
mga hanguang sekondarya upang suportahan ang
mga argumento.
III. HANGUANG

TERSYARYA
Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom

at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa
pangkalahatang mambabasa. Ang mga aklat at artikulo sa
ensaklopedya at mga publikasyong para sa sirkulasyong
pangmasa ay nabibilang sa kategoryang ito. Maaring gamitin
ang mga hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa.
Ngunit,kung gagamitin ang mga datos mula sa mga hanguang
tersarya upang suportahan ang isang iskolarling
argumento,maari iyong hindi mapanaligan.
IV. HANGUANG

ELEKTRONIKO
Dati-rati, hindi nagtitiwal ang mga mananaliksik sa ano

mang datos na matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo
ngayon. Maging ang mga akademiko ay umaasa na ngayon sa
Internet upang maakses ang mga hanguang pang-aklatan, mga
ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga tekstong
primarya mula sa reputableng tagapaglatha;a, pahayagan, maging
mga iskolarling dyorlan na abeylabol online. Ang mga datos na
ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang
mga nakalimbang na counnterpart.
Booth et al.(2008)

Gamitin ang Internet kung ang hanguang ay primarya.
Halimbawa, kung nais malaman ang reaksyon ng mga manonood
sa mga soap opera, ang mga fan blog ay maituturing na
hanguang primarya. Iwasan ang Internet para sa mga hanguang
sekondarya, lalo na sa mga tersarya, liban nalang kung
maipapakita sa mga mambabasa ang hanguang mula sa Internet
ay mapagkakatiwalaan.
Sa mga larangan ng Araling Literari, Sining at

Kasaysayan, ang mga hanguang primarya ay mga orihinal na
akda tulad ng talaarawan,manuskrito,imahen,pelikula,iskrip ng
pelikula,rekording,paglalapat ng musika sa pelikula at iba pa.
Nagpoprobayd ang mga ito ng datos sa anyong salita,imahen
at tunog na magagamit bilang ebidensyang pansuporta sa
mga katwira. Sa mga larangang ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makahahango ng mga impormasyon sa hanguang
ito (Tubrabian,2008).
I.Upang makakuha ng pamalit sa

mga ‘di abeylabol na hanguang
primarya
Inuulat ng mga hanguang sekondarya ang mga datos na
matatagpuan sa mga hanguang primarya. Halimbawa, ang isang aklat
tungkol sa global warming ay nag-uulat ng mga datos tungkol sa
klima mula sa mga hanguang primarya. Upang magamit ang datos na
iyon at upang maiwasan ang misqoutation o quotation out of context
o maling paggamit ng datos, kailangang hanapin ang hanguang
primaryang pinaghanguan ang hanguang sekondarya. Kung magagawa
ito ay lalong makabubuti. Kung hindi at ipinapahintulot naman ng
pagkakatanon o ng sitwasyon o ng taong pinaglalaanan ng ulat, maari
nang iulat ang datos mula sa hanguang sekondarya.
II.Upang malaman kung

ano na ang naisulat na
ng iba tungkol sa paksa.
Pinakamabisang paraan ng pag-alam kung ano ang
sinasabi ng iba tungkol sa isang paksa ang
pagbabasa ng mga hanguang sekondarya. Sa pag-
aaral ng mga argumento ng ibang manunulat tungkol
sa isang paksa, magpapatibay ang sariling argumento
tungkol doon sa pamamagitan ng a) pag-alam kung
aling bagay ang importante sa mga eksperto sa
larangang iyon, at b) pag-alam sa mga estandard na
pananaw na tinatanggap ng nakararaming tao sa
larangan.
III. Upang tumuklas ng mga
modelong magagamit
 sa
pagsulat ,pag-uulat at
pagpapalakas ng argumento.
Magagamit ang mga hanguang sekondarya hindi lamang upang
matuklasan kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa paksa, kundi
maging kung paano nila iyon sinulat. Matapos basahin ang mga
hanguang sekondarya, maimomodelo ang sariling paraan ng
pagsulat/pag-uulat sa mga iyon. Kung karamihan sa mga hanguan ay
gumagamit ng headings, tsart at bulletin points, maaring ikonsider ang
paggamit din ng mga iyon. Kung hindi naman iyon ginagamit sa mga
hanguan, makakabuting hiwang na ring gamitin sa pagsusulat o pag-
uulat. Pansinin din ang ibang bagay tulad ng lenggwahe (Teknikal ba
o Ordinaryo?), talataan (Mahahaba o maiikli?), kung paano ginagamit
ang ibang hanguan (Quotation o Paraphrase?)
Pagtutuunan din ng pansin ang mga uri ng ebidensyang
ginamit ng karamihan maging ang uri ng ebidesyang bihira o hindi
ginagamit. Minomodelo rin sa mga hanguang sekondarya ang sariling
argumento. Halimbawa, paano inilalahad ang mga kwento ng comfort
women!
IV. Upang tumuklas ng
mga taliwasna punto de
bista.
Magagamit ang punto de bisita sa pagpapalakas
ng sariling argumento. Hindi mauunawaan nang lubos ang
isang pananaw hangga’t hindi nauunawaan kung paano
ang isang rasyonal na nilalang ay nagiisip nang taliwas
doon.Kaya sa paghahanap ng batis o hanguan, sikaping
makahanap hindi lamang ng mga sumusuporta sa sariling
pananaw, kundi maging ng mga tumataliwas doon.
I. Ang hanguan ba ay

nilathala ng reputableng
tagalimbag?
Karamihan ng mga university press ay
relayabol, lalo na kung kilala ang pangalan ng
unibersidad. Ang ilang komersyal na manlilimbang
ay relayabol lamang sa ilang larangan. Maging
iskeptikal sa mga komersyal na aklat na may mga
sensational claim kahit pa ang awtor ay may Ph.D.
pagkatapos ng kaniyang pangalan.
II. Ang aklat o artikulo

ba ay peer-reviewd?

Kumukuha ng mga eksperto ang karamihan
ng mga reputableng tagalimbag at dyornal upang
rebyuhin ang isang libro o artikulo bago nila
iyon ilathala. Peer review ang tawag dito. Kung
ang publikasyon ay hindi nagdaan dito, maging
maingat sa paggamit niyon.
III. Ang awtor ba ay

isang reputableng
iskolar?

Mahirap itong masagot kung ang
mananaliksik ay bago lamang sa larangan.
Karamihan ng publikasyon ay nagtatala ng
akademik na kredensyal ng awtor sa mismong
aklat. Maari ring matagpuan sa Internet ang
kredensyal ng reputableng awtor.
IV. Kung ang hanguan ay
matatagpuan online lamang,
inisponsoran ba iyon ng isang
reputableng organisasyon?

Ang isang web site ay kasingrelayabol lamang
ng isponsor niyon. Madalas, mapagkakatiwalaan ang
isang site na inisponsor at mine-maintain o
pinapangasiwan ng isang reputableng organisasyon o
mga indibidwal.
V. Ang hanguan ba ay

napapanahon?

Ang pagkanapapanahon ang isang hanguan
ay depende sa larangan. Ang publikasyon sa
humanidades ay may mas mahabang buhay.
Halimbawa, sa pilosopiya ang mga hanguang
primarya ay napapanahon sa loob ng daan-taon,
samantalang ang mga hanguang sekondarya sa
loob ng ilang dekada.
VI. Kung ang hanguan
ay aklat

(maging artikulo),
mayroon ba iyong
bibliyograpiya?

Kung mayroon, itinala ba sa bibliograpiya
ang mga hanguang binanggit sa mga pagtalakay?
Sapat ba nag mga kailangang datos sa talaan?
Kung wala, o , hindi magduda ka na sapagkat wala
kang magiging paraan upang ma-follow up (at ma-
verify) ang ano mang binanggit sa hanguan.
VII. Kung ang hanguan ay
isang web site, kakikitaan

ba iyon ng mga
biblyograpikal na datos?

Sino ang nag-iisponsor at nangangasiwa ng site?
Sino ang nagsusulat ng ano mang naka-post doon?
Kailan iyon nilathala? Kailan huling in-update ang
site? Mahalaga ang mga nabanggit na datos para
sa layunin ng pagtatala ng mga sanggunian sa
pananaliksik.
VIII. Kung ang hanguan ay
isang website, naging

maingat ba ang pagtalakay
sa paksa?

Huwag magtiwala sa mga site na mainit sa
nakikipagtalo kahit pa ang adbokasiya, umaatake
sa mga tumataliwas, gumagawa ng mga wild claim,
gumagamit ng mapang-abusong lenggwahe, o
namumutiktik sa mga maling spelling, bantas at
gramatika.
IX. Ang hanguan ba ay
positibong nirebyu ng

ibang mananaliksik o
iskolar?

Ano ang sinasabi ng ibang mananaliksik o iskolar
hinggil sa hanguan? Positibo ba o negatibo? Kung
negatibo ang rebyu ng ibang mananaliksik o
iskolar, malamang ay gayon din ang
kahahantungan ng iyong ulat o papel mo kung
gagamitin mo iyon.
X. Hanguan ba ay

madalas na binabanggit
o sina-cite ng iba?

Matatantya kung gaano kaimpluwensyal ang isang
hanguan sa kung gaano kadalas iyong sina-cite ng
ibang awtor at mananaliksik

Ginagawa ang pagbubuod upang iulat ang
impormasyon mula sa isang hanguan. Hindi
sinasama sa isang mahusay na buod ang mga
detalye, mas maikli ito sa orihinal. (Turabian,2008)

Kailangang tiyaking ang buod ay maikli,
naguugnay sa puntong itinutulak at
makatwiran.(Turabian,2008)

1)Magbuod lamang kung mauunawaan ng
tagapakinig/mambabasa ang impormasyon nang
hindi nila nalalamang ang detalye.Kung higit pa
sa buod ang kanilang kailanagn, hindi buod ang
kalilangang gawin. Maaring qoutation o kaya’y
paraphrase ng impormasyon ang kailangang
gawin.

2.)Pagpasyahan kung bakit ang impormasyo ang
kailangang gawin argumento. Anong rason ang
sinusoportahan niyon? Ano ang naitutulong niyon sa
pagsuporta sa rason?

3.)Piliin ang mga pinakaimportanteng
pangungusap sa hanguan na pinakanauugnay sa
isang espespikong bahagi ng argumento. Madalas,
magpokus sa mga rason. Ngunit, kung gagamitin
ang buod bilang ebidensiya,piliin ang
pinakaimportanteng mga ulat ng ebidensya.

4.)Iparapreys ang mga pangungusap. Ilista ang
mga parapreysayon sa pagkakasunod-sunod sa
orihinal
5.) Magdagdag ng ibang impormasyon na maaring

kailangan ng tagapakinig/mambabasa upang
akyureyt na maunawaan nila ang sinasabi ng
hanguan. (Hindi namin hinihikayat ang paggawa ng
tagubiling ito sadyang kailangang gawin ito,
kailangang maging napakaingat nang maiwasan ang
pagdaragdag ng impormasyon sa buod na hindi
naman sinasabi sa orihinal)

6.) Ireserba upang ang listahan ng parapreys
ay maging maayos na daloy ng impormasyon
sa talataan.
1. KWL chart

Ginagamit ito upang ilahad ang mga
impormasyong dati nang alam(know), nais
malaman (want), at natutunan(learn).
2. Venn diagram

Ginagamit ito upang ilahad ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawa o higit pang bagay o paksa.
3. Story sequence

Ginagamit ito upang tukuyin ang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari mula sa simula, gitna at
wakas.
4. Story ladder

Katulad ng story sequence, ginagamit ito
upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari mula sa simula, gitna at
wakas. Sa organizer na ito, isinasaayos ang
mga pangyayari sa anyong hagdanan.
5.Timeline

Kahawig ng dalawang nauna,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
ang itnampok dito. Ang kaibahan lamang,
tinutukoy ang panahon kung kailan
naganap ang bawat pangyayaring madalas
ay totoo.
6.Story pyramid

Ginagamit ito upang lahad ang mga
importanteng impormasyong sa isang
kwento katulad ng mga pangunahing
tauhan, tagpuan at mahahalagang
pangyayaring bumubuo sa banghay.
7. Flow chart

Ginagamit ito upang ilarawan ang
pagkakasunod-sunod o daloy ng mga
hakbang o proseso mula sa nauna
hanggang sa huli. Tinatawag din itong
sequence chart.
8.Concept map

Ginagamit ito upang ilarawan ang
ugnayan ng mga konsepto o ideya.
Tinatawag din itong conceptual
diagram.
9. Cluster map

Ginagamit ito upang ilarawan ang
isang sentral na ideya at ang mga
sumusuportang konsepto o datos.
10. Cause and Effect T-chart

Ginagamit ito upang ipakita ang
mga impormasyong tumutukoy sa
sanhi at bunga.
11. Problem and solution chart

Gumagamit ito upang ipakita ang
mga impormasyong tumutukoy sa
problema at mga solusyon.
12. Main idea and details chart

Ginagamit ito upang isa-isahin ang
mga pangunahing ideya at ang mga
sumusuportang detalye. Nakahawig ito
sa isang balangkas o outline.
13. Organizational chart

Ginagamit ito upang ilarawan
ang hiyerkiya sa isang
organisasyon.
14. Fact and opinion chart

Ginagamit ito upang paghiwalayin
ang mga impormasyong katotohanan
at opinyon.

Ang mga impormasyon ng
nakakalap,nabasa, narinig o napapanood
mula sa ano mang hanguan, lalong-lalo na
mula sa mga hanguang elektroniko ay
hindi dapat tinatanggap kara-karaka na
lamang.

You might also like